His Maid Stripper (Hooker Ser...

By yurikurama24

5.4K 135 3

Blurb Masayahin at hindi kakikitaan ng problema, iyan si Tamar Persimmon Rodriguez. Sa simpleng buhay ay kont... More

Prologue
Chapter 1
Chapter 2
Chapter 3
Chapter 4
Chapter 5
Chapter 6
Chapter 7
Chapter 8
Chapter 9
Chapter 10
Chapter 11
Chapter 12
Chapter 13
Chapter 14
Chapter 15
Chapter 16
Chapter 17
Chapter 18
Chapter 19
Chapter 20
Chapter 21
Chapter 22
Chapter 23
Chapter 24
Chapter 25
Chapter 26
Chapter 27
Chapter 28
Chapter 29
Chapter 30
Chapter 31
Chapter 33
Chapter 34
Chapter 35
Chapter 36
Chapter 37
Chapter 38
Epilogue

Chapter 32

110 3 0
By yurikurama24

Chapter 32

Paglabas pa lang nila ng paliparan ay sinalubong agad sina Madam Soraya nina Bruno at Kristan.

"Tamar, si Bruno at Kristan nga pala. Mga tauhan ko sa club. Alam mo naman ang pinagkakakitaan ko di ba? Pero mababait ang mga iyan. Pwede mo silang tawaging kuya. Pag may kailangan ka at nakita mo sila. Magsabi ka lang sa dalawa."

"Okay po madam, maraming salamat po. Ako po si Tamar," ulit pa ni Tamar sa pangalan niya.

"Hi/ Hello," sabay na bati pa ni Bruno at Kristan.

"Ako na ang magdadala ng gamit mo madam, at ng sa iyo din Simmon," nakangiting wika ni Bruno na ikinakunot noo ni Tamar.

"Madam, bakit po Simmon ang tawag ni Kuya Bruno  sa akin, ay Tamar naman po ang pakilala ko di ba?" naguguluhang tanong ni Tamar ng biglang may pumapasok na malabong pangyayari sa isipan niya na hindi niya maunawaan.

"Madam, sumasakit po ulo ko," usal niya at mabilis naman siyang inalalayan ni madam. Si Kristan na ang nagdala ng gamit nila sa kotse.

Mula sa ilang minutong pahinga ay medyo umayos na rin ang pakiramdam ni Tamar.

"Napagod po siguro ako sa byahe. Pasensya na po. Pero wag na po ninyong sabihin kay doktora. Baka po mag-alala pa iyon ay ayos lang naman po ako."

"Sigurado ka?"

"Opo," sagot niya ng maalala ang pangalan na tinawag sa kanya ni Bruno. "Kuya, bakit po Simmon ang tawag mo sa akin?"

Alam na rin naman ni Bruno at Kristan ang tunay na pangalan ni Tamar. Kaya lang ay nasanay na sila na tawagin itong Simmon.

"Iyon ba? Alam mo ba ang tunay mong pangalan," anito kaya napatango si Tamar. "Simmon kasi Persimmon, maganda di ba? Isa pa naikwento ka na sa amin ni madam kaya naman alam naming ikaw si Simmon at si Tamar ay iisa."

"Sabagay po. Pangalan ko nga din po pala iyon," masiglang sagot ni Tamar kaya naman napangiti si Bruno at Kristan.

Naaawa sila sa kalagayan ni Tamar na kahit ang sarili nito ay hindi nito maalala. Pero mas naaawa sila sa dalaga dahil pati ang anak nito ay nakalimutan nito.

Pagdating nila ng Club Solteria ay tinungo nila ang likurang bahagi noon. May maliit at simpleng bahay na doon si Madam Soraya. Doon na rin nito patitirahin si Tamar. Hindi kasi niya pwedeng isama si Tamar sa loob ng Solteria, kasama ng iba.

"Madam nadala ko na ang gamit ni Simmon sa kwartong gagamitin niya," wika pa ni Kristan.

"Aalis na kami madam. Simmon, pag may kailangan ka o gustong gawin, hanapin mo lang kami," bilin pa ni Bruno bago nagpaalam sa kanilang dalawa ni Madam.

"Magpahinga ka muna Tamar. Ako ay matutulog din muna. Mamayang gabi ay busy na rin sa club kaya matulog muna tayong pareho. Hmm."

"Opo madam, salamat po ng madami."

Samantala, nasa library sina Alarik, at ang tatlong kaibigan nito kasama ang doktor na siyang may hawak ng resulta ng DNA test ni Alarik at Alrick. Nasa kwarto naman ang sanggol at pinapatulog ng yaya nito.

"Doc, ano po ang resulta?" kinakabahang tanong pa ni Alarik. Kahit malamig naman ang buong kwartong iyon ay pinagpapawisan si Alarik.

"Halata ang kaba mo ah. Akala ko ba gusto mo lang ng confirmation kung totoo anak mo si Alrick. Pero bakit ganyan kang pagpawisan," bulong pa ni Harry sa kanya.

"Pero paano kung hindi siya akin? Parang sa mahigit isang buwan na nandito si Alrick ay napamahal na sa akin ng sobra ang sanggol," medyo napalakas na sagot ni Alarik na bahagyang nagpatawa kay Lindon at Arnold.

"Ang labo, kung mahal mo na iyong bata kahit hindi sayo, good for him. Tawagan mo ang abogado mo for legal adoption. Kung anak mo naman dugo at laman, aba ay magsimula na rin tayong hanapin ang ina kung saan ito napunta at kung ano ang nangyari dito. Kung bakit nasayo ang anak ninyo at hindi siya kasama ng dumating si Alrick sa buhay mo."

Napabuntong hininga si Alarik. Tama naman ang sinabi ni Lindon. Bakit ba siya kakabahan sa magiging resulta. Kung ano man iyon ay tatanggpin niya ng buong puso.

Iniabot ng doktor ang envelope na naglalaman ng resulta. Nanginginig pa ang kamay ni Alarik ng buksan iyon.

"99. 999% positive for paternal test. Ibig sabihin anak mo nga si Alrick," sabay-sabay na wika pa ng tatlo.

Kahit pala inaasahan mo na, iba pa rin pala talaga sa pakiramdam iyong may hawak kang ebidensya ng hinala mo.

"Congratulations bro, tatay ka na," sabay tapik ni Lindon sa kanyang balikat.

"Congrats bro, talagang ninong ako ng anak mo," ani Arnold at nakipagkamay pa sa kanya.

"Grats, bro, hanapin na natin ang nanay niya," birong totoo ni Arnold ng napailing na lang si Alarik.

"Buti tatlo lang kayong kaibigan ko, kasi ano kaya ang sasabihin pa ng pang-apat?"

Napatawa din naman ang tatlo niyang kaibigan ng marealize ang kanilang mga sinabi.

"Pero kahit nararamdaman ko na talagang sa akin siya. Iba pa rin pag-alam mo talagang totoo na sayo siya. Sobrang saya sa pakiramdam na anak ko nga si Alrick," aniya na hindi niya mapigilan ang pagpatak ng ilang butil na luha sa sobrang kasiyahan.

"Masaya kami para sa'yo Alarik," wika pa ng tatlo at nagfist bump pa silang apat.

"Salamat po ulit dok, malaking tulong po ito sa akin na malaman na totoong anak ko ang batang basta na lang iniwan sa harapan ng gate ng bahay ko."

"Masaya ako na masaya ka sa naging resulta. Sana ay maging mabuti kang ama," bilin pa ng doktor bago ito tuluyang umalis.

"Saan tayo magsisimula?" tanong ni Arnorld ng makabalik ng library matapos ihatid sa labas ang doktor.

"Uunahin ko munang hanapin si Tamar. Sigurado naman akong si Tamar ang ina ni Alrick. Paanong hindi? Si Tamar lang naman ang nakasiping ko at wala ng iba."

"Sigurado ka?" wika pa ng tatlo.

"Mga g*go! Hindi ako katulad ninyo mga babaero."

"Maka babaero ka naman. Matitino kaya kami, mula ng malaman naming may anak ka na. Mahirap na. Baka mamaya may mag-iwan na lang din ng bata sa harap ng bahay ko. Tapos may sulat na alagaan mo ang bata dahil ikaw ang ama. Problema ko pa kung sino ang ina," natatawang sambit ni Lindon. Pero may katotohanan naman iyon, nagbago na sila. Gradute na sila sa pagiging babaero.

Pinag-usapan na rin nila kung saan unang hahanapin si Tamar. Dahil sa airport ito huling nagtungo ay doon sila magsisimulang maghanap. Gabi na ng maghiwa-hiwalay silang apat. Kahit puro lang sila pag-uusap ay nakakapagod rin pala.

Lalampasan na sana muna ni Alarik ang kwarto ng anak, ng marinig niya ang pag-iyak nito. Ang balak sana niya ay maliligo muna siya bago buhatin ang anak.  Ngunit hindi natuloy ang kanyang paglampas ng lumakas ang pag-iyak nito. Bubuksan na sana ni Alarik ang pintuan ng marinig niya ang sinasabi ni Marione. Kaya nabitin lang sa ere ang kanyang kamay.

"Tahan na munting atay. Tulog na ikaw, gusto mo bang sumama sa akin sa kusina? Nagugutom na yaya mo. Alam ko busog ka na napadede na kita. Napalitan na kita ng damit at diaper. Ay bakita ga naman naiyak pa din ang aming munting atay? Alam mo namang busy ang daddy mo, baka hindi ka noon mabuhat. Tahan na naman po ikaw. Love na love ka po ni yaya mo at ni mommy mo."

Napatingin naman si Marione sa may pintuan ng biglang itong bumukas.

"Sir! Sorry po ayaw tumahan ni munting atay. Kanina ko pa po kasi inaalo. Kaya lang mukhang ayaw niya talagang tumahan," hinging pasensya ni Marione na hindi naman pinansin ni Alarik.

"Anong sabi mo na hindi siya mabubuhat ng daddy niya, dahil pagod siya? Anong ibig mong sabihin? May alam ka ba na ako ang daddy niya? At sinabi mo pang mahal siya ng mommy niya? Paano mo nalaman? Kilala mo ba ako at ang mommy niya?"

Napalunok naman si Marione sa mga tanong na iyon ni Alarik. Hindi naman kasi niya alam na nakikinig sa labas ng pintuan ang boss niya.

Tumikhim muna siya para mawala ang bara sa kanyang lalamunan.

"Sir, akala ko po ba aampunin ninyo si munting atay, kaya naman akala ko po ay anak na ang turing ninyo sa kanya," medyo nalungkot pa ang boses Marione sa tanong niyang iyon. "Tapos tungkol po sa mommy niya, sir baka naman may malalim na dahilan ang ina ng bata kaya dito iniwan. Isa pa mayaman kayo. Baka iniisip ng nanay ni munting atay, na maaaring magkaroon ng magandang future ang kanyang anak kung maiisipang ampunin ng isang mayaman. Kaya naman sa inyo iniwan. Di po ba mother's love pa rin ang tawag doon?"

Habol hiningang paliwanag ni Marione na sana ay bumenta kay Alarik.

Napahugot naman ng malalim na paghinga si Alarik bago ito lumapit kay Marione at kinuna si Alrick at siya na ang nagbuhat.

Para naman, uling na pinunasan ang pag-iyak ni Alrick ng mabuhat ito ng kanyang ama. Nandoon pa rin ang mumunting paghikbi. Pero hindi na talaga umiiyak.

"Sorry sa sinabi ko kanina. Nabigla lang ako. Sa totoo kanina kausap ko ang doktor na kumuha ng DNA sample sa aming dalawa."

"Nagpa DNA po kayo? Bakit hindi ko alam?"

"Sino bang amo?"

"Kayo po."

"And?"

"Sabi ko nga po ang daldal po kasi ng bibig ko. Napatanong lang naman po. Wala pong masama. Ano pong resulta?" tanong pa ni Marione habang kinakausap ng kaliwa niyang utak ang kanan niyang utak. "Malamang mag-ama sila. Makatanong ka pa."

"Ayon nga, at dahil pa sa coincidence kasi ng pangalan namin. Isa pa habang lumalaki si Alrick nagiging kamukha ko siya. Kaya nagduda na ako. And it turns out na ako talaga ang ama niya," paliwanag ni Alarik na ikinasinghap ni Marione.

"Totoo sir? Ibig sabihin hindi na lang pala ninyo basta, aampunin si munting atay kasi totoong ikaw ang tatay niya. Ang galing naman po. Ay nasaan po si Tamar?"

Napatakip naman ng bibig si Marione dahil na rin sa gulat sa kanyang sinabi. Gusto tuloy niyang tuktukan ang sarili dahil sigurado siyang narinig ni Alarik ang kanyang sinabi, lalo na at hindi na umiiyak si Alrick na ngayon ay mukhang nakatulog na.

"Pakiulit ng sinabi mo?" may panunuri pa nitong tanong.

"Sir, sabi ko po kung alam po ninyong anak ninyo si munting atay nasaan po ang kanyang ina?"

"Hindi iyan ang sinabi mo. Ang pagkakasabi mo ay nasaan po si Tamar."

"Sir hindi ah, Sino po si Tamar?"

May kompiyansang tanong ni Marione at tinitigan pa nito si Alarik sa mata. Napabuntong hininga na lang si Alarik dahil sa tingin niya ay nagkamali nga yata siya ng rinig.

"Sige na, baka nga pagod ako. Narinig kong nagugutom ka na. Pwede kang magluto or magpadeliver. Kakain na lang din ako mamaya pagkatapos mo. Kaya idamay mo ako kung ano ang ipapadeliver mo o kung ano ang lulutuin mo. Ako na muna ang bahala dito sa anak ko sa kwarto ko na lang muna kami," ani Alarik at iniwan na muna si Marione sa kwartong iyon.

Pagdating ni Alarik sa kwarto niya ay hindi niya tuloy maipaliwanag ang emosyon na bigla na lang sumibol sa kanyang puso. Hindi niya mapigilan ang pagluha, kasabay ng pagsisisi na pinabayaan niya ang kanyang mag-ina. Hindi tuloy niya alam kung saan hahanapin si Tamar. Kung nasa maayos ba itong kalagayan.

"Oh! God!" hindi niya mapigilang bulalas ng maisip ang iba pang pwedeng mangyari kay Tamar.

Nang maibaba niya sa kama si Alrick ay doon mas lalong bumuhos ang kanyang mga luha sa sobrang pag-aalala kay Tamar.

"Wag po sana Ninyong ipahintulot ang aking kahinaan. Hindi ko kaya. Hindi ko kayang mawala sa akin si Tamar. Hayaan po ninyo akong makita siya at makabawi sa kanya. Bigyan lang po sana ninyo ako ng isa pang pagkakataon. Itutuwid ko ang mali ko, aalagaan ko si Tamar mamahalin at bubuo kami ng pamilya na magkakasama. Pakakasalan ko siya. Ingatan po Ninyo ang babaeng mahal ko."

Taimtim niyang dasal na sana ay pakinggan ng Poong Maykapal.


Continue Reading

You'll Also Like

3.1M 188K 61
As far as she remembers, she's the obsessed one. Laila does some crazy things while secretly fangirling over the campus semi-cal cutie, Asher James P...
4.3M 246K 64
She may be beautiful, but she is aware that she's quite the airhead and is pretty dense. As such, Vivi masks her weaknesses behind a snobby and haugh...
7.9M 235K 57
Rogue Saavedra, the arrogant city's young billionaire, becomes stranded on an unknown island. There he meets an illiterate jungle woman, Jane, who is...