The Trouble with the Rule

By iDangs

37.4M 1M 420K

Teen Clash (New Generation): An ordinary school with ordinary students following an ordinary rule. What's the... More

The Trouble with the Rule
Prologue
Chapter 1: New Generation
Chapter 2: The Groups
Chapter 3: The New Girl
Chapter 4: Bring it on
Chapter 5: Another Dilemma
Chapter 6: The Punishment
Chapter 7: Attention seeker
Chapter 8: Deadline
Chapter 9: Vacation
Chapter 10: Complicated
Chapter 11: Fixing things
Chapter 12: I like you
Chapter 13: Creating walls and burning bridges
Chapter 14: Never too late
Chapter 15: Reaching out
Chapter 16: Second, third, fourth, fifth
Chapter 17: Fantastic Four
Chapter 18: Question and Answer
Chapter 19: Hunter the Rebel
Chapter 20: Curiosity
Chapter 21: Matter of timing
Chapter 22: Tamara Sartori
Chapter 23: Spy
Chapter 24: Something new
Chapter 25: Save paper
Chapter 26: Another punishment
Chapter 27: Groupless
Chapter 28: Stay or Quit
Chapter 29: Bestfriend
Chapter 30: Badtrip
Chapter 31: I hate drama
Chapter 32: Internal Battle
Chapter 33: Secret Affair
Chapter 34: Welcome to my life
Chapter 35: Two generations
Chapter 36: Sa ngayon..
Chapter 37: Protective Friends
Chapter 38: Kick out
Chapter 39: A mystery
Chapter 41: First aid
Chapter 42: Thank you
Chapter 43: Pikon
Chapter 44: Busted
Chapter 45: Shooting Star
Chapter 46: Best Bestfriend
Chapter 47: Cheesecake
Chapter 48: Weird people
Chapter 49: Tammy
Chapter 50: Hindi ko sinasadya
Chapter 51: Crazy
Chapter 52: Almost perfect guy
Chapter 53: Unsure feelings
Chapter 54: Hunter the Joker
Chapter 55: Turn of events
Chapter 56: Resbak
Chapter 57: Worse
Chapter 58: Prefect of Discipline
Chapter 59: Glue
Chapter 60: Solution
Chapter 61: First step
Chapter 62: One more day
Chapter 63: Last straw
Chapter 64: Worth it
Chapter 65: Growing up
More Info.
Book 2 and Other Stories
The Trouble with the Rule Book

Chapter 40: Riot

370K 14.2K 5.8K
By iDangs


Nate's POV


Nakapaikot ang mga estudyante at mukhang may nangyayari sa gitna. Kaya kahit sobrang sikip ay nakigitgit kaming apat. Kung sinu-sino na ang natutulak ko makadaan lang.

Nang makarating kami sa harap ng mga nakikiusyoso, nakita ko si Piper at Hunter pati ang isang lalaki sa gitna.

"Gago ka ba?" sabi ng isang rebel.

"Magsorry ka," inis na sabi ni Hunter.

"Bakit ba pinagpipilitan mo? Nabunggo ko siya, nalaglag ko libro niya, nasira ko ibang pahina at naapakan kita kaya natapon ko ang hawak kong inumin sa 'yo. Ano naman?"

"Are you nuts? Ano naman? You ask us ano naman? What if gawin namin lahat ng 'yon sa 'yo then we'll ask you, ano naman? Matutuwa ka ba? Just say sorry. It isn't a big deal. Nag-iinarte ka lang. Kung nag-sorry ka na simula pa lang then we're done here."

Minsan talaga hindi ko alam kung matutuwa o matatakot ako sa pagiging palaban nitong si Piper eh. Lalaki 'tong inaaway niya. Liit liit niya kapag pinatulan siya nito baka masaktan lang siya.

"It's you who's making a big deal out of this, Pipes. Pwede namang palagpasin nalang pero ayaw mo. Sabagay, you always want to get into trouble. Feeling mo kasi forever bida ka. Feeling mo you're so important. News flash, girl. Feeling mo lang 'yon. The world doesn't revolve around you."

Masyado talagang mapapel 'tong si Elle. Kung hindi lang talaga 'to babae.

"Oh, you're here pala. I haven't noticed you, hindi kasi importante existence mo. Anyway, since you're badly craving for my attention, bibigay ko sa 'yo 'yon." She smiled sweetly at her pero halatang iba ang nasa utak niya. "Stay out of this, bitch. We're not even talking to you. Feeling mo na naman kasali ka? No, you're not. We don't need you here. Get a life. Hindi 'yong nakikisali ka sa ibang gulo. Get lost."

"Bitch."

Sasampalin niya si Piper kaya lang masyadong mabilis ang pangyayari kaya nakita ko na lang si Hailey na nasa harap ni Piper at hawak ang kamay ni Elle.

"You don't even have the right to talk or touch any of us. Ikaw 'tong sumasamba sa rule and you yourself just broke it."

"You're a nobody. Lumayas ka nga dito. Hindi ka naman - "

"I'm her bestfriend. No one messes with my bestfriend."

"Oh, really? Matatakot na ba dapat ako? Ooooh. So scary." Tumawa pa siya at mas lumapit kay Hailey, "Don't act so heroic and all. Admit it, loser.. nagtatago ka lang sa likod ng mga kaibigan mo kasi hindi mo kaya ng ikaw lang."

"Ikaw ba ang pinag-uusapan natin dito? Huwag mo namang patamaan ang sarili mo." Napangisi si Hailey at saka tinaasan ng kilay si Elle, "Ikaw ang nagpapakabayani sa pagprotekta sa rule na sinasamba mo. Ikaw ang talunan kaya gumawa ka ng paraan para mapabalik kami sa kaniya kaniya naming grupo. Ikaw ang nagtatago sa likod ng grupo mo kasi hindi mo kayang mag-isa. Kapag wala ka sa grupo mo, wala ka. Ay, teka lang. Ganoon ka pa rin nga pala 'di ba? You're just a nobody acting so high and mighty."

"What the - "

May pumunta ulit sa gitna na isang babae. Kung hindi ako nagkakamali, siya ang pumalit na leader ng Nerds.

"Sayang ka, Hailey. Tinatapon mo ang future mo para sa mga taong 'yan?" tiningnan niya si Piper at Hunter na parang nandidiri. "May ginawa ba kaming hindi maganda para umalis ka sa grupo? Or are you just really dumb to choose them over us? Para kang pumili ng bato kahit diamonds na ang mga nasa harap mo."

"Excuse me. You? A diamond?" Tumawa si Pipes at tumingin sa myembro ng Nerd. "That's the funniest joke ever. Why are you so bitter ba? So what kung umalis siya sa Nerds. It's not like you'll die naman because of that."

Walang nasabi ang babae at inayos lang ang suot niyang salamin.

Samantalang 'yong lalaking kausap ni Hunter ay mukhang aalis na sana dahil may bagong away na nabubuo pero hinarangan siya ni Hunter. Sa ginawa niya ay may lumapit at lumagay sa likod niya na dalawa pang lalaki. Dalawang rebel din ata.

Three versus one? Lugi naman ata si Guevarra do'n.

Sorry Mama. Sorry Papa. Pero may papasukan talaga akong riot ngayon. Hindi ko pwedeng talikuran ang mga kaibigan ko.

Lumapit ako kay Hunter at sumunod naman sa akin si Warren. Napangisi ang isang rebel sa ginawa namin. Nag-eenjoy nga pala ang mga 'to kapag may away.

"May back-up." Nang-iinis na sabi ng lalaki.

"Parang siya wala," bulong ko pa pero narinig niya kaya sinamaan niya ako ng tingin.

"Nakikita mo ba ang gulong ginawa mo, Pipes?" tanong na naman ni Elle.

"Don't say my name. You disgust me."

Lumapit pa 'yong isang member ng Populars na kanang kamay ni Elle at tinaasan ng kilay si Piper, "You know what.. I used to regret it na pinaalis ka namin sa grupo. Kaya lang mukhang we made the right choice para gawin 'yon. Dumi ka lang sa grupo namin."

Nakita ko ang paglapit ni Tamara kila Piper. Itinagilid niya ang ulo niya habang nakatingin sa kakarating lang na member ng Populars.

"Pinaalis? May problema ka ba sa grammar? Hindi mo siya pinaalis. Kusa siyang umalis."

"You, you're the reason behind all this non-sense. Kung hindi ka lang lumipat - "

"Can't get over it? Tagal na niyan. Move on," depensa ni Piper kay Tamara.

"Gano'n talaga siguro kapag sobrang boring ng buhay niya. Hahanap siya ng butas sa buhay ng ibang tao. Baka wala siyang mahanap sa atin kaya ayon ang pilit niyang binabalikan." Lumingon si Tamara kay Elle, "Alam mo, sa ginagawa mo, magmumukha ka lang desperada sa atensyon. May buhay ka naman 'di ba? Bakit hindi na lang ayon ang pagkaabalahan mo kaysa guluhin mo ang buhay ng ibang tao?"

Nagulat ang mga tao nang biglang sampalin ni Elle si Tamara. Maski kami hindi namin inaasahan 'yon. Mabilis masyado. Gaganti sana si Tamara kaya lang bago pa man niya makasampal ay nakailag na si Elle at hinawakan na ng isa pang Popular ang kamay niya.

"Aww. Are you gonna cry, Tamara? 'Wag mo na subukang gumanti. Wala maski isa sa inyo ang may right to touch me. You can't - "

Bigla na lang pumunta sa harapan si Piper at sinampal si Elle. Nagkibit balikat pa siya dito, "Oops. I just did."

"Damn you!"

Doon na nagsimulang magsampalan at magsabunutan ang mga babae. Lalapit na sana ako para pigilan sila nang marinig ko ang sinabi ng mga rebel.

"Bitches."

Kumulo ang dugo ko sa narinig ko. Walang kahit na sino ang may karapatan para sabihan ng ganiyan ang mga kaibigan ko.

Susuntukin ko na sana ang nagsabing 'yon kaya lang nauna si Warren. May humarang namang isa at bigla akong sinuntok kaya gumanti ako. Wala na akong pakialam basta nakikipagbugbugan na lang ako.

Sa gilid ko, bigla na lang may napahigang isang lalaki. 'Yung unang lalaki na naging dahilan ng gulo na 'to. Bigla ko na lang din nakita 'yong kalaban ko na nakahiga na sa sahig. Dumating kasi si Hunter at sinuntok 'yon. Si Warren naman ay nagpunas ng gilid ng labi niya dahil nagkasugat 'yon pero tumba na rin ang kalaban niya.

Napatingin naman ako sa side nila Piper. Nagsasabunutan si Elle at Piper pati si Hailey at 'yong Nerd. Si Tamara naman ay bigla na lang sinide kick ang side kick ni Elle kaya napahiga siya habang hawak ang tiyan niya.

Tumakbo ako papalapit sa kanila at ganoon din si Warren at Hunter.

Hinila ko si Elle papalayo kay Piper habang hinila naman ni Hunter si Piper palayo kay Elle. Si Warren naman ay hinila palayo 'yong isang Nerd kay Hailey.

Gulo ang mga buhok nila pero puro scratches si Elle si leeg at braso. Halos masira naman ang damit ng kaaway ni Hailey.

"I'll sue you! I'll sue all of you!" sigaw ni Elle.

"You're really stupid." Umiiling na sagot ni Pipes habang inaayos ang buhok niya.

"You'll pay for - "

"Go to my office."

Napahinto kaming lahat at parang nakalimutan ko nang huminga nang marinig ko ang boses ng head ng Prefect of Discipline.

"Now."

***

"Any act of violence is strictly prohibited in this school."

Napalunok ako sa sinabi ng head ng POD. Masyadong seryoso ang boses niya at mukhang, ah teka, mali.. paniguradong mapaparusahan na naman kami.

"Nabasa niyo ba ang student's handbook?"

Tumango kaming lahat sa naging tanong niya kahit sa totoo lang, hindi ko naman talaga binasa 'yon. Pero nasa matinong kaisipin pa naman ako para malaman na hindi tinotolerate ng Kingdom High ang pakikipagbugbugan sa loob ng school.

"Nabasa niyo naman pala. Alam niyong bawal. Bakit ginawa niyo pa rin?"

"Th..they did it first. Nanahimik po kami sa gilid. Bigla na lang po akong - "

"Excuse me?" Hindi makapaniwala si Piper sa naririnig niya kay Elle. "Oh my God, Elle. Are you serious? Nananahimik? So, ano? Maghuhugas kamay ka ngayon?"

"T..totoo naman!"

Napabuntong hininga ang head ng POD at tumayo. "Siguraduhin niyo lang na walang gumagawa ng kwento dito. Oras na malaman ko kung sino ang nagsisinungaling sa inyo.."

"Actually, he did it first." Pagturo ng isang Nerd sa rebel na nakabunggo kila Piper. Natakot malamang 'to kaya napaamin na.

Kwinento niya ang buong pangyayari magmula sa pagkakabunggo no'ng isang rebel, pagtatalo-talo nila, pag-epal ni Elle sa eksena, pagdepensa ni Hailey kay Piper, pagpasok niya sa eksena, pati na rin ang pagback-up namin kay Hunter, pagsali ni Tamara at ang pagsingit no'ng sidekick ni Elle hanggang sa pagsasabunutan nila at pagbubugbugan namin.

"Is she telling the truth?" Tumango ulit kaming lahat pwera kay Elle. "Nagsasabi ba siya ng totoo?" tanong ulit niya pero kay Elle na lang.

"Y..yes."

Umupo ulit ang head at sumandal sa upuan niya.

"We don't tolerate this kind of attitude. I'm so disappointed in all of you. Kayo pa man din ang seniors sa school na 'to tapos kayo pa ang magpapakita ng gan'yang klaseng action. Ayan ba ang gusto niyong tuluran ng mga mas nakakabata sa inyo? Simpleng bagay na pwedeng daanin sa maayos na usapan, bakit pinaabot niyo pa sa bugbugan?" Napabuntong hininga siya at napailing. "Sumasakit ulo ko sa inyo."

May kinuha siyang mga papel sa lamesa niya at saka hiningi ang mga ID namin. Matapos niyang magsulat ay binigyan niya kami isa-isa ng mga papel.

"Tatlong araw. Lahat kayo suspended ng tatlong araw."


Lagot.



Continue Reading

You'll Also Like

15.8M 503K 55
(Completed) Book 2 of The Trouble with the Rule: Every relationship has its ups. It's all about flowers, butterflies and rainbows. Every relationship...
49.8M 934K 93
Theirs is a story that started all wrong. In fact, it's started with an accidental kiss with a gangster. After so many tragedies, tila hindi kampi ki...
57.4M 1.6M 115
A writer. A weird stranger. A lot of little conversations. An online understanding. Every night. 23:11.
35.3M 1.1M 69
Sabi nila, lahat ng taong sobrang in love ay nagiging desperada. Kaya naman sa kagustuhan ni Jillian na mahalin siya ni Luke, nagawa niyang nakawin a...