Strange Love (Published By Vi...

By CDLiNKPh

1.2M 16.2K 2.4K

Shaine is a famous young international model with the world at her feet. But, as a girl who longs to be norma... More

Strange Love
Chapter One: Perfect Lady
Chapter Two: Strange Feeling
Chapter Three: Gender Dysphoria
Chapter Four: Girlfriend
Chapter Five: Confession
Chapter Six: Obviously In Love
Chapter Seven: Dinner With Parents
Chapter Eight: Jealousy
Chapter Nine: One Sided Love
Chapter Eleven: Painful Words
Chapter Twelve: Rooftop
Chapter Thirteen: Be My Girlfriend?
Chapter Fourteen: Cat Fight
Chapter Fifteen: Official Date
Chapter Sixteen: I Disown You!
Chapter Seventeen: Coming Out
Chapter Eighteen: Drastic Changes
Chapter Nineteen: Love Makes You Evil
Chapter Twenty: Damon and Mei-Mei's Decision
Chapter Twenty One: Shaine As A Butch Lesbian?
CHAPTER 22: EVIL PLAN
CHAPTER 23: ANG PANLILIGAW NI SHAINE
Chapter 24: Damon's New Girlfriend
Chapter 25: Are promises more important than love?"
Chapter 26: Destructive Words
Chapter 27: Hindrances
Chapter 28: The Truth About The Accident
Chapter 29: Mutual Feelings
Chapter 30: Can You Be My Girlfriend?
Chapter 31: Cock Fighting Over Shaine?
Chapter 32: A Lot of Kisses
CHAPTER 33: Cheesy Date
Chapter 34: Pagtatakwil
CHAPTER 35: Two Body as One?
Chapter 36: The Sweetest Temptation
Chapter 37: Positive Outcome
Chapter 38: Money Matters
Chapter 39: Love Letters
Chapter 40: Dare
Chapter 41: Marcel's Point of View
Chapter 42: Shaine as a Butch Lesbian?
CHAPTER 43: A Love That Makes You Evil (Marcel's Version)
Chapter 44: Book for Lesbians
Chapter 45: Convo About First Love
Chapter 46: The Return of MeiMei's First Love
CHAPTER 47: Captive Hearts
Chapter 48: Break Up
Chapter 49: Ang BABAE ay para sa LALAKE
Chapter 50: Home Sweet Home
Chapter 51: Damon Versus Abet
Chapter 52: The Middle Aged Woman from Hell
CHAPTER 53: Senyora Marlyn's Past
Chapter 54: Bitter Sweet Romance
Final Chapter: Strange Love
EPILOGUE

Chapter Ten: Homophobic Parents

25.2K 361 31
By CDLiNKPh

Nagising si Mei-Mei na mabigat ang pakiramdam. Tunog ng tunog ang alarm clock niya. Ala-singko na ng umaga, pero pakiwari niya ay gabi pa rin o sabihin na nating naiwan niya ang sarili niya sa nangyaring sagutan nila ni Shaine sa roof-top noong nag-confess ito sa kanya. Ayaw niyang bumangon. Tumagilid lang siya sa kama at niyakap ang mahaba niyang unan. Para sa kanya ay walang-wala ang sakit sa tenga na dulot ng ingay ng alarm clock niya sa sakit ng mga salitang pinag-sasabi niya kay Shaine. Nakukusensya siya habang bumabalik sa alaala niya ang mga masasakit na salitang binitawan niya rito. Masyado niyang ibinaba ng mga mabibigat niyang salita ang pagkatao nito. Sa totoo lang ay nasasaktan din naman siya na nakakasakit siya ng ibang tao pero wala naman siyang choice dahil ayaw niya na umasa pa sa kanya si Shaine.

Tumihaya siya sa kama at pumikit nang mariin habang yakap pa rin ng mahigpit ang mahaba niyang unan. "Ang hirap," sabi niya sa sarili niya. Ginawa lang niya iyon para layuan na siya nito dahil sa totoo lang ay natatakot na rin siya para sa sarili. Ayaw man niyang aminin pero halos ma-tunaw siya sa pag-amin ni Shaine sa nararamdaman nito sa kanya. Sa buong buhay niya ay iyon lamang ang unang pag-kakataon na may nagtapat sa kanya ng pag-ibig. "Ang saklap nga lang," usal niya niya sa sarili niya, sa babae pa.

Si Shaine lang ang nagparamdam sa kanya kung gaa-no kalaki ang value ng existence niya sa mundo. Para rito, hindi siya basta-basta napapalitan. Hindi lang isang beses na sinubukan niyang magmahal noon pero kahit kailan, hindi niya naranasan na mahalin pabalik ng mga taong nagustuhan niya. Wala pang taong nagmahal sa kanya ng buong puso. Si Shaine lang...

Bukod doon ay napakaganda ni Shaine. Kahit sino yata ay maaaring makaramdam ng pagkakagusto rito, kahit na babae pang katulad niya. Kaya natatakot siya na dahil nag-papakita ito ng pagkakagusto sa kanya ay baka makalimutan niya na straight nga pala siya. Baka maging tibo siya nang dahil dito at iyon ang ayaw niyang mangyari. Hindi niya iyun pinangarap kahit kailan.

Pinilit niyang ibinangon ang kanyang sarili. Para si-yang nagbuhat ng isang sakong semento habang tumatayo mula sa kama. Naghanda na siya papasok sa eskuwelahan. Nang matapos siya at makalabas ng bahay papunta sa esku-welahan ay matamlay pa rin siya. Mabuti na lang at walang nakahalata sa mga tao sa bahay nila sa mukha niyang pangse-mana sanata

Habang naglalakad papunta sa classroom ay na-pabuntong-hininga siya. Siguradong galit na galit na ngayon sa kanya si Shaine. Iniisip na siguro nito na napakasama ng ugali niya. Baka hindi na rin siya nito pansinin. Iyon naman talaga ang gusto niyang mangyari pero kapag naiisip niya na makakahanap na ito ng ibang babaeng kaibigan na magiging espesyal din sa puso nito ay parang gusto niyang baguhin la-hat ng isinagot niya noong nag-confess ito sa kanya.

Isa pa, naiisip din niya ang kuya niya. Sobra nitong mahal si Shaine at malaking insulto para rito kung magiging silang dalawa. Idagdag pa na homophobic ang Papa Roberto nila. Baka itakwil siya kahit pa na nagsisimula pa lang na na-kasama niya ang mga ito. Hindi niya hahayaan na mangyari iyon. Simula nang mamatay ang tunay niyang ina ay ngayon na lang siya ulit nagkaroon ng maituturing niyang pamilya kaya hindi siya papayag na masira iyon nang dahil lang kay Shaine.

Papasok na sana siya sa classroom nang makita niya agad sa bungad ng bintana si Shaine na halatang hinihintay siya. Mukhang may tinatago ito sa likod nito.

Ewan ba niya pero simula noong sabihin nito na may gusto ito sa kanya ay nailang na talaga siya rito. Lalo pa at hindi rin siya sigurado sa sariling feelings niya.

"Hi, Mei, kumusta ka na?" Halatang kinakabahan ito nang lumapit sa kanya pero nilakasan lang nito ang loob nito.

Nahihiya siyang humarap rito, pero bigla na lang itong humarang lalo sa harapan niya saka may inilabas na red roses mula sa likuran nito. "Para sa 'yo, Mei," nakangiting sabi nito.

Napatigagal tuloy siya rito dahil sa ginawa nito. Lalo pa siyang nagulat nang bigla siyang mapatingin sa mga kak-lase nila na pinapanood na pala sila.

Nakangiti ang mga ito imbes na magtaka kung bakit siya binibigyan ni Shaine ng bulaklak. "Hindi man lang ba sila nagtataka? Parehas kaming babae ni Shaine!" nagtatakang ta-nong niya sa isipan niya. Bukod doon ang mas lalong pinag-tataka niya ay kung bakit parang wala man lang siyang naki-kita ni katiting na pandidiri sa mata ng mga kaklase nila? Tila mga normal lang sila na lalaki at babae ni Shaine sa paningin ng mga ito na nagliligawan sa labas ng classroom. Hindi ito ang inaasahan niya.

Marahil ay nakausap na ang mga ito ni Shaine tung-kol sa feelings nito para sa kanya. Halata naman kasing may alam na ang lahat. Pero dahil si Shaine iyon na itinuturing na Diyosa ng lahat ay cool pa rin sa paningin nila kahit na sa tingin niya sa ginagawa nito ay kawirduhan.

Wala nga yata talagang kahit sino'ng tao ang mandi-diri kay Shaine. Kahit maging ano pa man ito ay kaya itong tanggapin ng ganoon kadali ng kahit na sino'ng tao, lalo na iyung mga humahanga talaga rito.

Napilitan siyang abutin ang bulaklak sa mga kamay nito. "Ano bang ginagawa mo, Shaine? Para saan 'to?" naiil-ang na tanong niya.

"I'm courting you," nakangiting sagot nito na parang wala lang.

Kumabog ng malakas ang dibdib niya nang marinig ang sinabi nito. Agad na umakyat ang pamumula sa mukha niya.

I'm courting you.

Parang naririnig pa rin niya nang paulit-ulit ang sin-abi ni Shaine sa isip niya. Literal na nawalan siya ng dila dahil sa sinabi nito. She doesn't know what to say. Basta ang alam lang niya ay tuliro ang isip niya at pulang-pula na parang ka-matis na ang mukha niya.

Ang mga kaklase naman nila ay hiyawan nang hi-yawan at parang kinikilig sa eksenang ginagawa nila. Hindi siya makapaniwala na ganito ang reaksyon ng mga straight na kaklase nila.

"Go, Shaine! Fight for your love!"

"Ang swerte mo, Mei-Mei!"

"Sagutin mo na si Shaine!"

"Kinikilig ako!"

"Shaine, bakit si Mei-Mei pa? Ako na lang!!!"

Sunod-sunod na ang komento ng mga nasa paligid nila kaya pinamulahan pa siya lalo ng mukha.

Napatulala siya sa mga kaklase niya. Pakiramdam niya ay napunta siya sa isang parallel world kung saan ang mga wirdong bagay ay normal. Kung siya ay halos kilabutan sa mga pinaggagawa ni Shaine, ang mga kaklase naman niya ay parang wala lang, katulad ng mga taong nanonood ng live na pelikula.

"Bumaligtad na ba ang mundo? Bakit parang suma-sang-ayon at suportado na ng lahat ang homosexuality?" ta-nong ng isipan niya.

Ibubuka na sana niya ang bibig para maggalit-galitan na naman nang unahan siya ni Shaine sa pagsasalita.

Pumunta ito sa likuran niya at hinawakan siya sa magkabilang balikat. "Masyado kang conservative kaya hin-di man lang pumasok sa isip mo na hindi naman lahat ay huhusgahan ang nararamdaman natin, Mei-Mei. Believe it or not, pero karamihan ng mga tao sa panahon ngayon ay bukas na ang mga mata para sa ganitong klase ng pag-ibig. When i told them that I am in love with you, ni hindi man lang nila ako hinusgahan. Nakikita mo ba kung gaano sila kasupport-ive sa atin?" nakangiting sabi nito.

Hindi siya nakapagsalita. Totoo ang sinabi nito. Hin-di pumasok sa utak niya na kaya silang tanggapin ng ibang tao. Masyado siyang naunanahan ng mga kaba sa dibdib niya na baka pandirihan sila ng lahat o kaya naman baka pagtawa-nan lang sila pero sa nakikita niya ngayon, kabaligtaran nga ang nangyayari. Para lamang silang isang normal na couple sa paningin ng lahat na sinusuportahan ng mga ito.

"But I understand what you're feeling right now, Mei. I got scared too. Pero hindi sa magiging reaksyon ng ibang tao sa paligid natin. I got scared because I was afraid to lose you dahil itinuring na natin ang isa't isa na malapit na mag-kaibigan. Siguro nga, whether I fell in love with a boy or a girl, parehas pa rin ang magiging reaction ko.Matatakot ako na sabihin sa 'yo ang totoo dahil ayaw kong masira ang pag-kakaibigan natin. Our gender doesn't matter to me, Mei-Mei. Mahal kita at iyon lang ang alam ko. Mali man iyon o tama, wala na akong pakialam pa..."

Sa bawat bigkas ni Shaine ng mga salita mula sa labi nito ay lalo lang nag-iingay ang puso niya. Sa sobrang gan-da nito ngayon sa paningin niya ay lalo lang nagsisikip ang dibdib niya at nagkakaroon ito ng liwanag na tanging siya lamang ang nakakakita. Ang pakiramdam na iyon ang nag-bibigay sa kanya ng kagustuhan na mayakap ito at mahalikan. Narealize niya sa sarili na siguro nga ay magkaparehas lang sila. She's a lesbian too...

"Hindi mo na ako maitataboy ulit, Mei-Mei! Gagaw-in ko ang lahat para mahalin mo rin ako. Kung nakuha ko ang pagsang-ayon ng lahat dito para ligawan ka, sisiguraduhin ko na ikaw rin. Mahal talaga kita, Mei-Mei at gagawin ko ang lahat para maramdaman mo 'yun," sabi nito at mabilis pa si-yang hinalikan sa pisngi na nagpatulala sa kanya.

Ngumiti si Shaine ng pagkatamis-tamis saka ito biglang pumasok na sa classroom.

Magre-react pa sana siya kaso nasa likuran na pala niya ang teacher nila. Pagkaupo niya ay nahawakan na lang niya ang pisngi. Nararamdaman pa rin niya ang malambot na labi ni Shaine roon. Ang matamis nitong pabango ay naamoy pa rin niya. Tila ba may parte ni Shaine ang naiwan sa kanya.

Napailing siya bigla. Habang nagsasalita ang teacher nila sa harapan ay lumilipad ang isipan niya. Napagtanto niya sa sarili niya na siguro nga ay tama si Shaine. Nasa 21st centu-ry na siya, iba na ang henerasyon na ginagalawan nilang da-lawa. Marahil marami pa ring mga tao ang mapanghusga at naiwan na tradisyonal mag-isip. Pero marami na rin naman na pala ang radical at liberal mag-isip. Mga taong katulad ng mga kaklase niya na hindi binibigyan na limitasyon ang pag-ibig. Subalit, ganun man ang naiisip ni Mei-Mei, patuloy pa rin kinakalaban ng utak niya ang puso niya. Mas malaki pa rin ang parte ng sarili niya ang nagsasabing mali ang magma-hal ng kapwa niya babae.

Kung pagmamasdan siya ng ibang tao ay mukhang ayos lang siya, pero para siyang dapit-hapon kung saan nag-aagaw ang liwanag at dilim sa kalooban niya. Bukod sa kasalanan sa Diyos na magmahal ng kapwa mo babae ay nangingibabaw pa rin ang takot niya sa magiging reaksyon ng ibang tao. Marami pa ring sarado ang utak at hindi sila matatanggap, lalo na ang mga magulang niya. Siguradong masiya-shock ang mga ito kapag nalaman ng mga ito ang nangyayari sa kanya.

Nang mag-break time ay inunahan pa siya ni Shaine sa table kung saan sana siya uupo. Lumingon siya sa paligid at nakita niyang wala ng bakante bukod sa puwesto na iyon.

'Yung mga kaklase nila ay nakatingin at ngumingiti ang mga ito na halatang nanunudyo. Hindi na yata talaga matatapos ang pangbubuyo ng mga ito sa kanya kay Shaine. She hates to admit it pero unti-unti na rin niyang nagugustuhan ang mga nangyayari. Pinipigilan lang niya ang sarili pero sa totoo lang ay nakakaramdam na rin siya ng kilig. Pakiramdam niya ay ang ganda-ganda niya dahil sa mga ginagawa ni Shaine para sa kanya.

"Upo ka na, mahal ko," sabi ni Shaine habang nakan-giti nang ubod ng tamis

Napamulagat siya. "Mahal ko?!"

"Yep. From now on, iyon na ang itatawag ko sa 'yo. Cute 'di ba? Parang ikaw," sabi nito na ubod ang ngumiti.

Pinamulahan na naman siya ng mukha dahil sa sina-bi nito kaya naman hindi niya maiwasang hindi mag-iwas ng tingin. Baka kasi kapag nagtama ang mga mata nila ay makita nito ang totoong niloloob ng puso niya. Pero inaamin niya sa sarili niya na masarap pakinggan sa tenga ang endearment nito para sa kanya. It sounds sweeter tha any love songs.

Napako ang tingin niya kay Shaine. Wala siyang makitang panget dito. Pero iyun ang klase ng ganda na nag-papakaba sa kanya— nagbibigay sa kanya ng takot. Hindi niya alam kung kailan siya bibigay rito.

Gusto niya itong tarayan pero parang nahihiya si-yang gawin iyon dahil andaming nakatingin. Bukod doon ay nakukunsensya pa rin siya sa mga sinabi niya rito noong nag-confess ito. Pakiramdam niya ay may kasalanan siya rito.

At ang ganda-ganda nito habang nakangiti sa kanya pagkatapos ay sisirain pa niya. Hindi na lang niya pinansin ang sinabi nito at wala na ring nagawa na naupo siya sa tabi nito. Hinanap niya ang baon pero wala na roon sa bag niya ang lunch box niya.

Lumingon siya sa paligid at nakita niyang nagtatawa-nan ang mga kaklase niya. May nagtago siguro ng lunch box niya at alam niyang kasabwat ng mga ito ang nakangiting si Shaine

"Nakakainis!" naasar na sabi niya sa sarili niya.

"Mahal ko, ipinagluto kita. Masarap 'to. Nagpaturo ako sa chef namin," nakangiting sabi ni Shaine saka inilabas ang lunch box nito.

Tatanggi sana siya at bibili na lang ng pagkain pero natakam siyang bigla nang makita ang niluto nitong sushi na unang tingin pa lang ay mukhang masarap na. Hindi naman siya pumapasok sa mga Japanese restaurant kaya kadalasan, sa mga anime lang na madalas panoorin ng kuya niya lang siya nakakakita ng ganoon. Maayos ang pagkakagawa ni Shaine ng sushi at para bang professional chef ang gumawa.

Maganda ang texture ng kanin at maging ang pag-kakarolyo niyon kaya lalo tuloy siyang ginanahan. Sa isang iglap, bigla siyang nahiya sa nawawalang lunch box niya na sardinas lang naman ang laman. Well, hindi naman siguro masama kung pagbigyan niya ang sarili niya na makakain ng masarap pa minsan-minsan kaya kinain na lang din niya ang dala ni Shaine.

Grabe lang, naiiyak siya. Marami na siyang natikman na masarap na pagkain pero nalagpasan ang lasa niyon sa so-brang sarap ng lasa ng niluto ni Shaine. Iyong lasa ng kanin na nahaluan ng katamtamang tamis, alat at asim. Favorite rin niya ang hipon kaya naman natuwa siya nang makitang isa iyon sa mga ginamit ni Shaine sa paggawa ng sushi.

"Ngayon lang ako nakatikim ng sushi dahil ang dami kong naririnig na hilaw na isda ang nilalagay sa ganito," komento niya. Ayaw ipahalata rito na nasasarapan siya pero su-nod-sunod naman ang pagsubo.

"Hindi naman sa lahat ng oras kailangang gumamit ng hilaw lalo na kung hindi mo sure kung kumakain ba ng sushi ang pagbibigyan mo. Para sa mga beginners na gustong sumubok, kadalasan, cooked items ang ginagamit, pero kung sanay na namang kumain ng ganito, raw seafoods ang inilal-agay," sabi nito.

"Medyo masarap naman pala," sabi niya. Nakaka-kunsensya naman kung hindi niya pupurihin kahit kaunti man lang ang luto nito.

Sa gilid ng mga mata niya, kahit na hindi niya titi-gan directly si Shaine ay nakita niya na rumehistro ang isang maluwag na ngiti sa labi nito.

"Hayaan mo, ipagluluto kita araw-araw. Mas masarap yata akong magluto kaysa sa mga cook dito!" Pagmamalaki nito saka pa yumakap at nagpasalamat sa kanya dahil daw kinain niya ang niluto nito.

At siya naman ay parang nawala na sa sarili at nag-ing sunod-sunuran na lang dito. Kapag nagpatuloy pa sa ka-sweet-an si Shaine ay hindi na talaga niya alam kung hang-gang saan pa siya makakapagpigil ng damdamin.

----------------------------------

ILANG ARAW PA NA GANOON palagi ang scenario nila. Binibigay ni Shaine ang lahat ng mga bagay na gusto niya ka-hit hindi naman niya hinihingi. Katulad ngayon, punong-pu-no na naman ang locker niya ng mga stuffed toys, flowers, at chocolates. Napansin niya na may kasamang sulat na nakaipit sa teady bear kaya naman kinuha niya iyon.

Puwede mo itong i-hug kapag malungkot ka at isipin mo lang ako.

-Shaine

Ayaw man niya pero otomatikong rumehistro ang ngiti sa mukha niya. Sweet talaga si Shaine at alam na alam nito ang mga bagay na gusto niya. Sinusurpresa pa siya sa maliliit na bagay katulad nito.

Maya-maya ay nag-umpisa na ang klase, Home Eco-nomics ang subject at kasalukuyan silang nag-aaral maglu-to. Hindi pa man luto ang niluluto ni Shaine ay naaamoy na niya ang sarap ng bango nito. Napabuntong-hininga siya da-hil alam yata talaga itong bagay na hindi alam gawin. Hindi naman sila magkagrupo dahil sinadya talaga niya na mapa-layo rito kaya inunahan agad niya ito na maghanap ng ibang kamiyembro.

"Araayyyy!!!" Kakatingin kay Shaine ay hindi tuloy niya napansin na nahawakan na pala niya ang takip ng ka-serolang sobrang init na iniligay ng isang ka-member nila sa tapat niya. Napatingin pa sa gawi nila ang buong grupo ni Shaine. Nakaramdam siya ng inis dahil mukhang nahuli siya nito na tinitingnan ito.

Kahit na may niluluto pa si Shaine ay inabot na agad nito ang hawak na sandok sa kasama nito at saglit na pinun-tahan siya. Hindi na siya nakapag-react agad nang kunin ni Shaine ang kamay niya at binuksan nito ang gripo saka itina-pat sa tubig ang kamay niya na napaso.

"Hayaan mo lang na nakatapat ang napasong kamay mo rito sa tubig ng kahit sampung minuto, pagkatapos ay be-bendahan ko mamaya," nag-aalalang sabi nito habang hawak pa rin ang kamay niya.

"Nice! Ang sarap namang maging girlfriend ni Shaine, maalaga talaga!" panunudyo ng isang kaklase nila na kagrupo niya at nakasaksi sa ginawa ni Shaine sa kanya.

"Mei-Mei, kung ayaw mo kay Shaine, puwede bang sa akin na lang siya?" pagbibiro pa ng isa.

"True! You're so lucky to have her!" sabi naman ng isa.

Dahil sa mga narinig niya sa paligid ay pinamulahan tuloy siya ng mukha habang si Shaine naman ay napapangiti lang dahil sa pang-aasar ng mga tao sa paligid.

Lumipas pa ang ilang oras at pagdating sa huling sub-ject ay tinuruan pa siya nito ng sagot sa exam kanina. Halata yatang nangangamote siya kaya pinakopya na lang siya kahit hindi siya nagsabi.

"Bakit mo ba 'to ginagawa lahat, ha, Shaine? Sa tingin mo ba talaga ay magugustuhan na kita kapag nag-extra effort ka para sa akin? Buong atensyon mo na lang, na sa akin," sabi niya rito habang naglalakad na sila palabas ng school.

Ni hindi man lang naghihinanakit sa sinabi niya rito. "Huwag kang mag-alala, Mei-Mei. Kung hindi mo talaga ako kayang mahalin ay hindi naman kita pipilitin, pero sana ay hayaan mo na lang ako na mahalin ka. Makasama lang kita ay masaya na ako," sabi nito at imbes na sa kanya ay sa daan nakatingin.

Hindi naman siya makasagot ng mga sandaling iyon. Tahimik lang siya sa tuwing dumidikit ito sa kanya at ngay-on lang siya nagsalita pero naging tikom na naman ang bibig niya dahil alam niya na kapag nagsalita pa siya ay baka ma-saktan na naman niya ito. Pero kahit gano'n, ayaw niyang ip-akita rito na okay na sila kahit pa marami na itong nagawa para sa kanya. Hinahayaan na lang niya ito sa gusto nitong gawin at hindi nagpapasalamat dito. Deep inside, hindi niya lang ito tuluyang maitaboy ulit dahil paunti-unti ay nagu-gustuhan na rin naman niya ang mga ginagawa nito para sa kanya.

She hates to admit it pero hinahanap-hanap niya ang presensya ni Shaine kapag uma-absent ito para daluhan ang mga modelling commitments nito. Kahit kasi sinabi na nito noon na naroon na ito sa Pilipinas para mag-aral ay napip-ilitan pa rin itong pagbigyan ang mga kumpanyang nag-kakarandarapa para maging modelo nito. Maawain kasi si Shaine, pero siyempre ang pinagbibigyan lang ni Shaine ay iyong mga kumpanya na talagang kailangan ng tulong nito. Karamihan kasi sa mga iyon ay pabagsak nang kumpanya pero tumataas ang sales nang dahil dito

Sa dinamirami ng nagkakadarapa kay Shaine mapalalaki man o babae ay nagtataka talaga siya kung bakit siya pa ang nagustuhan nito.

Ayaw naman niyang ikumpara ang sarili kay Shaine pero nagmumukha siyang potato kapag magkatabi silang da-lawa. Hindi naman mababa ang self confidence niya pero tal-agang aware lang siya sa reyalidad ng buhay na magkaiba sila ng mundong kinabibilangan ni Shaine.

Natatakot siya na aminin sa sarili na gusto na rin niya si Shaine lalo pa na alam niyang bukod sa mali ay sig-uradong masasaktan rin ang kuya niya. Huminto na rin kasi ito sa pag-aaral noong time na nakipag-break dito si Shaine. Hindi na raw nito kayang manatili sa eskwelahan kung saan nakikita nito palagi ang babaeng nanakit ng labis sa kanya.

Na-disappoint ang mga magulang nila dahil huling taon na sana ni Damon sa college ay napahinto pa ito. Alam ng dalawa ang breakup ng anak nila at ni Shaine, pero hindi alam ng mga ito na siya ang dahilan. Gustong-gusto pa naman sana ng mga ito si Shaine para sa kuya niya.

Ngunit ano na lang ang sasabihin ng mga ito kapag nalaman ng mga itong lesbian si Shaine at magiging sila pa? Siguradong itatakwil siya ng ama at ayaw niyang mangyari iyon.

Kaya naman kahit na kailan ay hindi pwedeng mag-ing sila ni Shaine. Kung anuman ang nararamdaman niya para rito ay dapat na niyang kalimutan dahil mas mahalaga pa rin sa kanya ang pamilya niya kaysa sa sarili niyang ka-ligayahan.

-------------------------------

HABANG NAGLALAKAD SI MEI-MEI pauwi ay dala-dala pa rin sa isipan niya iyong sinabi ni Shaine na kahit hindi sila, ay masaya na ito basta kasama lang siya. Na kahit na hindi niya ito mahalin, basta hayaan lang niya ito na mahalin siya.

Alas-siyete na ng gabi at napakatahimik ng buong lu-gar nila, ang tanging maingay na lamang na naririning niya ay mga tanong sa isipan niya. Sinakop na ni Shaine lahat ng oras niya pati espasyo sa utak niya. Kung alam lang nito na sobrang kilig ang naramdaman niya kanina. Hindi niya mai-wasang hindi mapangiti kahit naguguluhan na talaga siya sa nararamdaman para rito. Alam niyang maling-mali sa panin-gin ng mga tao at sa Diyos na makaramdam din siya ng ka-kaibang uri ng pagmamahal para rito.

Sa tingin niya ay kailangan pa rin niyang ipagpatuloy ang pagpapanggap na wala lang sa kanya si Shaine.

Nasa pintuan pa lang siya ng bahay ay narinig niya nang may nagtatawanan mula sa kitchen. Nagulat pa siya nang makita niya sa loob ng bahay nila ang magulang nila, dahil ang akala niya ay mag-o-OT ang mga ito sa office.

"Oh, Mei-Mei andiyan ka na pala. Halika at kumain ka na rito anak," pagyaya sa kanya ni Robert pero ang tingin niya ay nakatutok sa magandang babaeng katabi ng Kuya Damon niya.

"A-ah, Mei, this is Andrea. She's my girlfriend. An-drea, this is Mei-Mei, my little sister," pakilala ng kuya niya sa babae.

Nakangiting inabot naman niya ang kamay nito na tinanggap naman niya kahit parang hindi niya ito feel. Ayaw din naman niyang maging bastos.

Saka sila umupo at inobserbahan niya ang babae. Maganda ito pero mas maganda pa rin ng isang daang paligo si Shaine. Ito ang pangalawang babaeng pinakilala ng kuya niya sa kanila. Si Shaine ang una. At isa lang ang ibig sabihin niyon, may balak itong seryosohin ng kuya niya.

Hindi niya alam pero naiinis siya sa babaeng nasa harap niya. Wala namang dahilan pero ewan ba niya, basta mainit lang talaga ang dugo niya rito. Dahil siguro sa alam niya na ginagamit lang ito ng Kuya Damon niya para siguro makalimutan si Shaine.

Napakadaldal pa nito at napaka-wild. Hindi katulad ni Shaine na mayumi at mahinhin. Pero mukha itong maya-man. May kotse sa labas, e. Lapitin talaga ng mayayaman itong kuya niya. Pero kahit na, mas bagay pa rin si Shaine rito.

Okay, siya na talaga ang weird. Parang may nararam-daman siya para kay Shaine pero boto pa rin siya sa kuya niya para rito. Para siyang isang fangirl na kinililig sa isang love team na parehas niyang iniidolo.

"Random question lang, hija, ah. Ano nga palang ayaw mo sa isang tao?" Biglang pasok ng topic ni Esther na akala mo ay nag-iinterview ng aplikante. HR kasi ang po-sisyon nito sa opisina kaya kahit sa bahay nila ay nadadala ng propesyon niya. Kaya siguro kinikilatis nitong maiigi ang girlfriend ng kuya niya sa harapan nila na sa tingin niya ay isang impakta.

Mataas ang standard ni Esther pagdating sa tao kaya nga hindi kataka-takang nagustuhan agad nito si Shaine. Sa totoo lang, si Shaine nga lang yata ang nagustuhan nito with-out any question. Kahit siya noon ay dumaan muna sa butas ng karayom bago tanggapin bilang anak ng asawa nito. Pero kahit ganoon ay mabait pa rin naman si Esther. Itinuturing na siya nitong totoong anak kahit anak siya ng kabit ng asawa nito.

"Isa pa, wala namang dahilan para ayawan si Shaine ng kahit sinong tao. Maganda, matalino, at ang bait-bait pa nito. Kahit sikat ito ay hindi ito mayabang," komento niya sa isipan niya. Ilang saglit lang ay tila bigla siyang nabuhusan ng malamig na tubig. Nakagat niya ang ibabang labi niya nang maisip niyang kotang-kota na si Shaine sa isipan niya. Kanina pa niya itong pinupuri. "Hindi kaya talagang in love na rin ako sa kanya?" nagdududang tanong niya sa sarili niya.

"Erase! Erase!" sigaw ng isip niya. Hindi sila talo. Parehas silang long hair.

"Wala naman akong ayaw na kahit na ano sa mga tao, tita. Nirerespeto ko ang pagkakaiba at opinyon ng iba," pa-rang pang Ms. Universe na sagot nito.

Umikot naman ang eye balls niya. Wala raw e, ting-nan pa lang niya ang mukha nito ay mukha ng maarte. Alam niya na galit ito sa buong mundo dahil mukha itong ganun. Oo, judgemental siya. Talagang hindi niya feel ang pasti-kadang babaeng 'to.

"Pero kung may ayaw man siguro ako ay iyong mga homosexual na nai-inlove sa mga kaparehas nilang babae o lalaki," biglang dugtong nito kaya nabilaukan naman siya. Ubo tuloy siya nang ubo.

"Mei, anak? Okay ka lang?" nag-aalalang tanong ni Robert.

"Opo. Okay lang po ako, 'Pa," sagot niya nang ma-himasmasan na. Pinagpapawisan na siya nang malakit dahil mukhang hindi niya magugustuhan ang susunod na topic.

Hanggang sa nagpatuloy na sa pagsasalita ang babaeng kamukha ni Braguda para sa kanya. Sinasabi na nga ba niya at ang plastic nito. "Kanina lang, ang sabi nito ay nir-erespeto nito ang bawat tao kaya wala itong ayaw. Pagkatapos ngayon ay sasabihin nito na galit ito sa mga homosexual?" Pagra-rant niya sa isipan niya.

"Ewan ko po ba kung bakit kinikilabutan ako kapag nakakakita ako ng mga homosexuals. I mean, bakit ba nila binabago ang mga sarili nila? Kasalanan sa Diyos na hindi tanggapin kung ano ang ibinigay Niya sa atin. Hindi ba sila nandidiri sa ginagawa nila? Na nagagawa nilang halikan ang mga kaparehas nila ng kasarian? I really hate those kind of people, Tita! Para sa akin, they're all the same. They are per-verts!" maarteng sabi nito.

Humigpit ang hawak niya sa kutsara't tinidor niya at gustong-gusto iyong isalaksak sa bunganga ng bagong girl-friend ng kuya niya. Naninigas lahat ng muscles niya sa ka-tawan dahil sa inis niya kay Andrea. Sa isipan niya ay napa-ka-judgemental nitong tao. Hindi nito alam kung ano ang pinagdadaanan ng mga taong katulad nila.

Bigla siyang natigilan. Nagulat sa nasabi niya sa isipan niya na "nila". Tinatanggap niya na ba sa sarili na isa siyang homosexual? O hindi? Iyan ang malaking tanong niya sa sarili niya.

"Tama ka riyan, hija! Sa ganyang topic ay talagang magka-kasundo tayo! May kumare ako na naging bakla ang anak! Naku, nag-iisang anak na nga lang na lalaki, naging ga-noon pa. Galit na galit ang kumpare ko dahil wala na raw magkakalat ng epelyido nila!" pagsang-ayon naman ni Es-ther.

Hindi siya kumportable sa pinag-uusapan ng mga ito. Naiisip pa nga lang niya si Shaine ay nakakaramdam siya ng awa rito. Gano'n ang tingin ng ibang tao sa mga katulad nito at gano'n na rin ang magiging tingin ng mga magulang ni Da-mon dito kapag nalaman ang totoo na isa itong lesbian at siya pa of all people ang nagustuhan. To think na gustong-gusto pa naman ng mga ito si Shaine para kay Damon noon. Sigu-radong magbabago ang tingin ng mga ito kay Shaine kapag nalaman ang katotohanan.

"Alam niyo, tama na 'yang pinag-uusapan ninyo! Ni walang kabuluhan na pag-usapan pa ang mga ganyang tao! Mga salot sa lipunan! Magpasalamat na lang tayo, Esther at wala tayong mga anak na ganyan. Hindi ba Damon, Mei-Mei?" biglang tanong sa kanila ni Robert. Sabay naman sil-ang tumango na lang ni Damon. At siya, uminom ng tubig dahil tuyong-tuyong na ang lalamunan niya. Walang duda na kung magiging sila ni Shaine ay hinding-hindi matatanggap ng mga ito ang relasyon nila. Homophobic ang buong pami-lya niya.

------------------------------

"KUYA, MAG-USAP NGA TAYO." Nagulat si Damon sa biglaang pagpasok ni Mei-Mei sa kuwarto niya kaya naman nataran-tang isinarado niya ang laptop. Hindi man lang ito kumatok. Sinarado ng kapatid niya ang pinto ng pabalagbag at suman-dal doon habang naka-cross arm.

Napailing naman si Mei-Mei dahil nakita niya na nag-i-istalk na naman si Damon sa Facebook profile ni Shaine. Sa isipan niya ay mala-mang ay nagbabaka-sakali siguro ang kuya niya na may masagap na balita mula mis-mo kay Shaine dahil hindi na nagkakakitaan ang dalawa. Ang malas lang ni Damon dahil pinagbawalan na niya si Shaine na mag-online pa sa Facebook o kahit saang social networking site. Baka kasi hindi nito mapigilan ang sarili at mag-post pa ng kahit ano tungkol sa kanila. Public figure pa rin si Shaine kaya nag-aalala pa rin siya rito. Doon lang naman sa school nila alam na tibo ito.

Umupo siya sa kama ni Damon habang ito naman ay nasa swivel chair pa rin.

"Kuya, sabihin mo nga sa akin. Bakit mo ba pinakila-la sa amin iyong Andrea na 'yun? Hindi mo na ba talaga mahal si Ate Shaine?" tanong niya na tinawag pa ring ate sa harap nito si Shaine. Wala naman kasing kaalam-alam si Da-mon na nanliligaw at nakakalapit na si Shaine sa kanya ulit sa school. Hindi niya sinasabi rito ang totoo dahil alam niya na masasaktan lang ito.

"Kahit naman sabihin ko sa 'yo na hindi ay 'di ka rin maniniwala. Lalo pa na nahuli mo ako na tinitingnan ang profile niya sa Facebook."

"Sumagot ka nga ng maayos!"

"Mahal ko siya! At hanggang ngayon ay mahal na mahal ko pa rin siya! Ano, masaya ka na?" Bigla nang sum-eryoso ang tinig nito.

Nang marinig ang sinabi nito ay agad siyang na-karamdam ng kunsensya lalo na nang mapansin na lumuluha na ang kuya niya. Alam niya na siya ang dahilan kung bakit miserable ito pero ang kabiguan nitong iyon ay kailangan nitong harapin kaya naman kailangan niyang kausapin ng normal lang ang kuya niya, kundi ay lalo lang itong made-de-press.

"Kung ganun, bakit mo ginawang girfriend 'yung as-wang na iyon, Kuya? Ayaw ko sa kanya! Ang yabang-yabang niya kanina. At hinuhusgahan niya pa ang mga homosexuals na akala mo ay kilala niya sila!" pagrereklamo niya.

Napatayo si Damon sa kinauupuan niya at galit na hinarap siya. "That's exactly the point Mei-Mei! Homophobic siya kaya sa tuwing kasama ko siya ay naiisip ko na dapat lang na magalit at mandiri ako kay Shaine dahil lesbian siya! Mas mabuti ng ganun kaysa naman hindi siya mawala sa puso ko, Mei-Mei!" galit na galit na sigaw nito na nagpatikom sa bibig niya.

"Nahihirapan akong magmove-on pero kailangan ko 'tong gawin para sa pangako natin sa isa't isa. Hindi ba't ikaw na nga mismo ang nagsabi na kalimutan na natin siya? Kaya nga huminto na lang ako sa pag-aaral dahil hindi ko kayang makita si Shaine. Dahil kapag nakikita ko siya ay nalulusaw lang lahat ng galit sa dibdib ko. Minamahal ko lang siya lalo..." Napaupo ito sa sahig at napasandal sa paanan ng swivel chair. Hinilamos nito ang kamay sa mukha nito na basang-basa na ng mga luha..

Naestatwa si Mei-Mei. Ni minsan ay hindi niya in-akala na magiging ganoon ang takbo ng buhay nilang mag-kapatid. Hindi niya alam kung saan ba siya nagkamali. Ram-dam niya ang hinanakit ng kuya niya at kung gaano na nito ka-miss si Shaine.

Bigla siyang nakaramdam ng kunsensya. Tama ito. May pangako sila sa isa't isa pero siya mismo ang lumimot sa pangakong ginawa niya. Nagpadala siya sa nararamdaman niya kaya hinayaan niya na mapalapit ulit si Shaine sa kanya at nagawa pa niyang itago iyon sa kuya niya.

"Ano'ng klase siyang kapatid?" tanong ng isipan niya. Mas iniisip niya pa ang sarili niya kaysa sa pangakong ginawa niya...

"Pero ang hindi ko lang maintindihan ay kung bakit binabanggit mo pa rin siya at parang pinagtatanggol pa ang mga katulad niya." Tini-tigan siya ng mariin ng kuya niya. Pagod na pagod ang expresyon ng mukha nito. Pakiramdam niya, sa maling galaw lang niya ay masusunong na siya sa titig ng kuya niya.

"Sana lang, Mei-Mei ay wala kang tinata-go sa akin," naghihinalang sabi nito na tumitig sa napapaso niyang mga mata. "Dahil kapag nalaman ko na tinraydor mo ako ay HINDING-HINDI KITA MAPAPATAWAD," dugtong nito na tuluyang nagpanginig sa kanya.

Saka na ito tumayo at tumalikod paupo sa swivel chair nito at hinarap ulit ang computer.

Umalis na siya sa kuwarto nito at nanginginig pa rin na pumasok sa sarili niyang silid. Pagpasok niya roon ay saka siya nag-iiyak sa kama niya.

Naiintindihan na niya ang lahat. Ang lahat ng nar-aramdaman niya para kay Shaine. Naiintindihan na niya kung bakit hindi na niya magawang itaboy ito ulit dahil kapag tuluyan itong malayo ay baka hindi na niya kayanin.

Naiintindihan niya na rin kung bakit kinikilig siya sa tuwing sweet ito sa kanya at lahat ng tungkol dito ay maganda sa paningin niya. Alam na niya kung bakit masaya siya kapag kasama niya ito. At iyon ay dahil talagang mahal niya na rin si Shaine.

Pero kahit kailan ay hindi puwedeng maging sila ni Shaine dahil nasa mundo sila kung saan minamata ang mga katulad nila. Babae siya at babae ito kaya malabo ang katuparan ng pag-ibig nila. Sa bandang huli, kahit na gustuhin pa niya na bumuo ng hinaharap kasama ito ay hindi niya alam kung paano iyong uumpisahan dahil alam niyang wala rin namang patutunguhan.

At kahit kailan ay hindi niya puwedeng traydurin ang pamilya na ngayon niya lang nakasama. Ang papa niya, ang Mama Esther niya, at ang Kuya Damon niya... Matagal niyang pinangarap na magkaron ulit ng pamilya pagkatapos mamatay ng totoong ina niya. Mag-isa lang siya noon at na-tatakot siyang maging mag-isa ulit ngayon. Masaya siya na may pamilya na ulit na nagmamahal at nag-aalala sa kanya at ayaw na niyang mawala pa iyon.

Pero ang malaking tanong niya sa sarili ay kung kaya ba niya talikuran ang lahat ng iyon para lang sa isang bawal na pag-ibig? 

Continue Reading

You'll Also Like

24.1K 509 11
Hi Readers... This is the newest story for the Pentagon Queen Jersey no.10 Rhia Tyler - the Play Girl She is Eastford University's Hottest Casanova...
1.4M 27.7K 34
Abegail "Abby" Montalban - one of the most promising young entrepreneur of her generation. She's loving, caring, sweet, protective... and most of the...
325M 6.7M 94
[BAD BOY 1] Gusto ko lang naman ng simpleng buhay; tahimik at malayo sa gulo. Kaso isang araw... nagbago ang lahat. Inspired by Boys Over Flowers.
36.2K 1.1K 14
Sa milyong milyong tao sa mundo, bakit sa kanya? Sa dinami dami ng nag papakilit sa akin, bakit sa kanya pa? Bakit sa kanya ako nag kagusto? Bakit s...