Exodus (Completed)

By MarcDanes

158K 3.5K 320

Genres: Dark Fantasy-Mystery/Thriller-Sci-Fi Started: April 8, 2015 Ended: June 13, 2016 Exodus: A Story Wit... More

Exodus: Prologue
Exodus 1: Stop Over
Exodus 2: Flyer
Exodus 3: Voice
Exodus 4: The Missing Zoey
Exodus 6: Peculiar Thought
Exodus 7: Body Organs
Exodus 8: Blood of Cries
Exodus 9: The Lost Epilogue
Exodus 10: The Secret Passage
Exodus 11: Zoey In The Bottle
Exodus 12: Halo & Apocalypse
Exodus 13: Run
Exodus 14: The Spirit Guardian
Exodus 15: Separation
Exodus 16: Incognito
Exodus 17: Nostalgia
Exodus 18: Dean
Exodus 19: Roommates
Exodus 20: Necklace
Exodus 21: Nightmare
Exodus 22: Cassiopeia's Blessing
Exodus 23: Death
Exodus 24: Favorite Song
Exodus 25: Exodus
Exodus 26: Kai's Plan
Exodus 27: Public Viewing
Exodus 28: Halo
Chapter 29: Is this the Epilogue?
Official Soundtrack

Exodus 5: Undefined Sound

6.5K 162 3
By MarcDanes

Naalingpungatan ako. Bigla kasi ako nakaramdam nang matinding panlalamig sa kama. Nang biglang narinig kong may tumawag sa aking pangalan.

"Ell, ba't gising ka pa?" Nilingon ko ang boses sa may labas ng banyo namin sa loob ng kuwarto. Si Raphael.

"Oo, bigla akong gininaw." Tugon ko sa kanya habang nanginginig sa lamig.

Ang weird wala naman kasing aircon na nakabukas sa loob ng kuwarto namin pero sobrang lamig talaga. Tapos tiningnan ko yung bintana sa kuwarto namin nakasara naman.

"Oo nga ang lamig." Pag sang-ayon sa akin ni Raphael.

Nang biglang bumukas ang pintuan sa kuwarto namin. Si Isaiah.

"Lumabas ka pala? Sa'n ka galing dude?" Tanong ni Raphael kay Isaiah.

"Nawawala si Zoey." Sagot ni Isaiah.

"Nawawala? Paano?" Kunot noong tanong ni Raphael kay Isaiah.

"Pumunta kanina rito si Penelope at hinahanap niya si Zoey sa kuwarto natin. Sabi ko wala. Tapos sabi niya wala rin sa kuwarto nila. Kaya pumunta kami kanina sa lobby para mag tanong sa front office kaso sabi naman sa amin ng attendant hindi raw nila nakita si Zoey." Saad ni Isaiah sa amin. Kita ko sa mukha niya na nag aalala siya sa kanyang girlfriend na si Zoey.

"Saan naman kaya posibleng pumunta si Zoey? Aba, madaling araw na kaya." Nagtatakang turan ni Raphael. Nagkibit balikat lang naman si Isaiah. Ako naman tahimik lang na nakikinig sa usapan nilang dalawa nang biglang napaangat ang magkabila kong balikat. Nagulat kasi ako. Naririnig ko na naman ulit ang boses ng babae na umiiyak na naulinigan ko na rin kanina nang kararating pa lang namin sa resort. Pero sa pagkakataon na ito ay dalawang boses na ng mga babae ang aking naririnig. Sunod ay naramdaman kong tumataas na ang mga balahibo ko sa aking balikat.

Napansin naman ni Raphael na tila bigla raw ako nabalisa.

"Ell, okay ka lang? Parang balisa ka. May problema ba?" Tanong ni Raphael. Umiling lang ako sa kanya.

"Ah, guys labas muna ako ng kuwarto. I just need a walk." Paalam ko kanila Raphael at Isaiah. Bago ako lumabas ng kuwarto namin nakita ko naman na mahimbing na natutulog pa rin sina Ivan at Zac. Pareho pa na humihilik.

***
Ang lamig pa rin. Naglalakad ako ngayon sa hallway papunta sa hagdanan pababa. Nagbabalak kasi ako na tumambay muna sa pool area. Nang biglang natigilan ako sa paglalakad. Parang may narinig akong foot steps sa aking likuran. Lumingon ako pero wala naman ako nakita. Nagpatuloy na lamang ako sa paglalakad hanggang sa marating ko na ang hagdanan.

Habang naglalakad ay napansin kong may tumatagaktak na pawis sa aking buong mukha. Nararamdaman ko na rin ang paunti-unting pagbaba ng temperatura. Ang weird naman ng hotel resort na ito. Kanina nang naglalakad ako sa hallway ang lamig-lamig. Ngayon na naglalakad na ako sa hagdanan biglang uminit naman.

Nairita ako bigla pagbaba ko kasi sa lobby ay basang-basa na ako ng pawis. Para akong naligo sa ulan.

"Hi Sir!" Nagulat ako bigla sa boses ng isang lalaki na bumati sa akin. Pag lingon ko sa aking gilid ay nakita ko ang bellman na nag hatid sa amin kanina sa kuwarto ng pagkain. Si Lay. Nginitian ko naman siya.

"O, sir ba't gising pa kayo?" Nakangiting tanong sa akin ni Lay.

"I just need a walk." Turan ko sa kanya. Pagkatapos ay naglakad na ako ng lobby palabas patungo sa pool area.

***
Mahamog dito sa pool area ngayon. Turn off pa rin ako sa mismong swimming pool. Ang daming lumot. Nangingitim na rin ang tubig nito.

Bakit kaya ganito ang resort na ito? Hindi well managed saka may pagkaweirdo talaga. Nang biglang may narinig akong isang boses na tumatawag ng pangalan ko sa likod. Napalingon agad ako at nasilayan ko si Mikaela.

"Ell!"

"Hi, anong ginagawa mo rin dito Mikaela?" Nagtataka kong tanong sa kanya.

"Hindi ako makatulog sa kuwarto." Sagot niya sa akin.

"Bakit naman?" Tanong ko sa kanya.

"Ahhmn, huwag mo na alamin baka 'di ka lang maniwala." Tatawa-tawa na turan ni Mikaela.

"Hindi naman siguro. Ano ba iyon?" Sabi ko sa kanya. Napansin ko naman na biglang tumahimik si Mikaela at tumingin nang diretso sa may pool. Mukhang iniisip niya ang dahilan kung bakit siya hindi pa makatulog. Hanggang sa nagsalita na rin siya.

"I saw someone else inside our room." Seryosong turan bigla ni Mikaela sa akin. Napakunot naman ako ng aking noo sa sinabi niya.

"You saw someone else in your room? Who?" Nagtatakang tanong ko sa kanya.

"May...m...m...multo sa kuwarto namin." Nauutal niyang sabi sa akin. Bahagya naman akong natawa sa sinabi niya. Medyo nagulat din ako. Hindi ko kasi inaasahan na 'yon ang kanyang sasabihin.

"Multo? Seriously?" Nagugulumihan kong tanong kay Mikaela.

"Oo, I saw it with my two naked eyes. May babaeng multo sa banyo namin. She doesn't have face except for her mouth that keeps on saying to me na tulungan ko daw siya." Tuloy-tuloy na pagsasalita ni Mikaela. Sumagi naman bigla sa aking isipan yung boses ng babae na naririnig ko sa kuwarto kanina na umiiyak.

Napansin naman ni Mikaela na bigla akong natulala habang nagsasalita siya.

"Ell, natulala ka ata?"

"May sasabihin din ako sa'yo Mikaella." Seryosong turan ko sa kanya.

"Ano 'yon Ell?"

Huminga muna ako ng malalim bago sumagot kay Mikaella.

"Simula kasi nang dumating tayo rito sa Villa Exodus Resort may naririnig na akong boses ng babaeng umiiyak."

Sa totoo lang hindi ko alam kung dapat ko pa nga ba ikuwento ito kay Mikaela. Baka matakot ko lang din siya. Pero nasimulan ko na.

Tikom naman ang bibig ni Mikaela. Tahimik lang siya na nakitingin sa akin ng diretso sa mga mata habang nakikinig.

"Naalala mo pa ba yung tinanong ko sa'yo nang dumating tayo rito? Nang nakapasok na tayo sa gate ng resort? Tinanong kita kung naririnig mo rin ba yung boses ng isang babae na sumisigaw at nagmamakaawa?" Pagpapatuloy ko sa aking sinasabi kay Mikaela.

"Oo, Ell naaalala ko 'yon. Sorry hindi ako nag sabi sa'yo ng totoo noong tinanong mo ako. Sabi ko wala akong narinig pero ang totoo may narinig talaga ako. Binalewala ko na lamang at ayokong takutin ang aking sarili ng oras na iyon." Turan sa akin ni Mikaela. Nagulat naman ako sa kanyang pag amin. Naulinigan din pala niya ang boses ng babae.

"Natatakot ka ba ngayon? Dito sa resort?" Tanong ko kay Mikaela.

"Oo." Matipid niyang sagot sa akin.

Kahit ako nahihintakutan na rin sa resort na ito. Parang may tinatagong lihim o misteryo ang Villa Exodus Resort na ito. Bukas aalis na rin naman na kami kaya konting tiis na lang sa weirdong resort na ito at makakaeskapo na rin kami dito. Maghahanap pa nga pa pala kami ng mekaniko. Kung bakit kasi na flat pa yung mga gulong ng sasakyan namin lahat.

"Nawawala rAw si Zoey. Bumalik na ba siya sa kuwarto ninyo?" Tanong ko kay Mikaela.

"Hindi pa eh. Medyo nag aalala na nga yung best friend niyang si Penelope." Sagot ni Mikaela. Tumango naman ako sa kanyang turan. Nang biglang may ibang bagay na sumagi sa aking isipan.

Nililigawan ko kasi si Mikaela. Mag iisang buwan na rin. Napaisip lang ako. Kailan kaya niya ako sasagutin?

"Ahhhmn, Mikaela may itatanong sana ako." Nahihiya kong sabi kay Mikaela.

"Ano iyon Ell?"

"Kailan mo kaya ako---" naputol bigla ang sinasabi ko kay Mikaela nang may narinig kami pareho ng isang palahaw ng babae.

Sa gulat ni Mikaela sa palahaw ng babae ay bigla siyang napayakap sa akin. Muntik na tuloy akong ma-out of balance at mahulog sa pool. Buti na lang nakahawak agad ako sa bakal na nasa harapan ng pool. Kung nagkataon baka pareho na kami naliligo sa pool na ito na puno ng mga lumot. Sayang di ko pa natanong kung kailan ba ako sasagutin ni Mikaela. Epal naman kasi yung boses ng babae na naulinigan namin.

"Narinig mo rin ba iyon Ell?" Tanong sa akin ni Mikaella.

"Oo, narinig ko." Tugon ko sa kanya.

"Alis na tayo rito sa pool. Balik na tayo sa loob ng hotel." Aya sa akin ni Mikaela. Tumango naman ako sa kanya.

Bigla naman akong hinawakan ni Mikaela sa aking braso.

"Napansin mo ba 'yon?" Tanong bigla sa akin ni Mikaela habang nakatitig siya sa tubig ng pool.

"Ang ano Mikaela?"

"Parang may gumalaw sa tubig ng pool." Aniya sa akin.

"Baka naman guniguni mo lang iyon?" Sabi ko.

"Hindi eh. May nakita ako. May dalawang mata akong nakita." Seryosong turan niya. Napakunot naman ako ng noo sa kanyang sinabi. Dalawang mata?

"Baka naman isda lang 'yon Mikaela." Sabi ko.

"Isda sa ilalim ng swimming pool?" Sabi sa akin ni Mikaela na namimilog ang mga mata. Nagulat siya sa sinabi ko. Oo nga naman paano naman magkakaroon ng isda rito sa pool. Weird.

"Baka naman ibang hayop. Posible naman diba. Saka halatang hindi na nalilinisan yung swimming pool sa sobrang dami ng lumot nito. Kaya may posibilidad na tambayan na iyan ng kung anu-anong hayop." Paliwanag ko kay Mikaela. Posible rin naman talaga. Baka palaka, bayawak, o 'di kaya ahas.

"Siguro nga Ell. Pasensya na medyo napaparanoid ako. Baka epekto na ito nang mga naririnig at nakikita kong kung anu-ano sa resort." Sabi sa akin ni Mikaela.

"Okay lang. Kahit ako rin naman may nararanasan din na nakakatakot dito sa resort. Hayaan mo bukas pagsapit ng umaga aalis na rin tayo rito."

Pagkatapos no'n umalis na kami ni Mikaela sa pool area.

Hindi pa kami masyado nakakalayo ni Mikaela sa pool nang biglang may narinig kaming kakaibang tunog.

"Ssshhh... Ssshhh... Ssshhh..." Nagkatitigan kami ni Mikaela at napatigil bigla sa paglalakad.

"Narinig mo ba 'yon Ell?" Pabulong na tanong sa akin ni Mikaela.

"Oo." Sagot ko.

"Ssshhh... Ssshhh... Ssshhh..."

Mas lalong lumalakas ang kakaibang tunog. Parang nanggagaling sa pool yung tunog.

"Ell, natatakot na ako. Ano ba ang tunog na 'yon?" Nahihintakutan na turan sa akin ni Mikaella.

"Hindi ko alam Mikaela. Mas mabuti siguro kung madaliin na lang natin makabalik sa loob ng hotel." Sagot ko kay Mikaela habang nakatingin ako sa may swimming pool.

Hindi ko man matukoy kung anong tunog iyon, isa lang ang nasisiguro ko. Nanggagaling ang tunog do'n sa pool mismo.

***
"Dude, buti nakabalik ka na." Bungad sa akin ni Ivan pag pasok ko sa loob ng kuwarto namin. Napansin ko naman na nag iisa lang si Ivan sa kuwarto namin.

"Ivan, nasaan na yung iba?" Tanong ko sa kanya.

"Pumunta sa bar area ng hotel. Nagkayayaan sila."

"Ba't di ka sumama?"

"Kasama ang girls eh. Kapag sumama ako for sure magkikita lang kami ni Penelope. At kapag nagkita kami no'n baka kulitin na naman ako na makipag balikan sa kanya." Kaya naman pala hindi sumama si Ivan. Umiiwas sa ex niya.

"Sigarilyo?" Alok bigla sa akin ni Ivan nang inilabas niya ang isang kaha ng Marlboro. Umayaw ako. Hindi naman kasi ako naninigarilyo.

"Balita ko nawawala raw yung girlfriend ni Isaiah ah." Sabi ni Ivan.

"Oo nga eh. Kanina lang." Sagot ko sa kanya habang naglalakad papalapit sa bintana ng kuwarto.

"Sus, if I know umalis na 'yon ng resort." Nakangising sabi ni Ivan sa akin.

"Paano mo naman nasabi?" Tanong ko sa kanya habang binubuksan yung venetian blinds ng bintana sa kuwarto.

"Naisip ko lang naman. Baka 'di na nakatagal sa boredomness dito sa resort. Baka umuwi na 'yon ng Manila haha." Biro ni Ivan.

Natawa rin ako bahagya sa turan ni Ivan nang biglang naningkit ang mga mata ko sa labas ng bintana. May napansin akong kakaiba sa ibaba. Sa may pool area.

May nakita akong gumagapang sa gilid ng pool. Hindi ko tiyak kung ano ito pero gumagalaw ng mag isa. Mas inilapit ko pa ang tingin ko sa labas ng bintana nang bigla akong napabalikwas. Naramdaman ko kasi na may humawak ng aking balikat. Pag tingin ko si Ivan.

"O, dude parang gulat na gulat ka naman sa akin? Teka, ano ba 'yan sinisilip mo sa bintana?" Usisa sa akin ni Ivan.

"Ah, wala. Sige excuse me lang Ivan. Pasok lang ako sa banyo."

Continue Reading

You'll Also Like

63.6K 1.3K 47
Lahat ng naka sulat dito ay kuha ko lang mula sa INTERNET. Enjoy Reading Humans! XD
48.3K 1.3K 30
I'm not against the BIBLE. Ang lahat po ng pangyayari sa story ay kathang isip lang ng author. TY.
4.2K 209 13
COMPLETED Si Leondale ay isang babaeng mahilig magbasa ng libro ngunit sa hindi sinasadyang pangyayari ay nakapulot siya ng libro. Nang buksan niya...
39K 1.6K 40
Aleyra Esteban, ang anak ng pinakamayaman sa kontinente ng Vamon. Sa kabila ng karangyaan at kagandahan, doon nagtatago ang mala-imburnal niyang budh...