Breaking the Bad Boy (Publish...

By blue_maiden

39M 1M 312K

Skie Gonzales is a just a typical Bad Boy. He doesn't follow rules, He makes the rules. He know he's bad but... More

Prologue
Chapter 1: I'm in trouble
Chapter 2: Guardian Angel
Chapter 3: Who are you?
Chapter 4: Kiss or Take it off?
Chapter 5: Revenge
Chapter 6: The war is on
Chapter 7: Our deep secret
Chapter 8: Picture Frame
Chapter 9: Persistent
Chapter 11: Best friend
Chapter 12: We are now
Chapter 13: Busted
Chapter 14: Chance
Chapter 15: The Plan
Chapter 16: Tell me your secret
Chapter 17: It's time
Chapter 18: First date
Chapter 19: I trust you
Chapter 20: I'll take care of you
Chapter 21: Confused
Chapter 22: So.. friends?
Chapter 23: Who got your back?
Chapter 24: We can't be
Chapter 25: Best friend
Chapter 26: Daddy
Chapter 27: Yes
Chapter 28: Bothered
Chapter 29: Lies
Chapter 30: Meet the parents
Chapter 31: Truth
Chapter 32: Forgive me
Chapter 33: Last Chance (part 1)
Chapter 34: Last chance (Part 2)
Chapter 35: Reasons
Chapter 36: Traitor
Chapter 37: Bro code
Chapter 38: Beatrix
Chapter 39: Cheater
Chapter 40: Don't dare me
Chapter 41: Soccer game
Chapter 42: Ex-boyfriend
Chapter 43: Another chance
Chapter 44: He is sick
Chapter 45: True feelings
Chapter 46: Last two pages
Chapter 47: It's you
Chapter 48: Pageant
Chapter 49: Defeat
Chapter 50: The past
Chapter 51: Wake up
Chapter 52: Goodbye best friend
Chapter 53: Farewell
Epilogue
Book 2
TV MOVIE
Self-Published

Chapter 10: Friends?

722K 19.7K 4.3K
By blue_maiden

Angel's point of view.

Pagkatapos kong mag ayos, bumaba na ako ng kwarto ko. It's already ten in the morning pero ayos lang kasi my class starts at twelve. Pumunta ako sa dining area at nakita ko don si Tita Serina at Tito Charles na kumakain ng breakfast. "Good Morning po." Bati ko sakanila.

"Hi Angel, kakauwi lang namin galing Tagaytay. Sorry ha, hindi ka namin naasikaso." Bungad ni Tita Serina. "Nauna na pala si Skie sa school kaya ipapahatid ka na lang namin sa driver."

"Hindi na po Tita, gusto ko din kasing sanayin yong sarili ko sa pag commute." I said with a smile. "Mauuna na po ako."

"Hindi ka ba muna kakain?" Tanong ni Tito Charles. "Samahan mo na muna kami dito."

"Honestly Tito, I'm craving for McDonalds burger kaya I'm planning to eat there na lang. I hope you don't mind."

"Sure, I know you're missing eating there because I know you're missing New York so much. I'm really sorry you have to do this for us." Sambit niya. Ramdam ko 'yong pag aalala niya para sa akin. "If you really want to go home, we will not going to stop you. I think we can handle Skie by our own. Right sweety pie?"

"Yeah, Angel you don't have to do this if you're having a hard time." Sagot ni Tita.

"No it's fine. I want to help him so it's not a big deal. And I'm enjoying my stay here so no need to worry." Maybe it's okay to say I am enjoying rather than saying the truth, ayoko silang mag alala pa sakin. "Well, I must go. Bye."

Hindi naman nila ako pinilit na pumunta dito at bumalik sa buhay ni Skie. Ako ang may gusto nito. I know how hard it is for them kaya masaya akong tulungan sila. Ito na lang din siguro 'yong way ko para pasalamatan sila para sa mga bagay na nagawa nila sa akin dati.

Paglabas ko ng gate napasigaw ako dahil nakita ko si Caleb sa tapat ng bahay nila Skie. Ano na naman bang ginagawa niya? Talagang ang kulit niya.

"Good Morning, mag co-commute ka lang ba?" Tanong niya at lumapit siya sa akin. "Pwede ba akong sumabay sayo? Tinatamad kasi akong magdrive."

Tinaasan ko siya ng kilay. "Paano na lang pala kung nag pahatid ako sa driver nila Skie, paano ka na?"

"Makikisabay din ako sa inyo. Kilala naman ako ng mga driver nila kahit pati mga maids nila." Masigla niya pang sabi. "So ano, gusto mo bang mag bus? Walang thrill kapag sa taxi eh."

Mautak din pala siya. Parang wala talaga akong kawala sakanya. "Mag co-commute ako mag isa. Mag commute ka din mag isa. Okay ba yon?" Pagtataray ko.

"Okay sige, basta wag mo lang akong intindihin." Sagot niya.

Buti na lang at hindi siya umangal at hindi na siya nangulit pa. Naglakad ako palabas ng gate at pagdating ko sa bus stop, sumakay agad ako. Nagulat na lang ako kasi kasunod ko na pala si Caleb sa likod. At ang malas pa nakatayo pa kaming dalawa kaya pumunta siya sa likuran ko. Tinignan ko siya pero nakatingin lang siya sa may bintana pagkatapos nag lagay siya ng earphones sa tainga niya. Hinayaan ko na lang din siya.

Nang malapit na kami sa bus stop malapit sa University, bigla na lang huminto 'yong bus na sinasakyan namin kaya napaatras ako sa likod ko, buti na lang nasalo ako ni Caleb dahil kung hindi, sumubsob ako sa sahig.

"Okay ka lang?" Tanong niya. "Sa susunod, magpahatid ka na lang sa driver nila Skie, baka mapaano ka pa. Halatang hindi ka sanay sa mga ganito." Sinabi niyo 'yon habang hawak hawak pa din niya ako sa magkabilang braso ko.

"Okay lang ako, kaya ko 'yong sarili ko." Sambit ko. Ngumiti siya sakin. Hindi ko maiwasan na mainis sa mga ngiti niya. "Okay na ako kaya bitawan mo na ako."

"You're welcome."

Kinuha niya 'yong bag ko pagkatapos bumaba na siya ng bus. Anong ginagawa niya? Nagmadali akong bumaba para na din mahabol ko siya. "Akin na 'yong bag ko!" Sigaw ko sakanya.

"Ako na lang magdadala para hindi ka mabigatan."

"Malaki na ako, alam ko na 'yong ginagawa ko kaya pwede? Hayaan mo na ako." Pagsusungit ko pa. "Hindi ko kailangan ng tulong."

"Alam mo mas madaling magpasalamat kaysa sa magsungit."

Ngumiti na naman siya at kinindatan niya ako. Naglakad siya at dumiretso siya sa McDonalds. Wag mong sabihin na alam niya na kakain ako sa Mcdo? O baka nagkataon lang nakakain din siya don.

Nagiging paranoid na ata ako. What's happening to me?

Pumasok ako sa loob at nag order agad ako quater pounder na meal na may chocolate sundae. Malapit na pala 'yong lunch time kaya puno na halos 'yong mga table dito. Katabi lang kasi siya ng University kaya madaming studyante dito. Umakyat na lang tuloy ako sa second floor pero pati don, puno na din. Pumunta ako sa gilid at nakita ko si Caleb na nakaupo mag isa sa table na pang animan. Nakita niya din ako. "Angel, dito oh." Tawag niya sakin. Sa lakas ng boses niya halos lahat napatingin sakin. "Angel!" Sigaw ulit ni Caleb.

Pumunta na lang ako sa table niya pagkatapos nilapag ko 'yong tray ko. "Pwede ba? Bakit mo kailangan na ipagsigawan ang pangalan ko? Pinagtitinginan tuloy nila ako."

"Ano bang paki alam mo sakanila? Sila lang ba 'yong pwedeng kumain dito? Kumain ka na, fourty minutes na lang mag start na 'yong class natin."

Umupo na lang din ako sa harapan niya. Hindi na ako nagpaka choosy wala na namang bakanteng upuan at baka malate pa ako. "Okay, thanks." Sambit ko.

"You're welcome my Angel." Masigla niyang sabi. Para siyang bata. "Pakabusog ka."

Inalis niya 'yong tinapay sa taas ng burger niya pagkatapos nilagyan niya ng french friens 'yong  taas ng patty. Sinawsaw pa niya yong tirang fries sa chocolate sundae niya. Hindi ko maiwasan na mapatingin sakanya at mapangiti.

Parehong pareho kami ng ginagawa tuwing kakain ako sa Mcdo. Hindi ko tuloy alam kung gagawin ko din ba 'yon sa harap niya.

"Bakit hindi ka pa kumakain?" Tanong niya at inalis ko ang tingin ko sakanya.

Hindi ko siya sinagot, tinanggal ko yong tinapay na nakapatong sa burger ko tapos nilagyan ko siya ng madaming fries pagkatapos 'yong tira, nilagay ko sa sundae ko. Tinignan ko si Caleb at nakatingin lang siya sa akin habang kumakain kaya medyo na conscious ako pero hindi pa din niya ako napigilan sa pagkain ko.

"Alam mo ba, tuwing kakain ako ng ganito dito sa McDonalds, palaging nawiwirduhan 'yong mga tao na nakakakita sa akin. Kaya natuwa ako ng sobra ng makita kitang ginagawa din 'yong ginagawa ko."

"Anong weird don? Normal lang naman 'yon lalo sa US." Sagot ko. "Well, may ilan nga na nawiwirduhan sa ginagawa natin."

Katulad na lang ni Skie. For him I should just enjoy and eat my food right away rather than doing that weird thing.

Meron pa din palang makakaintindi sakin at si Caleb pa talaga yon. Medyo

"Tara na?" Alok niya.

Tumayo na ako at naglakad palabas. Nakasunod lang sakin si Caleb pero buti na lang hindi niya ako kinukulit.

"Aray!" Sigaw ko.

Nadapa ako o sabihin na lang natin na pinatid ako. Napaupo ako sa sahig pagkatapos lumapit sa harapan ko si Anya.

"Masakit ba? Alam mo hindi lang yan ang aabutin mo dahil sa paglandin mo sa boyfriend ko." Mataray niyang sabi. "Hindi mo kilala kung sino 'yong binangga mo."

"Anya anong ginagawa mo?!" Sigaw ni Caleb. Lumapit siya sa akin pagkatapos tinulungan niya akong tumayo. "Kitang kita ko na pinatid mo siya. What's wrong with you?" Halatang inis na inis siya.

Nagulat si Anya sa sinabi ni Caleb. "Wait, are you defending this bitch?"

"Mag ingat ka sa mga sinasabi mo." Seryoso niyang sabi. "She's not a bitch."

"Magkaibigan ba kayo ha? Bakit mo siya pinagtatanggol? Isa na din ba siya sa mga babae mo ha?" Inis na tanong ni Anya. "Alam ba 'to ni Yumi?"

"I'm just saying the truth, hindi siya bitch. At hindi siya isa sa mga babae ko dahil seryoso ako sakanya."

"Seryoso?! Kailan ka pa nag seryoso ha?!"

"Ngayon," kinuha ni Caleb ang kamay ko. "Kay Angel." Hindi na maipinta ang mukha ni Anya pati ng mga kasama niya.

"Caleb," biglang singit ni Skie. "Anong nangyayari dito?" Tanong niya. Lumapit sakanya si Anya at parang iiyak pa ata siya.

"Skie kasi 'to si Angel, kung ano anong pinagsasabi sakin tapos si Caleb naman pinagtatanggol pa niya."

Napatingin kami pareho ni Caleb sa isa't isa. That was a fvcking lie. I can't believe she has to lie para lang baliktarin ako.

"What?! Caleb, what are you doing? Bakit mas kunakampi ka pa kay Angel kaysa kay Anya? You know Anya is my girl." Halata mong inis siya kay Caleb. "Bros before hoes, right?"

"Skie, pinatid ni Anya si Angel kaya tinulungan ko siya. 'Yong girlfriend mo 'yong may problema kaya siya 'yong pagsabihan mo." Seryosong sabi ni Caleb. "Tara na, Angel."

"Caleb!" Sigaw ni Skie pero hindi siya nilingon ni Caleb.

What is he actually doing? Skie would be mad at him and he doesn't seem to care.

Hinila niya ako palayo don at papunta sa classroom namin.

Hindi pa din ako makapaniwala na ginawa 'yon ni Caleb. Pinagtanggol niya ako at sa girlfriend pa ng best friend niya. Parang tinalo na din niya si Skie sa ginawa niya kaya hindi talaga ako makapaniwala na mas pinili niya ako kaysa kay Skie na best friend niya.

"Thank you sa ginawa mo." Sambit ko. "Sorry din kasi dahil sakin mukhang magkakagalit pa kayo ni Skie."

"Galit na talaga sakin si Skie. Pagdating kay Anya, kumikitid lalo ang utak niya. Kahit ako ang tama, ako pa din ang magiging mali pero wala 'yon, si Anya naman 'yong may mali at hindi tayo." Sambit niya. "Sa totoo lang, ayoko naman talaga kay Anya dahil simula ng maging sila mas lalo lang lumala si Skie."

"Talaga?"

"Simula kasi ng maging sila, hindi na siya masyadong nakikinig samin lalo na sa parents niya. He started to smoke and to party all night, all week. Kami naman, used to do that, once in awhile at kung uminom man kami don kami sa bahay ko or sa bahay nila."

Hindi ko mapigilan na mainis. Anong klaseng girlfriend ba meron si Skie?

Nakaramdam ako ng guilt. Buong paniniwala ko, sila ng tropa niya 'yong naging dahilan ng pagsama lalo ni Skie pero hindi pala, 'yong girlfriend pala niya.

"Kapag inaway ka pa ulit ni Anya, sabihin mo lang sakin." Sambit niya.

"Kaya ko ang sarili ko." Sagot ko. "Nagulat lang siguro ako kanina kaya hindi na ako lumaban pero kaya ko ka 'to."

"Oo nga pala, ako nga nagawa mong ibalibag eh." Natatawa niyang sabi. "Subukan ka lang niyang galitin, ewan ko na lang."

Natawa na lang din ako sa sinabi ni Caleb. May something na nagsasabi sakin na okay din naman palang kausap si Caleb.

Dumating 'yong professor namin at may mga tinuro siya na hindi ko masyadong naintindihan pero buti na lang tinulungan ako ni Caleb. Matalino pala talaga siya at habang nag uusap kami narealized ko na madami siyang alam. Maloko nga lang talaga siya at talagang playboy siya.

Pagkatapos ng pang apat kong klase, nakita ko ulit si Caleb na naghihintay sakin sa labas ng room.

"Anong ginagawa mo dito?"

"Susubukan ko sana kung papayag ka na ihatid na kita sa inyo." Halatang nahihiya siya sa akin. Napangiti pa ako dahil sa itsura niya ngayon. "Sige na, sino na lang sasalo sayo kapag huminto 'yong bus at nakatayo ka?"

"Sige na, ang kulit mo eh."

"Yes." Bulong niya pero masyado siyang excited kaya narinig ko pa din yon. "Tara?"

Sumakay ulit kami sa bus pero buti na lang hindi tayuan kaya nakaupo kaming dalawa. Madami din kaming napagusapan at masasabi ko na may sense talaga siyang kausap hindi katulad sa inaasahan ko.

Pagdating namin sa bahay nila Skie, pinapasok ko siya para makainom siya ng tubig o kahit kumain man lang ng miryenda pero ayaw niya daw makita si Skie kaya umalis na din siya.

Pagpasok ko sa loob, wala pa din pala si Skie. Dumiretso na ako sa kwarto ko. Nag open ako skype at nakita kong online si Kiro.

Nag kwento agad ako sakanya.

"What do you think, should I give him a chance?" Tanong ko.

"Para taluhin niya si Skie, you must be very important dahil hindi madaling taluhin ang bro mo because that could end your friendship." Seryoso niyang sabi. "I think that's enough reason para maging friends na kayo. He seems to be okay."

"Really?"

"Trix, don't be so hard on him. Hindi dahil best friend siya ni Skie at parehong pareho na sila. He maybe different in a way. Like what you said, matalino pala siya at may sense kausap."

Napaisip ako. Maybe Kiro was right.

"Just don't let your guard down. Ayokong makita na umiiyak ka dahil sakanila dahil kapag nangyari 'yon, susunduin kita dyan."

He may seems to be playful at times pero he's sweet and responsible. I wish Skie can be like that again.

"Thank Kiro, I think I know what to do now."

"I should be going, Cyrene is waiting for me outside. See you when I see you! Bye."

Humiga ako sa kama ko.

Caleb seems to be okay, hindi naman siguro masama kung magiging magkaibigan kami. Yeah, we could be friends.

Bigla na lang may nag text sakin, akala ko si Mom or si Dad pero hindi.

From: Unknown
Hindi pa tayo tapos, bitch.

Continue Reading

You'll Also Like

2.8M 53.8K 31
Si crush ang gusto ko pero girlfriend niya ang nakuha ko. She's a monster. A beautiful monster, my own Monteclaro. NOTE: THIS STORY IS ALREADY COMPLE...
49.8M 935K 93
Theirs is a story that started all wrong. In fact, it's started with an accidental kiss with a gangster. After so many tragedies, tila hindi kampi ki...
64.2M 1.3M 54
If you hate something, would you change it? And if you change it, will you like it? Hindi alam ni Charity kung bakit ayaw na ayaw sa kanya ni Jayden...
49.4M 1M 90
It seems like everything is falling into place para kina Kurt at Gail. They have a baby on the way, suportado sila ng barkada at pamilya nila, and th...