Under the Stars (Tonjuarez Se...

By raindropsandstar

63K 1K 84

Ayara Terrise Monterio a fresh graduate, trying to find herself in the world of filming. Not knowing that fol... More

I.I
Under the Stars
first page
Prologue
UTS 1
UTS 2
UTS 3
UTS 4
UTS 5
UTS 6
UTS 7
UTS 8
UTS 9
UTS 10
UTS 11
UTS 12
UTS 13
UTS 14
UTS 15
UTS 16
UTS 17
UTS 19
UTS 20
UTS 21
UTS 22
UTS 23
UTS 24
UTS 25
UTS 26
UTS 27
UTS 28
UTS 29
UTS 30
UTS 31
UTS 32
UTS 33
UTS 34
UTS 35
UTS 36
UTS 37
UTS 38
UTS 39
UTS 40
UTS 41
UTS 42
UTS 43
UTS 44
UTS 45
UTS 46
UTS 47
UTS 48
UTS 49
UTS 50
Epilogue
Note
P l a y l i s t

UTS 18

870 17 0
By raindropsandstar

Chapter 18

It is my third day working, katulad ng kahapon ay inagahan ko ulit ang alis para sakto lang ang dating ko sa J Prime.

I am wearing a skirt and a brown plain polo, I let my hair down and curled it a little bit earlier, naka sneakers lang ako para kumportable na akong gumalaw galaw at hindi rin abala sa trabaho ko.

Maganda ang mood ko pagdating sa office, as usual mas maaga ulit sila Mira. Hindi ko alam anong oras sila pumapasok at dumarating dahil lagi silang maaga.

"Good morning!" nauna kong bati, nakuha ko agad ang atensyon nila.

"Good morning, Yara!" balik ni Mark.

"Maganda mood today?" salubong naman ni Gaven, I nodded at him.

"Morning Yara," bati rin ni Mira habang busy itong inaayos ang na print na mga papeles.

I just smiled at pumunta na sa desk ko.

"Ay by the way, pinasabi nga pala ni Sir na punta ka sa office niya. Muntik ko na makalimutan." natigilan ako sa sinabi nito, kumunot ang noo ko.

"Bakit daw?"

Nagkibit balikat ito. "Baka may itatanong lang,"

Lumingon ako sa office nito, the glass walls are always closed. Ni minsan hindi ko pa siya nakitang binuksan ito, at lagi pala siyang maaga? Kahit nagtataka ay lumakad na ako para makapasok sa office nito.

I instantly opened the door, tama lang na pinatawag niya ako I will talk to him about what he did last night. The manly sent welcomed me, hindi ko alam kung pabango niya ba iyon o scent niya iyon dito sa office niya.

He is busy typing on his laptop, nang makita niyang papasok ako ay tinapunan niya lang ako ng tingin at bumalik agad ang mga sa ginagawa. I walked silently, huminto ako sa harap nito at hindi na nag abalang umupo. It is so silent that all we can hear is his typings on his keyboard.

Super busy early in the morning, well kung dalawang kompanya ba naman ang inaasikaso mo.

I think he got bothered by my stares and I supposed I recovered from yesterday. Bumalik na ako sa normal state ko, I can look at him already. The sound of the keyboard suddenly stopped, he shifted his attention towards me, sa wakas.

"Pinatawag mo ako?" saad ko nang makitang tapos na siya sa ginagawa.

He just stopped typing but his laptop is still in front of him. Inayos nito ang pagkakaupo, doon ko lang napansin that he is wearing a light blue polo today and his hair is a bet messy unlike yesterday. It still looks nice and clean, hindi lang naka brush up.

I don't know, but this reminded me of the young Caden...

"Any updates about the story?" he said in a calm voice.

"I'm working on it, I am halfway. Mabibigay ko siya sa friday, don't worry." I assured him.

"Okay good," yun lamang ang sagot nito, at ibinaling ulit ang atensyon sa laptop niya.

Tumikhim ako, napahinto ito ulit at tumingin saakin. I crossed my arms, I glanced at him but I looked away immediately.

"Anything else? May sasabihin ka?" mabilis niyang nabasa ang galaw ko.

"A-About last night," yun palang ang sinabi ko ay tumaas na ang kilay nito. "Pinalampas ko iyong ginawa mo sa cafeteria nung nag lunch tayo, pero yung kagabi hindi ko lang na mapapalampas."

His expression looks so lost, parang hindi niya nakukuha ang sinasabi ko. Napalakad tuloy ako ng konti sa kanya para mag paliwanag.

"Stop spitting facts about me in front of our colleagues. Nagmumukha kang boyfriend ko sa paningin nila. I know they don't say things but their reaction says so. Kung ako sila, ganoon rin ang magiging reaksyon ko!"

"Tell them we're friends." malamig na sagot nito, na parang napaka efficient ng solusyon niya.

"Hindi ganun kadali 'yon. Sa tingin mo maniniwala sila? Atsaka kailan tayo naging 'friends'?" medyo tumataas na ang boses ko.

Bakit kasi kailangan mo pang gawin ang mga iyon at the first place?!

He looks so uninterested in what I am saying!

"Saan ka nabobothered? Sa iniisip nila na boyfriend mo pala ako? Kung hindi sila maniniwala sa'yo wala kang magagawa. Incase natatakot kang may iba pang makaalam bakit may boyfriend ka ba?"

Huh?!

Everything he said was so misleading, hindi ko alam saan ang pinupunto niya. Bakit ko ba inexpect na makakausap ko siya ng matino?

"What are you talking about? Ayoko lang na misinterpret nila ang mga bagay-bagay. Kasi hindi naman totoo!" hindi ko alam bakit nag mukhang pagalit ang sagot ko.

Nag multo ang ngisi sa labi nito, he leaned towards the table.

"Bakit parang masama pa ang loob mo?" nag init ang pisngi ko.

"Ang gulo mong kausap!" naiinis kong sigaw.

Natigil kaming dalawa nang bigla nag ring ang cellphone ko, it's an international number. Nagtataka ko itong sinagot.

"Hello?"

"Cian?"

Kumunot ang noo ko, I looked at Caden. He seriously looked at me the moment I mentioned Cian's name. Nagtataka rin ako bakit ito tumawag, we've never been in contact before.

"Uh... Okay."

He wants to talk to Caden, hindi niya ata macontact. Iniabot ko ang cellphone sa kanya, kahit naguguluhan ang tinanggap niya pa rin ito.

Tumayo ito at naglakad palayo sa mesa, his right hand is on his waist, salubong na ang kilay nito habang hawak ang cellphone ko.

The fact that Cian called me, kahit hindi naman ito tumatawag talaga saakin then it seems urgent. He massaged his temple, tiim bagang itong nakikinig sa kapatid.

It was a brief call, nang makuha ko ang phone ko ay lumabas na ako. Ni hindi ko na tinanong ang nangyari, I know labas na ako sa problema nila but I can see that it is serious based sa expression ni Caden kanina. Bihira ko siyang makitang ganoon.

Nag patuloy na ako sa pagtatrabaho, I put encoded the ideas I've gathered. Pero napapahinto ako from time to time, hindi mawala sa isip ko ang dahilan ng pag tawag ni Cian. Is there a problem in New York? may problema sa company ni Caden?

Naputol ang pag iisip ko nang bigla bumukas ang pinto ng office ni Caden, dala nito at coat na tinanggal niya kanina at ang cellphone lang nito. He looks like he's in a hurry, ni hindi na ito nag abalang lumingon sa amin at dire-diretso itong naglakad papunta sa elevator.

Nagkatinginan kami nila Mira, may bumigat sa dibdib ko. Bigla akong nag alala.

Hindi na siya bumalik buong araw, nagpatuloy lang ang pagtatrabaho naming lahat. Wala itong binilin o pasabi man lang kung umalis ba sita at kung kailan siya babalik. Mukhang sa pag mamadali niya ay wala na siyang naiwan na bilin dito.

I finished my work around quarter to six, okay na rin. Papahinga lang ako sandali at uuwi na rin, I rested my back. Kinuha ko ang cellphone, pinag iisipan kung magtatanong ba ako, doon ko napagtanto na wala akong kahit na akong pang contact kay Caden. At syempre hindi ko siya itetext, kinokinsidera ko na tawagan si Cian.

Pero may pumipigil rin saakin, baka kung ano ang isipin nito. Atsaka ano ang itatanong ko?

'Anong nangyari?'
'May problema ba sa kompanya ni Caden?' 'Kamusta si Caden saan siya pumunta?'

That is insane! Why would I do that?

I shook my head, the amount of embarrassment I will get from Caden pag ginawa ko iyon ay hindi ko maipipinta. Kahit na out of concern ang intensyon ko, gagawa at gagawa siya ng paraan para asarin ako.

Natigil ako sa iniisip, 'Concern?' tama ba ang sinabi ko? Concern ako kay Caden?

Mabilis akong napatayo sa kinauupuan, no! kung ano-ano ng pumapasok sa utak ko baka dahil na sa pagod ito!

Agad ko ng niligpit ang gamit ko, naglakad na ako papuntang elevator habang nakikipag talo pa rin sa sarili. Ito na ba ang epekto ng lagi ko siyang nakakasama? ganito rin ba ako dati? halos araw-araw niya rin ako pinepeste nung high school!

Irritated I walked through my car when the elevator door opened. Wala sa sarili ko itong pinatulog, I opened the door ngunit bago pa ako pumasok sa loob ay nilibot ko muna ang mata sa parking lot. No sign of his car, malamang ay hindi talaga ito bumalik.

Mabigat ang loob ay pumasok na ako sa sasakyan at pinaandar ito.

I reached home around 6:40 pm, hindi naman talaga kalayuan ang village sa kumpanya but because of traffic ganun na katagal ang byahe.

I exhaustedly parked my parked, I am massaging my neck while walking towards the front door. I don't know but this day feels so tiring, my body is aching too, idagdag pa ang bigat ng pakiramdam ko sa hindi malamang dahilan.

Halos ibagsak ko ang katawan sa couch ng makapasok ako sa loob ng kwarto, humiga ako doon. As I stare at the ceiling I can feel my lids becoming heavier until it turned black.

Hindi ko na namalayan ang sarili na nakatulog, I unconsciously reached for my phone to check the time. Mabilis akong napaupo, 10:00 pm!

I slept for more than three hours!

Ngayon na nakapag pahinga na ay naramdaman ko na ang panlalagkit sa katawan, tumayo na ako para makapag shower na.

I just did a half bath, hot shower to ease my body pain. After dressing up for my night attire bumaba lang ako para mag dinner dahil nakaligtaan ko iyon kanina.

I was wandering around the kitchen to check for some food. Nang madatnan ako ni Daddy, he opened the ref to get some water.

"Hindi ka sumabay kumain sa amin kanina, pinatawag kita kay Rosana pero tulog ka raw. You should eat now, don't skip your dinner." saad nito habang nag sasalin ng tubig sa baso.

"I blacked out. Siguro sa pagod Dad."paliwanag ko, natawa ito.

"I understand, ganyan talaga sa umpisa. But take it easy also," I nodded at him.

Ngayon na andito ako sa kitchen, I realized na wala akong gana para kumain pa ng heavy meal. With that sudden thought came to me, I reached for the frozen strawberries then turned to Dad.

I pursed my lips, he is very close to Tito Wancho baka may balita siya sa kanila? should I ask him?

"U-Uh, Dad.."

"Yes?"

Ilang segundo ko pa siyang iniwan sa ere dahil nag iisip ako, kung paano ko itatanong sa kanya.

Kumunot ang noo ito, parang naweweirduhan saakin. Argh. Nevermind.

"Wala pala, goodnight!"

I smiled at him at walked out of the kitchen, "Yara! Eat a decent meal hindi ka mabubusog diyan!" habol nito dahil sa hawak kong prutas.

"I'm fine, Dad!"

I started eating the strawberries as I walk towards my room, hindi ko alam hindi ako nakakaramdam ng gutom. Okay na ito sa akin, I like it it's sweet.

Kinuha ko ang cellphone kong iniwan ko siya couch kanina, yakap-yakap ang plastic ng strawberry ay umupo ako sa kama.

I was about to open the tv to watch some movie nang tumunog ang cellphone ko. Kinuha ko ito at binuksan.

New messages

I'll be back tomorrow night.

I landed here a while ago, I got busy.

Just hand me the story on Monday, I'll be there by then.

By the way, this is Caden.

It was a viber chat, paulit-ulit ko iyong binasa.

Am I seeing it right?

Nagtext siya?

His display picture is a full body shot of him, sitting on a chair of a private plane, wearing a casual black sweater and gray pants.

Saan niya nakuha number ko? Landed? Pumunta siyang New York? Ibig sabihin nagkaproblema nga? At bakit sa akin siya nag uupdate?

Sa dami ng tanong ko ay isa lang ang natipa ko.

Yara:

Okay.

I stared at our convo chat before throwing my phone at the bed, hindi na siya online kaya hindi niya na mababasa ang reply ko.

I laid on the bed while still hugging the plastic of strawberries, hindi ko alam saan nanggaling ito pero ang lakas ng kabog ng dibdib ko. This feeling is so unfamiliar that I can't even name it.

My heart is pounding hard right now but there's peace, a sigh of relief and... happiness?

Am I flattered?

Continue Reading

You'll Also Like

1.5K 56 44
Rhianne Airis Nidea, ang pinakamahiyain sa kanilang magbabarkada. She grew up in a rich family who can provide their needs and desires. Pero kahit ga...
2.5K 227 48
Status: Complete Started: 07.01.2023 Ended: 06.07.2024 Darlene Adina Amor x Donovan de Vera - Darlene had been grappling with her plans after senior...
13.6K 891 50
Status: Complete Started: 06. 26.2023 Ended: 07. 26. 2023 [under revision] Vanity Marie Esperanza x Matthias Kirk Angeles - They called Vanity brain...
8.6K 442 62
An Epistolary "Love, with an unflinching spirit, discovered its own way. . . in the hush of our souls." ©fochacy