A THIN LINE BETWEEN LOVE AND...

By nil_jorge

100 15 1

Si Kendric Medina ang pogi at medyo may pagkamahanging freshman fine arts student na nainlove sa isang babae... More

INTRODUCTION
CHAPTER 1
CHAPTER 2
CHAPTER 3
CHAPTER 4
CHAPTER 5
CHAPTER 6
CHAPTER 7
CHAPTER 8
CHAPTER 9
CHAPTER 10
CHAPTER 11
CHAPTER 12
CHAPTER 13
CHAPTER 15
CHAPTER 16
CHAPTER 17
CHAPTER 18
CHAPTER 19
CHAPTER 20
CHAPTER 21
CHAPTER 22

CHAPTER 14

5 1 0
By nil_jorge

KENDRIC'S POV

Nagising ako sa malakas na tunog ng aking alarm clock. Tiningnan ko ang oras at nakitang 7:00 AM na. May oras pa naman dahil 8:30 pa ang aking pasok kaya ipinikit ko ulit ang aking mga mata para sana matulog pa kahit 5 minutes lang pero naalala ko bigla na nasa Makati na pala ako nakatira. Wala na ako sa dati kong dorm na sobrang lapit lang sa university at pwedeng lakarin. Dali-dali akong bumangon at kinuha ang tuwalya pati gamit panligo. Lumabas ako ng kwarto at nakita si Charley sa sala na inaayos ang mga gamit sa kanyang bag. Nagkatitigan lang kami habang papasok ako sa loob ng CR.

"Huwag mong kalimutang ilock ang pinto pagkaalis mo." Narinig ko ang pasigaw na sabi ni Charley mula sa labas.

"Pupunta kana sa university? Pwedeng pasabay ako? Mabilis lang naman akong maligo at magbihis."

"No!"

"Bakit?"

"Anong bakit? Edi makikita tayo ng ibang mga estudyanteng magkasama."

"Ibaba mo nalang ako sa walang makakakita." Sabi ko.

"Aalis na ako."

"Teka! Paanong magcommute mula dito?"

Hindi ko na narinig na sumagot si Charley. Siguro ay lumabas na siya ng unit. Dali-dali akong naligo pagkatapos ay nagbihis at umalis narin. Nagtanong nalang ako sa guard ng condominium kung paano makakapunta sa university. Nakarating naman ako kaso, nahuli ako sa unang subject. Naligaw kasi ako ng kaunti. Tumambay nalang muna ako sa gymnasium hanggang sa dumating ang oras ng pangalawang subject.

"Saan kaba lumipat?" Tanong ni Edward sa akin ng magkita kami sa loob ng classroom.

"Sa may Makati." Sagot ko.

"Na-late ka ng dating. Nahirapan kaba sa pagcommute?" Tanong naman ni Noah.

"Oo. Siguro dahil hindi pa ako sanay. Naligaw nga ako eh. Bus at LRT ang sinakyan ko papunta dito."

"Maganda ba ang nilapatan mo? Invite mo naman kami doon."

Bigla akong kinabahan sa sabi ni Noah. Hindi sila pwedeng pumunta sa condominium dahil malalaman nila kung sino ang kasama ko doon.

"Naku! Sorry pero hindi pwede eh. Medyo masungit ang kasama ko at ayaw niyang may ibang bisita." Sabi ko.

"Masungit? Paano ka doon? Hindi kaba mahihirapan?" Tanong ni Edward.

"Oo napakasungit. Sobrang sungit. Prinsipe ng kasungitan!" Nanggigigil na sagot ko.

"Mukha nga. Sa tono palang ng pagsasalita mo, halatang masungit nga siya." Sabi ni Noah

"Sayang at hindi ka namin kasama kanina. May nakita kasi kaming siguradong ikasasaya mo." Nakangiting sabi ni Edward.

"Ano?" Tanong ko.

"Nakita namin iyong babaeng naging dahilan kung bakit nakilala mo si Charley Guevarra."

"Si Charlene?" Gulat kong tanong.

"Charlene?" Balik din na tanong ni Edward.

"Oo. Charlene Rosales ang pangalan niya." Sagot ko.

"Kilala mo na siya?" Gulat na tanong ni Noah.

"Hindi ko ba naikwento sa inyo? Nakita ko siya uli at nakilala."

"Ano ka ba naman! Bakit hindi mo sinabi sa amin ang napakaimportanteng bagay na iyon?"

"Sorry. Akala ko kasi naikwento ko na sainyo."

Naputol ang pag-uusap namin ng dumating ang instructor. Lumipas ang mga oras at naging bakante na kami. Nagyaya si Noah na magmeryenda sa canteen. Tamang-tama at nagugutom nadin ako. Ngayon ko lang naalala na hindi pala ako nakapagbreakfast. Naisip ko din na baka swertehin at makita ko doon si Charlene. Hindi naman ako nagkamali. Pagkabili ng makakain at habang naghahanap ng mauupuan ay nakita ko ang babaeng aking gusto sa isa sa mga lamesa at nag-iisa. Sinabihan ko sina Noah at Edward na huwag akong sundan dahil gusto kong makasama siya na kami lang dalawa.

"Hi, kumusta kana? Pwedeng makiupo?" Tanong ko kay Charlene.

"Oh! Hello. Yeah sure. Wala namang nakaupo diyan." Sabi niya sabay turo sa upuan na nasa kanyang harapan.

"So, bakit mag-isa kalang?" Sunod kong tanong pagkaupo.

"Kasama ko ang mga friends ko kanina pero nauna na silang umalis. Actually, paalis narin ako."

"Agad-agad?"

"Oo. Kailangan ko pa kasing pumunta sa library. See you around nalang and enjoy your snacks."

Umalis si Charlene at agad namang lumapit sina Edward at Noah sa akin.

"Bro, bakit umalis?" Tanong ni Noah.

"Pupunta daw ng library."

"Sayang naman. Hayaan mo na at makikita mo pa naman ulit siya."

Medyo nalungkot ako dahil hindi man lang kami nakapag-usap ng matagal ni Charlene. Habang kumakain ay naisip kong bakit hindi nalang ako pumunta sa library para sundan siya doon. Pagkaubos ng laman ng aking plato ay agad akong tumayo at nagpaalam sa aking dalawang kaibigan.

"Bumalik ka bago magstart ang next class." Paalala ni Noah.

"Oo. Mahaba pa naman ang vacant time natin."

Pumunta ako sa library at pagkapasok ay hinanap ko kaagad si Charlene hanggang sa makita ko siyang nakaupo. Lalapit na sana ako pero biglang napahinto ng makilala ang lalaking nakaupo sa kanyang harapan – si Charley. Napatanong tuloy ako sa aking sarili kung magkakilala ba sila? Nagtago ako sa isa sa mga bookshelves. Kinuha ko ang aking cellphone at nagmessage kay Charley.

ME: Bakit magkasama kayo?

Sinilip ko sila at nakitang tiningnan ni Charley ang kanyang cellphone pero hindi niya nireplayan ang aking message.

ME: Magreply ka nga.

Hindi parin ako nirereplayan kaya naisip kong tawagan siya.

"Bakit ba?" Tanong ni Charley sa mahinang boses pagkasagot sa aking tawag.

"Bakit hindi ka nagrereply?"

"Pakialam mo?"

"Bakit kasama mo si Charlene?" Tanong ko sabay silip ulit sa kanilang dalawa.

"Sino?"

"Si Charlene. Iyang babaeng nakaupo sa harapan mo."

"Papaano mo nalaman? Nasaan kaba?"

Nagpalingon-lingon si Charley hanggang sa mapatingin siya sa direksyon kung nasaan ako. Pinutol niya ang tawag. Tumayo siya at lumapit sa akin. Hinila niya ako sa pinakasulok para wala talagang makakita.

"Anong ginagawa mo dito? Diba may usapan na tayong hindi ka pupunta sa lugar kung nasaan ako?" Sabi ni Charley sa akin.

"Bakit mo kasama si Charlene? Magkakilala ba kayo?"

"Ngayon ko lang siya nakilala. Bakit?"

"Siya iyong babaeng sinasabi ko saiyo."

Natahimik bigla si Charley na parang napaisip pagkatapos ay nagtanong ng "Iyong akala mong Charley ang pangalan kaya tayo nagkaissue?"

"Oo."

"Okay whatever. Umalis kana at baka may makakita pa sa ating dalawa dito sa library."

"Ikaw nalang ang umalis. Gusto ko pa sanang makausap si Charlene."

"Masaya ka! Ako kaya ang nauna dito at gumagawa ako ng assignment."

"Sa ibang lugar mo na gawin ang assignment mo." Sabi ko.

"Seryoso ka? Umalis ka na nga."

"Nakakainis ka talaga! Hindi mapakiusapan."

"Ang pinto pala ng bahay, naisarado mong mabuti?" Tanong ni Charley sa akin.

"Oo naman."

"Ang mga ilaw? Na-off mo? Ang tubig sa shower baka nakalimutan mong patayin? Dagdag sa bill iyon."

"Oo. Na-off ko ang mga ilaw at ang shower. Pasabay naman ako sa pag-uwi mamaya."

"No! Anong gagawin mo kapag may nakakita sa atin at nakaalam na nakatira lang tayo sa iisang bahay?"

"What? Nakatira kayo sa iisang bahay?" Biglang sabi ng boses babae na nasa bandang likuran ko. Sabay naming tiningnan ni Charley at nagulat kami ng makita si Charlene.

"Charlene? Narinig mo?" Tanong ko.

"Bakit kayo magkasama sa bahay?"

Nagkatinginan kami ni Charley. Hindi kami agad nakasagot sa tanong sa amin ni Charlene. Kitang-kita sa mukha niya ang pagkagulat at pagtataka.

Continue Reading

You'll Also Like

348M 7.1M 80
This work of fiction may include potentially disturbing readings, scenes and discussions around topics such as sexual, self-harm, physical violence...
1M 32.8K 43
(Game Series # 10) Tali coursed through life with ease. Coming from a family full of lawyers, she knew that getting a job would not be a problem. Kai...
138K 4.9K 18
[PROFESSOR SERIES II] Astrea Zaire Luceria thought she was incapable of loving someone. But the moment she laid her eyes on a certain Art Professor...