CHAPTER 4

4 1 0
                                    

KENDRIC'S POV

BOOM! Dahil sa mga nangyari ay naging instant celebrity ako sa campus namin. Oo pinangarap kong mapansin at makilala lalong-lalo na ng mga babae pero hindi sa ganitong paraan. Campus love birds? JAU Lovers? KenLey? Kendric at Charley? Nagpapatawa ba sila? Nakakapangilabot isipin na ipinapares nila ako sa lalaking iyon. Nakakainis!

"Mga bro aminin natin, ang cute pakinggan ng KenLey." Nakangiti at patuksong sabi ni Noah.

"Mismo!" Pagsang-ayon naman ni Edward.

"Tumigil nga kayo. Hindi nakakatuwa."

Biglang nagvibrate ang hawak kong cellphone. May nagchat sa messenger! Tiningnan ko ito at nagulat ng makita ang nakalagay na pangalan sa notification – CHARLEY GUEVARRA. Binuksan ko ang message para mabasa.

MESSAGE: Magkita tayo ng 5:30PM sa library. Huwag kang magsasama ng iba. Pumunta ka kung hindi lagot ka.

Wow! Lagot talaga? Tinatakot ba niya ako? Tsaka hindi man lang niya tinanong kung free ako ng 5:30PM? Papaano nalang kung may klase pala ako? Mabuti nalang at wala. Ibang klaseng tao din itong si Charley. Bakit nga pala niya ako gustong kausapin? Tutulungan naba niya kong magpaliwanag? Sandali lang... Pupunta ba ako? Baka may makakita na namang mga marites at makuhaan kami ng video o di kaya picture. Hayyyst! Sige na nga puntahan ko nalang mamaya. Baka may bright idea siyang naiisip para matigil na itong pagpapartner sa amin.

"Bro, anong iniisip mo?" Biglang tanong ni Noah sa akin.

"Huh? Iniisip ko lang kung ano ang gagawin ko tungkol sa mga kumakalat na fake news na ito."

Hindi ko na sinabi sa aking mga kaibigan na nagmessage si Charley sa akin at gustong makipagkita. Natapos ang huling klase ko sa araw na ito ng 5:00PM kaya dali-dali kong niligpit ang aking mga gamit para makaalis.

"Bro, saan ka pupunta?" Tanong ni Edward

"Tara pasyal tayo sa mall." Sabi naman ni Noah.

"Kayo nalang muna. May kailangan pa akong puntahan."

Lumabas ako ng classroom at pumunta sa library. Iniwasan ko ang dumaan sa mga lugar na kadalasang tinatambayan ng mga estudyante. Ayaw ko kasing may magtanong ng tungkol sa mga post na nasa facebook group ng university.

Wala pang 5:30 ng makarating ako sa library. Tiningnan ko ang paligid para hanapin si Charley pero di ko siya nakita. Napaaga yata ako ng dating. Medyo kumalma din ako dahil kaunti lang ang tao ngayon dito sa loob. Lima? Binilang ko at tama nga lima lang sila. Mukhang hindi masyadong mahilig pumasok sa library ang mga estudyante dito. Okay lang din para wala masyadong marites na makakita sa amin. Baka kung ano na naman ang isipin. Uupo sana muna ako ng biglang nagvibrate ang aking cellphone. Kinuha ko ito mula sa bulsa ng pantalon. Si Charley nagmessage na naman. Nasa pinakadulong shelf daw siya. Sandali nga lang... Papaano niya pala nalaman ang facebook messenger ko? Am I being stalked? Wow naman! Tiningnan ko ang mga shelves para hanapin ang sinasabi niyang pinakadulo. Saan dito ang tinutukoy niya? Bahala na. Naglakad ako para hanapin siya at hindi katagalan ay nakita ko siya sa pinakatagong dulo.

"Ang bilis mo naman. Wala pang 5:30PM." Sabi ni Charley.

"5:00PM natapos ang class ko kaya pumunta ako agad dito."

"Mukhang excited ka talagang makita ako ulit. Namiss mo ba ako kaagad?"

"Shut up!" Gusto kong lakasan ang pagsabi sa kanya kaso hindi ko magawa dahil nasa loob kami ng library.

"Okay nadin na maaga ka dahil pet peeve ko ang mga taong late."

"First thing first. Are you stalking me? Bakit mo alam ang facebook ko? Bakit ka nakapagchat sa messenger ko?" Tanong ko.

"Seryoso ka? Bakit ko naman sasayangin ang oras ko sa pagstalk sayo? Paano ko nalaman ang facebook mo? Nakalimutan mo naba na nag-upload ka kanina lang ng video mo sa fb page ng university? Account mo ang ginamit mo."

Natahimik ako. Tama nga naman. Doon niya nalaman ang facebook ko.

"Nakakatawa yung ginawa mong video. So ano nakatulong ba? Diba hindi? Mas lalo kalang nagkalat. Kaya ayaw kong mag-effort magpaliwanag kasi alam kong ganito ang mangyayari. Kung hinayaan mo nalang sana edi baka after a few days wala na itong issue. Pumunta-punta ka pa kasi sa akin kaya tingnan mo, nakuhaan tuloy tayo ng video at picture." Sabi ni Charley.

"So, pinapunta mo ako dito para sabihin yan?"

"Uncomfortable nadin ako sa mga nangyayari. Hindi ako sanay na maging center of attention. Ayaw kong nadadawit ang pangalan ko sa mga ingay na nangyayari sa paligid. Kaya naisip ko, para mawala na ang issue na ito dapat wala ng makakita na magkasama tayo. Kahit sa video o sa picture o sa kahit ano. Ganito, huwag nating hayaan na magcross ang landas nating dalawa. Kung sakaling makita mo ako sa isang lugar, huwag kanang pumunta doon. Kung makita mo ako habang naglalakad, umiwas ka. Syempre, gayan din ang gagawin ko."

"Sus! Pinahaba mo pa. In short, iwasan natin ang isa't-isa." Sabi ko.

"Good at naintindihan mo. Naisip ko kasing baka kailangan ko iexplain saiyo ng mas detailed para lang magets mo ang gusto kong sabihin."

"Sinasabi mo bang mukha akong mahinang makaintindi?" Naiinis kong tanong.

"May narinig ka sa akin? Ikaw lang ang may sabi niyan."

"Nakakainis ka talaga!"

"Pero crush mo."

"Mukha mo! Hindi kita crush." Sabi ko

"Okay lang ba saiyo ang plano nating ito?"

"Okay na okay. Bakit naman hindi?"

"Baka lang kasi maging malungkot ka dahil hindi mo na ako makikita at makakausap."

"Suntukan nalang tayo. Gusto mo?" Hamon ko.

"Relax! Baka makuhaan na naman tayo ng picture. Mamisinterpret na naman nila."

"Tapusin na nga natin ito. Naiinis na ako saiyo eh. Simula sa araw na ito, hindi na dapat magcross ang ating mga landas. Iwasan na natin ang isa't-isa. Deal?" Sabi ko sabay abot ng kanan kong kamay para makipagshake hands.

"Ano yan?"

"Shake hands para maclose ang deal. Hindi ba uso sa planeta ninyo ito?" Tanong ko.

"Ang sabihin mo, gusto mo lang mahawakan ang kamay ko. Pwede namang iclose ang deal kahit hindi magshake hands."

Kinuha ko nalang uli ang aking kamay sabay sabi ng "Ibang klase ka talaga. Uulitin ko, hindi kita gusto at hinding-hindi kita magugustuhan."

"Sinabi ko din yan saiyo ha. Noong ibalik ko ang mga regalo mong bulaklak at chocolate."

''Hindi talaga para saiyo ang mga iyon kaya huwag kang feeling. Tsaka dahil ba sa sinabi mo na ay hindi ko na pwedeng gamitin? Nakakacopyright ba yun saiyo?'

"Okay!"

"Umalis na nga tayo. Baka masaktan pa kita dito eh."

"Sandali!" Sabi ni Charley sabay pigil sa akin.

"Ano na naman?"

Sinilip ni Charley ang mga estudyanteng nagbabasa tapos sinabi sa akin ang "Mauna akong lalabas dito sa library. After 30 minutes saka ka lumabas."

"30 minutes? Maghihintay ako dito ng 30 minutes?" Gulat kong tanong.

"Oo. Baka may makapansin kung halos sabay lang tayong lalabas. Magkaissue pa uli."

"Ikaw ang maghintay ng 30 minutes." Sabi ko sabay dali-daling umalis at inunahan ko siyang lumabas ng library. Bakit ako ang maghihintay ng 30 minutes? Pwede namang siya. 

A THIN LINE BETWEEN LOVE AND HATEWhere stories live. Discover now