CHAPTER 7

6 1 0
                                    

CHARLEY'S POV

Quiet and peaceful – Iyan ang gusto kong maging buhay dito sa university. Ayaw kong maging center of attention kaya lagi akong nag-iingat sa mga bagay na aking ginagawa. Sabi ng iba loner daw ako. Snob and cold pero hindi totoo iyan. May mga friends naman ako kaya lang hindi ako madalas sumasama kapag may mga gimik sila. Hindi din ako snob. Hindi lang talaga ako comfortable na makipag-usap o halubilo sa mga hindi ko kakilala. Cold? Hindi ako sure. Siguro dahil sinasabi ko sa mga tao ang gusto kong sabihin. Wala akong pakialam kung masaktan o magalit man sila. By the way, ako nga pala si Charley Guevarra. 2nd year civil engineering student.

"Charley! May lalaki palang pumunta dito kanina. Hinahanap ka." Sabi ng kaklase kong si Dexter pagkarating ko sa aming classroom. Pumunta kasi ako saglit sa library para magsauli ng librong hiniram ko last week.

"Bakit daw?" Tanong ko sabay upo sa aking upuan.

"Ibibigay sana niya ng personal ang mga ito." Sagot ni Dexter habang ipinapatong ang bouquet ng bulaklak at box ng chocolate sa aking mesa.

"Wow! Kanino galing ang mga iyan?" Tanong ng isa ko pang kaklase habang lumalapit.

"Sabi mo lalaki diba? Bakit naman niya ako bibigyan ng ganyan?" Nagtataka kong tanong.

"Admirer mo ata." Sagot ni Dexter.

"Wow Charley! May lalaki kang admirer!" Malakas na sabi ng kaklase kong lumapit kanina. Narinig din siya ng iba ko pang kaklase kaya tinukso nila akong lahat.

"Tumigil nga kayo at hindi naman nakakatuwa. Kainin na ninyo iyang chocolate." Sabi ko.

"Paano ang bulaklak?" Tanong ni Dexter.

"Itapon mo." Sagot ko.

"Sino ba yung lalaking may gusto kay Charley?" Tanong ng isa ko pang kaklase.

"Wait... Hen.. Ken.. grrr... Nasa dulo ng dila ko pero hindi ko maalala. Basta 1st year fine arts student siya." Sabi ni Dexter.

"Kendric Medina." Agad na sabi ni Ruel.

"Ayon! Kendric Medina pala." Nakangiting kompirmasyon ni Dexter.

"Kendric Medina?" patanong na sabi ko. Para kasing familiar sa akin ang pangalan. Baka nabasa o narinig ko na dati pa kung saan man.

"Oo. May isa pa pala siyang pinasasabi. Kung free kadaw ngayon, gusto ka daw sana niyang makausap. Naghihitay siya sa canteen." Sabi ni Ruel.

"Hayaan mo siya." Sabi ko.

"Grabe ka naman Charley. Puntahan mo na." Utos ng isa kong kaklase.

"Baka naghihintay na iyon doon." Singit pa ng isa.

"Oo nga puntahan mo na. Kawawa naman."

"Go Charley!"

"Huwag mo naman siyang paghintayin."

Hindi ko na sana papansinin kaso sa katagalan ay nainis na ako sa pangungulit ng aking mga kaklase. Tumayo ako at kinuha ang bouquet ng bulaklak at box ng chocolate sabay lakad palabas ng classroom.

"Pupuntahan mo ba siya? Samahan kita para maituro ko saiyo kung sino." Narinig ko na pasigaw na sabi ni Dexter mula sa likuran.

__________________________________________

Pagdating sa canteen ay itinuro sa akin ni Dexter ang estudyanteng nagpabigay ng bulaklak at chocolate. Nakaupo siya habang hawak-hawak ang kanyang cellphone. Ang weird lang kasi ng lapitan ko siya ay parang hindi niya ako kilala. Parang ibang tao ang inaasahan niya. Baka din style lang niya ito para hindi siya mapahiya. Baka alam niyang hindi ko tatanggapin ang mga regalong pinabibigay niya kaya kunwari ay hindi niya ako kilala at kunwari ay nagtataka siya kung paano ang mga ito ay sa akin napunta. Anyway, para hindi na humaba pa, sinabi ko nalang sa kanya na tigilan na ako dahil hindi ko siya gusto at hindi ko siya magugustuhan.

"Bakit?" Tanong ko kay Dexter habang kami ay naglalakad palayo sa canteen at sa estudyanteng nagpabigay ng bulaklak at chocolate. Napansin ko kasing kakaiba ang tingin niya sa akin.

"Wala naman." Sagot ni Dexter.

"Kung wala eh bakit ganyan ka makatingin?"

"Grabe ka kasi. Matagal ko ng alam na ganyan ng ugali mo pero nagugulat padin ako saiyo."

"Anong ibig mong sabihin?"

"Grabe ang ginawa mo kanina. Siguradong napahiya yun."

Tumigil ako sa paglalakad at tumingin kay Dexter na huminto din at sinabi ang "Ano bang masama sa ginawa ko? Sinabi ko lang naman ang totoo. Sinabi ko lang na tigilan na niya ako kasi hindi ko siya gusto."

"Pwede mo namang sabihin sa medyo hindi harsh na paraan."

"Anong gusto mo? Magpasweet ako doon?"

Nag-isip si Dexter tapos ngumiti bago sabihin ang "Okay na pala ang ginawa mo. Parang hindi kasi bagay saiyo ang pasweet."

Hindi na ako nagsalita pa at itinuloy nalang ulit at paglakad.

"Curious lang ako. Kung sakali bang babae ang nagbigay saiyo ng mga bulaklak at chocolate ay ganun padin ang gagawin mo?" Tanong ni Dexter habang nakasunod sa akin.

"Oo naman."

"Iba ka talaga. Pati pala babae ipapahiya mo kung sakali."

Napaisip tuloy ako. Masama ba talaga iyong mga sinabi ko? Hindi ko naman talaga intension na pahiyaan ang tao. Sinabi ko lang kung anong gusto kong sabihin. Yun lang!

__________________________________________

KINAGABIHAN – Gumagawa ako ng assignment ng biglang nagvibrate ang aking cellphone. Kinuha ko ito at nakitang may message ang isa kong kaklase sa group chat ng aming section.

MESSAGE: Guys, someone posted a video sa facebook group ng university natin. Check ninyo bilis! @Charley, it's about you.

Bigla akong kinabahan. Anong video? Agad kong tiningnan ang facebook group ng university at nakita ang post na sinasabi ng aking kaklase. Video ito ng nangyari kanina sa canteen. Biglang may message na naman sa GC namin.

RUEL: @Charley, nabasa mo naba ang mga comments? Kung hindi pa, huwag mo ng subukan. May mga nagalit saiyo dahil ang harsh mo daw.

CLASSMATE 1: Hindi naman ganun ka Harsh.

CLASSMATE 2: Sanay na kasi tayo kay Charley kaya para sa atin hindi na iyon harsh.

RUEL: Tama! Sanay na tayo sa ugali ni Charley (with laughing emoji).

ME: Wow! Aware naman siguro kayong nababasa ko ang mga messages ninyo diba?

RUEL: SYEMPRE!!!

CLASSMATE 3: Pare! Epic ang pambabasted mo.

CLASSMATE 4: Idol!!!

CLASSMATE 5: Sayang! Sana pala sumama ako kanina para nakita ko ng live ang nangyari. @Dexter, diba nandoon ka?

RUEL: Nasama nga siya sa video. Hindi mo ba nakita?

DEXTER: Ako paba mawawala? Naka-VIP seat ako mga tol!

Hindi na ako nagreply sa GC at hindi ko rin sinunod ang sinabi ni Ruel. Nagbasa ako ng mga comments at tama nga siya. May mga nagalit sa aking ginawa. Pinanood ko ulit ang video para makita ko kung may mali ba ako. Parang wala naman. Isa lang ang napansin ko. Habang pinagmamasdan ko si Kendric, naisip ko na parang ang familiar ng mukha niya. Siguro nakasalubong ko na siya dati sa loob ng campus habang ako ay naglalakad or baka nagkasabay na kaming kumain sa canteen. Ewan! Saan ko man siya nakita ay wala na akong pakialam. Nakakainis lang dahil magiging magulo ang sitwasyon ko ngayon dahil sa kanya.

A THIN LINE BETWEEN LOVE AND HATEOn viuen les histories. Descobreix ara