CHAPTER 2

4 1 0
                                    

KENDRIC'S POV

"Bro, kumusta? Anong nangyari? Nagkausap ba kayo ni Charley? Nasabi mo ba sa kanya na gusto mo siya?" Sunod-sunod na tanong sa akin ni Noah ng makasalubong ko sila ni Edward sa hallway ng fine arts building.

"Disaster! Disaster ang nangyari." Naiinis kong sagot.

"Bakit disaster? Binasted kaba niya kaagad?" Tanong ni Edward

"Shut up! Ayaw kong marinig ang word na iyan."

Mas lalo kasi akong nainis ng marinig ang salitang basted dahil naaalala ko ang mga comment ng mga nakakita kanina. Lahat sila ang akala ay nagconfess ako sa lalaking Charley at nabasted. Nakakahiya!

"Mukhang nabasted nga." Pabulong na sabi ni Noah kay Edward pero rinig ko parin.

"Hindi ako nabasted."

"Eh ano nga ang nangyari?"

Sinabi ko sa dalawa kong mga kaibigan ang nangyari pero sa halip na damayan ako ay tinawana ako ng malakas.

"Bro, ang epic!" Sabi ni Noah.

"Wow! Tawang-tawa talaga?"

"Naiimagine ko ang reaction ng mukha mo ng makita mo ang lalaking Charley. Sayang! Sana pala sumama kami." Tawang-tawa na sabi ni Edward.

"Mga kaibigan ko ba talaga kayo? Bakit parang mas lalo ninyo akong iniinis?"

"Sorry bro, nakakatawa lang kasi talaga." Sabi ni Noah pagkatapos ay nilakasan pa ang pagtawa.

"Mga traydor!"

Maghapon na hindi nawala ang inis na aking nararamdaman hanggang sa makauwi ako sa dorm kung saan ako nakatira ngayon. Apat kaming tenant sa isang kwarto na may dalawang double deck. Inilapag ko sa lamesa ang aking bag at nagbihis pagkatapos ay nahiga. Mamaya na ako kakain. Sa ngayon ay iidlip muna ako saglit. Ipinikit ko ang aking mga mata ng bigla kong naimagine ang mukha ng lalaking Charley kaya iminulat ko ito ulit. Hanggang sa pagpikit ba naman sinusundan padin ako? Mas lalo tuloy akong nainis. Sana hindi ko na siya makita ulit pero pwede ba iyon? Nasa iisang university lang kami at malaki ang chance na magcross ulit ang aming landas. Bahala na!

__________________________________________

KINABUKASAN - Kakapasok ko palang sa gate ng university ng marinig ang isang babae na sinabi sa mga kasama ang mga salitang "Diba siya yun?" habang ngumingiti. Nagtaka ako pero nagpatuloy parin sa paglalakad ng mapansing halos lahat ng mga estudyanteng nadadaanan at nakakasalubong ko ay ngumingiting nakatingin sa akin. Ano kaya ang nangyayari? Extra pogi ba ako ngayon kaya lahat sila ay napapalingon? Nakaramdam ako ng kilig kaya ngumiti narin ako sabay sabi ng "Hi!" sa kanila. Pagkarating sa classroom ay agad akong lumapit sa nakaupong sina Edward at Noah.

"Mga bro, may sasabihin ako. Alam ba ninyo kanina habang papunta ako dito, napansin kong lahat ng mga estudyateng nadadaanan at nakakasalubong ko ay napapalingon. Parang kilala nila akong lahat. Extra pogi ba ako ngayon kaya kapansin-pansin?" Sabi ko

"Ang feeling mo naman. Hindi iyon ang reason." Sabi ni Edward.

"Eh ano? Bakit parang kilala ako ng lahat?"

Hinihintay ko ang sagot ng aking mga kaibigan ng marinig ang sabi ng isa kong kaklase na "Medina, okay kalang ba?"

Nilingon ko ang nagsasalita ang nagtatakang nagtanong ng "Okay lang naman. Bakit?"

Ngumiti siya at sinabi ang "Ikaw talaga."

Tiningnan ko sina Edward at Noah sabay tanong ng "Mukha ba akong hindi okay?"

"Bro, nacheck mo ba nag facebook group ng university natin?" Tanong ni Noah.

"Hindi. Hindi ko pa nga din pina-follow. Bakit?"

Kinuha ni Edward ang cellphone niya. May sinearch siya tapos iniabot ito sa akin sabay sabi ng "May nag-upload kasi ng video."

"Anong video?"

"Panoorin mo."

Kinuha ko ang cellphone kay Edward at pinanood ang video. Nagulat ako dahil video pala ito ng nangyari kahapon sa canteen at may caption na BOY BASTED. Binasa ko ang ilan sa mga comments at lahat sila halos iisa ang sinasabi. Kawawa daw ako dahil nabasted. Itong video na ito pala ang reason kung bakit napapalingon sa akin ang lahat kanina. Hindi pala dahil extra pogi ako.

"Sino nag-upload nito?" Tanong ko.

"Mukhang dummy account." Sagot ni Edward.

"Naman! Kainis!"

"Bro, okay lang yan pero congratulations nadin." Sabi ni Noah.

"Congratulations?" Nagtataka kong tanong

"Oo dahil sikat kana... BOY BASTED!" Pasigaw na sabi ni Noah sabay tawa. Nakitawa nadin si Edaward at ang aking mga kaklase.

"Tumigil nga kayo! Hindi totoo yan. Hindi ako nabasted dahil wala naman akong niligawan. Misunderstanding lang ang mga nagyari." Sabi ko sa aking mga kaklase.

"Talaga?" Tanong ng isa.

"Oo naman. Tanungin pa ninyo sina Noah at Edward. Alam nila ang totoo." Sagot ko.

"Hala! Bakit kami nasali? Wala kaming alam diyan." Nakangiting sabi ni Edward.

"Mga traydor talaga kayo!" Sabi ko sa dalawa kong kaibigan.

"Oo na! Totoo ang sabi ni BOY BASTED este Kendric. Misunderstanding ang mga nagyari."

Ipinaliwanang nina Edward at Noah sa aming mga kaklase ang totoong nangyari. Kagaya ng unang naging reaction ng aking mga kaibigan, nagtawanan din ang aking mga kaklase. Kahit na nagtawanan sila, sana naman ay naniwala sila.

"Ano na ang gagawin natin?" Tanong ni Noah habang nakaupo na kami.

"Ipapaliwag ko sa ibang estudyante kong ano talaga ang nagyari." Sagot ko.

"Papaano? Pupuntahan mo sila isa-isa? Alam mo ba kung ilan lahat ang estudyante dito sa JAU? Marami bro." Sabi ni Noah.

"Gagawa din ako ng video tapos iaupload natin sa fb group ng university."

"Okay sabihin nating nakagawa at naupload na natin ang video, ang tanong ay maniniwala kaya ang ibang mga estudyante? Baka kasi isipin nila na nagpapalusot kalang para hindi kana matukso sa pagbasted saiyo ni Charley." Sabi ni Edward.

"Hindi nga ako nabasted!"

"Oo alam namin. Relax kalang." Nakangiting sabi ni Edward.

"So, papaano na?" Tanong ni Noah.

"Kendric, kausapin mo si Charley. Ang lalaking Charley ha. Patulong ka sa kanya na magpaliwag. Mas maganda kong manggagaling din mismo sa kanya ang totoo." Sabi sa akin ni Edward.

"No way! Hinding-hindi ko na lalapitan at kakausapin ang lalaking iyon." Malakas kong sabi.

"Ikaw ang bahala. Baka forever na makilala kang BOY BASTED dito sa campus."

"Kainis!"

Pinag-isipan kong mabuti ang sinabi ni Edward at napagtantong may point naman siya kaya pagkadating ng vacant time namin ay agad akong pumunta sa gusali ng engineering department. Habang nilalakad ang hallway papunta sa room 2-A ay napansin ko ang mga matang nakatingin sa akin. May mga tumawag din na "Boy Basted" pero hindi ko na nilingon. Nakakahiya! Ito ang unang beses na maramdaman ko ito.

"Oh boy basted! Nandito kaba para makita si Charley?" Bungad sa akin ng isang estudyante ng marating ko ang room 2-A.

Mula sa pintuan ay natanaw ko si Charley na nakaupo at nagbabasa. Pumasok ako at kasabay nito ang hiyawan at tukso mula sa mga estudyanteng nasa paligid. Hindi ko na ito pinansin. Nilapitan ko si Charley at kinuha ang librong binabasa tapos nilapag ito sa lamesa na nasa kanyang harapan. Tiningnan niya ako at tinanong ng "Anong kailangan mo?"

"Charley Guevarra, kailangan nating mag-usap."

A THIN LINE BETWEEN LOVE AND HATETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon