CHAPTER 19

3 0 0
                                    

CHARLEY'S POV

SABADO NG HAPON – Nakahiga ako sa sofa na nasa sala at nagbabasa ng lumapit si Kendric at nagtanong kung okay lang ba ang suot niyang damit.

"Okay naman. May pupuntahan ka?" Sabi at balik kong tanong.

"Gigimik kami mamaya ng mga kaibigan ko."

"Kailangan talagang nakaporma?"

Ngumiti si Kendric at sinabi ang "Syempre! Sasama kasi sa amin si Charlene."

Bigla akong nakaramdam ng inis. Ilang araw ko narin itong napapansin na nagagalit o naiinis ako kapag nababanggit niya si Charlene. Hindi ko alam kung bakit pero baka dahil siya ang dahilan kung bakit nagkaroon ng issue sa amin ni Kendric.

"Ikaw ba? Wala kang lakad ngayon?" Tanong ni Kendric.

"Wala."

"Gumimik ka naman paminsan-minsan."

"Ayaw ko ng mga ganyan." Sabi ko.

"Ayaw mo o baka wala kalang mga kaibigang nagyayaya saiyo?"

"May mga kaibigan ako! Ano bang akala mo sakin loner?"

Ngumiti lang si Kendric at bumalik sa kanyang kwarto. Ilang sandali lang ay biglang tumunog ang doorbell. Bumangon ako mula sa pagkakahiga at pumunta sa main door. Pagkabukas ng pinto ay nakita ko si Charlene.

"Hi Charley. Kumusta?" Nakangiting bati at tanong ng babae.

"Okay naman ako. Pumasok ka."

Pinaupo ko si Charlene. Lumabas naman mula sa kanyang kwarto si kendric.

"Bakit ikaw pa pumunta dito? Diba sinabi kong ako ang susundo saiyo?" Halatang gulat na tanong ni Kendric sa babae.

"Okay lang. Gusto ko ding pumunta dito." Nakangiting sagot ni Charley sabay tingin sa akin.

"Tapos nadin naman akong magbihis. Alis na tayo?" Tanong no Kendric.

"Mamaya na siguro. Magpahinga muna tayo ng kunti." Sagot ng babae.

"Umalis na kayo." Sabi ko. Nakakainis kasing makita silang dalawa.

"Charley, baka gusto mong sumama sa amin?" Tanong ni Charlene sa akin.

"Pass." Maikling kong sagot pagkatapos ay pumasok sa kwarto at isinara ang pinto. Naiinis ako! Naiinis ako dahil magsasaya sa labas si Kendric tapos nandito lang ako sa bahay at magmumukmok. Agad kong kinuha ang aking cellphone at nagmessage sa kaklase at kaibigan kong si Dexter.

ME: Gimik tayo tonight?

DEXTER: Wow! Himalang ikaw ang nagyaya. Sige saan mo gusto?

ME: Kahit saan.

DEXTER: Bar?

ME: Sure!

DEXTER: Nice! Sabihan ko nadin sina Ruel at ang iba pa.

ME: Text mo nalang sa akin kung saang bar. Ikaw ang mas may alam kung saang maganda.

DEXTER: Okay. See you around 9PM?

ME: Okay.

Napaupo ako sa kama at napaisip. Bakit ako nagkakaganito? Dati wala naman akong pakialam kung may mga kakilala akong gumigimik. Hindi naman ako naiinis o naiinggit. Bakit ngayon nararamdaman ko ito? Bakit ako naiinis dahil nasa labas si Kendric?

__________________________________________

May isang street sa Manila kung saan halos tabi-tabi ang mga magagandang bar. Doon kami nagkita-kita ng aking mga kaibigan. Hindi na ako nagdala ng sasakyan dahil baka maparami ako ng inom at hindi makapagmaneho. Magtataxi nalang ako pauwi. Kakaubos lang ng pangalawang bote ko ng beer ng maramdaman ang pagkaihi. Pumunta ako sa CR at paglabas ay may nadaanan akong lalaki na parang hinaharas ang isang babae. Pumagitna ako sa kanila para maprotektahan ang babae.

A THIN LINE BETWEEN LOVE AND HATEWhere stories live. Discover now