CHAPTER 15

5 1 0
                                    

CHARLEY'S POV

Hindi ko napansing sumunod pala sa akin si Charlene ng puntahan ko si Kendric. Dahil dito, narinig niya tuloy ang pinag-usapan namin at ngayon ay alam na niyang sa iisang bahay lang kami nakatira.

"Ikaw na ang bahala dito." Utos ko kay Kendric.

"Oo, ako na ang magpapaliwanag sa kanya."

"Kung pwede ay sa labas nalang kayo mag-usap." Sabi ko.

"Charlene, okay lang ba saiyong lumabas muna tayo?" Tanong ni Kendric sa babae.

"Sige. Kukunin ko lang muna ang mga gamit ko."

Umalis si Charlene para kunin ang mga gamit niya.

"Kita mo na? Sa susunod, mag-ingat na tayo." Sabi ko kay Kendric.

"Ikaw naman kasi, bakit hindi mo napansing sumunod pala siya saiyo?"

"At ngayon kasalanan ko pa? Kung hindi ka sana pumunta dito sa library, hindi sana ito mangyayari."

Hindi ko na hinintay na makapagsalita pa si Kendric. Umalis na ako at iniwan siya. Bumalik ako sa aking upuan para ipagpatuloy ang paggawa ng assignment. Naabutan ko si Charlene na nililigpit ang kanyang gamit. Hindi ko siya kinibo o pinansin kaya hindi nadin siya nagsalita hanggang sa makaalis. Makalipas ang mahigit 30-minutes ay naisip kong imessage si Kendric.

ME: Nakausap mo na?

KENDRIC: Oo, naipaliwanag ko na sa kanya. Pinakiusapan ko ding huwag na sana niyang sabihin sa iba.

ME: Okay good.

KENDRIC: Sa Makati din pala siya nakatira. Malapit lang daw ang condo nila sa condo mo.

ME: Wow! Sinabi mo talaga kung saan tayo nakatira?

KENDRIC: Nagtanong siya eh.

ME: Ewan ko saiyo.

Pagkatapos kong gumawa ng assignment ay lumabas na ako ng library. Patapos narin ang vacant time ko at ilang minuto nalang ay magsisimula na ang susunod na klase kaya bumalik na ako sa aming classroom.

__________________________________________

Wala pa si Kendric ng makauwi ako ng bahay. Natapos na akong magluto at kumain ng dinner pero hindi pa rin siya dumadating. Nasa loob ako ng kwarto ng marinig ang pagbukas ng main door. Alam kong siya na iyon. Ilang sandali lang ay may narinig naman akong katok sa pintuan ng aking kwarto.

"Bakit?" Tanong ko kay Kendric pagkabukas ng pinto.

"May cupcakes sa kitchen table. Kumain ka."

Tumingin ako sa kitchen table at nakita ang isang box na nakapatong. Nasa loob siguro nito ang sinasabi niyang cupcakes. Sunod ko namang tiningnan si Kendric. Napapaisip ako kung pasalubong ba niya iyon sa akin.

"Uunahan na kita para hindi ka mag-assume. Hindi ko iyan binili para saiyo. Galing kay Charlene ang cupcakes." Sabi ni Kendric na parang nabasa kung ano ang iniisip ko.

"Binili niya para sa akin?"

"Para saiyo? Swerte mo! Binigay niya iyan sa akin at sinabi niyang huwag ko daw kalimutang ishare saiyo. Tsaka hindi niya iyan binili. Siya mismo ang gumawa. Sinabayan ko kasi siya sa pag-uwi kasi diba sabi niya sa Makati lang daw siya nakatira. Malapit lang pala ang place nila dito. Nakikistay siya sa condo ng kanyang pinsan. At ang pinsan niyang iyon ay mahilig magbake kaya nahilig narin siya. Ginawa niya ang mga cupcakes kagabi."

A THIN LINE BETWEEN LOVE AND HATEWhere stories live. Discover now