CHAPTER 9

4 1 0
                                    

CHARLEY'S POV

SABADO – Kakauwi ko lang ng bahay galing sa university ng makatanggap ako ng text mula sa isang hindi familiar na number. Binuksan ko ito para basahin at nalamang mula pala ito kay Ken-Ken. Nagtanong siya kung nasa bahay lang ba daw ako dahil ngayon na siya pupunta para lumipat. Pagkatapos ko sagutin ang kanyang mga messages ay pinuntahan ko ang kwarto kung saan siya pupwesto. Natanggal ko na ang mga gamit na dati ay nakatambak dito at nalinisan ko narin. Nakakahiya din kasi kung madatnan niyang parang bodega ang kwartong kanyang tutuluyan. Lumipas ang halos isang oras pero di parin siya nagpaparamdam. Sinabi ko kasing magtext siya kapag nasa ibaba na ng condominium. Naisip ko na baka naligaw kaya nagmessage ako sa kanya para tanungin kung nasaan na siya. Natraffic daw pero nasa baba na siya ng building. Dali-dali akong lumabas ng unit at sumakay ng elevator pababa. Pagkalabas ko ng building ay hinanap ko siya hanggang sa matuon ang aking paningin sa isang lalaki na nakatayo sa may gilid. Laking gulat ko ng makilala kung sino – si KENDRIC MEDINA. Bakit siya nandito? Nakita ko din ang maleta na nasa kanyang tabi. Dito na pumasok sa aking isipan na baka siya si Ken-Ken. KEN-KEN for Kendric? Para makasigurado ay tinawagan ko ang number ni Ken-Ken at dito ko na nakompirma na tama ang iniisip ko dahil sinagot ni Kendric ang kanyang cellphone.

"So, ikaw nga. What a twist!" Sabi ko kay Kendric.

"Sa dami ng tao dito sa mundo bakit ikaw pa?"

"Yuck! Ang corny ng sinabi mo."

Itinigil ko ang tawag at lumapit sa kanya. Pareho kaming nagulat. Hindi namin inaasahan ang twist na ito. Parang sa pelikula lang. Akala ko matutuwa ako kung makikita ko muli ang dati kong kaibigan pero kabaliktaran ang nagyari. Hindi naging maganda ang naging usapan namin ni Kendric. Siguro naisip niyang hindi magwowrok kung sa iisang bahay kami titira kaya bitbit ang kanyang maleta ay umalis siya. Hindi na daw niya itutuloy ang paglipat sa bahay kung saan ako nakatira.

__________________________________________

Lumipas ang mga oras. Nakatanggap ako ng tawag mula kay daddy. Tumawag din daw sa kanya ang papa ni Kendric at sinabing hindi na nga daw ito lilipat.

"Ano ba ang nangyari?" Tanong ni papa.

"Hindi ko po alam." Sagot ko. Ayaw ko din kasing sabihin kung ano ang totoo.

"Anong hindi mo alam? Nagkausap kayo diba?"

"Siguro hindi siya komportable sa place ko." Sabi ko which is partly totoo naman kasi mukhang hindi naman talaga magiging komportable si Kendric na makasama ako.

"Puntahan mo siya at kumbinsihin na diyan tumira."

"What? Bakit?"

"Ang sabi ng papa niya, wala nadaw siyang matutuluytan ngayon. Ibinigay na sa iba ang pwesto niya sa dating dorm na kanyang tinitirhan. Pagabi na at baka anong mangyari sa kanya kaya pabalikin mo na siya diyan."

"Pero dad..."

Hindi ko natapos ang aking sasabihin ng sumingit si daddy. "Walang pero-pero. Pabalikin mo siya diyan."

Pinutol na ni daddy ang tawag. Nag-isip naman ako kung anong gagawin. Papabalikin ko ba siya? Napatingin ako sa salamin at dahan-dahang lumapit. Itinaas ko ang kaliwang sleeve ng aking shirt para makita ulit ang peklat. Biglang nagflashback sa akin ang araw kung kailan ako nagkaroon nito.

-FLASHBACK-

Mga 8-years old ako noon. Nagbakasyon kami sa Davao kaya hindi pinalampas ni papa ang chance na bumisita sa bahay ng kaibigan niya. Nakatayo ako sa harap ng puno ng santol habang nakatingin sa mga bunga nito. Parang ang sarap!

"Gusto mong kumain niyan?" Tanong sa akin ni Ken-Ken. Anak ng kaibigan ni papa at bata sa akin ng mga isang taon.

"Oo kaso ang taas. Hindi ko kayang akyatin iyan." Sagot ko.

"Ako kaya kong akyatin yan. Gusto mo kuhaan kita para makakain ka?"

"Hindi na. Baka mahulog ka."

"Hindi ako mahuhulog."

"Huwag na."

Aalis na sana ako pero biglang patakbong lumapit si Ken-Ken sa puno ng santol at inakyat ito.

"Ken-Ken baka mahulog ka. Huwag mo ng akyatin iyan." Sabi ko.

"Okay lang ako. Hindi ako mahuhulog. Gusto mong kumain diba? Ikukuha kita."

Hindi nagpapigil si Ken-Ken at tuluyan talagang umakyat sa puno ng santol hanggang marating niya ang sanga na may bunga. Pinilit niya itong abutin. Nakita kong hirap siya sa pag-abot. Kinakabahan nadin ako na baka siya ay mahulog.

"Nakuha ko na! Nakuha ko na!" Pasigaw at nakangiting sabi niya ng maabot ang isang bunga.

"Ang galing! Bumaba ka na."

Inihagis ni Ken-Ken ang bunga malapit sa akin. Gumalaw siya ng biglang naputol ang sanga na kanyang pinapatungan. Napakapit siya sa isa pang sanga at napasigaw ng "Kuya mahuhulog ako."

Agad akong pumwesto sa ibaba niya para saluhin sana siya kung sakaling mahulog.

"Ken-Ken, humawak kang mabuti."

"Kuya hindi ko na kaya. Ang sakit na ng kamay ko."

Bumitaw si Ken-Ken sa pagkakahawak sa sanga. Sinubukan ko siyang saluhin pero masyado siyang mabigat kaya pati ako ay natumba. Sa kasamaang palad ay bumagsak ang aking kaliwang braso sa matulis na bato at nagkasugat. Napaiyak ako sa sakit. Pati si Ken-Ken ay napaiyak din ng makita ang dugo. Dali-daling lumapit ang aming mga magulang dahil sa lakas ng aming iyak. Dinala naman ako nina mommy at daddy sa hospital. Malalim ang naging sugat kaya kinailangan itong tahiin. Pagkalabas ng ER ay nakita ko si Ken-Ken kasama ang kanyang mga magulang na nakaupo. Patakbong siyang lumapit sa akin habang umiiyak.

"Kuya Carl, sorry." Sabi ni Ken-Ken.

"Okay na ako at hindi mo naman kasalanan."

"Kasalanan ko. Kung hindi sana ako nahulog, hindi ka rin masusugatan."

"Ginamot naman na ng doctor ang sugat ko kaya okay na."

Biglang iniabot ni Ken-Ken sa akin ang isang pirasong santol.

"Bakit dala mo iyan?" Tanong ko.

"Diba gusto mo ito? Sorry na ulit."

Napangiti ako sabay kuha sa santol na iniabot ni Ken-Ken.

-END OF FLASHBACK-

Ibinaba ko ang sleeve ng aking damit at nag-isip. Paano na kaya ngayon si Kendric? Wala nadaw ang pwesto niya sa dating dorm na kanyang tinirhan. Saan na siya pupunta? Nakaramdam ako ng pag-aalala. Siguro tamang pabalikin ko siya dito. Sinubukan ko siyang tawagan pero out of coverage na. Papaano na ito? Naisip kong hanapin nalang. Pero saan? Bahala na. Kung nagdodorm siya, marahil ay malapit lang ito sa university namin. Baka nasa area lang siya malapit sa university ngayon. Doon ko siya hahanapin. Agad kong kinuha ang susi ng sasakyan at dali-daling pumunta sa parking ng condominium. Pagkalabas ng building ay nagulat akong makita si Kendric. Inihinto ko ang sasakyang minamaneho at tiningnan siya. Bumalik ba siya para makiusap na dito nalang tumira? Bigla siyang naglakad. Maya-maya ay napansin kong parang tatawid siya sa kabilang side ng kalsada kaya agad kong pinaandar ang sasakayan at dali-dali itong inilapit sa kanya. Pagkahinto ay ibinaba ko ang salamin ng bintana. Tiningnan ko siya at sinabi ang "Sakay."

A THIN LINE BETWEEN LOVE AND HATEजहाँ कहानियाँ रहती हैं। अभी खोजें