CHAPTER 22

9 1 1
                                    

KENDRIC'S POV

Pagkatapos ng training namin ay nagmadali kaagad akong umuwi. Sa halip na dumiretso sa bahay ay naisip kong puntuhan muna si Charlene. Ilang araw ko na rin kasi siyang hindi nakikita dahil simula ng sumali ako sa track and field ay naging busy na ang aking schedule.

"Bakit ka pala napunta dito?" Tanong ni Charlene ng magkita kami sa labas ng building kung nasaan ang kanilang condo.

"Ilang araw na kasi tayong hindi nagkikita. Baka lang nakalimutan mo na ang mukha ko."

Ngumiti si Charlene at sinabi ang "Muntik na nga."

"Busy kasi sa training."

"Nakakapagod?" Tanong niya.

"Oo sobra pero masaya." Sagot ko.

"Mabuti at masaya ka sa ginagawa mo."

"Gusto mong magdinner?"

"Dinner? Tapos na ako eh."

"Sabagay, 9:00 PM na."

"Ikaw? Hindi kapa nagdidinner?"

Hindi ako sumagot at ngumiti lang.

"Gusto mong samahan kita?" Tanong ni Charlene.

"Hindi na. Nakakahiya naman." Sagot ko pero ang totoo, gustong-gusto ko na samahan niya ako. Gusto ko pa kasi ng mahabang time para makasama siya.

"Nagdinner na ako pero hindi pa ako nakapagdessert. Tara?"

Ngumiti uli ako at sumagot ng "Tara!"

Pumunta kami sa isang café at umorder ako ng pasta at chicken. Si Charlene naman ay umorder ng isang slice ng carrot cake.

"Charlene, pwede akong magtanong?" Tanong ko habang kumakain.

"Go lang! Ano ba iyon?"

"Mahigit isang buwan nadin tayong magkakilala pero hindi ko pa naitatanong sa iyo ito. May boyfriend kaba ngayon?"

"Sa mahigit isang buwan nating magkakilala, may napapansin o nakikita kabang posibleng boyfriend ko?" Balik na tanong ni Charlene sa akin.

"Wala pero baka kasi LDR kayo?"

Ngumiti si Charlene at sumagot ng "Wala akong boyfriend."

"Yes!" Pabulong kong sabi habang ngumingiti.

"Ikaw ba may girlfriend na? Well, wala naman akong nakikita pero baka LDR lang din kayo."

"Wala!" Agad-agad at malakas kung sabi.

"Pero for sure may nagugustuhan kana?" Tanong ni Charlene.

"Huh? Ahhh... Oo meron na nga. Ikaw ba? May nagugutuhan ka?"

"Ako? Oo meron din akong nagugustuhan." Nakangiting sagot ni Charlene.

"Sino?"

"Secret!"

"Bakit secret? Sabihin mo na!"

"Bakit ikaw? Sasabihin mo din ba sa akin kung sino ang nagugustuhan mo?"

Bigla akong napatigil. Hindi ko pa pwedeng sabihin kay Charlene na siya ang babaeng nagugustuhan ko. Hindi pa ito ang tamang oras.

"Hindi din. Hindi pa ngayon pero malalaman mo din."

"See? Hindi mo rin sasabihin sakin." Nakangiting sabi ni Charlene.

__________________________________________

Pagkatapos kumain ay inihatid ko na din si Charlene sa building nila. Nagpaalamanan kami at tumalikod na ako para umuwi. Naglalakad ako ng biglang narinig ang tawag ni Charlene. Huminto ako at humarap sa kanya sabay tanong ng "Bakit?"

Patakbo siyang lumapit sa akin at pagkahinto ay sinabi ang "Sasabihin ko na."

"Sasabihin ang ano?"

"Ang taong nagugustuhan ko. Sasabihin ko na saiyo."

Biglang parang naramdaman kung tumalon ang aking puso. Gustong-gusto ko din na malaman kung sino ang nagugustuhan ni Charlene at aaminin kong umaasa akong ako iyon.

"Sigurado ka?" Tanong ko.

"Oo."

Ngumiti ako at sinabi ang "Sige, sasabihin ko rin kung sino ang nagugustuhan ko."

"Hindi mo naman kailangang sabihin sa akin dahil may iba akong gustong kapalit. Hindi. Favor pala. Sasabihin ko saiyo kung sino ang nagugustuhan ko pero may hihingin akong favor."

"Anong favor?"

"Hindi ko kasi alam kung ano ang nararamdaman sa akin ng taong gusto ko. Hindi ko din alam kung may gusto ba siyang iba. Marami akong hindi alam tungkol sa kanya kaya Kendric, tulungan mo ako. Gusto kong alamin mo kung ano ang tingin niya sa akin. Kung sakali mang hindi niya ako gusto, tulungan mo akong magustuhan niya. Please."

Bigla akong nakaramdam ng panghihina. Sa pananalita kasi ni Charlene ay parang iba ang taong tinutukoy niya na gusto niya. Parang hindi ako.

"Bakit ako?" Tanong ko.

"Ikaw lang kasi ang kilala kong malapit sa kanya."

"Wait! Sino ba ang tinutukoy mo? Sino ang taong gusto mo?"

Huminga ng malalim si Charlene bago sabihin ang "Si Charley. Siya ang nagugustuhan ko."

"Si Charley? Ang lalaking kasama ko sa bahay? Si Charley Guevarra" Gulat kong tanong.

"Oo." Sagot ni Charlene.

"Bakit siya?"

"Hindi ko din maipaliwanag kung bakit siya. Basta naramdaman ko nalang na gusto ko siya. Gustong-gusto ko si Charley."

"Hindi kaya nako-confused kalang sa nararamdaman mo? Sigurado kabang gusto mo siya?"

"Huh? Oo naman. Bakit?"

"Hindi pwede. Hindi pwede na siya ang magustuhan mo."

"Alam ko na sasabihin mong napaka-cold na tao ni Charley at hindi friendly pero okay lang sa akin iyon. Kendric please, help me na mas mapalapit sa kanya.

"Pag-iisipan ko." Sabi ko sabay talikot at dahan-dahang naglakad.

"Huwag mo muna sabihin sa kanyang gusto ko siya! Tulungan mo akong mapalapit sa kanya pero iyong hindi niya mahahalata. Okay? Salamat!"

Para akong lutang na naglakad pauwi. Hindi ko maprocess ng husto kung ano ang aking nararamdaman. Basta ang alam ko lang ay nagulat ako sa nalaman mula kay Charlene. Pagkarating at pagkapasok ko sa aming unit ay nakasalubong ko si Charley na kakalabas lang mula sa CR. Tiningnan ko siya at dito na ako biglang nakaramdam ng galit.

"Ginabi ka ata? Late naba natapos ang training ninyo?" Tanong niya sa akin.

"Wala kang pakialam kung gabihin man ako ng uwi." Sagot ko.

"Galit kaba? Anong nangyari? May nakaaway ka?"

Hindi ako sumagot at tiningnan ko lang siya. Lalong tumitindi ang nararamdaman kong galit na parang gusto ko na siyang suntukin pero pinigilan ko ito at pumasok nalang ako sa kwarto at isinara ang pinto. Sobrang bigat ng aking nararamdaman kaya pabagsak kong itinapon ang aking backpack sa higaan sabay sigaw ng malakas pagkatapos ay napaupo ako sa sahig habang nakasandal sa pader. Dito na tuluyang tumulo ang aking mga luha at hindi ko na napigilang humagulgol.

"Bakit siya pa? Bakit siya pa? Bakit siya pa?" Paulit-ulit kong sabi habang umiiyak.

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Jul 12, 2023 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

A THIN LINE BETWEEN LOVE AND HATEWhere stories live. Discover now