CHAPTER 10

4 1 0
                                    

CHARLEY'S POV

"Sakay na sabi." Naiinip kong sabi kay Kendric. Nakatayo lang kasi siya sa labas ng sasakyan at hindi nagsasalita.

"Bakit ako sasakay?" Tanong niya.

"Makikitira ka sa akin diba?"

"Sinong nagsabi?"

"Eh bakit ka bumalik dito?"

Hindi sumagot si Kendric.

"Sasakay kaba o hindi?" Tanong ko.

"Teka! Sasakay na."

Pinalagay ko sa kanya ang maletang dala sa compartment tapos ay pumasok siya at naupo sa bandang likuran ng sasakyan.

"Dito ka umupo sa harap katabi ko." Sabi ko.

"Dito nalang."

"Kapag diyan ka umupo, parang boss kita na pinagmamaneho ko."

"Arte naman." Mahina pero narinig ko na sabi ni Kendric sabay bukas ng pintuan.

"May sinasabi ka?" Tanong ko.

"Wala po. Lilipat na po ako sa harap."

Lumipat ng upo si Kendric sa harapan katabi ko.

"Okay na po?" Sarcastic niyang tanong.

"Kunwari ayaw pero gusto din naman niya akong katabi." Panunukso ko.

"Baka ikaw ang may gustong katabi ako. Ikaw kaya ang nagpalipat sakin dito."

"Talaga?"

Hindi na sumagot si Kendric. Tumingin nalang siya sa labas ng bintana na nasa kanyang side. Napansin kong hindi niya isinuot ang seat belt kaya lumapit ako para sana ayusin ito pero sakto namang lumingon siya sa akin kaya nagkalapit ang aming mukha at muntik ng magkahalikan. Agad naman akong umatras at pumwesto ng upo.

"Aayusin ko lang sana ang seat belt mo." Parang nahihiya kong sabi.

"Ahw oo nga pala. Ako na."

Isinuot ni Kendric ang seat belt pagkatapos ay pinaandar ko na ang sasakayan. Sa halip na bumalik sa condominium ay pumunta at inihinto ko ang sasakyan sa isang malapit na café.

"Bakit tayo nandito?" Tanong ni Kendric sa akin pagkababa namin ng saskayan.

"Hindi ako nakapagluto ng dinner kaya dito ako kakain. Ikaw ba, kumain kana?"

"Dito talaga tayo kakain?"

"Masarap ang mga pagkain nila dito. Salad, pasta, sandwiches. Tara!"

Pumasok kami sa loob at naupo. Umorder ako ng pasta at juice. Si Kendric naman ay umorder ng pasta, sandwich at coke. Habang hinihintay ang mga pagkain ay nag-usap muna kaming dalawa.

"So, okay lang ba saiyo na maging housemate ako?" Tanong ni Kendric sa akin.

"Papagalitan ako ni daddy kapag hindi ako pumayag."

"Hindi mo sinagot ang tanong ko. Okay lang ba saiyo?"

"Ang totoo, hindi. For sure same lang tayo ng nararamdaman." Sagot ko.

"Pasensya kana. Hindi din ito magtatagal. Maghahanap ako ng malilipatang dormitory as soon as possible."

"No. Stay with me."

Natahimik si Kendric at napatingin sa akin. Oo totoong hindi ako komportable na makasama siya sa iisang bahay pero sa kabilang banda ay may pag-aalala din akong nararamdaman para sa kanya.

A THIN LINE BETWEEN LOVE AND HATEWhere stories live. Discover now