A THIN LINE BETWEEN LOVE AND...

By nil_jorge

109 15 1

Si Kendric Medina ang pogi at medyo may pagkamahanging freshman fine arts student na nainlove sa isang babae... More

CHAPTER 1
CHAPTER 2
CHAPTER 3
CHAPTER 4
CHAPTER 5
CHAPTER 6
CHAPTER 7
CHAPTER 8
CHAPTER 9
CHAPTER 10
CHAPTER 11
CHAPTER 12
CHAPTER 13
CHAPTER 14
CHAPTER 15
CHAPTER 16
CHAPTER 17
CHAPTER 18
CHAPTER 19
CHAPTER 20
CHAPTER 21
CHAPTER 22

INTRODUCTION

17 1 0
By nil_jorge

Dalawang linggo na ang nakakalipas ng magsimula ang klase sa John Anderson University. Isang pribado at kilalang unibersidad sa Manila.

Bitbit ang bouquet ng bulaklak at box ng Ferrero chocolate, nilakad ni Kendric Medina ang hallway ng engineering building papunta sa classroom ng babaeng kanyang nagugustuhan. Nang marating ito ay huminto siya sa harap ng pintuan. Huminga siya ng malalim pagkatapos ay sinabi sa sarili ang "Kaya mo ito Kendric. Hindi mo ito first time. Nagawa mo na ito dati at maraming beses na.".

"Sino ka?" Tanong ng isang lalaking estudyante sabay harang sa pinto.

"Kendric Medina. Freshman from college of fine arts."

"Anong ginagawa ng fine arts student dito sa engineering building?" Tanong ng lalaki.

"Pwede ko bang makausap si Charley?"

"Charley Guevarra?" Pagkompirma ng lalaki.

"Huh? Ahmm... Oo iyon nga."

"Oh! May bisita pala tayo." Agad na sabi ng isa pang lalaking estudyate habang lumalapit.

"Hinahanap si Charley."

"Bakit mo hinahanap?" Tanong ng lalaking kakarating lang.

"Ibibigay ko lang sana itong bulaklak at chocolate."

Nagkatinginan ang dalawang estudyante sabay ngiti.

"Seryoso kaba diyan? Ang lakas naman ng loob mo." Sabi ng isa.

"Oo naman seryoso ako. Bakit bawal ba? May boyfriend ba siya?" Tanong ni Kendric.

"Boyfriend talaga?" Natawang tanong ng estudyante at nakitawa nadin ang isa.

"Bakit kayo tumatawa?" Tanong ni Kendric.

"Huh? Sorry. Anyway, wala si Charley dito. Lumabas."

"Ganun ba? Pwedeng pakibigay nalang ito sa kanya? Pakisabi nadin na galing kay Kendric Medina. 1st year fine arts student." Nakangiting sabi ni Kendric sabay abot ng bouquet at chocolate.

"Ang lupit talaga ng kamandag ni Charley!" Sabi ng lalaki habang kinukuha ang bulaklak at chocolate kay Kendric.

"May isa pa pala akong favor. Mamaya pa kasi ang class ko at may 2-hours na free time. Kapag dumating si Charley at kung free siya, pakisabi kung pwede ba kaming magmeet sa canteen? Hihintayin ko siya doon. Salamat."

__________________________________________

Nakaupo si Kendric sa loob ng canteen habang naglalaro sa kanyang cellphone ng biglang may patapong naglagay ng bouquet at chocolate sa lamesa na nasa kanyang harapan. Tiningnan niya kung sino ang naglagay at nakita ang isang lalaki.

"Ikaw ba ang nagpabigay niyan?" Tanong ng lalaki. Sa una ay parang hindi narinig ni Kendric kaya inulit ng lalaki ang pagtatanong.

"Huh? Nagbigay ng alin?"

"Iyang bulaklak at chocolate."

Tiningnan ni Kendric ang bouquet ng bulaklak at box ng chocolate sa lamesa. Dito niya napansing ito ang mga regalong pinabibigay niya kay Charley kanina.

"Bakit nasa iyo ang mga ito?" Tanong ni Kendric.

"Bakit nasa akin? Seryoso kaba?

Napatayo si Kendric sabay tanong ng "Sino kaba?"

"Sino ako? Nababaliw kana ata eh. Pinabibigay mo sa akin ang mga kalat na iyan tapos tatanungin mo ako kung sino ako?"

Napatingin si Kendric sa student ID ng lalaki at nanlaki ang kanyang mga mata sa nabasang pangalan – CHARLEY GUEVARRA.

"Papaanong..." Hindi natapos ni Kendric ang sasabihin ng sumingit sa pagsalita si Charley.

"Look. I don't know what your intention is pero kung naglalaro kalang, huwag mo na akong isali dahil wala akong time. Saiyo na uli iyang mga binigay mo."

Tumalikod si Charley para umalis pero nakatatlong hakbang palang siya ay bigla itong huminto at humarap uli kay Kendric.

"Kung sakaling seryoso kaman at hindi naglalaro, hindi kita masisisi. Hindi kita masisisi kung magustuhan mo man ako pero habang maaga pa sasabihin ko na ito saiyo. Tumigil kana dahil hindi kita gusto at hindi kita magugustuhan."

Pagkatapos sabihin iyon ni Charley ay tumalikod na ito at tuluyang umalis.

Continue Reading

You'll Also Like

176K 710 16
WARNING!! (SPG AHEAD) This is for matured content only young reader is not suitable here. #ONGOING.
3M 119K 54
Gabbana; the spoiled, self-centered, self-indulgent little brat. She who knows little about living, have bought so much in life. And when she thought...
1.3M 19.1K 41
Dice and Madisson
645K 17.2K 74
Celestine was ghosted by her best friend turned boyfriend Nathan. He broke up with her over the phone with no reason and when he came back into sight...