RBW II: THE EVIL HALF(Under t...

By Misa_Crayola

238K 10K 3.3K

Raised By Wolves Book 1 on my Main Acct: MisaCrayola " Who is the evil half? " Cover by: MysteriousMilkShake... More

BEGINNING
Prologo:
RBW II: Beginning
RBW II: TWIN
RBW II: Impostor
RBW II: Red-Eye
RBW II: Lies.Greed.Misery
RBW II: BABY?
RBW II: Crossing Field
Chapter 8:Daddy!
RBW II : HAPPINESS
RBW II: Disappointment
RBW II:
RBW II: The Good and the Evil
RBW II: Fortune Teller
RBW II: Crescent's Voice
RBW : CRESLIGHT
RBW II: Born To Lead
RBW II: his decision, her tears
RBW II:
RBW II: Offspring
RBW II: New Life
RBW II: Fear
RBW II: Heartbeat
RBW II: Split-Identity
RBW II: Bloody message
RBW II: Lovers Quarrel
RBW II: The Evil Half
RBW II: Crescent's DEATH
RBW II: Broken
RBW II: Bear My Child
RBW II: Invitation
RBW II: Her Memories
RBW II: Secret base
RBW II: The son of Evil
RBW II: Parallel hearts
RBW II: REVELATION/ Crescent's POV
Must Read ( Misa's Note )
RBW II: Her Weakness
RBW II: Obsession
RBW II: Another
RBW II: Who are you?
RBW II: Angels and Demon
RBW II: Heartache
RBW II: MADE UP HER MIND?
RBW II: Together
RBW II: Saving Grace
RBW II: My Daughter
RBW II: Star
RBW II: Unexpected
RBW II: Angel, Prince, Love(Ending)
Crescent's Message for you
EPILOGUE

RBW II: Dark Scheme

2.9K 179 96
By Misa_Crayola

RAISED BY WOLVES II


" DARK SCHEME "



" Greece!" si Alice, tutulungan niya 'to pero agad siyang sinugod ni Alice at nasugatan ang mukha niya sa ginawa nito. 


" Wag mo siyang isipin! isipin mo kung paano ka mabubuhay! " sigaw ni Lacie, naiinis siya, naasar siya. Kaunti nalang masisiraan na naman siya ng bait, bakit mahalaga dito ang isang lalaki na hindi naman ganoon nito katagal na kakilala? 


" Tama na! " sigaw ni Alice ng masaksak si Greece sa braso ni Xerxes.


Tumigil naman si Xerxes. "  Irelease mo na si Alice para makalabas na silang dalawa sa lugar na 'to " mahinang wika ni Xerxes kay Greece na panay ang patak ng dugo. Nag-angat ng ulo si Greece, ibig sabihin ba gusto nitong makaligtas si Alice? kasama si Lacie, ibig sabihin ayos lang dito na mamatay basta makaligtas lang ang dalawa?!


" Xerxes .. " si Greece.


" Xerxes! patayin mo na siya! " sigaw ni Lacie, 


" Wag Xerxes! tama na " si Alice na ikinainis ni Lacie kaya sinabunutan siya nito ,ayaw naman siyang labanan.


" Wag mong tawagin si Xerxes malandi ka! "gigil na wika ni Lacie,


Samantala inambaan na ng saksak ni Xerxes si Greece. Tumayo ng diretso si Greece, tama 'yon din naman ang gusto niya, ang magkaayos ang dalawa at hindi niya kayang maging makasarili para isipin ang sarili na maligtas higit kay Lacie.


"Greece SinClair " si Xerxes.


" Hindi ako kontra sa sinabi mo, oo nga sayang na mamamatay ako ang guwapo ko kaya lang mas gusto kong maging masaya si Alice, hindi siya mabubuhay ng maayos kung  mawawala si Lacie sakanya. " si Greece, 


" Xerxes! " sigaw n Lacie ng di pa'din 'to tumitinag.


" Salamat , hindi ko gustong mamatay si Lacie  " si Xerxes , 


" Tama na! " panay ang iyak ni Alice, gulong-gulo na siya. Paano niya ililigtas ang dalawang mahalaga sakanya? maging si Xerxes mahalaga sakanya. Sakanya naman lahat nagsimula kaya walang ibang dapat sisihin kundi siya.


" Bakit ka umiiyak ha?! ikaw ang mabait?!!" si Lacie na galit na galit kahit nakaluhod na sakanya si Alice dahil sa pagkakababa niya sa paghila ng buhok nito.


 ( Sundan ang kwento nila sa RBW side stories, para hindi spoiler at lalong mas naka focus sakanila at iwas lito na 'din sainyo. ) 

****


" Mahihina kayo " si Neo na hindi na nawawala ang pagkainis sa mukha nang itulak nito si Lyra pasadsad sa pader. Itinaas niya ang latigo niya na may bolta-boltaheng kuryente.  


Hahampasin niya 'to ng tila hindi niya  magawang igalaw ang mga kamay na nakataas, tinignan niya si Rozen bumibigkas ito ng mga incantations  patungo sakanya.  Nangiti siya, isa 'to sa pinakamagaling na spell caster pero wala 'tong laban sakanya.


 Dahan-dahan niya naigalaw ang kamay na ikinabigla ni Rozen, wala pang nakagawa non sa spell niya, nasira ang konsentrasyon niya kaya naman  pati ang pagbigkas niya naapektuhan.


" Pagtutunan mong maging maiksi ang incantation mo, wala kang laban My Maiden fair! " Hinampas niya sa hangin ang latigo na nagdulot ng malakas na paghangin patungo kay Rozen na sa isang iglap sumigaw na at bumagsak na puno ng gasgas sa katawan, nasira pa ang damit nito na agad tinakpan.


"Siyempre hindi kita uunahin Rozen " ngiti ni Neo, binalikan niya ng tingin si Lyra na nawala na. 


" Umalis ka na dito.. " si Crescent na hinawakan sa mukha si Lyra at nginitian. Nasa kabilang parte na sila, agad niya 'tong kinuha ng mapadako si Neo kay Rozen. Hindi biro ang kakayahan ni Neo, hindi ito gumagamit ng mahahabang incantation kaya mabilis itong makapaglabas ng magic.


" Crescent " hindi na napigilan ni Lyra na mapaiyak, kitang-kita niya ang kalamangan ni Neo. Hindi 'to pangkaraniwan, kahit siya nabigla na magaling to sa pagbigkas ng short incantation.


" Babalik tayo ng sabay, hindi pwede na ako lang. Hindi pa 'tayo nagiging maayos Crescent!" naghihisterikal na si Lyra, natatakot siya hindi niya alam ang gagawin. Sumusuko na ba siya? pero nasasaktan si Crescent, hindi niya 'to gustong nasasaktan mas nasasaktan siya.


"Tutulungan kita Crescent. Di 'ba tinuruan mo ... " 


 " Hindi! Wag Lyra .. " nginitian niya si Lyra, bakit pakiramdam niya 'yon na ang huling ngiti nito sakanya? tinatawag na siya nitong Lyra, pero hindi naman oras para magtanong siya kung kilala na ba siya nito?


"Babalik pa tayo ng magkasama hindi ba?!ayoko kung mawawala ka, Crescent " si Lyra. Crescent pushed him against the wall and covered by his arms after getting his hands and put it on his chest.


Nakarinig si Lyra ng mga hampas ng latigo pero tila nagblangko ang paligid niya, sila lang ni Crescent ang nakikita niya sa loob ng isang kuwarto kung saan nabuhay sila ng maayos dalawa. Ang bahay kung saan mas nagkalapit sila, nginitian siya ni Crescent sa katulad na pwesto gumamit ito ng isang imahinasyon para hindi makaramdam ng trauma si Lyra sa nangyayari.


" Wag kang umiyak, hindi ka magiging maganda diyan " ngiti pa nito, pero lalo lang naiyak si Lyra. Hindi niya alam kung dahil sa itsura ng kuwarto nila o dahil may kakaiba siyang nararamdaman.


" Sorry, hindi ako naging malakas. I defended myself on you, sorry.. sasama ako sa'yo kahit saan " sobra na yung naging pag-iyak ni Lyra, hinalikan siya nito sa noo.

" Naalala mo pa 'ba yung gusto mong pangalan ng magiging anak natin? " sa narinig ni Lyra nanghina siya, kung ganoon kilala siya nito? Naramdaman niyang niyakap siya nito. 


"  Lyra wag kang susuko hindi ka mag-iisa. Hindi lang ako ang kailangan mo para mabuhay. " The moment when she saw his tears tearing her heart apart.


" Ano ka ba! ano bang sinasabi mo? alam mo naman na ikaw lang yung kailangan ko! " Sabi niya na gusto niya 'tong makitang umiyak pero nagsisisi na siya, hindi niya pala kaya. Pakiramdam ni Lyra sinasaksak ang puso niya, dito lang ba sila magtatapos? 


Kilala siya nito. Kung nagpanggap to o talagang hindi siya naalala noon ang nasisiguro niya nagbalik na ang lalaking minamahal niya, pero sobrang sakit na makita nag mga luha nito.


"Ako lang dapat yung nasasaktan, ako lang dapat yung iiyak hindi ikaw!" niyakap niya 'to matapos pahirin ang mga luha nito, bakit ba sila humantong dito? bakit kailangan sila yung dumanas ng ganon? ano ba yung kasalanan nila para laruin nalang sila lagi ng tadhana!


"Sabay tayong mamatay, iyon yung ipinangako mo sakin! " kaunti nalang mawawala na siya sa sarili, iba yung nadadama niya, iba yung sakit sa bawat salita nito. 


" Lyra .. " 


"  Kapag nawala ka paano ko mabubuhay!! hindi ko alam ang gagawin ko, ikaw yung kaylangan ko, kaya kung mawawala ka pati ako dapat mawala diba? magsasama tayo hanggang kamatayan? " walang patid ang mga luha niya, idinikit nito ang noo sakanya at hindi na sumagot kaya lalo lang napaiyak si Lyra.


" Mahal na mahal kita Lyra .. " 



****


" Nasisira na lahat ano pang ginagawa natin dito! " si Aleissa kay Crescent Dark na kalalabas lang sa kuwarto ng anak.


" Kung may malaki kang hangarin dapat handa ka sa magiging kapalit kahit pa ang pinakamahalaga sa'yo " tinignan siya ni Crescent, hindi niya nakuha pero ano pa bang sasagipin nila kung sakaling bumagsak na ng tuluyan ang palasyo, sa bawat segundo maaring patay na ang asawa nito?


" Crescent hindi ganito ang usapan natin! I tried to be calmed pero hindi ko kaya, akala ko ba gusto mong mabuo yung pamilya mo pero bakit nandito ka padin?! " sigaw nito kay Crescent na nilagpasan lang siya.


" Kung mamamatay si Lyra mababawasan ang kahinaan ko hindi ba?" nabigla si Aleissa sa tanong nito, hindi agad siya nakapagsalita hanggang sa tuluyan na 'tong makalagpas sakanya hindi niya makakalimutan ang ngiti nito ng lingunin siya.


" It can't be .. " halos bulong nalang na usal niya.


"Pababayaan mo si Lyra dahil sa hangarin mo? kahit gaano mo siya kamahal para lang mabawasan ang kahinaan mo, pababayaan mo siya?!  " si Aleissa, hindi niya alam kung bakit siya nasaktan. Dahil isa din siyang babae, inakala niya na ito ang huwaran ng pagmamahal na gusto niya din maranasan pero .. mali ba siya?


Sa ilang araw na lumipas na wala 'tong ginawa, naramdaman niya ang kakaiba dito. Mas lumakas si Dark, mas tumindi ang kapangyarihan nito, ibig sabihin lang maging siya mawawalan ng laban dito.



******


" Master! "  si Leo, hindi niya magawang tiisin ang nakikita. Humagupit ang mga latigo ni Neo kay Crescent na nakaharang kay Lyra maging si Rozen hindi makatayo at halos piliting tumayo habang pumapatak ang mga luha, he will surely face death para kay Lyra, si Lyra na lang ang laging dahilan kung bakit 'to nasasaktan at nahihirapan!


" You don't deserve him! " nagkakaroon na ng galit sa puso ni Rozen, hindi niya mapapatawad si Lyra kung mawawala si Crescent. Handa naman niya 'tong ibalik pero hindi niya kakayanin na makita 'tong mamatay.


If there is no moon , there's no way for him to transform like a normal werewolf. " Nangako ka sakin na ililigtas mo si Lyra .. " nawawalan na siya ng pag-asa, hindi niya alam kung gaano pa siya katagal tatagal. Humihina na siya kaya unti-unti narin naglalaho ang kapangyarihan niya na gumagamit ng imahinasyon kay Lyra.


" Paano na tayo gagawa ng little version mong si Crescentine kung gusto mo na ako lang ang umalis dito!" hindi na ba matutuloy yung masayang pamilya na gusto niya? yung matagal niyang pinapangarap.


Niyakap siya nito sabay banggit ng  " sorry " hindi dapat dito lang sila matapos , hindi dapat ganito ang hantungan nila. Sa pagbabalik ni Lyra sa realidad halos mamatay siya sa sakit ng makitang duguan na ito at namumutla na. Iniisip niya na nanaginip lang siya pero totoong-totoo na lumalalim na ang paghinga nito. 


Kinuha ni Crescent ang kanang kamay niya at hinalikan " salamat Lyra, sa susunod wag ka ng iiyak ng iiyak hindi ka na bata " nginitian pa siya nito bago binanggit ang salitang " Mahal kita .. mahal na mahal "  pinilit ni Crescent tumayo bago hinalikan si Lyra noo, kung wala ito para tulungan siya wala na siyang magagawa kundi isugal ang buhay niya gamit ang trap card niya.


" Crescent! " si Lyra na pinigilan 'to sa braso, napakarami nitong natamo dahil kay Neo na kung titignan ni Lyra Demonyo na.


 " Hmmm ..  mamamatay ka na ba? " natatawang tanong ni Neo, napatingin pa 'to sa malaking pintuan. Isa pang dagdag sa makikipaglaro sakanya parating na sa loob ng ilang minuto.


" Alam mo una palang alam ko na ang pinakamahinang nilalang ay ang mga Werewolves, kaya niyong maging imortal pero mahina kayo at alipin lang ang dapat kalagyan. Lamang lang kayo ng kaunti sa tao" natatawang sabi ni Neo. " Kung wala ang buwan wala din kayo, ngayon sabihin mo sakin paano ka mag shape-shifting? kinasasabikan kong makita kang magpalit anyo, madaming nag-asam na magpalit ka ng anyo kaya naman maraming nagdududa na hindi ka tunay na Werewolf Crescent, hindi nga kaya?! " 


"Ah oo nga pala, ang mga biniyayaan ah sinumpa pala na may pulang mga mata ay hindi naman totoong mula sa mundong 'to, saan ba kayo galing? isama mo naman ako minsan " pang-iinis pa nito. 


" Crescent! " si Light kasama nito si Monique na hiningal pa at napasandal, iba pala talaga kapag mabilis sa takbuhan walang hingal-hingal si Light samantalang siya tila mauubusan na ng enerhiya. Nabigla si Light sa mga hagupit sa katawan nito at dugong panay ang patak sa sahig habang nakaharang ito kay Lyra na umiiyak, nakakaala na kaya siya?!


" Wag mong pababayaan si Lyra " hindi bumuka ang bibig ni Crescent pero iyon ang mensaheng ipinarating nito sakanya nang titigan siya nito. Hindi niya to dapat pabayaan, magkakambal sila .. hindi dapat ...


Tinakpan niya ang isang mata para titigan si Crescent, naglaho lahat ng kulay niya ng makitang mamatay na 'to . Hindi pa siya huli, saktong lalapitan niya 'to ng makita niyang magpalit ang kulay ng mga mata ni Crescent.


" SHAPE SHIFTING ! " nanlaki ang mata ni Light, hindi 'to pwede mag shape shifting sa kalagayan nito.


" Crescent! anong ginagawa mo?" si Lyra na tangkang lalapitan ito pero hindi niya magawa, ikinulong siya nito sa isang barrier na ikinabigla niya. Sunud-sunod ang mga patak ng luha niya, anong binabalak nitong gawin? malala ang mga tinamo nito kay Neo na nakangiti padin at talagang nang-aasar, ang Palasyo ay home-based niya kaya naman kontrolado niya ang lahat. Matagal at marami siyang pinagdaanan bago makamit ang malakas niyang kapangyarihan.


" Don't waste your time it will never work " si Neo " isama mo pa yung kamukha mo, wala din " sinundan nito ng malakas na tawa. He will surely eat every piece of Crescent's body. 


"Wag Crescent ! mamamatay ka!!!!!! " si Light, may liwanag ng buwan na tumatama sakanila? paano nangyari na nagkaroon ng buwan? saan galing ang buwan na tumatagos sa bawat siwang ng Palasyo?  Maliwanag kanina ? paano nagdilim? ang kulay ng buwan, hindi maari ang kaganapan ng NEW MOON DROP! May naglulunsad ng New Moon Drop kahit sila lang dalawa ang may alam kung paano yun iliunsad, hindi maari? hindi nga kaya?! Buhay si Dark!!!


Mga tunog ng kadena at hiyaw ang naririnig nila. Nagbubukas ang Abyss, dahil sa nagaganap nagbukasan ang mga screen sa palasyo para alamin ni Neo ang nagyayari. Pero mas napokus siya kay Crescent nang magpalit anyo ito sa isang kakaibang Wolf.



READ.VOTE.COMMENT !


Salamat ! Nahihirapan ako magreply pero natutuwa ako na ang dami kong natatanggap na comment dito, di ko matiis mag update hahaha! Nalalabi na siguro nasa 10 chapters nalang 'to or less .. One week nalang ang vacation ko so tatapusin ko to in one week hahaha aja! keep fighting ! *u* Maging mapag obserba kayo dahil kadalasan ang sagot nadaanan na ng mga mata niyo ;)


MisaCrayola

Continue Reading

You'll Also Like

387K 8.4K 56
HEARTLESS - She is so cold, so baddass, so reckless yet she's unpredictable. No one dare to mess with her 'cause they knew that she is the perfect d...
56.6K 2.2K 32
"EDONG KARITON" By: Efcris Lumagui GENRE: FANTASY, ADVENTURE, ACTION, LOVE STORY... Halina kayong magbasa, igagala ko ang inyong mga isipan sa isang...
147K 5.4K 34
Naamoy niya ito. Tila kauulan lamang, ang paborito niyang amoy sa umaga matapos ang isang malakas na bagyo ang pumuno sa kanyang sistema, ang amoy ng...
9.2K 272 53
Monique Alferez, also recognized as Monique Gogh, is an enigmatic young woman compelled to join Mobster Academy, a school notorious for its associati...