Strange Love (Published By Vi...

By CDLiNKPh

1.2M 16.2K 2.4K

Shaine is a famous young international model with the world at her feet. But, as a girl who longs to be norma... More

Strange Love
Chapter One: Perfect Lady
Chapter Two: Strange Feeling
Chapter Three: Gender Dysphoria
Chapter Four: Girlfriend
Chapter Five: Confession
Chapter Six: Obviously In Love
Chapter Seven: Dinner With Parents
Chapter Nine: One Sided Love
Chapter Ten: Homophobic Parents
Chapter Eleven: Painful Words
Chapter Twelve: Rooftop
Chapter Thirteen: Be My Girlfriend?
Chapter Fourteen: Cat Fight
Chapter Fifteen: Official Date
Chapter Sixteen: I Disown You!
Chapter Seventeen: Coming Out
Chapter Eighteen: Drastic Changes
Chapter Nineteen: Love Makes You Evil
Chapter Twenty: Damon and Mei-Mei's Decision
Chapter Twenty One: Shaine As A Butch Lesbian?
CHAPTER 22: EVIL PLAN
CHAPTER 23: ANG PANLILIGAW NI SHAINE
Chapter 24: Damon's New Girlfriend
Chapter 25: Are promises more important than love?"
Chapter 26: Destructive Words
Chapter 27: Hindrances
Chapter 28: The Truth About The Accident
Chapter 29: Mutual Feelings
Chapter 30: Can You Be My Girlfriend?
Chapter 31: Cock Fighting Over Shaine?
Chapter 32: A Lot of Kisses
CHAPTER 33: Cheesy Date
Chapter 34: Pagtatakwil
CHAPTER 35: Two Body as One?
Chapter 36: The Sweetest Temptation
Chapter 37: Positive Outcome
Chapter 38: Money Matters
Chapter 39: Love Letters
Chapter 40: Dare
Chapter 41: Marcel's Point of View
Chapter 42: Shaine as a Butch Lesbian?
CHAPTER 43: A Love That Makes You Evil (Marcel's Version)
Chapter 44: Book for Lesbians
Chapter 45: Convo About First Love
Chapter 46: The Return of MeiMei's First Love
CHAPTER 47: Captive Hearts
Chapter 48: Break Up
Chapter 49: Ang BABAE ay para sa LALAKE
Chapter 50: Home Sweet Home
Chapter 51: Damon Versus Abet
Chapter 52: The Middle Aged Woman from Hell
CHAPTER 53: Senyora Marlyn's Past
Chapter 54: Bitter Sweet Romance
Final Chapter: Strange Love
EPILOGUE

Chapter Eight: Jealousy

28.8K 363 14
By CDLiNKPh


Matapos ang family dinner nila ay agad na iginaya ni Damon si Shaine papunta sa kotse nito. Siya na mismo ang nag-drive para ihatid ito pauwi. Habang lulan ng sasakyan ay napapa-tingin siya kay Shaine. Tahimik lang ito pero napapansin niya na ngumingiti ito ng palihim. Hindi na niya kailangang ta-nungin pa kung ano ang rason ng pagngiti nito. Alam naman niya kung bakit, at iyon ay dahil sa nalaman nitong hindi pala boyfriend ni Mei-Mei si Denver.

"Thank you, Damon sa paghatid, ah? Puwede ko namang i-text na lang kanina ang driver ko pero nag-abala ka pa para ihatid ako rito," mahinhing sabi ni Shaine nang makababa na sila ng kotse.

"Obligasyon ko iyon bilang boyfriend mo." Huminga ng malalim si Damon na para bang hinuhugot niya ang bawat salitang sunod niyang sasabihin kay Shaine. "May gusto sana akong itanong sa 'yo. Baka kasi marinig nila sa bahay kaya rito na lang," sabi niya saka bumuntong-hininga ulit. "Kung hindi lang ubod ng manhid si Mei-Mei at ang parents ko ay baka nahalata ka na nila kanina. Muntikan ka pang maiyak noong makita mo silang dalawa ni Denver kanina," pagpuna niya rito na ikinayuko nito ng ulo. "At iyong mga ngiti mo sa loob ng kotse kanina? Kahit itago mo pa ay alam ko na ang ibig sabihin. Kilalang-kilala na kita, Shaine. Natutuwa ka kasi hindi pala sila mag-boyfriend, hindi ba?" panghuhuli niya na ikinaangat naman uli ng ulo nito.

"Damon," mariin na banggit nito sa pangalan niya. "Kaya nga tayo naging mag-boyfriend kasi gusto ko na siyang kalimutan, hindi ba? Kaya nga pinakilala mo pa ako sa par-ents mo bilang girlfriend mo. Kakalimutan ko na si Mei-Mei. Simula bukas ay hinding-hindi ko na siya papansinin. What I mean is, hindi ko na siya masyadong lalapitan katulad ng dati. Kakausapin ko pa rin naman siya pero magiging kaswal na lang ako. Hindi ko naman kasi siya puwedeng itrato na pa-rang multo na hindi nakikita dahil kahit papaano ay kapatid mo pa rin naman siya."

"Sana nga, Shaine ay magawa mo iyan." Nilapitan siya nito at ikinulong ang mukha niya sa dalawang palad nito.

"Ikaw na ang boyfriend ko, Damon. Babae ako at lal-aki ka kaya ikaw ang dapat kong mahalin. Gagawin ko ang la-hat para matutunan kong gawin iyon kaya kung puwede lang sana ay huwag mo nang banggitin pa sa akin si Mei-Mei. Ma-hirap mang gawin ay kailangan kong maialis siya sa sistema ko. Ikaw Damon, sa 'yo ko dapat ilaan ang pagmamahal ko."

Lihim na nasasaktan si Damon. Wala na siyang naga-wa pa kundi ang manahimik na lang. Dahil alam naman niya na hindi rin siya mananalo kay Shaine dahil mahal na mahal niya ito at kung tutuusin ay masuwerte na siya na makasama man lang ito sa dinarami ng lalaking nangangarap dito. Si-no'ng mag-aakala na babae rin ang papangarapin nito? Buhay nga naman... at inalok naman niya ang sarili na magpagamit dito. Umaasa siya na sana nga ay matutunan din siyang ma-halin ni Shaine.

----------------------------

INAANTOK PA SI MEI-MEI habang naglalakad papasok sa esku-welahan nila. Nagkuwentuhan pa kasi sila ni Denver pagkat-apos umalis nina Shaine kagabi. Joker at makulit kasi ito kaya natutuwa siya rito. Seryoso lang ito sa iba pero pagdating sa kanya ay lumalabas ang kabaliwan nito. Nawala na rin ang bitterness niya na wala itong interes sa kanya. Parang kapatid o ka-tropa na lang ang tingin niya rito.

Nagtataka si Mei-Mei sa sarili niya, bakit nga ba siya ganoon? Madali siyang ma-in love. Noong nakaraang lingo lang ay sinasabi niya sa sarili na na-love-at-first-sight siya kay Denver pero ngayon ay nawala na agad ang pakiramdam na iyon sa kanya. Marami rin siyang nagiging crush noong high-school pa siya dahil lang sa naga-guwapuhan siya sa mga ito o kaya naman kapag nakikita niyang mabait.

Pero lahat ng iyon ay mabilis ding nawawala kapag inayawan na siya. Hindi pa kasi nangyayari sa buong buhay niya na ang taong gusto niya ay nagustuhan din siya. Hindi pa niya nararanasang maligawan o magkaroon ng boyfriend. In short, NBSB siya. Kasapi rin siya sa samahan na malalamig ang pasko! Naisip niya tuloy, love nga kaya lahat ng iyon o akala lang niya? Kung mag-aasawa siya ay hindi puwedeng ganoon, kasi baka maging taksil siya ng wala sa oras.

Hindi niya maintindihan kung bakit ba pag-aasawa agad ang nasa isip niya? Samantalang kakasabi pa lang ng papa niya noong kasama sila Shaine na nagdinner sa bahay na, bawal pa siyang mag-boyfriend. Biglang sumagi sa isip niya na paano na lang kaya kung mag-girlfriend na lang kaya siya? Napahawak siya sa dalawang pisngi at napailing. Puro kalokohan na naman ang pumapasok sa isip niya. She wants to find a love that lasts. Iyong tipong hindi na niya magaga-wang tumingin sa iba dahil ang tao lang na 'yun ang gusto niya. Iyong tipong, iyong tao lang na iyon palagi ang priority niya at lovey-dovey sila buong araw at buong magdamag.

Bakit ba naman kasi nasanay siya na palaging siya lang ang nagmamahal? Iyong siya lang palagi ang may crush at one sided lang ang pagmamahal niya para sa mga lalaki? Gusto rin naman niyang maranasan na siya naman ang ma-halin. Iyong siya naman palagi ang pinapakitaan ng pagpapa-halaga at mamahalin siya ng buong puso...

Huminga siya ng malalim at naibagsak ang balikat habang papasok sa loob ng school. "Saan kaya ako makaka-hanap ng Prince Charming?" nalulungkot na tanong niya sa sarili.

Bigla niyang na-imagine ang lalaking pangarap niya. Kung siya ang tatanungin ay iyong mga tipo sana tu-lad ng Kuya Damon niya ang gusto niya. Iyong kahit hindi masyadong matalino o mayaman basta matangkad, pogi at maangas. "How romantic!" kinikilig niyang bulong sa sarili niya. Nangingiti pa siya ng pagkatamis-tamis. Pero pinutok din niya agad ang bula ng imahinasyon niya dahil alam ni-yang masyado na siyang ilusyunada. Kung mayroon mang ideal man na dumating ay siguradong si Shaine muna ang titingnan ng mga iyon bago siya.

Napailing siya muli dahil tumutubo na naman sa sa-rili niya ang pagiging insekyora niya. Nagagaya na yata siya sa Kuya Damon niya na masyadong perpekto ang tingin kay Shaine.

Sa sobrang pag-iisip niya, hindi na niya namalayan na nasa loob na pala siya ng classroom. Umupo siya at sa hin-di sinasadyang pagkakataon, pagkatingin niya sa kaliwa niya sa harap ay biglang napatingin siya kay Shaine na nakatingin na naman pala sa kanya. Bigla siyang napahiya sa sarili. Na-huli siya nitong nag-de-day dream! May papikit-pikit at pan-giti-ngiti pa naman siya sabay simangot ng mukha.

"Nakakahiya!" sigaw ng isipan niya. Baka isipin nito na baliw siya o kaya naman bipolar. Kung minsan ay nagtata-ka na siya kay Shaine kung bakit palagi niya itong nahuhul-ing pinagmamasdan siya mula sa harapan. Ang effort kaya na nasa unahan ka ay titingin ka pa sa likuran mo.

Kung hindi lang ito mala-Diyosa sa ganda at hindi ito ganoon ka-feminine ay iisipin niya na tomboy talaga ito at may gusto sa kanya katulad ng biro niya noon sa Kuya Da-mon niya. Pero girlfriend na nga ito ng kuya niya kaya wala ng dahilan pa para pagdudahan pa niya ang pagkatao nito. Pero na-shock siya ng bigla na naman siya nitong inirapan At mukhang galit na naman ito sa kanya.

Hindi niya alam kung ano na naman kaya ang naga-wa niya rito, samantalang akala niya ay okay na sila kagabi dahil pinagtanggol pa nga nito ang luto niya sa mama ni Da-mon.

Sinubukan niyang lapitan ito pero para bang umii-was ito. Binigay na niya ang pinaka-cute niyang ngiti pero wa-epek pa rin. Samantalang dati ay ni hindi ito makatanggi sa ngiting iyon. Ayaw na sana niya itong lapitan ulit dahil hin-di siya nito pinansin noong una kaso bigla niyang naalala na nakalimutan nga pala niyang gawin ang assignment niya

Nilapitan niya ito sa upuan at nag-puppy eyes. "A-ah, Ate Shaine, kung galit ka sa akin at kung may nagawa akong na-offend ka e, sorry na. Ano kasi, nakalimutan ko kasi 'yung assignment ko. Puwede bang pakopya kahit na kaunti lang? Sige na, wala na kasing time para mag-solve pa ulit kasi darat-ing na si Sir Facundo! Please?"

Wala siyang choice. Wala siyang ibang kaibigan sa klase nila kundi ito lang. They only have each other dahil nga sa takot ng mga schoolmates nila kay Damon.

Pero tinaasan lang siya nito ng kilay. "Nakalimutan o hindi ka nakagawa ng assignment dahil nakipaglandian ka pa kay Denver kagabi? Pagkatapos ngayon, hihiram ka sa akin?" sarkastikong sabi ni Shaine.

Ang iba na naroon ay inisip na nagtataray si Shaine kaya nag-jump to conclusion tuloy ang mga ito na magkaaway sila. Pero natigilan siya dahil parang nahimigan niya na hindi galit ang nababakas niya sa mukha at tono ng pananalita ni Shaine sa kanya. Hindi niya alam kung bakit pero pakiram-dam niya ay parang... parang nagseselos ito? Tila napatanong siya sa sarili niya kung nagiging malisyosa na ba siya?

"Shaine—" Muli sana siyang makikiusap pero pinig-ilan siya ni Shaine.

"No. Kailangan mong pagdusahan 'yang katamaran mo. Hindi ka makakakopya. Wala akong pakialam kung wala kang assignment," matigas na sabi nito saka siya nito iniwasan ng tingin.

Napakamot siya sa ulo. "Ang sungit" sa isip-isip niya.

Wala na siyang nagawa. Pagdating ni Sir Facundo ay napagalitan nga siya at pinalabas pa nito na may hawak na timba na mayroong laman na tubig. Iyon na yata ang pina-ka-nakakahiyang experience niya sa taong ito. Siya lang ang walang assignment.


-------------------------

ANG DAMING TUMATAKBO sa isipan ni Mei-Me tulad ng min-san, bakit kaya ang bait sa kanya ni Shaine pero bigla na lang magsusungit at magdadamot? Para itong takipsilim. Hindi mawari kung umaga o gabi o kung kailan mailiwalas ang mood at kung kailan hindi.

Nainins siya na hindi man lang nag-sorry si Shaine sa ginawa sa kanya kanina. Hindi na nga siya nito pinakopya kaya siya naparusahan ay para pa itong walang nakita pagla-bas nila ng classroom. Parang hindi sila magkaibigan o ka-hit magkakilala man lang. Sobrang sumasama ang loob niya. Sumama pa ito sa mga kaklase nila na matagal ng gustong makipagkaibigan dito. At siya? Badtrip siyang kumakain ng mag-isa sa canteen.

"Huy!" tawag sa kanya ni Denver .

"Ay, palaka!" gulat na tili niya nang biglang may bu-mulaga sa kanya mula sa likuran. Paglingon niya ay si Denver pala ang bakulaw na sumundot sa tagiliran niya.

Tawa naman ito nang tawa. "Bakit nakasimangot ka riyan? At bakit hindi ikaw ang kasama ni Shaine?" nagta-takang tanong nito nang makita sa kabilang table si Shaine kasama ang mga kaklase nila saka tumabi sa kanya.

"Hindi ko alam. Itanong mo kay Soriano!" maasim ang mukhang sagot niya.

"Soriano? Sino 'yun?" nagtatakang tanong ni Denver.

"'Yung sa Dating Daan sa channel 21! Halatang wala kang hilig magbasa ng Bible! Hindi mo siya kilala!" nakasi-mangot na sabi niya na tinawanan lang nito.

"Ang corny mo, ah. Tatawa na ba ako riyan sa joke mo?" pang-aasar nito saka napalingon ulit kay Shaine. "O baka naman kaya ka bugnutin ay dahil iba na ang kasa-ma ni Shaine? Baka nagsawa na si Shaine at na-realized na masyadong isip-bata ang kasama niya kaya naghahanap na ngayon ng bagong kaibigan na mas matured kaysa sa 'yo? Kawawa ka naman, Mei-Mei. Wala ka ng kalaro? Ha-ha-ha..." Halakhak pa rin nito.

Ngumisi siya na parang aso."Weh? Nakakatawa ka. Ikaw nga, ni hindi na nakalapit sa kanya, eh. Wala pa man, basted ka na kaagad dahil sila na ni Kuya Damon."

"Ito naman, parang nagbibiro lang, eh. Hindi ko na kailangan si Shaine kasi may Mei-Mei na ako. Ikaw na ang gusto ko. Ayaw mo niyon, wala na iyong best friend mo? Ako na lang ang sasama palagi sa 'yo. We'll be together," pagtawa pa rin nito.

Sumimangot siya."Heh! Lokohin mo ang lelang mong panot! Puwede ba, Denver, tigil-tigilan mo nga ako. I'm not in the mood para makipaglokohan sa 'yo." Naiirita siya sa mga pinagsasasabi ni Denver.

"Mukhang seryoso ka talaga, ah? Samantalang dati, kaunting kiliti ko lang sa 'yo eh, tumatawa ka na nang parang baliw. Hindi kaya nagiging lesbian ka na? Kanina pang mala-gkit ang tingin mo kay Shaine!" sabi ni Denver.

Sa sinabi nito ay bigla siyang natigilan at biglang pinamulahan ng mukha. Napaisip siya, bakit nga ba masyado siyang affected? Bakit hindi siya mapakaling hindi siya pina-pansin ni Shaine? Bakit naiinis siya na kasama nito ang mga kaklase nila? Ang daming tanong ng isip niya. Isa lang naman ang klarong ayaw niyang mangyari at iyon ay iyong maagaw ng ibang tao si Shaine mula sa kanya. Gusto niya na siya ang katabi at kasabay nitong kumain ngayon. Siya dapat iyong kausap at katawanan nito.

Bigla na lamang lumakas ang tibok ng puso niya. Habang nag-iisip siya ng malalim ay napagawi ang tingin ni Shaine sa kanya habang nakikipagtawanan ito kasama ang ibang kaklase nila sa kabilang table.

Sa isang iglap, parang lahat ng tao sa paligid nila ay naging black and white na lang. At naiwan na ang kulay lang nila ang nanatiling matingkad. Silang dalawa lang at wala ng iba pa.

"Uy! Natahimik ka na riyan?" untag sa kanya ni Den-ver.

Natauhan siya. "A-ah, wala! Sige, umupo ka na. Baka magbago pa ang isip ko at mawala pa ang pagkakataon mo na makatabi ang pinakamagandang babae sa balat ng lupa."

"Talagang balat ng lupa dahil para kang nuno sa pun-so dahil sa sobrang pandakekok mo! Pero roon sa maganda? Tumaas ang balahibo ko, dude!" sabi nito sabay halakhak.

"Ah, ganun? Pandakekok pala, ah? Ano'ng gusto mo? Suntukan na lang? Tara!" natatawa na ring sabi niya saka hi-nampas ito sa braso. Hinuli naman nito ang kamay niya at nag-umpisa na silang magharutan doon.

"Iba talaga si Denver," bulong niya sa sarili niya. Ma-saya sila kapag magkasama sila. Kahit papaano ay nawala ang lungkot niya.

IYON NA ANG EKSENANG nasaksihan ni Shaine mula sa kabil-ang table ng canteen.

Kung sa klase nila kanina ay sobra siyang nakukunsensya sa pagpapalabas kay Mei-Mei dahil wala itong assign-ment at hindi niya napakopya, ngayon ay bigla na lang nagla-ho ang nararamdaman niyang iyon at napalitan ulit ng inis. Nawala ang pekeng ngiti sa kanyang labi na ibinibigay niya sa mga kasama niyang kaklase. Hindi niya napigilan ang sarili niya at napatayo nang bigla sa sobrang inis.

"Oh, Shaine, saan ka pupunta?" tanong sa kanya ng isang avid fan niyang babae na nagyaya sa kanya sa table ng mga ito kanina. Sikat ito sa buong campus dahil ito ang cheer leader ng basketball team nina Denver.

Si Jhayne. Kung tutuusin ay milya ang iginanda nito kung ikukumpara kay Mei-Mei. Mas matangkad pa ito at mas magaling ding magdala ng damit kaysa sa Mei-Mei. Pero ang ikinagulat niya rito ay iyung umamin ito sa kanya na gusto siya nito dahil isang itong bisexual. Isang babae na may ka-kayahang magmahal ng lalaki o babae.

Nang sinabi nga nito sa kanya kanina kung ano ang feelings nito para sa kanya ay napahanga siya rito dahil siya ay walang lakas ng loob na mag out katulad nito. Kahit nga rito ay hindi rin niya maamin na katulad nito ay isa rin siyang Bisexual. In fact, nagsinungaling pa nga siya rito na straight siya saka sinabi ritong hindi sila parehas ng nararamdaman.

"Bakit ka nakatingin sa kanila, Shaine? Don't tell me na may gusto ka kay Mei-Mei?" nakangising tanong ni Jhayne. Para bang nakakaamoy ito dahil sa kabila ng kaarte-han nitong iyon ay bulgar na rin naman sa lahat na isa itong bisexual at marami na itong nakarelasyon, mapalalaki man o mapababae sa campus nila.

"Excuse me! I'm not a lesbian!" Bumalik ulit siya sa pagkaka-upo niya kanina. Kahit kailan ay hindi niya sasabi-hin sa mga taong ito kung ano talaga siya. Hindi na mahalaga na malaman pa ito ng mga tao sa paligid niya.Okay nang si Damon lang ang may alam, dahil sa bandang huli, imposible rin naman na ibalik ni Mei-Mei ang nararamdaman niya.

Nanlaki ang mga mata niya nang mapatingin siyang muli kina Denver at Mei-Mei. Kaunti na lang ay magdidikit na ang labi ng mga ito sa sobrang lapit ng mukha sa isa't isa at balak pa yata na maghalikan sa harap ng maraming tao!

Hindi na siya nakapagpigil at tumayo siyang muli pa-palapit sa dalawa. Wala na siyang pakialam sa sasabihin ng iba, basta gusto niya lang na mailayo si Mei-Mei sa lalaking tuluyang naglalagay ng malaking harang sa kanilang dalawa. Hinawakan niya sa Mei-Mei sa kamay ay at hinila ito patayo.

Nanlaki ang mata ni Mei-Mei at hindi agad ito na-kapagsalita. "Shaine! Bakit?" Lahat ng tao roon sa canteen ay nakatingin na sa kanila.

Napatayo rin si Denver at pinukulan niya ito ng isang nakakamatay na tingin ."Hey, Shaine ano bang naging kasala-nan sa 'yo ni Mei-Mei? Nag-aaway ba kayo?" naguguluhan na tanong din ni Denver.

Nakipagsukatan muna ng talim nang titig si Shaine. Para na siyang ibang tao sa paningin ni Mei-Mei, "Wala ka ng pakialam doon! Sino ka ba sa akala mo, ha?! Puwede bang huwag ka ng lumapit kay Mei-Mei?! Nakakairita ka! Bastos!" pagsigaw niya rito saka marahas na hinila si Mei-Mei paalis sa lugar na iyon.

Nakanganga ang lahat ng tao. Hindi makapaniwala ang lahat na ang sikat na model at hinahangaan ng lahat ay may ganoong kabagsik na side. Tila nawala iyong mala-ang-hel na imahe ni Shaine.

Si Denver naman ay tigagal na naiwan hanggang sa makaalis na ng tuluyan ang dalawang babae. Napaisip tuloy si Denver kung bakit kaya nagalit si Shaine nang makitang magkasama sila ni Mei-Mei. Hindi kaya may gusto rin ito sa kanya?

--------------------------------

"ARAY, ATE SHAINE! Dahan-dahan naman! Ang sakit-sakit na ng kamay ko!" panay reklamo na sigaw ni Mei-Mei nang sa wakas ay marating din nila ang rooftop.

Mas matangkad siya kaysa rito kaya mas malakas siya. Kaya naman nakaladkad niya ito papunta roon sa roof-top nang walang kahirap-hirap.

Nakatalikod si Shaine kay Mei-Mei at kitang-kita niya ang nangangatog na katawan ni Shaine. Sa isipan ni Mei-Mei ay gusto niyang tanungin ito, kung bakit bigla na lang ito nagagalit? Hindi talaga niya maintindihan kung bakit ganito ang kinikilos ng babae.

Bumuntong hininga si Shaine saka humarap sa kan-ya. Ang bigat ng hangin sa paligid nilang dalawa. Sa isang iglap, pakiramdam ni Mei-Mei ay tila ibang Shaine ang nasa harapan niya ngayon.

"Dapat lang 'yan sa 'yo kasi ang landi-landi mo!" Di-nuro pa ni Shaine si Mei-Mei na para bang wala na siyang pa-kialam sa mga masasakit na salitang lumalabas sa bibig niya. Ang gusto na lamang niya ay lumuwag ang dibdib niya mula sa selos na nadarama niya.

Kumunot ang noo ni Mei-Mei. "Malandi? Ano bang sinasabi mo riyan, Ate Shaine?" Hinawakan ni Mei-Mei ang kamay niya pero ibinagsak lang niya iyon na halatang ikina-gulat nito.

"Nagmamaang-maangan ka pa, e kitang-kita ng dalawang mata ko na maghahalikan na kayo ng Denver na iyon! At sa harap pa talaga ng maraming tao, ah!? Wala ka na ba talagang kahihiyan? Pinagbawalan ka na nga ng papa mo na makipag-boyfriend pagkatapos ay lumalandi ka pa rin?!" Di-nuro na naman niya ito sa sobrang inis niya.

"Halik? Landi? Teka, nagkakamali ka! Hindi naman kami maghahalikan ni Denver, e! Hinihipan lang niya iyong mata ko dahil napuwing ako kanina!" pangangatwiran nito na umiiling pa.

"Basta! Ayaw ko nang makikipaglapit ka pa sa kanya! Sa akin ka lang dapat sumasama!" Nagcross arms na siya sa-bay talikod dito. Ayaw niyang makita nito ang mga mata niya dahil pakiramdam niya ay maiiyak na siya.

Kahit tumalikod siya, bigla namang pumunta si Mei-Mei sa harapan niya at nagtama ang mga mata nila dahilan para mapaurong siya.

"Paano kong gagawin iyon kung ikaw mismo ang umiiwas sa akin? At hindi ko puwedeng iwasan si Denver!" katwiran nito.

"Bakit hindi mo siya kayang iwasan? Dahil ba may gusto ka sa kanya? Malandi ka talaga!" Hindi na naman niya makontrol ang sarili niya. Nagiging selfish na siya. Hindi na sapat ang makita lang niya o makasama ito. Gusto niyang lagi itong nasa tabi niya. Hindi na niya kilala ang sarili niya dahil nilamon na ng nararamdaman niya ang buong pagkatao niya.

Nagpantig ang tenga ni Mei-mei. "At ano naman sa 'yo ngayon kung magkagusto ako kay Denver? Bakit Shaine, nagseselos ka ba?" Nawala na ang 'ate' sa unahan ng pan-galan niya na nakapagpahinto sa kanya. Pakiramdam niya ay sinampal siya ng mundo.

"Tama nga naman, bakit naman ako magseselos e, hindi naman tayo? At kahit kailan ay hindi puwedeng maging tayo kasi parehas tayong babae!" Hindi na niya napigilan ang sarili at napasigaw na naman siya. Kasabay niyon ay ang pag-agos ng luha sa mga mata niya na kanina pa niya kinikimkim. Hindi na niya kaya, hindi na niya kayang magpanggap pa na balewala lang ang lahat ng nararamdaman niya para rito.

Tila natauhan naman bigla si Mei-Mei nang ma-re-alize kung ano ang nakakahiyang salitang lumabas sa bibig nito. Nakunsensya ito na napagsalitaan siya ng ganoon.

"Ate, sorry. Ikaw kasi eh... ano ba kasing nangyayari sa 'yo? Bakit ganoon ka na lang kung mag-react nang makita mong magkasama kami ni Denver? E, wala naman talaga ka-ming ginagawa, e," nag-aalala nang tanong ni Mei-Mei saka lalapitan sana siya at aaluin pero tinulak lang niya ito dahil sa inis niya na pagkatapos ng sinabi niya ay tila hindi pa rin nito nakuha kung ano ang ibig niyang sabihin.

Inangat niya ang kanyang mukha. "You know what's the problem here?" mapait na tanong niya. "I can't accept the fact that I love you! Not as friend, but more than that!" Lumakas ang pag-iyak niya. "More than what you think," dugtong niya sa pagitan ng paghikbi niya.

Sa tagal ng hinintay ni Mei-Mei na may magtapat sa kanya ng pag-ibig, dapat ay nakikita na niya ngayon ang buong paligid niya na inuulan ng rose petals at sabay sana nilang nilalasap ang tamis ng mga salita galing sa bibig ng isa't isa habang nagpapalitan sila ng 'I love you.'

Ngunit hindi ganoon ang nagyari. Ang mga petals ng rosas ay naging bomba ng mahulog ito sa kanya. Nakakagu-lat. Masakit sa pandinig. Kinilabutan siya sa mga pinagtapat ni Shaine.

Napansin ni Shaine na nag-iwas ng tingin si Mei-Mei . Nanigas pa nga ito sa pagkabigla at tila tinatanong pa sa sa-rili nito kung totoo ba ang narinig.

Hinawakan ni Shaine si Mei-Mei sa dalawang balikat at pinilit ito na tumingin ng diretso sa mga mata niya. Gusto niyang makita nito kung gaano kasakit ang nararamdaman niya ngayon. Kung gaanong parang dinudurog ang puso niya na wala man lang itong kamalay-malay. Naiilang man ay tila pinilit ni Mei-Mei na mag-angat ng tingin sa kanya.

"Tama ka ng narinig. I fell in love with you for the very first time I laid my eyes on you! Lumalim pa iyon noong naging close tayo. Palagi kitang naiisip, I want to hug you, I want to kiss you... I know it's wrong but I really love you, Mei-Mei! Can't you see? Ayaw ko 'to, pero wala akong magawa kasi ito iyung nararamdaman ko! Now, tell me, sabihin mo sa akin kung ano'ng problema? Bakit ito nangyayari sa akin?"

Hindi na niya napigilan ang sarili. Nasabi na ng bibig niya ang matagal nang gustong sabihin ng puso niya. Matagal na niyang gustong ipagsigawan iyon pero kinikim lang niya sa dibdib niya. At ngayon, para na lang iyong biglang sum-abog na siyang kinaurong ngayon ng dila ni Mei-Mei. Ni hin-di ito makapasalita hanggang sa lumipas ang ilang segundo at sa wakas ay natagpuan din nito ang sariling tinig.

"I'm sorry, Shaine." Tumulo na rin ang luha sa mga mata ni Mei-Mei nang ma-realize ang sinabi niya. Kahit ito ay nasasaktan din, hindi para sa sarili nito kundi para sa kanya dahil alam nito na sa sinabi nitong iyon ay nangangahulugan ng kabiguan para sa kanya.

Tumakbo siya paalis sa rooftop. Naiwan mag-isa si Shaine na nakatulala lamang. Ibinuhos na niya lahat ng luha na kanina pa niya pinipigilan. Isa lang ibig sabihin ng pag-alis nito at ng huling sinabi nito. The feeling isn't mutual at pinagsisisihan niya na inamin pa niya rito ang totoo. She knows that after this, things will never be the same again. Alam niya na simula ngayon ay mag-iiba na ang tingin nito sa kanya at ang masakit lang, baka iwasan na siya nito...

Sa kaisipang iyon ay parang gusto na lang niyang ma-matay. Hindi niya inakala sa buong buhay niya na ganito pala kasakit ang mabigo. Namamanhid na ang puso niya. Gusto niyang sumigaw ng ang unfair ng mundo. Napaupo siya sa semento at sumandal sa pader. Parang natunaw lahat ng buto niya sa katawan. Tuluyan na siyang napahagulgol habang niyayakap ang sarili. Ibinaon niya ang mukha sa mga tuhod niya na para bang maitatago niyon ang sakit na nararamda-man niya.

Noong mga oras na iyon ay isa lamang bagay ang tu-matakbo sa isipan niya...

"What is the sense of living? If it feels like dying?"

At sa malamig na rooftop na kinaroroonan niya ay damang-dama niya ang lamig na nararamdaman ng puso niya. Isang pakiramdam na ngayon lamang niya naramda-man sa buong buhay niya. Isang uri ng sakit na pakiramdam niya ay wala nang lunas.

Napakasakit. Hindi na siya makahinga. 

Continue Reading

You'll Also Like

4.2M 92.4K 48
"Sige na Madison gawin mo na para matapos na ang problema mo sa ex mo na stalker" tulak sa akin ng bestfriend kong si Alyana palapit sa popular table...
29.7K 1.4K 19
(Epistolary ⌖ GA: The Game) All Belle Santiago wanted was to have a normal college life. Iyong walang mga matang nakabantay, hindi engrande o espesy...
166K 920 8
Lopez Series #1 [COMPLETED]
28.2M 1M 68
(Academy Series #1) The Gonzalez heir, Kairon, was sent to Garnet Academy to ensure his safety against the suspected hierarchy war. Appointed as the...