RBW II: THE EVIL HALF(Under t...

By Misa_Crayola

238K 10K 3.3K

Raised By Wolves Book 1 on my Main Acct: MisaCrayola " Who is the evil half? " Cover by: MysteriousMilkShake... More

BEGINNING
Prologo:
RBW II: Beginning
RBW II: TWIN
RBW II: Impostor
RBW II: Red-Eye
RBW II: Lies.Greed.Misery
RBW II: BABY?
RBW II: Crossing Field
Chapter 8:Daddy!
RBW II : HAPPINESS
RBW II: Disappointment
RBW II:
RBW II: The Good and the Evil
RBW II: Fortune Teller
RBW II: Crescent's Voice
RBW : CRESLIGHT
RBW II: Born To Lead
RBW II: his decision, her tears
RBW II:
RBW II: Offspring
RBW II: New Life
RBW II: Fear
RBW II: Heartbeat
RBW II: Split-Identity
RBW II: Bloody message
RBW II: Lovers Quarrel
RBW II: The Evil Half
RBW II: Crescent's DEATH
RBW II: Broken
RBW II: Bear My Child
RBW II: Invitation
RBW II: Her Memories
RBW II: Secret base
RBW II: The son of Evil
RBW II: Parallel hearts
RBW II: REVELATION/ Crescent's POV
Must Read ( Misa's Note )
RBW II: Her Weakness
RBW II: Obsession
RBW II: Dark Scheme
RBW II: Who are you?
RBW II: Angels and Demon
RBW II: Heartache
RBW II: MADE UP HER MIND?
RBW II: Together
RBW II: Saving Grace
RBW II: My Daughter
RBW II: Star
RBW II: Unexpected
RBW II: Angel, Prince, Love(Ending)
Crescent's Message for you
EPILOGUE

RBW II: Another

3.3K 173 95
By Misa_Crayola



RAISED BY WOLVES II


" Another "




IMPERIAL CITY



* EVIL CRESCENT *


" Papa, magtatagal ka ba? " tanong ni Shin kay Crescent habang magkasama sila sa kuwarto. Nakahiga si Crescent habang nakahiga naman sa ibabaw niya si Shin at hinahaplos ang buhok nito.


" Hindi. Hintayin mo lang ako at isasama ko na pabalik ang mama mo at aalis na tayo " sagot ni Crescent.


" Baka saktan ka nila .. " nag-aalala si Shin, napakalaki ng palasyo at alam niya na napag-usapan sa grupo na si Aleissa at Crescent lang ang papasok sa Imperyo. 


" Wag kang mawawala katulad noon, wag mong pahirapan si Tomo baka sa kunsumisyon sa'yo mamatay 'yon ng maaga " 



" Hmp! naglalakad-lakad lang naman ako, ngayon lang ako nakakita nang ganoon karaming tao. Palagi nalang akong kinukulong " reklamo ni Shin, nangiti naman si Crescent.



" Sa ngayon lang naman. Saan ka ba nagpunta no'n? " hanggang ngayon hindi niya alam kung saan 'to pumunta, ang alam niya lang naligaw ito.



" May kumuha sa'kin pero nakatakas din ako. Siyempre anak mo 'ko" masiglang sagot nito. " Ako lang dapat ang anak mo, ayoko nang may kahati papa " si Shin na nag-angat nang tingin kay Crescent, nakita niya na nakangiti ito.



" Ano pa ba ang ginagawa niya sa loob? " si Rayhana kay Aleissa na hindi nakalimutan magdala nang mga pampaganda nito at ngayon nga ay nagkukulot ito ng buhok habang nakaharap sa salamin.



" Hayaan mo silang mag-ama, hindi ko din alam bakit pahiga-higa at pa relax -relax pa. Marami na ngang namamatay at amoy na amoy na ang dugo pero parang wala pa siyang napapansin " 




" Gusto niya ba talagang iligtas ang asawa niya? Nasa Palasyo na ang isang Crescent, hindi ba siya natatakot maagawan? " - Rayhanna.



" Nakipag-agawan sa sarili? " natatawang nilingon ni Aleissa si Rayhanna.




" Hindi siya matatalo ninuman. Walang makakatalo sakanya, napakarami niyang trap card na nakahanda. Hindi na ang mabuti ang nagtatagumpay .. " ibinalik ni Aleissa ang tingin sa salamin at dinampot ang pula niyang lipstick at pinintahan ang labi. " .. kung sino ang mas marahas, mas masama at walang puso ang nagkakamit nang lahat. " 



" May dalawa siyang kahinaan. Kung matatalo siya sa laban, nasisiguro ko na isa sakanila ang dahilan. Pero ang tanong, may kamatayan ba siya? "




Humagalpak nang tawa si Aleissa sabay tingin nang makahulugan kay Rayhanna.


" Sinong may alam? " 





Samantala sa bayan ng Dark Island isang bata na may pilak na buhok ang naglalakad, nasa  edad apat din siya kung titignan katulad ni Shin ; may pares siya ng golden brown na mga mata.




" Bata, sino ang kasama mo?! " wika ng isang lalaking papaakyat ng barko ng makita ang batang tila nag-aabang sa daungan ng barko.




"  Hinihintay ko ang papa ko " matipid niyang wika bago tinalikuran ang lalaki at naglakad patungo sa isang upuan.




" Saan ka ba galing? " isang babae na tila kasama ng lalaki ang lumapit sa bata, natutuwa siya sa itsura nito at talaga namang aangkinin mo kung saka-sakali.




" Hindi naman kita kilala para sabihin ko " nag-iwas 'to ng tingin at tinignan ang barko. Tila naman napahiya ang babae.


" Hindi kasi ligtas ang lugar na 'to para sa bata" wika pa ng babae.



" Kung ano man ang mangyari sakin hindi mo yun kasalanan kaya umalis ka na" sagot ng bata.




" Crescentine! " boses ng babae na naka itim na hood ang lumapit sa bata na tila naman nakilala 'to. " Nandito ka na naman! Sinabi ko naman sa'yo na wag kang lalabas diba! " may galit sa boses nito.



" Wag mo 'kong sigawan hindi kita kaano-ano " tumayo ito mula sa pagkakaupo at naglakad na palayo, tinignan niya sa huling pagkakataon ang malawak na asul na karagatan.




" Bakit ba ang tigas ng ulo mo, alam mo na nagkalat ang masasamang nilalang dito.  Dark Island 'to at napakaraming wizard ang nandirito maging ang black market nandito ... " 



" Althea, hinihintay ko ang papa ko. Hindi ko pa siya nakikita, hindi naman yata niya ko kilala at niloloko mo lang ako na babalikan niya " 



"Crescentine!" Nabigla si Althea ng mawalan ito ng malay. Napatingin siya sa paligid, may mga dadalo sakanila pero binuhat  niya ito at agad naglaho.



" " Anong nangyari? " isang lalaking naka itim na hood din ang sumalubong sa babae sa isang maliit na laboratoryo. Binuhat nito ang bata at dinala sa isang kama, sa paligid makikita ang mga potions at ilang ncantations maging mga libro ng magic na nagpapakita na wizard ang mga ito.



" Nasa daungan na naman kasi siya! " hindi nito mapigilan ang mga luha.



" Sinabi ko naman sayo na ibalik na natin siya, hindi siya satin! nahihirapan din akong makita na nagkakaganito siya. Sa lugar kung saan natin siya nakita doon siya nararapat hindi sa mundong 'to. " tinignan niya si Althea na tila di sang-ayon.



" Look Althea, kilalang-kilala ang ama niya at walang kahit sinong magsasabi na hindi sila magkamukha! Kamukang-kamukha niya si ..  " 




"Tama na! alam ko naman na nasa panganib siya, kung hindi sa sakit niya siya mamamatay paniguradong sa kamay ng ibang nilalang. Gusto ko lang naman na pagbigyan siya, hindi kasi tama ang nagiging paglaki niya. May kakaiba sakanya " sinulyapan nito ang batang nahihimbing." Madalas siyang maghugas ng kamay kahit hindi naman narurumihan, parang may problema siya sa tabko ng .. . "



" Tigilan mo na " umupo ang lalaki sa kama ng bata, hinawakan niya ang kuwintas nito kung saan nakilala nila ito sa pangalang "Crescentine" 

" Mananatili ako sa lugar na 'to. Hahanapin ko siya, bumalik na kayo. Hindi niya tayo itinuturing na magulang pero itinuturing natin siyang anak kaya naman hindi ko gustong mapahamak siya, hindi tayo ganoon kalakas at mga betrayer na tayo sa paningin nila simula ng kunin natin ang bata. "


" Hindi ko siya ibabalik sa lugar na 'yon ilalayo ko lang siya .. "


" Nasisiguro mo ba na siya talaga ang ama? "  tumayo ang lalaki at hinarap si Althea.



" Narinig ko sa council. Wala din makakapagsabi na hindi sila mag-ama, magkamukhang-magkamukha sila at ang pangalan niya na tanging naiwan sakanya ang pinakamalaking pruweba ko.. " sagot ni Althea.


" Paano mo nasabi na babalikan siya ng ama niya? " si Gilbert ang lalaki na tinitigan si Althea.


" Ha? " tila nabigla ito sa tanong kaya hindi agad 'to nakasagot.


" May balak silang gawin sa bata, ang council sa ilalim may balak silang palakihin si Crescentine bilang isang tagapagmana ng trono hindi ba mas maganda 'yon? " si Gilbert.


" Hindi maganda 'yon! lumalaki siya na walang pamilya, napakaliit niya para idaan sa ganoong klase ng pagpapalaki! Hindi mo ko naiintindihan, madalas niyang hinahanap ang mga magulang niya at pinapangakuan lang siya ng paulit-ulit pero kahit katiting na katotohanan wala ang council! " - Althea


" Ganon ka din! Pinapangakuan mo siya na babalikan siya ng papa niya pero wala ka naman ding alam! "


Hindi nila alam na may malay na ito pero nanatiling nakapikit.




******



" Pumili ka na naiinip na 'ko " tumingala si Neo sa tuktok kung nasaan ang hawla, lalo naman nagngalit ang pakiramdam ni Crescent.


" Sabay ko silang pababagsakin " ngiti ni Neo kay Crescent.


" Bakit kailangan mo silang idamay?! "si Crescent.


" Dahil sila ang kahinaan mo, kung nanatili ka sa pagiging Crescent na ginusto ko at naging isa sa mga Heneral ko masaya sana ang magiging buhay mo " - Neo


" Crescent! iligtas mo na si Lyra! " si Rozen na ikinainis ni Neo. Ganoon din ang naramdaman ni Lyra, para bang hindi siya nito pipiliin at utang na loob pa niya kapag siya ang pinili ni Crescent. 


Mabilis ang naging pagsugod ni Neo, may mali ba sa nakikita niya kay Crescent? nasaan na ang mga matang ginusto niya dito? nasaan na ang walang pag-aalala at hindi nababahalang ekspresyon nito?! Mula sa kawalan inilabas niya ang espada niya, napansin naman agad siya ni Crescent kaya agad 'tong umilag sa mabibilis na pg atake niya na hindi man lang dumadapo ang mga paa niya sa sahig.


" IIWAS KA LANG BA NG IIWAS! WAG MO SABIHIN NA HINDI TOTOO LAHAT NG NALALAMAN KO SA'YO !  " Galit na singhal ni Neo kay Crescent na ginamit ang espada para sanggain ang pagtira nito. Malakas si Neo, hindi man tamaan si Crescent ang hagupit ng hangin mula sa espada nito ang dahilan kung bakit nagbabagsakan ang mga poste sa malaking kuwarto na 'yon. 


" Wala kang silbi kung wala kang chain?! " uyam ni Neo kay Crescent, lumapag ito sa sahig sa pamamagitan ng tingin gumalaw ang dalawang hawla na ikinatakot ni Lyra at Rozen, kumukulo ang babagsakan nila.


" Pakawalan mo sila, lalaban ako sa'yo. " - Crescent


" Dalawa sila, bago mo maibukas ang isang hawla aabutin ka ng minuto at sa bawat segundo pababa nang pababa ang hawla patungo sa impiyerno nilang dalawa. Ngayon palang magdesisyon ka na , sino ba sakanila Crescent?!"  ngisi ni Neo. Natutuwa siya sa nakikitang pagkalito dito, ibigsabihin nahihirapan itong mamili.


" Crescent .. " piping wika ni Lyra , itinungo niya ang ulo para hindi nito makita ang mga patak ng luha niya. 


"Nasasayang ang oras mo " naglakad si Neo patungo sa upuan para panoorin ang nangyayari. Hindi susugod si Crescent dahil wala naman sakanya ang ikatitigil ng hawla, sasayangin lang nito ang oras kung balak nitong sugurin siya.


Pababa na nang pababa ang hawla. Dalawang minuto lang at pareho ng lalamunin ng dagat na mala impiyerno ang dalawa. Nawala si Crescent kaya tumingin sa taas si Neo, nakapili na 'to kung sino ang sasagipin kaya ngumisi siya.


" Is it hurt? " sa isip-isip nya sabay ngiti habang nakatitig kay Lyra. Crescent still choose the maiden fair. 


Inaasahan na ni Lyra na si Rozen ang pipiliin nito pero hindi pa rin matawaran ang mga punyal na tumarak sa puso niya nang makita mismo ng mga mata niya. Mamamatay siya dala ang sakit na hindi na siya nito pinili, mabuti na ngang mamatay siya kesa mawala ito sakanya. She's crazy inlove with him, kahit pa hindi siya ang pinili nito.


" Rozen " inilahad ni Crescent ang kamay kay Rozen ng maibukas niya ang hawla nito.  Hindi inaasahan ni Rozen kaya nagtaka sya pero hinawakan niya ang kamay nito, nakalabas siya at ibinaba nito. 


" Si Lyra ! " si Rozen nang makitang ilang segundo nalang babagsak na 'to. 


Nadadama na ni Lyra ang init na mula sa dagat na 'yon. Ipinikit niya nalang ang mga mata, she's trying to calm herself sa pamamagitan ng pag-iisip ng pinagsimulan nila ni Crescent, nasasaktan pa rin sya sa isipin na dito sila hahantong dalawa. 


"Mama " Nakita ni Lyra sa balintanaw niya ang isang bata na malabo ang mukha. " Mama .. " tinatawag siya nito at agad na niyakap, nawala agad ang imahinasyon niya ng marinig ang pamilyar na boses.


"Lyra!! " si Crescent, nakahawak ito sa hawla niya at babagsak na sila. Nakita niya na nakukuryente 'to at nagdurugo na ang mga kamay para pilitin na paghiwalayin ang dalawang bakal na  magkalapit.


" Umalis ka na! Baka bumagsak ka din " aniya na hinawakan 'to sa kamay. 


" Lyra " pilit nitong sinisira ang dalawang bakal. 


"Tama na Crescent! Wag na.. " hindi magawang titigan ni Lyra ang kamay nito , nagdurugo na iyon ng husto. Bakit parang iba ang hawla niya sa hawla ni Rozen? bakit parang hindi lang kuryente ang meron sakanya? dumudugo ang kamay ni Crescent..


"  Crescent " si Rozen, umagos ang luha niya. Hindi niya alam na nasa likuran niya na agad si Neo.


" Lyra .. " natanggal na nito ang isa.


"Wag na umalis ka na .. Crescent! " pilit niya 'tong itinataboy, malapit na malapit na sila. 


"  Mamamatay akong kasama ka! Kung hindi kita maililigtas wala na 'din silbi yung buhay ko!!! " Tila doon lang bumalik sa realidad si Lyra, nakagat niya yung labi niya. Nakkita niya sa mata nito yung determinasyon na iligtas siya.


" Iniligtas ka niya na una hindi dahil ikaw ang mas mahalaga sakanya at ikaw ang pinili niya, iniligtas ka niya dahil si Lyra padin ang gusto niyang makasama hanggang kamatayan " si Neo na inaasar si Rozen, alam iyon ni Rozen pero nasaktan pa 'din siya. Tumayo siya para iligtas ang mga ito, pero may mga nagliliwanag na pana ang tumama sa nagliliyab na dagat at naging yelo iyon sa isang iglap, nakita nila na nakatayo ito malapit sa malaking bintana at nakaitim na kasuotan na itinatago ang sariling pagkakakilanlan.


" Leo " si Lyra ng makilala ito, nag-anyong tao na naman ito. Tinangay ng hangin ang suot nitong nagtatakip sa mukha nito, lumantad si Leo na nakatitig kay Crescent. 


" Crescent " si Lyra na puno ng pag-aalala nang makitang nadaplisan ito ng apoy bago pa sila bumaba sa yelo, ang braso nito at kamay nito ay nagdurugo dahil sa pagpipilit nitong pasukin siya.


" Crescent! " umiiyak niya 'tong niyakap.

d" Lyra, Master. Umalis na kayo diyan, ilang minuto lang babalik sa pagiging apoy na gagat ang lugar na yan " si Leo na hinarap si Neo.


Binuhat ni Crescent si Lyra para ibalik sa taas bago pa magsara ang ilalim na kanina lang ay apoy na dagat. Pumapatak pa ang mga dugo ni Crescent sa sahig habang nakangiti kay Lyra, tila kinuha ng hawla na 'yon lahat ng lakas niya kaya nakakaramdam siya ng panghihina.


Nagpalit ng anyo si Neo sa mas malaking Wolf, umalulong ito ng malakas. Tila nagliliyab ang mga mata nito sa galit na sumugod kay Neo. Lumabas ang isang itim na marka sa kamay ni Neo sa isang bigkas lang naglabas ito ng nagliliyab na latigo.


 " Short incantation?!  " si Rozen, hindi siya nakakilala ni minsan nang marunong bumigkas ng incantation sa isang salita lang. Malakas na hagupit ang tinamo ni Leo kay Neo, maraming beses hindi niya alam kung bakit napakabilis ni Neo. Totoo ba na wala pa itong ginagamit na chain, isa itong spell caster na nagawang paiksiin sa isang salita ang dapat isang pangungusap na incantation!


" Useless Rats! " si Neo na sa huling hagupit ng pinakamalakas na hampas kay Neo na patuloy sa pagtayo kahit duguan na. Napakalas ni Neo, paano sila mananalo dito? Paano ang New Moon Drop nila? bago pa bumukas ang Abyss para maging Underground nasisiguro niya na mamamatay sila.


Nilapitan ni Neo si Leo na sumadsad sa sahig na puno na ng sugat at duguan, nagbalik na 'to sa katawang tao. Hahampasin siya ni Neo ng latigo nito kaya ipinikit niya ang mga mata para tanggapin iyon, kaunti nalang ... 


Narinig niya ang malakas na hampas pero wala siyang naramdaman kaya iminulat niya ang mga mata, si Crescent nakatayo sa harapan niya kahit na panay ang pagdurugo ng mga kamay nito at braso ay sinangga nito ang hagupit ni Neo.


"Master! " malakas na sigaw ni Leo, pinilit niyang tumayo para sagipin ito. Nakita niya na nawala si Neo at hinila nito si Lyra sa braso patayo.



" Lyra! " sabay na sigaw nila ni Crescent. 




****

DARK ISLAND 


" Jasmine! " tawag ni Rain sa anak na namimili na naman ng kung anu-anong sangkap sa black market. 


" Mommy, saglit nalang ako!" si Jasmine na kinawayan ang Ina, tumango naman si Rain at nagtungo sa kabilang banda para tumingin ng mga mamahaling porselas na gawa sa mga bihirang bato na natatagpuan sa mundo.



" Yan po lahat! " ngiti ni Jasmine sa lalaking nagbebenta, ngumiti naman ito at pinuri pa siya sa kagandahan niya. Kinuha niya ang pinamili at inilagay sa handbag niya bago nilingon ang ina na abala sa pamimili.



May nahagip siya ng tingin , isang batang lalaki na may pilak na buhok kaya sinundan niya 'to. Bihira ang kulay ng buhok na 'yon kaya naman natutuwa siya, kadalasan sa may ganoong kulay ng buhok ay isang Wolf at natutuwa siya na maaring kalahi ito ng crush niyang si Crescent.




" Hey! bulaga! " aniya na inikutan ito paharap at nginitian pero hindi siya nakatanggap ng ngiti dito kaya napahiya siya ng bahagya.



" Wow!! kamukha mo si .... " 



"Si? " tila nagtaka ito, mukha itong four years old pero ang sungit na bata pero di siya nagkakamali ,kamukha 'to ni Crescent.



" Bakit nag-iisa ka? alam mo bang mapanganib sa'yo ang mag-isa dito  kunwaring pinagagalitan niya 'to pero di talaga siya nginingitian. Bahagya siyang tumungo para makapantay ito.



" May fiancee na 'ko pero wala na siya, namatay siya kaya naman .. " ngiting-ngiti si Jasmine na may kinuha sa bag niya na bato at ibinigay dito.




" Pakakasalan mo 'ko kapag lumaki ka na ha? hmm! hihintayin kita" humagikgik si Jasmine, kinuha niya ang kamay nito at inilaga  ang mood stone. 



" Jasmine! " boses ni Rain.



"Sige na! cutie pie! " hinalikan niya 'to sa pisngi na ikinapula ni Crescentine, sinundan pa niya 'to ng tingin habang tumatakbo ito at nililingon siya sabay kaway.


Tinignan niya ang palad, tumakas lang siya saglit sa huling pagkakataon maghihintay siya sakanyang ama. Hindi niya alam kung paano, pero pakiramdam niya nakita niya sa panaginip ang kanyang Ina na nalulungkot, marahil hinahanap na siya nito.



" Anong klaseng babae yun " pinunasan niya ang pisngi at itinago sa bulsa ang bato na tila nag-iiba-iba ng kulay. Mood stone.



" Kung sakaling magiging isang Hari ako mas magiging madali ba na mahanap ko kayo?" naglakad na siya patungo sa daungan ng mga barko at muling naghintay sa isang imposibleng bagay. Isa lang ang alam niya, magkamukha sila ng ama at bihira ang pilak na buhok kaya naman umaasa siya na hindi magiging mahirap sakanyang hanapin 'to.




READ.VOTE.COMMENT ! *u*


Kayo na ang bahalang mapraning, hahaha ako na ang bahala pumraning sainyo hahaha! joke Lovelotsss..

Loving, MisaCrayola ;)


Continue Reading

You'll Also Like

Lowkey By Beatrix

Fanfiction

232K 6.5K 109
A Joaquin Jaymalin and Sofia Ildefonso Fan Fiction #WPLowkey ©️ Full Credits to the owners of the pictures used in the story.
466K 13K 73
I am living a normal life until one tragic accident happened that kills the life of many and brought me to an unknown world of Eos. I am not sure if...
3.6K 497 42
"Your past hunted you, you can't move on, you want revenge yet you fell into love with her. The person who cause you pain. Does love would be enough...
1.9M 51.3K 53
[COMPLETED | UNDER FIRST EDITING] Alphas of Lair 1 Assassin is next to her name. She's merciless, the strongest of their clan, and the most powerful...