Stay Wild, Moon Child

By alyloony

1.7M 107K 55.2K

Her only goal is to finish the last year of her High School life in peace. But then she met a guy who is so g... More

Prologue
Chapter One
Chapter Two
Chapter Three
Chapter Four
Chapter Five
Chapter Six
Chapter Seven
Chapter Eight
Chapter Nine
Chapter Ten
Chapter Eleven
Chapter Twelve
Chapter Thirteen
Chapter Fourteen
Chapter Fifteen
Chapter Sixteen
Chapter Seventeen
Chapter Eighteen
Chapter Nineteen
Chapter Twenty
Chapter Twenty One
Chapter Twenty Two
Chapter Twenty Three
Chapter Twenty Four
Chapter Twenty Five
Chapter Twenty Six
Chapter Twenty Seven
Chapter Twenty Eight
Chapter Twenty Nine
Chapter Thirty
Chapter Thirty One
Chapter Thirty Two
Chapter Thirty Three
Chapter Thirty Four
Chapter Thirty Five
Chapter Thirty Six
Chapter Thirty Seven
Chapter Thirty Eight
Chapter Thirty Nine
Chapter Forty
Chapter Forty One
Chapter Forty Two
Chapter Forty Three
Chapter Forty Four
Chapter Forty Five
Chapter Forty Six
Chapter Forty Seven
Chapter Forty Eight
Chapter Forty Nine
Chapter Fifty
Chapter Fifty One
Chapter Fifty Two
Chapter Fifty Three
Chapter Fifty Four
Chapter Fifty Five
Chapter Fifty Six
Chapter Fifty Seven
Chapter Fifty Eight
Chapter Fifty Nine
Chapter Sixty
Chapter Sixty One
Chapter Sixty Two
Chapter Sixty Three
Chapter Sixty Four
Chapter Sixty Six
Epilogue

Chapter Sixty Five

19.6K 1.2K 322
By alyloony

Chapter Sixty Five

"Sigurado kang wala kang gustong itanong sa akin?" Seb ask me for the nth time.

Nakaupo na kami ngayon sa mahabang sofa sa may living room. Nasa magkabilang dulo kami, parehong naka Indian seat at nakatingin sa labas.

Malakas pa rin ang ulan sa labas at dinig ko ang pag tama ng hangin sa bintana namin. Wala pa ring kuryente kaya naman may nakasinding kandila sa may lamesa.

Seb has stopped crying, at mas kalmado na siya ngayon. Matapos din niyang umiyak, nag request siya ulit ng hot choco that's why we're both drinking our second cup.

Ilang ulit niyang tinanong sa akin kung wala ba akong gustong itanong. Sa totoo lang ang dami, pero puro mga bagay yun na gusto ko, siya mismo ang mag open up sa akin. Ayokong tanungin siya ng mga bagay na hindi pa siya handang i-share.

At meron ding mga bagay na alam kong hindi na kailangan tanungin pa.

"Wala nga," sabi ko.

Then napahinto. Bigla akong may naalala.

"Actually... meron," pagbawi ko. "But it's okay not to answer if you're not comfortable to share it."

Umayos si Seb nang upo at bahagyang lumapit sa akin. Sa pag lapit niya, dumikit ang tuhod niya sa tuhod ko. Bahagya akong napahinto sa pag inom ng hot chocolate as I feel a jolt electricity down my spine when I his skin on mine.

Hindi ako nagpahalata na naapektuhan ako at dire-diretso lang ako sap ag inom ng hot choco.

"Ano yung tanong mo?" he asked as he slightly brushed his fingertips on my knees.

Napasinghap ako.

Nakakainis naman 'tong isang 'to. I'm trying to stay calm and shove down my feelings for him, pero pinapahirapan niya ako masyado.

Napaiwas ako nang tingin.

"Si L..." halos pabulong kong sabi. "G-girlfriend mo siya? O nililigawan?"

Nakita ko ang pagtataka sa mukha ni Seb sa tanong ko na parang hindi niya alam kung sino ang tinutukoy ko.

"L?" sabi nito. And then light bulb hits him. "Ah! Si L! Hindi ko girlfriend yun!" biglang napatawa nang malakas si Seb. "Tropa ko lang yun. Pinupush kasi yun ng kuya ko sa akin. Gusto niya ligawan ate ni L. Minsan pag may mga pabor ako kay kuya, napipilitan akong, you know.. makipag kita kay L. Katulad na lang nung nangyari kay Glen noon. Naalala mo?"

Bigla kong naalala ang nangyari dati. A group of bullies trying to ask Glen for money. If I'm not mistaken, yung isa doon, si Jester, ay anak ng mayor. We're about to get beat up nang may tinawagan si Seb at umatras silang lahat. The next morning, nabalitaan na lang namin na Jester got kicked out of school.

Doon siya sa kuya niya nanghingi nang tulong?

Napayuko si Seb and he looked embarrassed.

"From time to time, hinihingi ko pa rin ang tulong nila. Nakakainis," he whispered.

Hinawakan ko ang kamay ni Seb and I gently pressed it. Napaangat siya nang tingin sa akin. As I meet his gaze, I gave him a warm smile.

"You did that to help someone. Don't feel bad."

Napangiti rin si Seb.

"Thank you, Iris."

"So.." sabi ko at napayuko ako. "Friends kayo ni L na paminsan minsan lumalabas?" tanong ko ulit while remembering yung time na nakita ko sila ni L na magka holding hands.

Tumango si Seb. "Pero hindi na ako kikitain nun ngayon kasi may girlfriend na siya."

Napaangat ang tingin ko sa kanya. "Girlfriend?" pag lilinaw ko.

"Oo. Girlfriend."

I shrug, "it's not that I need to know."

I heard Seb chuckled. Napaiwas ako nang tingin. Nagpipigil na mapangiti dahil sa nalaman ko. Naramdaman kong hinawakan ni Seb ang kamay ko and he gently pressed my hand. Muling napabalik ang tingin ko sa kanya, and this time, hindi na siya nakatawa. He's looking at me seriously and I can see a hint of guilt in his eyes.

"Iris... salamat ah? And sorry—"

"Hindi mo kailangan mag sorry," mabilis kong sabi. "At hindi rin natin kailangan pag usapan. I understand."

I squeezed his hand in return to reassure him na okay lang talaga. Nakita kong napangiti rin siya.

I know what he's about to say. Alam ko kung saan papunta ang sasabihin niya.

Alam ko---ramdam ko---na he's not ready yet for any commitment. May malaking goal si Seb—too big that it occupies everything in him. Wala akong pwesto sa kanya ngayon, at naiintindihan ko yun.

Siguro baka lang hindi pa ako handang marinig kaya ko siya pinatigil.

We both finished our hot choco. Napansin din namin na medyo humihina na ang ulan kahit medyo malakas lakas pa rin ang hangin. Around past five in the afternoon, nakauwi na si daddy. Dahil kahit papaano ay um-okay na ang panahon, he offered na ihatid si Seb sa kanila. Seb declined, of course, pero hindi siya nanalo sa pagiging mapilit ni daddy. In the end, nagpahatid din siya dito.

"Ipapakilala mo na ba sa akin si Seb?" tanong ni daddy sa akin pag uwi niya matapos niyang ihatid si Seb sa kanila.

Napakunot ang noo ko sa tanong niya, "huh? Kilala mo naman siya daddy."

"You know what I mean," he said with a meaningful look. "You even named your cat after him."

"I—" napahinto ako kasi how can I possibly explain that?! "Ewan ko sa'yo daddy. Pagod lang yan," sabi ko at dire-diretso akong umakyat sa kwarto ko. I heard him laughing as I leave.

Pagsara ko ng kwarto ko, nakita ko yung vinyl record ng Goo Goo Dolls sa kama ko. Hindi ko na-i-abot kay Seb.

I picked it up at tinignan ko ang nakabilog na "Iris" sa tracklist. Napabuntong hininga ako and I hugged the record tightly

I know wala pa akong pwesto sa kanya ngayon. Right now, I am contented to know that he liked me.

I just wish, someday, I'll get to hear what he feels directly from him without the need to say he's sorry.

~*~

The following days was calm and quiet. Medyo na busy na kami sa pag i-isip ng mga universities and colleges kung saan plano naming mag take ng entrance exam, pati na rin ang course na kukuhanin namin.

Alam na ng barkada na nakapasa at nakakuha ng scholarshio sa U.S si Seb at doon niya planong mag pre-law. He'll stay there for four years, pero plano niyang dito sa Pilipinas mag aral ng criminal law.

"Dahil ang kailangan kong malaman ay ang batas natin," that's what he said.

LJ, Chichi, and Glen have their own universities in mind. Nakapasa na si Glen sa DLSU at kinuha niyang course ay Communication Arts. Meanwhile, mag e-exam pa lang si LJ at Chichi sa FEU at CEU.

LJ planning to study Education while si Chichi naman ay Tourism.

"Kinakabahan ako," sabi ni Chichi habang naglalakad kami palabas ng gate. Dismissal time na at naisipan namin nina LJ, Chichi, Seb and Glen na mag meryenda dahil sobrang na busy talaga kami. Not to mention, malapit na rin ang final exam kaya for sure, mas mabubusy rin kami.

"Ba't ka naman kinakabahan?" tanong ni LJ.

"Paano kung magkaiba tayo ng university na mapasukan!" sabi ni Chichi. "Malulungkot ako!"

Natawa naman si LJ, "parang dapat mauna ka munang kabahan kung makakapasa ka."

Tinulak nang bahagya ni Chichi si LJ, "excuse me 'no, nag rereview ako! Nag sisipag na ako ngayon!"

We all laugh. Nakita ko namang lumapit si Chichi kay Glen at hinawakan niya ito sa braso.

"Bakit naman kasi sa pang rich kid ka na university papasok! Hindi tuloy kita masundan!" sabi ni Chichi dito.

Natawa lang nang bahagya si Glen pero hindi nito pinansin masyado ang sinabi ni Chichi. Minsan napapaisip ako kung manhid ba talaga 'tong si Glen at hindi niya narerealize na crush siya ni Chichi. O baka iniisip niya na binibiro lang siya nito? O baka naman aware siya, pero ayaw lang din niyang gumawa nang move.

Ewan. Ang labo ng relasyon nang dalawang 'to.

"Pero ikaw Iris, sigurado ka na bang sa UP Los Baños ka?" tanong ni Glen sa akin.

Agad lumayo si Chichi kay Glen at sa braso ko naman siya humawak.

"Oo nga! Bakit kasi ang layo! Paano tayo mag me-meryenda everyday!" reklamo ni Chichi sa akin.

Nakapasa ako sa entrance exam sa UPLB. Same university kung saan nag aral ng Veterinary Medicine si mommy. Wala akong ibang inisip na option. Alam ko agad na doon ko gustong pumasok. Kaya naman nung nakita kong nakapasa ako, halos mapaluhod ako sa tuwa.

Si Seb ang unang nakaalam noon na nakapasa ako. I remember calling him right after I got the results. Halos hindi ako makahinga noon sa grabeng pag iyak ko.


"Iris? Bakit?" tanong niya sa akin nung tinatawagan ko siya habang humahagulgol ako sa pag iyak. Ni hindi ko makukhang sabihin ang rason nang pag tawag ko dahil dire-diretso ang luha ko. Seb tries to calm me. Nang medyo humupa na ang pag iyak ko, tsaka ko nasabi sa kanya.

"Seb, nakapasa ako sa UP," I told him habang humihikbi pa. Hindi nakapag salita si Seb. Narinig ko na lang ang pag tunog ng dial tone sa kabilang side ng phone call. Akala ko nawalan siya ng signal or na disconnect siya o binabaan ako?

Pero after fifteen minutes or so, narinig ko na lang na may nag d-doorbell sa amin. Pag bukas ko, I saw Seb standing in front of our gate. Napatakbo ako sa kanya and he greeted me with a tight hug.

"I'm proud of you," he whispered. And that's enough to make me cry again.


"Uuwi naman ako every weekend. Pwede tayo mag set ng labas kahit once or twice a month," sabi ko kay Chichi na hindi pa rin inaalis ang pagkakahawak sa braso ko.

"Kainggit naman," bulong ni Seb na naglalakad sa tabi ko. Nakasukbit sa kaliwang braso niya ang bag niyang itim at naka tuck out na ang school uniform. Hindi ko na sinita dahil dismissal na. "Sana all makakauwi every weekend," sabi nito.

"Edi umuwi ka every year! Dalawin mo kami!" sabi ni LJ sa kanya. "Ba't naman kasi ang layo ng States!"

Seb just chuckles pero alam kong mahihirapan siyang umuwi in that four years na nasa States siya.

Maganda yung scholarship program na napasukan niya. He got free boarding and may monthly allowance pa na ibibigay sa kanya. Pero nag compute kaming dalawa at sobrang tight nung monthly allowance na makukuha niya so he got no choice kung hindi mag hanap ng sideline. Thankfully, he got hired sa isang bookstore to work there for four hours daily.

Sapat na yung kikitain niya to survive. So I doubt na makakapag ipon pa siya ng pambili ng plane ticket pauwi yearly.

I feel a tight knot on my stomach just by thinking kung gaano katagal na panahon kong hindi makikita si Seb.

We only got two months left.

Habang palabas kami ng gate, nakita ko na palabas din si Harold. Agad ko itong tinawag.

"Harold!"

He looks up, and he smiled nung nakita kami. He jogs papalapit sa amin.

"Uy," he greeted.

"Congrats!" bati ko. "Nanalo kayo sa championship! Balita ko ang galing niyo raw, ah."

"Big time na yang si Harold," sabi naman ni LJ. "UST mismo nag scout sa kanya. Balita ko na offeran ka ng scholarship doon ah para mag join sa team?"

"Ayos ah!" sabi ko. "Sa UST ka na?"

Bahagyang napakamot si Harold sa likod ng ulo niya at nakita ko na nahihiya siya sa praises namin.

"Thanks. Yep, I accepted their offer. Sayang din eh. Tsaka prio university ko rin naman," sabi nito.

"Dahil diyan, mag celebrate tayo! Tara sumama ka na sa'min," sabi naman ni Seb dito at inakbayan si Harold.

Kita ko ang pag aalinlangan ni Harold. Napatingin siya kay Chichi. Pero nginitia siya ni Chichi.

"Oo nga! Sumama ka na sa amin! Kakain kaming champorado. Tapos magpapaluto rin kaming pancit canton," sabi nito.

Napangiti rin si Harold. I saw a sign of relief in his face na niyaya siya ni Chichi.

Sa toto lang, mukhang nag aantayan lang din ang dalawang yan. Both doesn't want to cross the line. I'm happy na okay na sila.

"Okay," Harold said. "Sama ako."

Ang ingay namin nung makarating kami sa champorado place kung saan kami mag memeryenda. Bukod sa champorado, limang pack pa ng pancit canton ang pinaluto nila. At bumili rin sila ng dalawang litro ng coke.

"Core memory ko sa pancit canton," sabi ni LJ. "Yung nagalit si Iris na kakain muna tayo ng pancit canton kesa mag meeting para sa project."

Natawa si Seb.

"Sagutan kayo malala non, eh."

"Wag niyo na nga ipaalala!" sabi ko pero natatawa tawa rin ako pag naalala ko yun.

"Uy pero doon tayo naging close!" sabi naman ni LJ. "Kala ko talaga 'di ko magiging close 'to, eh. Taray kasi!"

Nagtawanan ulit sila. Hindi na lang ako nakaimik kasi thinking kung paano ako dati, I'm really glad na hindi ako nilayuan ng mga nito.

"Pero de wala pa ring tatalo nung tinawag ni Chichi si Glen na mukhang planggana!" singit naman ni Seb.

"Huy! Naalala ko yun!" sabat ni Glen. "Ilang araw akong 'di makatulog kakaisip kung mukha ba akong planggana."

"Aw, ang sweet," sabi ni Chichi. "Hindi ka makatulog dahil sa'kin!"

We all laugh. Napatingin ako kay Harold and he's laughing too. Like, genuinely laughing. I feel like naka move on na siya.

Sana.

Because he deserves to be happy too.

"Pero wait!" sabi ni Chichi. "May bagay na curious pa rin ako. Naalala ko nung sa Intramuros, nag away si Harold at Seb. Ano ba pinag awayan niyo nun?"

Napatingin silang lahat doon sa dalawa. Ako naman napayuko. Parang biglang namula ang buong mukha ko sa tanong ni Chichi.

Napatingin ako kay Harold at nakapangalumbaba siya. He's grinning.

"Ano nga ba pinag awayan natin?" mapang asar niyang tanong kay Seb.

Napatingin ako kay Seb. Nakita kong namumula rin ang tenga niya.

"Ewan. Limot ko 'na. Nag away ba tayo?" palusot nito.

Harold chuckles.

"Limot ko na rin."

"Daya naman!" sabi ni LJ.

Dinig ko ang sunod sunod na reklamo nila. Pero hindi rin nagsalita si Harold at Seb hanggang sa naiba na naman ang topic at si LJ naman ang inaasar nila.

Ang ingay ingay namin habang nag kukwentuhan. Buti na lang walang ibang kumakain. Tsaka masaya yung owner dahil binigyan pa kami ng libreng chicken balls at kikiam.

Sa kalagitnaan ng pag kukwentuhan, I heard Seb whispered.

"Masaya ka?"

Napalingon ako sa kanya at napanginti.

"Sobra. Ikaw?"

"Sobra," he said.

I smiled again.

That's what mattered.

Napatingin ako sa mga kaibigan ko. Sa mga taong naging takbuhan ko.

I can't believe in two months time, mag hihiwa-hiwalay na kami. Hindi na kami yung araw araw magkikita. Hindi na yung madalas na magkakayayaan mag meryenda.

May iba iba na kaming goals. Iba ibang lugar na pupuntahan.

I'll miss this.

I'll miss them.

But I can't wait to see us grow.

To be continued...

Hi Dreamers,

I'm so sorry kung natagalan ang update. Sobrang na-busy lang these past few weeks. 

Last two updates na lang ang MoonChild. Last chapter + epilogue. I'm targeting to post it next week. (Hopefully walang biglaang deadlines para ma achieve ko 'to)

Kinda emotional while writing this particular ep. Huhu. Hoped you like it. <3

Continue Reading

You'll Also Like

452K 9.4K 94
[FILIPINO/ENGLISH] Advice for writers based on my experience self-publishing (more than 20 novels as of now) and traditional publishing (more than 10...
1.3K 85 21
NOW AVAILABLE ON BOOKS! Visit TDP Publishing House on Facebook! Year: April 2021 After the death of Mr. Treaty, the hidden investigatory group of th...
2.1M 55.3K 47
"Anong mas pipiliin mo: taong mahal mo na hindi ka mahal o taong mahal ka pero hindi mo mahal?"
107K 4.5K 53
The Madrid-Esquival siblings Nora, Fort, and Ansel, find love through their phones...and go from there. *** Nora's crush on her older brother's teamm...