The Royal Games

By JobsGatchalian

3.5K 409 55

This story that I made is about a princess named Leila Goldstein who does not know how to act like a princess... More

PROLOGUE
Chapter 1 : Paghahanda sa Kaarawan
Chapter 2 : Patagong Pagsasanay
Chapter 3 : Deklarasyon
Chapter 4 : Ultimatum - Grand Royal Games
Chapter 5 : Draft Pick
Chapter 6: Pakikipag-kilala
Chapter 7 : Mabigat na Desisyon
Chapter 8 : Preparasyon sa Parada
Chapter 9 : Bagong Kaibigan
Chapter 10 : Champion's Debut Parade
Chapter 11 : Adviser
Chapter 13 : Tagumpay na Plano
Chapter 14 : Grades at Scoreboard
Chapter 15 : Gusot
Chapter 16.1 : Swimwear Competition
Chapter 16.2 : Swimwear Competition
Chapter 17 : Tips
Chapter 18.1 : Training Hall - Day 1
Chaper 18.2 : Training Hall - Day 1
Chapter 18.3 : Training Hall - Day 1
Chapter 19.1: Training - Day 2
Chapter 19.2: Training - Day 2
Chapter 19.3: Training - Day 2
Chapter 20.1: Training - Day 3
Chapter 20.2: Training - Day 3
Chapter 20.3: Training - Day 3
Chapter 20.4: Training - Day 3
Chapter 21 : Goldstein Family
Chapter 22 : Cancelled
Official Scoreboard
Chapter 23 - Starter Packs A, B and C
ENGLISH - FILIPINO DIVIDER
Chapter 1: Preparation for the Birthday Party
Chapter 2 : Secret Training
Chapter 3 : The announcement
Chapter 4 : Ultimatum - A Grand Royal Games
Chapter 5 : Draft Pick
Chapter 6: Meeting the other Champions
Chapter 24: Wedding Gown
Chapter 25.1: Royal Ball
Chapter 25.2: Royal Ball
Chapter 25.3: Royal Ball
Chapter 26: Matter - Isolated Island - Arena

Chapter 12 : Kababata

76 4 3
By JobsGatchalian


"Boog! Boog! Boog!". Wow ganyan na pala ang sound effects ng pintuan ngayon?


Teka ang agad pa ah. Halos pasikat pa lang ang araw bakit kaya may kumakatok agad sa kwarto ko.


Nawala tuloy antok ko. "Boog! Boog! Boog!" hala siya! Excited? Eto na nga bubuksan ko na.


Pagkabukas ko ng pintuan nakita ko si general Rose na nakabihis na agad kasama si lady Marionette, "Ano pong ginagawa niyo dito? Masyado pa pong maaga ah."


"Naku kamahalan, kailangan natin gawin ang mga schedule na ginawa ni sir Luke para magtagumpay ang mga plano natin ngayon. Kaya maligo na at nang mabihisan na kita." Sabi sakin ni lady Marionette habang nakiki-tango lang si general Rose.


Naligo na ako nang mabilis dahil malaki tiwala ko sa kanila.


Pagkatapos kong maligo, pinasuot na sa akin ang Official Champion's Suit.


Oh my gawd! Hindi ko ineexpect sa buong buhay ko na makakasuot ako nito!


Ang Official Champion's Suit ay ang damit na sinusuot ng mga champions araw-araw hanggang sa huling araw na itinakda bago kami ipadala sa arena. Sobrang ganda ng tela nito, high-quality ito na binibili pa namin sa ibang kingdom na nagpoproduce nito at napaka-lambot at stretchable pa niya. Pero ang pinaka-maganda sa lahat, quick dry siya. Kaya kahit pagpawisan ka, iaabsorb lang nito ang tubig at matutuyo agad. Ganun din kapag nilabahan mo ito. Kapag katapos mong linisan, isang pagpag lang, after 5 minutes, tuyo na agad. Ang cool di ba?


At hindi lang yun, and disensyo nito ay isang polo shirt na may manggas hanggang siko. Ang kwelyo nito ay napaka ikli kaya lage itong nakataas at imbis na butones ang nakalagay sa may bandang dibdib paakyat ng leeg, zipper ang ginamit dito. Kulay itim ito na may tigdalawang stripe ng blue sa tagiliran, at may parang white square sa may bandang dulo sa baywang. Sa likod nito nakasulat ang pangalan namin pero hindi kasama ang apelyido, at sa dalawang magkabilang manggas din, nakatahi ang salitang "District" at sa baba nito nakalagay ang district number namin napaka laki, kaya malalaman mo agad kung taga-saan ka talaga.


Ang pantalon halos ganun din ang disenyo, black, blue at white pero hindi na ito nilagyan ng district number o pangalan.


Sobrang ganda talaga nito, at simula ngayon sa akin na ito, yun nga lang hindi ko alam kung maaenjoy ko pa siya pagkatapos ng laro dahil maliit din naman ang pag-asa kong manalo kung tutuusin.



"Tara labas na tayo, may pupuntahan muna tayo bago ka bumalik dito." Utos sakin ni general Rose.


Bumaba na kami galing quarters, palabas ng assembly hall at wala pa ring kamalay-malay kung saan kami pupunta.


Lakad pa rin kami ng lakad hanggang sa maging pamilyar na ang direksyon ng pupuntahan namin. At tama ang hula ko, papunta kami sa stables ng mga kabayo.


Nang makarating kami doon, nakita ko si Dylan na nakasandal lang sa pader ng stables at nilalaro ang mga paa na parang bang may hinihintay.


Nang nakalapit na ako, tumingin siya sa akin, "Leila?".


Napanganga nanaman ako dahil alam niya na pala na ako si Leila. "Hi Dylan, kamusta?"


Pumunta siya malapit sa akin at niyakap ako ng sobrang higpit na kahit kailan hindi niya sa akin ginawa. Ngayon lang talaga toh pramis! Napayakap na lang din ako sa kanya sa sobrang tuwa. Sobrang init at sobrang sarap na makita ko ulet siya. Nakakamiss talaga siya.


"Sorry nga pala Leila nung isang gabi, hindi talaga kita makilala dahil mukha ka talagang lalaki. Hanggang ngayon, kung hindi pa sa akin sabihin, hindi pa talaga kita agad makikilala." Nakangiti niya sa aking sinabi.


Oh my! Ngumiti nanaman siya! Nakakalambot talaga ng puso at ng pakiramdam, "Okay lang yun, at least ngayon alam mo na, na ako na ngayon si Luke"


"Hahaha oo nga eh, bagay sayo, pwede na talaga kita patulan sa isang totoong mud wrestling."

"Sige next time, ganito ang itsura ko kapag maglalaro tayo ah."

"Hmmmm. Paano magkakaroon ng next time, kung wala tayong kasiguraduhan sa mangyayari sayo?"

"Ahh, napagisipan ko naman na kung anong gagawin ko doon."

"Eh paano kung machambahan ka? Paano kung mamatay ka nga bago mo pa magawa ang iniisip mo? Hindi ka ba natatakot?"

Hinawakan ko ang balikat niya para iparating sa kanya na okay lang ako, "Ikaw talaga! Bakit kapag namatay ba ako. Mamimiss mo ako?" Pabiro ko sa kanyang sinabi.


Hindi siya nagsalita, at sinubukan kong tingnan si Black para medyo ilayo ang usapan doon. Pagkatapos bigla siyang nagsalita na may panginginig ng boses, "Mamimiss..."


Napahinto ako at biglang bumilis tibok ng puso ko. Ewan ko kung sa takot ba na mamatay nga ako o dahil masaya akong malaman na may mga tao talagang nagaalala para sa akin.


Hindi na ako nagsalita at bumalik ulet ako sa kanya para yakapin siya.


"Ehem, pumunta lang muna ako banda doon para manghingi ng mga mansanas, iwanan ko muna kayo dito Dylan at Luke." sabi ni general Rose. "At pagbalik ko Luke babalik na tayo sa assembly hall para tagpuin sila." Dutong pa niya.


Hahawakan sana ni Dylan ang kamay ko pero inilayo ko sa kanya dahil baka may makakita sa amin.


Pumasok kami sa stables para ipakita sa akin si Black at yung gasgas niya sa tagiliran.


"Hala, sorry Dylan, ako ang may kasalanan niyan di ba?" Nakakahiya naman sa kanya.

"Okay lang yan, ang mahalaga sa akin ay buhay pa rin siya.

"Pero kahit na, what if totoong ipinapatay nga siya ng hari. Siguro hindi mo na ako papansinin kahit kailan." diresto kong itinanong sa kanya.

"Siguro nga..." napatingin ako sa kanya para manghingi ng sorry ulet pero may idinugtong pa siya, "...pero siguro mapapatawad naman kita agad, alam mo namang hindi kita matitiis tsaka hindi ko sisirain ang pinagsamahan natin bilang magkababata dahil lang sa kabayo."


Nakahinga ako ng maluwag pero may isa pa rin akong gustong siguraduhin, "pero mahalaga yan sa iyo dahil sabi mo, dati halos mamatay na siya pero inalagaan mo pa rin hanggang sa mawala ang sakit at tuluyang mabuhay hanggang ngayon."


Tumingin siya sa ibang direskyon at sinabing, "Oo nga, pareho kayong mahalaga sa akin, pero mas matimbang ka."


Napahawak ako ng mahigpit sa fence na nakaharang kay black at napakagat ako sa labi ko dahil pinipigilan kong mapangiti. Hindi ako ngayon makatingin sa kanya ng diretso kaya sa kabayo na lang ako tumingin.


Sa gilid ng paningin ko, nakita ko siyang nakaharap ulet sa akin at ipinakita niya nanaman sa akin yung napakacute niyan ngiti. Napansin ko rin na konti-konti, lumalapit ang kaliwang kamay niya para abutin ang kamay kong nakahawak sa fence.


Sobrang saya ko, hindi ko na hinintay makalapit ang kamay niya kaya hinawakan ko rin ang kamay niya. Pero hindi pa rin ako makatingin sa kanya kasi nahihiya ako.


Ano ba ito? Anong meron? Bakit parang iba ang feeling na ito? Ang bilis ng tibok ng puso ko.


"Oh mga bata, okay na yan. Naenjoy niyo naman na siguro ang isa't-isa. Tara na Luke balik na tayo ng assembly hall, baka naghihintay na sila", sabi ni general Rose mula sa pintuan ng mga stables.


Pareho pa rin kaming ayaw bumitaw sa pagkakahawak. Hanggang sa niluwagan niya na ang kapit niya at sinabing "Sige na, pumunta ka na, galingan niyo sa plano niyo ah. At isa pa pala, ichi-cheer ko ang champion ng District 16".


Wala na akong sinabi pa dahil yung makita ko lang siya at marinig ang boses niya, feeling ko nabuo na agad ang araw ko ngayon.


----------------------------------------


A/N: Walang FOREVER! Papatayin ko si Leila sa storya.

Hahahaha joke! Friend or more than friends?

Okay kung wapakels kayo bilisan niyo na lang ang

pag-basa kung yung swimwear competetion talaga

ang habol niyo na. Hahahahaha!


Continue Reading

You'll Also Like

400K 17.5K 49
C O M P L E T E D capture (verb) :to get and hold (someone's attention, interest, etc.) :to take something into your possession...
5.1M 179K 18
Erityian Tribes Novellas, Book #1 || As the war ended, another problem has arisen.
290K 17.7K 39
SPG 18 "There were times I wish I could unloved you so I could save what's left of my sanity. It's a never-ending torture to love someone who can't l...
1M 23.6K 52
D E A T H S E R I E S I Nakaratay lang sa ospital ng ilang buwan. Paggising, nakaumbok na ang tiyan.