The Royal Games

By JobsGatchalian

3.5K 409 55

This story that I made is about a princess named Leila Goldstein who does not know how to act like a princess... More

PROLOGUE
Chapter 1 : Paghahanda sa Kaarawan
Chapter 2 : Patagong Pagsasanay
Chapter 3 : Deklarasyon
Chapter 4 : Ultimatum - Grand Royal Games
Chapter 5 : Draft Pick
Chapter 6: Pakikipag-kilala
Chapter 7 : Mabigat na Desisyon
Chapter 8 : Preparasyon sa Parada
Chapter 9 : Bagong Kaibigan
Chapter 10 : Champion's Debut Parade
Chapter 12 : Kababata
Chapter 13 : Tagumpay na Plano
Chapter 14 : Grades at Scoreboard
Chapter 15 : Gusot
Chapter 16.1 : Swimwear Competition
Chapter 16.2 : Swimwear Competition
Chapter 17 : Tips
Chapter 18.1 : Training Hall - Day 1
Chaper 18.2 : Training Hall - Day 1
Chapter 18.3 : Training Hall - Day 1
Chapter 19.1: Training - Day 2
Chapter 19.2: Training - Day 2
Chapter 19.3: Training - Day 2
Chapter 20.1: Training - Day 3
Chapter 20.2: Training - Day 3
Chapter 20.3: Training - Day 3
Chapter 20.4: Training - Day 3
Chapter 21 : Goldstein Family
Chapter 22 : Cancelled
Official Scoreboard
Chapter 23 - Starter Packs A, B and C
ENGLISH - FILIPINO DIVIDER
Chapter 1: Preparation for the Birthday Party
Chapter 2 : Secret Training
Chapter 3 : The announcement
Chapter 4 : Ultimatum - A Grand Royal Games
Chapter 5 : Draft Pick
Chapter 6: Meeting the other Champions
Chapter 24: Wedding Gown
Chapter 25.1: Royal Ball
Chapter 25.2: Royal Ball
Chapter 25.3: Royal Ball
Chapter 26: Matter - Isolated Island - Arena

Chapter 11 : Adviser

54 4 1
By JobsGatchalian

Habang naglalakad kami sa Champion's Quarters napaisip ako, paano ko mapapaghati ang oras ko bilang prinsesa at bilang champion ng District 16. Parang mahihirapan yata kaming pagtakpanan ito.


"Mukhang malalim yata ang iniisip mo Luke." Pagtatanong ni general Rose.

"Ang dami ko po kasing tanong, tulad nang kung paano natin lulusutan ang mga bagay-bagay".

"Shhh!" Lumapit sa akin si general Rose at siniko ako.


Tiningnan ni general Rose si sir Tear para kuhain ang atensyon ni Marvel. "Mamaya na tayo mag-usap sa loob ng magiging bago mong kwarto."


Tinikom ko na lang ang bibig ko hanggang sa makarating kami ng quarter. Hindi ko nga alam kung saan yun pero bakit kaya parang pabalik kami ng assembly hall?


Pumasok kaming lahat ng assembly hall at pinatayo sa isang medyo may kalakihang pintuan.



Isang negra ang sexy na may straight na buhok at nakasuot ng isang official polo shirt ang humarap sa aming lahat na naka-seryoso ang mukha. "Sa likod ng malaking pintuan na ito ay isang elivator na pinapagana ng solar energy. Kahit walang araw ngayon, gumagana pa rin ito kahit sa gabi dahil sa naka-install ditong mga baterya. Kung hindi man kayo kumportable sa pag-gamit nito, doon sa kabila ang hagdanan na pwede babaan. "


Grabe! Ang astig nun ah, hindi ko alam na may elevator pala dito. Ngayon ko lang siya nakita kahit matagal na akong nakatira dito. At isa pa, nababasa ko lang siya sa libro, hindi ko alam na may ganito rin pala ang pasilidad ng kaharian namin.


Tahimik lahat ng mga champions dahil kailangan talagang makinig ng mabuti sa instructions. Tapos dinugtong niya, "Ang hatian ng quarters ay walo kada palapag. Kaya lang hindi kayo naka-ayos ayon sa pagkakasunod-sunod ng numero niyo. Nakaayos kayo dipende sa bilang niyo kada pang apat na numero."


Nagbulungan ang mga magkakatabi pero yumuko lang ako dahil ayokong mahalata nila ang mukha ko. "Hindi po namin maintindihan" Sagot nung isa.


"Ganito yan, halimbawa, magkakasama sa second floor ang group 1, ito ay ang mga District 1, 5, 9, 13, 17, 21, 25, 29. Ang group 2 naman ay sa third floor, ang 2, 6, 10, 14... Basta ganyan, magbibilang lang kayo ng counting numbers mula 1, 2, 3 o 4 at magdadagdag lang kayo ng apat para malaman niyo kung anong group kayo at kung anong floor kayo. Maliwanag?" Sabay pumalakpak siya ng dalawang beses na ibig sabihin ay magready na kami sa pagpasok sa elevator.


Ibig sabihin pala nun, 4, 8, 12, 20, 24, 28 at 32 ang mga kasama ko sa fifth floor. Grabe, kami ang nasa pinaka taas. Buti hindi hagdanan ang gamit namin. Wew!



Ang init naman! Pinagpapawisan ako dito sa loob ng elevator.


Yung nakita ko kanina sa parada na naka-brief at pakpak, kasama ko ngayon dito sa loob ng elevator. Grabe ang ganda ng katawan niya sa mas malapitan. Kanin please! Phew.


"Ding!" tumunog na ang elevator at bumukas na ang pinto, gosh, imbis na sa pupuntahan namin ako tumingin, sa kanya pa rin ako naka-silip. Buti na lang nasa likod niya ako para hindi mapansin ang pagtingin ko sa kanya.


"Luke tara dito ang room ng District 16". Bulong sakin ni general Rose .


Ngayon ko lang nakita itong parte ng kastilyo na ito, napaka-linis at amoy bago ang lugar, parang bagong gawa lang. Ang ganda ng mga patterned bricks na may disensyong lampara sa pader, pero bumbilya din ang ginagamit pang ilaw. Hindi talaga ako makapaniwala sa nakikita ko.


Paghinto namin sa tapat ng pintuan, may nakasulat dito na District 16 kaya malamang sa malamang, eto na ang magiging bagong kwarto ko.


Pabukas ni general Rose ng pinutuan, nageexpect ako ng magarbong disenyo pero hindi pala ganun ka ganda, dahil baka maispoil kami masyado at hindi na lumabas ng kwarto hanggang sa magsimula na ang patayan sa arena. Ahhhh! Kung sabagay aanhin mo pa itong mga magagandang gamit na ito kung mamamatay lang din naman ang 31 sa amin.


Malinis at halos pareho ang disenyo nito sa labas, meron itong kamang sakto sa isa o dalawang tao, meron din itong sariling banyo at bintana para makakita ng view mula sa labas.


Inilock na namin ang pintuan, at ako naman, tumakbo papunta sa kama at nagpatalon-talon. Kumuha ako ng unan at niyakap ito. Sobrang kumportable, pero mas gusto ko pa rin sa kwarto ko.


"Princess Lei... Ay Luke pala. Alam kong ineenjoy mo ang mga bagay na ito pero kailangan muna kitang pagsabihan ng ilan pang mga bagay." Sabi ni general Rose.


"Oo nga pala. Saan po tayo magsisimula?" tanong ko sa kanya.


"Magsisimula tayo sa pag-bigay ko sayo ng ilang paalala."

"Tulad ng ano?"

"Una sa lahat ay ang pagiingat mong mabuking tayo. Tandaan mo, hindi lang naman ikaw ang maaagrabyado dito, itinaya din namin ang buhay namin para sayo."


Medyo natauhan ako sa sinabi niya pero inilabas ko pa rin ang confidence ko, "Sus yun lang ba?"


"Marami pa, tulad ng pagpapalit anyo mo bilang si Leila at si Luke." Dagdag ni general Rose."

"Oo nga pala ano? Di ba minsan kailangan ang prinsesa na manood sa ginagawa ng mga champions?"

"Ganun na nga, pero may naisip ng plano si lady Nastasia. Bukas, habang kumakain, kakausapin ko siya sa mga plano para sayo. Siya nga pala, siya yung prinsesang nagpanggap na bilang ikaw. Siya yung nakita mo kaninang kasama ng hari pagkatapos ng parada"

"Hay, thank you lady Nastasia, your a hero." Tiningnan ko siya sa mata at mukhang may problema pa rin.


"Kailangan mo pa lang sumunod at makinig sa akin bilang adviser mo. Kung ano ang gagawin mo sa mga susunod na mga activities tulad ng swimwear competition, training at yung ball."

"Emeghed? Oo nga pala! May swimwear competition ito! Paano natin yung malulusutan? Edi makikita nila ang chest-binder ko?" Pagaalala kong itinananong.


"Shhh baka may nakikinig sa labas hindi natin alam. Wag kang mag-alala nakikipag-coordinate na si sir Tear sa chef niyo, si Mr. Milo. Kaya nga sabi ko sayo kailangan mong makinig sa akin okay?" Sabi niya sa akin.


"Opo. Makikinig ako. At tsaka sana talaga effective ang naisip na plano ni lady Nastasia at sir Tear. Malakas ang paniniwala ko sa kanilang magtatagumpay sila." Sinabi ko sa kanya habang naka-hawak ang dalawang kamay ko sa puso kong mabilis ang pagtibok dahil sa kaba.


"Kaya nga inuulit ko, hindi ito ang tamang panahon para maging matigas ang ulo. Dahil malaki pa rin ang role na gagampanan mo at sayo nakasalalay ang planong sinumulan mo." Sabi niya sa akin habang nakaturo ang kanyang daliri.


Biglang may kumatok sa pintuan.


Binuksan ni general Rose ang pinto at nakita namin ang isang babaeng naka-maid uniform na may dalang pagkain sa loob ng kwarto ko. Tamang-tama nagugutom na rin ako.


Sasama na sana sa pag-labas si general Rose kaso bumalik pa siya sa akin para humabol ng bulong, "Nakausap ko si Sir Tear kanina. Wag kang mag-alala sa totoong Luke, binayaran siya at ang kanyang pamilya, kasama ang kapitan ng barko para umalis na sila dito at lumipat ng tirahan. Kaya walang matetrace na record sa kanya maliban sa mga bagay na naiwan nila sa bahay."


Pagkatapos kong marinig yun. Parang napangiti na lang ako dahil nalaman kong hindi na kailangan magbawas ng buhay para lang dito sa plano ko.


"Sige po, goodnight general Rose. Hanggang bukas po ulet. Promise, makikinig ako sayo!"


Bago sumara ang pintuan, pinasok muna niya ang kamay niya at binigyan ako ng very good na handsign.


Kailangan ko nang kumain at matulog para makaipon ako ng lakas para bukas.



----------------------------------------


A/N: Oh ayan inunlock ko na ang ilan sa mga mystery XD

Ano sa tingin niyo ang plano ni sir Tear at lady Nastasia?

At isa pa pala, abangan sa susunod na mga chapters

ang Swimwear Competition. Hehehehe :)


Continue Reading

You'll Also Like

14.7M 326K 48
Her name is Monique Lee Gomez Samonte, a rich girl who was sent back by her parents to the Philippines because of her bad attitude. She's a war freak...
10.2M 149K 26
Daughters and sons of conglomerate families gathered at Fukitsu Academy. They believe they are untouchable, yet there is one clan they fear the most...
289K 17.7K 39
SPG 18 "There were times I wish I could unloved you so I could save what's left of my sanity. It's a never-ending torture to love someone who can't l...
3.4M 114K 65
Death is my name and Death can be my game. Deathalè at your service.