Dealing with Forever [complet...

By naomi_anne

115K 1.4K 137

[COMPLETED] Trey and Marley -slash- Han and Ni... They've been together against all odds for seven years, in... More

Dealing with Forever
Prologue
1- Beginning of Forever
2- His in-Law and Her Ex
3- People from Yesterday
4- Threat
5- Epic Day Out
6- The Hired
7- 23rd of March
8- Longing
9- LQ
10- Make Up
11- Calls
12- How's Marki?
13- Against Her Mom
14- Rodrigo
15- Bad Guy
16- Endure
17- A Matter of Us
18- Better
19- Past
20- Caught
21- Abigail
22- The Night
23- Presentiments
24- Demons
25- Hell
26- Behind Silence
27- News
28- Anniversary Surprises
29- Climax
30- Tiny Distress
31- For the Kids
32- Kept
33- Birthday
34- Accounts
35- Sort of Divulgence
36- Cornered
37- Approaching End
38- Aftermath
40- Finale
Epilogue

39- Peace

2.4K 26 0
By naomi_anne

39: Peace

-HAN-

"Hey, Trey, nasusunog na yung niluluto mo!"

Nag-panic ako bigla kaya napatakbo ulit ako sa kusina. Agad kong pinatay yung apoy sa kalan. "Ay naman!" Napakamot nalang ako sa ulo ko habang kinakaawan ang sarili kong niluto. "Nasunog nga."

Narinig kong palapit sa'kin si Abigail. Natatawa siya sa sinapit ko. Nak ng! Ay naman! Ako kasi hindi natutuwa. "These cake is ready, Trey. Ilagay ko nalang dito ah."

"Ah, sure sige." Nakakainis talaga. Mababawasan tuloy yung kakainin namin. Kung kailan naman pinaghahandaan at pinag-e-effort-an, saka pa pumapalpak.

"Nasunog ba?" Tignan mo'tong babaeng 'to. Nakita na nga niya at sinabi ko na, nagtatanong pa! "Haha, don't worry. Ako na ang tatapos niyan. I'll fix it, so go fix yourself, too, kasi anong oras na oh."

Napalingon ako sa relo ko. "5:30? Ay naman!" Nagpaalam ako saglit kay Abigail para umuwi at magbihis. "Ayos lang bang balikan ko nalang dito yan?"

"Ah, no! I mean, no need na," sabi niya at sinimulang mag-take charge sa ginagawa ko. "I'll see you on the rooftop na. Ako na ang magdadala nito. May mga cabs naman diyan sa baba. Dun na tayo magkita. Just take your time preparing yourself. Ako na ang mag-aasikaso ng place."

"Sure ka?"

"Yep!"

"Ah, thank you talaga, Gail!" Nayakap ko siya sa tuwa. "Buti talaga at nandito ka para tulungan ako! Thank you thank you talaga! Tawagan mo sila Haris. Nauna na sila dun eh."

"Ah sure sige. Ingat, huh. I'll see you later."

Nginitian ko siya at saka umalis. Mabuti talaga at nandito siya.

***

Nagmadali na akong nag-ayos ng sarili ko sa bahay. Buti talaga at t-um-iming ang pagpunta ni Ni sa Mama niya, at sinama pa niya ang mga bata. Malaya tuloy akong nakakapaghanda para sa surprise ko sa kanya.

Naisipan kong ipaghanda siya para naman makabawi kami sa dalawang buwan na puro kami matitinding problema. Nag-suggest si Abigail na romantic dinner date nalang daw sa rooftop ng hotel na minsan niyang tinuluyan. Mukha ngang bright idea 'yon kaya tinuloy ko na.

Ako mismo, habang katulong si Abigail, ang nagluto. Yung ayos naman at tugtog sa rooftop ay kontribusyon na ng dalawa kong mga kaibigan. Akalain mong may maitutulong pala sila.

Excited na ako. Ngayon lang ako naging ganito. Ang sarap makahinga na nang maluwag pagkatapos ng lahat lahat.

Maya-maya, nang paalis na ako, nagtext si Marley.

From: aaa Ni ♥
Han, san ka na? Ano oras mo kami susunduin?

To: aaa Ni ♥
Maya maya Ni. Sunduin ko kayo. Wait ka lang dyan. :))

From: aaa Ni ♥
Maya maya ka dyan? Umalis ka ba? Tsk! Nambababae ka na naman ano?!

Nakikita yung mukha niya habang tina-type 'yon. Natawa tuloy ako mag-isa.

To: aaa Ni ♥
Kalma lang Ni. Mahal kita. Ikaw lang sapat na. Hahaha! Kita kits later. Mwah! ;)

Tinago ko na yung celphone ko at binalikan na sila Abigail.

***

"Woah," mangha kong bulong sa sarili ko nang makita ko ang lugar.

"Uy, Trey!" Nilapitan ako ni Abigail. "What can you say?"

Nilapag ko yung dala kong bouquet sa may mesa. "Wow. Ang ganda."

"Well, your best friends have a very great sense of romantic creativity," sabi niya.

Hindi tuloy ako makapaniwalang yung dalawang loko ang gumawa nito. "Naka-settle na lahat. Thank you talaga, ha? Puntahan ko si Ni. Ano? Idaan na kita pauwi?"

"Ah, hindi na. I'm fine." Ngumiti siya, pero parang hindi siya komportable.

"Ah, sige." Nagpasalamat ako ulit at lumad na.

"Ah, w-wait, Trey," pigil niya kaya napahinto ako. Lumakad siya palapit sa'kin. "Not yet... Hindi pa settled lahat."

Natahimik ako... Hindi ko alam... parang may kakaiba.

-NI-

Mag-aalas otso na pero wala pa rin si Trey. Hindi ko alam kung mag-aalala ako o maiinis kasi wala pa rin siya. Ang sabi niya kanina, susunduin niya kami pero wala pa rin siya.

"Mama, shleep na," tawag sa'kin ni Marki habang humihikab.

"O sige na, baby, sleep ka na dyan," sabi ko sa kanya at pinahiga na siya sa kama katabi ng kapatid niyang natutulog na. "Kakargahin ka nalang ni Daddy mamaya. Sleep na."

Pumikit ang anak ko tapos nakatulog na nga agad nang tapik-tapikin ko. Haay. Nasaan na ba kasi si Trey? Missing in action na naman.

Tumayo ako nang marinig ko ang pagkatok ni Mama. Pinagbuksan ko siya ng pintuan. "Ma? Andyan na po si Trey?"

Pinapasok ko siya sa loob. "Ah, wala pa. Tulog na yung mga bata?"

"Opo. Papabuhat ko nalang po kay Trey mamaya."

Tinitigan ako saglit ni Mama tapos ay nag-sorry siya ulit.

Si Mama talaga, kanina pa kami nagkaayos pero parang sising sisi pa rin siya sa nangyari. Binigay na rin niya yung napakaraming binibigay noon ni Trey para sa'min na tinago niya. "Ma, naman. Okay na nga po tayo, di ba? Kaya nga po nagpunta ako rito at nakipag-usap para ayusin na ang lahat. Okay na po."

Ngumiti si Mama. Niyakap ko siya. Okay na kami. Nag-sorry siya at pinatawad ko. Naiintindihan ko naman yung sinabi niya. Ayaw lang niya akong masaktan. Kabutihan ko ang inisip niya. Sadyang hindi lang niya alam na ikakasama pala namin 'yon.

"Salamat talaga, anak."

Tinawanan ko siya. Hindi ako sanay na ganito siya kaseryoso at kadrama. "Okay na nga po. Ma naman eh, di po bagay."

Naglalambingan kami ni Mama nang may tumatawag na sa baba.

"Baka si Trey na," sabi ni Mama at tumayo na. "Ako na ang bababa. Paaakyatin ko nalang siya dito."

"Sige po. Pakisabi po bilisan niya at galit na ko," biro ko.

Tumawa si Mama at umalis.

Tinabihan ko yung mga anak ko at niyakap. Kahit papano, masaya na ako at okay na kami ng pamilya ko. Ang problema ko nalang ay tungkol sa anak ko. Wala naman na akong magagawa kung kay Trey man ito hindi. Ang kinalulungkot at kinatatakot ko nalang ay si Trey... I mean, yung pagtanggap niya.

Nalulungkot pa rin ako kasi nung una kong sinabi sa kanya nung nakaraan ay nanahimik lang siya. Kahit na yakap niya ako noon, parang di pa rin ako palagay.

Halos isang buwan na ang nakalipas non. Tatlong buwan na ang tiyan ko at halata na rin. Nalulungkot ako kasi anim na buwan nalang, lalabas na yung baby... baka imbes na maging masaya kami, mas magulo pa kami. Hindi naman sa duda ako sa pagtanggap at pagmamahal ng asawa ko pero...

"Nak, bumaba ka na muna," sabi ni Mama na nakangiti.

Napataas tuloy ang kilay ko. "Si Trey po ba? Paakyatin niyo po siya. Nagpapakahari na naman eh."

Natatawang umiling si Mama. "Hala, baba na kasi. Ikaw na ang susungitan ko ngayon."

"Ma naman!" Pwersahan ba naman akong patayuin at itulak palabas.

Akala ko si Trey ang makikita ko pero si Abigail pala. Wala si Trey. Hindi ko tuloy alam kung ano ang mararamdaman ko. Tss. Paanong hindi iinit ang ulo ko kung siya yung babaeng nakita kong kasama ni Trey.

"Si Trey?" nakataas-kilay na tanong ko. Nakakakulo talaga 'to ng dugo. Parang may dugo ni Theresa na nananalaytay sa kanya.

"Ah, he's somewhere," nahihiyang ewan na sagot niya.

"He's somewhere," pag-uulit ko. "Saang somewhere naman kaya 'yan?" Natatarayan ko na siya pero wala akong pake. Ang sarap magpaka-possessive minsan, pero ewan. Baka nga kasi buntis ako kaya napaka-emosyonal ko kahit sa ganito kaliit at kawalang kwentang bagay.

"Marley," sabi niya na parang ako pa ang sinasaway niya. "Di ba we're in peace na?"

"Peace ka dyan. Mukhang gulo pa nga ang hanap mo eh." Nakaka-ubos siya ng pasensya. "Ilabas mo na nga lang ang asawa ko." Pinagdiinan ko yung salitang asawa.

"I am not hiding him, Marley. Don't get me wrong here please."

"How can I not?" Napapa-English ako. Hindi porke't laking abroad at Inglesyera siya di ko siya papatulan. "Nakita ko kaya kayong magkasama."

"Wala naman kaming ginagawa. In fact, I am here to explain and say sorry."

"Hindi ko kailangan ng explanations at ng sorry mo. Kailangan ko yung asawa ko. Ilabas mo na siya bago pa ako duguin sa inis."

Hindi siya makapaniwala sa'kin. Ako rin naman eh. Pero ewan ko. Ang init ng ulo ko. Nagseselos ako. Gusto kong maglambing kay Trey pero nakakaleche kasi wala siya.

"I know where Trey is, and I am actually bringing you there," sabi pa niya. "Come on na. I talked to your mom already."

Ang gaga, hinawakan ako at sinama palabas. "Ano ba? Hostage drama na naman ba 'to?"

Tumawa siya. "Just come. Wag mo nang sirainang pinaghirapan ni Trey."

***

Nang marinig ko yung sinabi niya kanina, oara akong paslit na bigla nalang nag-behave. Sino ba naman ako para umarte? May hinanda ang asawa ko para sa'kin tapos tatanggihan ko? Pero uupakan ko talaga 'tong Abigail na 'to kapag hindi niya mailalabas mamaya si Trey.

"Mag-e-explain na ako, huh?" tanong niya habang nagda-drive pero dahil hindi naman ako sumagot, nagtuluy-tuloy na siya. "I am sorry kung may masama ka nang iniisip sa'min ni Trey. We are workmates and friends, yes, pero we're nothing more than the two. We love each other but that was before."

Napahinga nalang ako nang malalim.

"Okay okay. I'll tell you the truth. I told this already to Trey," dagdag pa niya. "I honestly still like him, pero promise I really try to hold it back. Wala sa vocabulary ko ang paninira ng friendship at tiwala. I am not into committing adultery for my own sake. I am happy that you are happy."

Mukha naman siyang kapani-paniwala, and I actually like her honesty.

"Walang something sa'min. Walang malisya sa bawat ginagawa namin. Again, in fact, I am helping him to work things with you. The moment you saw us once in the mall, we were actually buying things for you and the kids.

Tapos kanina, magkasama rin kami, because--ugh. I am not suppose to say this and ruin the moment. Hintayin mo nalang mamaya.

But, promise, Marley, I swear na wala ka dapat kaselosan at ikakaba. Your Trey is yours. All yours. His heart belongs to you."

Sa wakas ay nginitian ko na siya. "At least, malinaw sa'kin ang lahat."

"Ah, and one more," dagdag niya. "I am actually deciding if I'll go back abroad or stay."

"Ano ngayon yan? Ah, joke lang! No, wag ka nang umalis... kung masaya ka dito. Buntis ako, Abigail... at gusto sana kitang maging ninang."

Ngumiti siya nang saktong huminto na ang kotse. "I'll stay, then."

Nagyakapan kami bago ako bumaba. Nagpasalamat at humingi na rin ako ng dispensa sa kanya. Ang sama ko kasi talaga minsan.

"Sige na. Take the elevator and go to the rooftop. The best night of your life is waiting."

-tbc

Continue Reading

You'll Also Like

76.4K 2K 21
THE HEARTBREAKER TEAM Series Hindi lang sa makabagong teknolohiya at mataas na uri ng pagtuturo sikat ang Heartfield University. Famous din ito dahil...
1.7M 36.1K 22
COMPLETED || General Fiction || Romance -- WARNING! TYPOS AND GRAMMATICAL ERRORS ARE PRESENT IN THIS STORY. READ AT YOUR OWN RISK! -- 1st Installmen...
855K 27.6K 44
Limang taon ng ginugulo ang isip ni Atlas ng isang babae sa kanyang nakaraan. Pilit nyang kinakalimutan ito at tinuon na lang ang pansin sa ibang bab...
32.2M 1M 48
(Game Series # 1) For as long as Katherine could remember, Juan Alexandro Yuchengco has always been her dream guy. He's smart, kind, and could be fun...