The Royal Games

By JobsGatchalian

3.5K 409 55

This story that I made is about a princess named Leila Goldstein who does not know how to act like a princess... More

PROLOGUE
Chapter 1 : Paghahanda sa Kaarawan
Chapter 2 : Patagong Pagsasanay
Chapter 3 : Deklarasyon
Chapter 4 : Ultimatum - Grand Royal Games
Chapter 5 : Draft Pick
Chapter 6: Pakikipag-kilala
Chapter 7 : Mabigat na Desisyon
Chapter 8 : Preparasyon sa Parada
Chapter 9 : Bagong Kaibigan
Chapter 11 : Adviser
Chapter 12 : Kababata
Chapter 13 : Tagumpay na Plano
Chapter 14 : Grades at Scoreboard
Chapter 15 : Gusot
Chapter 16.1 : Swimwear Competition
Chapter 16.2 : Swimwear Competition
Chapter 17 : Tips
Chapter 18.1 : Training Hall - Day 1
Chaper 18.2 : Training Hall - Day 1
Chapter 18.3 : Training Hall - Day 1
Chapter 19.1: Training - Day 2
Chapter 19.2: Training - Day 2
Chapter 19.3: Training - Day 2
Chapter 20.1: Training - Day 3
Chapter 20.2: Training - Day 3
Chapter 20.3: Training - Day 3
Chapter 20.4: Training - Day 3
Chapter 21 : Goldstein Family
Chapter 22 : Cancelled
Official Scoreboard
Chapter 23 - Starter Packs A, B and C
ENGLISH - FILIPINO DIVIDER
Chapter 1: Preparation for the Birthday Party
Chapter 2 : Secret Training
Chapter 3 : The announcement
Chapter 4 : Ultimatum - A Grand Royal Games
Chapter 5 : Draft Pick
Chapter 6: Meeting the other Champions
Chapter 24: Wedding Gown
Chapter 25.1: Royal Ball
Chapter 25.2: Royal Ball
Chapter 25.3: Royal Ball
Chapter 26: Matter - Isolated Island - Arena

Chapter 10 : Champion's Debut Parade

79 7 2
By JobsGatchalian

Nag-fade ang tugtog, biglang may drums na tumatambol na sobrang bilis ang beat at ipinatugtog na ang anthem ng Goldstein Kingdom.


"Nagsimula nang umandar ang Raidwheel ng District 1, magkakasunod-sunod kami at nakapila. Kaya maya-maya pa akong kaunti makaka-alis.


Ang gaganda din ng mga knight and royal costumes nila, yung sa district 1 para siyang jester dahil sa napaka-kulay na damit, yung sa 2 parang isang ancient oracle costume at kulay brown siya. Teka ang bilis nila mawala, yung sa 5 ang ganda, mukha siyang armor na gawa sa bakal sa malayuan, pero kapag tinitigan mo, parang mga recycled materials. Ang cool grabe. Sobrang fascinated ako sa talento ng mga designer at mga dresser nila.


Oh my! Yung sa 9 kahit nakatayo lang siya, nagmumukha siyang sumasayaw dahil sa effect nang hangin gumagawa ito ng movement effects, ang saya tingnan. Yung costume ni Zach, ang galing din ng designer niya na galing sa District 10, pinagmumukha siyang matangkad at maangas tingnan dahil sa pagka-slend nung armor niya. Yung sa 13, cute nung belt oh, kulay blue na nagiispark.


Ang gaganda ng costumes nila, sakin yung suot kong pantaas at pambaba lang ang cool pero itong blue and black na mukhang basahan na kapa na ito, sobrang panira.


Umuga at nagsisimula na ring umandar ang sinasakyan ko.

Sumigaw si lady Marionette para ipaalala sa akin ang mga kailangan kong gawin. "Tandaan mo Luke. Pagbabang-pagbaba mo sa maraming tao, tumingala ka sa mga camera doon aircraft na umiikot sa kalangitan at hawiin mo ang kapa mo ng mabilisan. At wag na wag mong kakalimutan na ngumiti at kumaway dahil ang unang grade mo ay nakabase dito. Kakailanganin mo yun! Tsaka isa pa pala, tatlong beses mo siyang gagawin, bahala ka na kung kailan mo gusto gamitin ang pangalawa at pangatlo."


Umandar na ang sasakyan ng District 14 at 15 kaya ako na ang sumunod.


Pababa na kami mula sa barracks at lumalakas na ang ingay sa mga tao habang papalapit na ang sinasakyan ko. Napansin kong may maliliit na liwanag mula sa mga kamay ng mga tao. Parang kandila na nakasindi bilang pakiki-isa sa pagdiriwang ng taunang Royal Games.



Pagkababang-pagkababa ko, ginawa ko na kung ano man ang ibinilin sa akin.


Biglang lumakas ang hiyawan ng mga tao at feeling ko halos lahat sila nakatingin sakin, 'Woooooh! Ahhhhh! Wsidjioj? Ewpokrfm! Opkwr!". Grabe wala akong maintindihan!


Tumingin ako sa likod ko para matingnan ang mga tao kung ako pa rin talaga ang tinitingnan nila kahit nakalagpas na ako.


Nanlaki mata ko sa nakita ko, yung kapa kong kulay blue and black, naging white and gold nga! Oh my gawd! At habang hinahangin siya, nagiiwan ito ng mga kumikinang na pinong pinong mga crystals, nagiiba iba rin ang pagshine nito dipende sa ilaw na tumatama sa mga crystals na yun.


Ang ganda! Sobrang na-amaze ako! Medyo humihina na ito ng konti kaya hinawi ko ulet ang kapa ko para mag iwan ulet ito ng mas makapal pang crystal dust.


Nakakatuwa ang mga crowd kaya itinaas ko ang kamay ko at kumaway-kaway ako para makakuha nang mas mataas pang atensyon. Ano kaya sinasabi ng mga host sa television tungkol sakin? Sana maganda para mai-build up ang character ko.


Binabawi ko na sinasabi ko tungkol sa kapa ko. Naiiyak ako sa tuwa sa sobrang ganda! At ang pagkakatanda ko, ginawa raw ito para sa akin. Hindi ko alam kung meron ba silang lahing manghuhula o sadyang gumawa lang talaga sila para sa akin dahil sobrang love nila ako.


Sobrang bilis lang din halos ng parada, hindi ko nga namalayang nandito na kami sa District 24. Medyo masikip ang lugar dito, madumi at dikit-dikit ang bahay, pero napakarami pa ring mga tao. May mga naka-sampa pa sa bubong makita lang ang mga champions this year.


Medyo malayo na kasi ito sa kastilyo kaya hindi siguro masyadong naasikaso kaya makalat.


Dumating na kami ng District 29 at umiikot na lahat ng mga Raidwheels namin pabalik ng kastilyo.


Habang nakakasalubong ko ang ibang mga nasa likod, napansin kong magaganda pa rin ang mga Knight and Royal Costumes nila. Tiningnan ko yung sa 24 napanganga ako sa suot niya. Napaka daring, naka-tight brief lang siya at may mga leather gloves at leather boots. Tapos may itim siyang pakpak sa likod at meron siyang dalawang hawak na espada. Bagay sa kanya dahil ang ganda ng katawan niya. Siguro 21 na ang edad niya.


Meron ding naka-long white coat tapos rapier ang hawak na armas.


Hindi ko makita na makita yung bandang dulo pa dahil lage silang hindi umaabot tuwing lumiliko kami sa mga dinadaanan, yung sa 30 ang huli kong nakita, pero medyo malabo na. Parang pula at brown na armor tapos meron syang hawak na napaka-laking shield na may number ng district nila.


Hindi ako masyadong lumilingon at nagfofocus sa suot ng iba dahil kailangan ko ring asikasuhin ang sarili ko para sa camera.


Kumaway kaway pa ako at nginitian lahat ng mga nanonood hanggang sa makarating na kami ng District 3.


Malapit na kami ulet makabalik sa ibaba ng kastilyo, at sa huling beses, sinubukan kong hawiin ang kapa ko para sa mga magpalipad ulet ng mga pinong crystals pero hindi na ito umilaw.


Ahhhh! Nganga! Nasusunog na ang kapa ko! Yung crystal dusts parang gumagawa ng sunog! What the hell is this! Sinubusubukan kong tanggalin yung kaya sa akin dahil baka masunog ako. Hala ano ito?



Isa-isa nang pumarada ang mga Raidwheel at saktong paghinto ng sainasakyan ko sa pwesto namin biglang nagsihiyawan pa rin ang mga tao. Tumingin-tingin ako sa paligid para tingnan kung sino yung may pasabog din tulad ng kapa ko.


Napasulyap ako ng tingin kay Marvel at napansin kong nakatingin siya sa akin at pumapalakpak. At... Hetaphorungitis naman oh! Wala akong masabi! Nagpapalit-palit ng kulay ang kapa ko ng blue and black at white and gold habang na may konting pagliyab pa rin galing sa apoy. Sobrang nakakamangha talaga ang taglay ng pagkakagawa ng kapang ito. Kailangan kong pasalamatan kung sino ang mga taong gumawa nito para sa akin. Ang ganda-ganda talaga!


Pagkapwesto ng lahat ng mga Raidwheels huminto na ang pagtugtog ng anthem at tumayo na ang hari kasama ng isang nakasuot ng damit na pang-prinsesa at naka-maskara ito.


Tuloy pa rin sa pagpalakpak at hiyawan ang mga tao kaya itinaas ni demonyong Dmitri ang kamay niya para pahintuin ang ingay.


Tiningnan muna niya ang mga tao bago bumalik ng tingin sa amin at tsaka nagsalita, "People of Goldstein Kingdom and the champions from each districts good evening." Nagpalakpakan ulet ang mga tao kahit yun pa lang ang mga sinasabi niya.


Tinitingnan ko siya ng masama, dahil naiinis akong makita ang mukha niya kahit sa malayo.


Pagkatapos niya ulet pahinain ang ingay pinagpatuloy niya na ang mensahe niya, "Napaka-saya ko dahil sa pagtanggap niyo sa hamon ng kapalaran. Natutuwa ako dahil makakasaksi muli ang Goldstein Kingdom ng isang napaka-special na uri ng palaro. Kayo ang mga maglalaban-laban para sa pangyayaring ito, ang tinatawag nating Ultimatum. Isa sa inyo ang magiging tagapag-mana ko at magiging asawa ng prinsesa sa araw ng kanyang kaarawan. Saludo ako sa inyong kagitingan, katapangan at buhay na isasakripisyo. Goodluck at Happy Royal Games sa inyong lahat!"


Palakpakan pa rin ang mga tao hanggang sa makaakyat na ulet kami sa taas sa barracks.


Pagpunta ko doon, andun sila sila lady Marionette at general Rose na nakangiting sumasalubong sa akin.


"That was spectacular! Ang galing ng timing mo sana mataas ang score na makuha mo agad sa unang grading system sa susunod na araw." Sabi sakin ni General Rose.


"So nagustuhan mo ba ang kapa?" Tanong sa akin ni lady Marionette.

"Gustong-gusto ko po siya! Sobrang ganda!" nakangiti kong ipinapasalamat sa kanya.

"Salamat, ipinagawa sa amin yan ng iyong ina dahil sa pag-aakalang ikaw ay isang lalaki. Kaya nang malaman namin na isa kang babae, itinago na lang namin ito kaysa sa itapon. Sinong magaakalang magagamit mo siya sa isang hindi inaasahang pagkakataon di ba?"

"Kaya nga po eh, sobrang nagpapasalamat ako sa inyong lahat."


Lumapit si sir Tear kasama si Marvel sa amin ng pumapalakpak. Binati ako ni Marvel ng isang masaya at napaka-taas na energy, "Grabe Luke! Hindi ko inaasahan na sayo ang magiging pinaka-maganda at pinaghirapang Knight Costume. Akala ko yung suot na nang District 26 na isa ring Knight costume ang pinaka-maganda."


"Maganda rin naman yang Royal Costume mo eh. Hindi ka naman siguro basta-basta magiging kulelat niya sa scoreboard ng mga grades." Pambati ko rin sa kanya para hindi siya manghinayang, maganda rin naman kasi talaga eh.


"Tara na boys..." sabay akbay sa amin, "...hindi na maganda ang ihip ng hangin dito, maraming nakatingin sayo ngayon Luke. Pwedeng inggit o galit ang nararamdaman nila ngayon.


Mahigpit ang pagkakahawak niya sa leeg ko kaya hindi ako makalingon at hindi ko makita kung sino-sino ang mga nakatingin. Kaya wala kaming nagawa kung hindi dumiretso sa assembly hall para mag bawas ng ilang mga suot na hindi na kailangan kapag nakapunta na kami sa Champion's Quarters.


-------------------------------


A/N: Sana po naenjoy niyo ang parada sa imagination niyo XD

Next chapter, kung paano sila magpapalusot sa buong event hanggang

sa maka-punta si Leila sa Matter (name ng arena).

Continue Reading

You'll Also Like

536K 23.5K 91
Khali Vernon took the risk and came back to Tenebrés City, will she come back as the infamous Shadow of the Gangster Society, too? The society ruled...
4.3M 121K 110
Nemesis Louie Montero is a class S assassin who was given a mission to marry the mafia boss of a certain organization that would help them rise from...
23.4M 779K 60
Erityian Tribes Series, Book #3 || Cover the world with frost and action.
56.6M 1.2M 127
Mikazuki convinces Bullet to meet his birth parents after being taken away by the former leader of the most powerful mafia group, Black Organization...