The Mafia Boss: Terrence Jude...

By LauVeaRMD

37.4K 943 200

T E A S E R "What the f*ck!" Sigaw ni Terrence. Terrence Jude Alvarez. He is a young multi billionaire busine... More

DISCLAIMER
T E A S E R
Prologue
Chapter 1
Chapter 2
Chapter 3
Chapter 4
Chapter 5
Chapter 6 (SPG)
Chapter 7
Chapter 8
Chapter 9
Chapter 10
Chapter 11
Chapter 12
Chapter 13
Chapter 14
Chapter 15
Chapter 16
Chapter 17
Chapter 18
Chapter 19
Chapter 20
Chapter 21
Chapter 22
Chapter 23
Chapter 24
Chapter 25
Chapter 26
Chapter 27
Chapter 28
Chapter 29
Chapter 30
Chapter 31
Chapter 32
Chapter 33
Chapter 35
Chapter 36
Chapter 37
Chapter 38
Chapter 39
Chapter 40
Chapter 41
Chapter 42
Chapter 43
Chapter 44
Chapter 45
Chapter 46
Chapter 47
Chapter 48
Chapter 49
Chapter 50
Chapter 51
Chapter 52
Chapter 53
Chapter 54
Chapter 55
Chapter 56
Chapter 57
Chapter 58
Chapter 59
Chapter 60
Chapter 61
Chapter 62
Chapter 63
Chapter 64
Chapter 65
Chapter 66
Chapter 67
Chapter 68
Epilogue
Special Chapter

Chapter 34

261 9 1
By LauVeaRMD

ISANG nakakamatay na tingin ang ibinigay ko sa taong iyon. Akala niya siguro ay aatrasan ko siya. Porket may pinasamahan kami noon ay binalewala ko na ang kasalanan nito sa akin.

"I am glad you come, Ayiesha!" nang-uuyam nitong sabi sa akin. I just roll my eyes.

Ang ayaw ko pa naman sa lahat ay iyong pinaplastic ako.

"Yeah! Mahirap na baka may isang linta na aaligid sa asawa ko at maagaw pa siya sa akin." Balik ko dito.

Tumawa ito. "You know what, Ayiesha. Get lost. Hindi ka bagay dito."

"At sino ang bagay Adelaine? Ikaw? Eh, mas hamak na malinis ako… kesa sa iyo," sabi ko dito.

Nagpupuyos ito sa galit. Ngayong gabi ay wawakasan ko ang kasamaan ng magkakambal. Sisiguraduhin ko na ako ngayon ang mananalo. Kung noon ay natalo nila ako, ngayon ay hindi na.

"Love," bulong ni Terrence sa akin.

"What?" angil ko dito. Nasa harapan pa rin namin si Adelaine. Sobra talaga ang kapal ng mukha ng babaeng ito.

"Enough… may dapat tayong asikasuhin ngayon. Hayaan mo ba siya."

"Hayaan? Sino ba ang nauna?"

"Later… please," pagmamaakawa nito sa akin.

Alam kong hindi pa ito ang oras, dahil mahaba pa naman ang gabi. Naka-standby na din ang ilan sa mga tauhan namin. Kaya di na ako nangangamba na makakatakas pa rin si Adelaine o Leigh ngayong gabi. Balak namin na hulihin ngayong gabi ang dalawa. Gusto ko nang matapos ang lahat. Para mamuhay na kami nang tahimik.
Umalis ako sa harapan ni Adelaine. Baka di ko matantya ang babaeng iyon at masampal ko siya.

Pumunta ako sa counter to get my drink. Gusto kong huminga kaya pumunta ako sa may terese ng pinagdadaosan ng party na ito. Napabuntong-hininga na lang ako.

Sumimsim ako sa wine glass na hawak ko. Nakatalikod ako, pero ramdam kong may kasama ako dito.

"I am glad that your back," sabi nito sa akin.

Tumabi ito sa akin, sa gawin kanan ko.

"Yeah! At hindi madaling makabalik sa pamilya ko." Ininom ko ang wine na nasa baso ko.

"I am sorry Ayesha." Hinging paumanhin nito sa akin. Ngumiti ako nang mapakla, nang sobrang pait.

"Sorry for what? Sa ginawa mong pagpatay sa anak ko? Oh! Sa lahat-lahat Leigh!" madiin kong sigaw.

"Ginawa ko iyon para iligtas ka." Sumungaw ang luha sa aking mga mata.

"No, hindi mo iyon ginawa para sa akin." Tumulo ang luha sa aking mga mata. "You betray me, tatanggapin naman kita. Basta ba ipaliwanag mo sa akin ang nangyari. Pero anong ginawa mo? Pinatay mo ako nang paulit-ulit, Leigh. You are my bestfriend, pero ikaw pa ang naging dahilan ng pagkabigo ko. Nang mga sakit na nararamdaman ko."

Humigpit ang kapit ko sa railings ng terese na iyon. Dahil gusto ko siyang saktan. Pero di ko ginawa. Dahil ayaw kong maging kagaya niya.

Tumayo ako ng tuwid. Pinahid ko ang luha na umaagos sa akin mga mata.

"Sinayang mo lahat, Leigh. Ngayon na bumalik na ang mga ala-ala ko, gagawin ko ang lahat. Makaganti lang ako sa iyo," sabi ko dito.

Napatingin ako sa kanya. Nakatingin din pala ito sa akin. May nakita akong sakit sa mga mata nito.

Yumuko ito, dinilaan nito ang mga labi at kinagat. Umiwas ito ng tingin sa akin. Nakita ko ang luha na pumatak sa mga mata nito.

"I know, It was my fault. Kasalanan ko ang lahat. Kung sana ay sinabi ko sa iyo. Di sana lalaki ng ganito. I am sorry, Ayiesha for everything. Sana ay balang araw mapatawad mo ako," sabi nito sa akin. "Gagawin ko ang lahat, mailigtas ka lang. Bestfriend kita. Kahit na kinasusuklaman mo ako."

Umiwas ako ng tingin dito. Dahil di ko makita ang malungkot nitong mukha.

"Umalis na kayo ni Terrence. Dahil may hindi magandang mangyayari ngayon, Ayiesha. Until now, he is still obssess to you. Gusto ka niyang kunin nang sapilitan."

Nilingon ko siya. "Pwes, lalabanan ko siya." Humarap ito sa akin.

"Malakas siya Ayiesha. Kahit anong laban ang gawin mo ay matatalo ka niya. Sobrang galit siya, dahil nawala ang anak niya, ang anak ninyo."

"Bakit di mo ba sinabi na ikaw ang may gawa noon?" tanong ko sa kanya.

"Alam niya. Pinarusahan niya ako. Tinurture. Paulit-ulit na ginahasa, paulit-ulit na pinagpapasahan sa mga tauhan niya. Gusto kong kumawala, Ayiesha. Pero… hindi ko siya kayang iwanan." May luha sa mga mata nito.

"Marter ka, Leigh. Sinaktan ka na nang paulit-ulit. Mahal mo pa rin."

"Ganun ako eh! Umalis na kayo, Ayeisha. Habang di pa siya nakakatunog na nandito ka. Umalis na kayo ni Terrence."

"Hindi ako aalis sabi eh! Lalabanan namin siya ni Terrence!" sigaw ko.

"Kahit ang kapalit ay ang mga anak mo," sambit nito.

"What do you mean!" sigaw ko dito.

"He know na may anak kayo ni Terrence. Pinasubaybayan ka niya, Ayeisha. At alam din niya kung nasaan ang mga bata."

Bigla akong natakot. Hindi para sa akin. Kundi para sa mga anak ko. Agad akong umalis sa harapan ni Leigh at pinuntahan si Terrence.

Hinanap ko si Terrence. Nagulat ako nang may humila sa aking kamay. Tinignan ko ito, si Terrence pala.

Kinuha nito ang cellphone at may tinawagan.

"Beatriz. Kunin ninyo ni Damien ang kambal sa bahay. Dilikado sila doon," utos at sabi ni Terrence sa kapatid.

Agad nitong ibinaba ang cellphone, lumabas na kami sa venue.

"Ang mga bata, Terrence."

"Don't worry. Ligtas na sila. On the way na sila Beatriz at Damien, nandoon din ang iba kong tauhan."

Napanatag ang loob ko. Sasakya na kami ng sasakyan ng may mapansin ako. Habang si Terrence ay abala sa pagbukas ng pinto sa may front seat. Umikot si Terrence sa may driver seat at sumakay.

Nakatingin pa din ako sa isang bulto. He already know na nandito kami.

Lumabas ito sa pinagtataguan nito. Ngumisi ito sa akin. Galit ko siyang tinignan.

Inihanda ko ang baril na dala ko. Napatingin sa akin si Terrence.

"Ano ang ginagawa mo?" tanong nito sa akin.

"Naghahanda. Dahil alam ko, mapapalaban tayo nang wala sa oras," sabi ko dito.

Napatingin ako sa kanya. Seryoso ang mukha nito at para bang wala akong nakikitang takot sa mukha nito.

Hindi ito nagsalita. Binuhay nito ang makina ng sasakyan at pinatakbo na iyon. Habang binabaybay namin ang daan pauwi ay panay ang tingin ko sa rearmirror. Tinitignan ko ang isang sasakyan na sumusunod sa amin.

"Wag mo nang pansinin ang mga iyan. Iwawala ko ang mga iyan."

Akala ko ako lang ang nakapansin sa mga sumusunod sa amin. Hindi pala, napansin din pala nito.

Tumunog ang cellphone nito. Sinagot nito iyon.

"Dalhin nyo sila sa Villa, Beatriz. Alam mo iyon," Plain na sagot ni Terrence kay Beatriz.

Napabugtong-hininga na lang ako. Kailan ba matatapos ang lahat nang ito?

Mabilis ang takbo ng sasakyan ni Terrence. Hanggang sa naiwala na namin ang mga sumusunod sa amin. Huminto kami sa isang abandonadong bahay ay may lumabas doon na isang bagong sasakyan.

Lumabas doon si Carlo. Ngumisi ito kay Terrence.

"Ito na ang new car mo," sambit nito.

Bumaba na kami sa sasakyan at lumipat doon sa bago. Habang si Carlo naman ay doon sumakay sa sasakyan na gamit namin ni Terrence.

"Ikaw na ang bahala d'yan," sambit nito.

"Areglado boss!" Saludo nito kay Terrence.

Sumakay na kami sa kanya-kanya naming sasakyan. Kami patungo sa Villa ni Terrence, habang si Carlo ay pabalik sa dinaanan namin.

Nasa b'yahe kami at inaantok ako. Kaya di ko namalayan na nakatulog pala ako.

"Kuya, maganda talaga si Mommy ano?" tanong ng isang munting tinig.

Gumalaw ako. "Oh! No. Nagising ko yata Kuya!" impit na sigaw nito.

"Lumabas na tayo. Sabi pa naman ni daddy na wag nating guluhin si mommy. Nagpapahinga siya," dining kong sabi nang isang boses ng isang lalaki.

Dahil sa pagod ay nakatulog ako ulit.

Nagising ako na mataas na ang sinag ng araw. Kaya bumangon na ako. Pumasok ako sa banyo, para maligo. Pagkatapos kong maligo ay agad akong lumabas sa kwarto. Alam ko na nasa Villa ako ni Terrence. Kaya di na ako nagtaka kung bakit nandito kami.

"Akin na lang ito Kaileen!" sigaw ng anak kong babae. Habang si Kenzo ay tahimik lamang sa tabi ng isang binatilyo.

Kinapa ko ang aking damdamin. Bakit masaya ako sa serinaryo na nakikita ko. Siguro namimiss ko lang ang panganay ko.

"Nanay!" sigaw ni Nichole.

Kaya napalingon silang lahat sa akin. Napasinghap ako nang makita ko ang mukha ng batang babae na katabi ni Nichole. Bakit kamukha nito si Nichole at Kenzo?

"Your awake." Isang malamig na boses ang nagpagising sa akin. Nilingon ko siya.

"Sino sila Terrence?"

"Mga bata na nakita ko sa lansangan, Ayiesha," singit ni Beatriz. Nagkatinginan silang dalawa ni Terrence.

Nandito din pala sina Beatriz at Damien.

"BAKIT ginawa mo iyon, Beatriz. She deserve to know na buhay ang dalawa naming anak!" madiin na sigaw ko sa aking kapatid.

"Terrence, hindi pa ito ang tamang panahon. May panahon para d'yan, sa ngayon ay ganito muna tayo."

"We understand dad," nakangiting sambit ni Kaileen. "Para din naman sa amin ito." Kahit na may nababanaag akong lungkot sa boses nito ay alam kong naiintindihan niya kami.

"Okay lang kami dad! Wag mo kaming alalahin."

Bumukas ang pinto ng library ko. Napalingon kaming apat sa pumasok. Isang malamig na tingin ang ibinigay niya sa amin.

Pagkatapos kasi naming mag-agahan kanina ay pinatawag ko si Beatriz at ang mga bata.

"Can I come in, 'tay?" Tango lang ang tanging naisagot ko.

Umupo ito sa tabi ni Cole.

"I know the truth…" plain na sabi nito.
Tama ako, di nga namin malilinlang ang ikalawa kong anak na lalaki, "And Nichole too, she know the truth. Pagpasok pa lang namin sa Villa kahapon ay alam kong magkapatid kami. And I know naramdaman din ni nanay ang naramdaman namin noong unang kita namin sa dalawang iyan." Turo nito sa dalawang kapatid nito.

"Kaya sana ay hindi ninyo inilihim kay nanay na may anak pa pala siya. Dahil I know, masasaktan si nanay nang sobra."

Lumuhod si Beatriz. "Good job, baby boy," nakangiting turan ni Beatriz. Pero ang mukha ni Kenzo ay nalukot.

"I am not a baby anymore. So stop calling me that!" sigaw nito sa tiyahin.

"Your still our baby," nakangiting sambit naman ni Cole.

"Uugghh! Ayaw ko na nga dito," sabi pa nito sabay labas ng library ko.

Isa-isang lumabas ang mga bata. Alam kong pupuntahan nila ang ina nila. Napatingin ako sa may bintana.

Nakikita ko na masayang naghahabulan si Ayiesha at si Nichole. Nasa isang beach kasi nakatayo ang Villa ko. Ilang minuto lang ay nakarating na si Cole, Kaileen at Kenzo. Kaya sumali si Kaileen sa kanila ni Nichole naghabulan ang tatlo. Habang si Cole at Kenzo ay nakatayo lamang ilang metro ang layo sa mag-iina ko.

"What a beautiful family," sabi nito. May lungkot sa boses nito. "Siguro kung buhay lang ang anak ko, Kuya. Baka masaya na rin ako."

Alam kong masakit dito ang nangyari, at alam ko na hanggang ngayon ay di pa nito napapatawad si Damien.

"Pwede naman kayong gumawa ni Damien ng bagong baby." Ang tingin ko ay nanatili sa mag-iina ko.

Beatriz growled. Alam kong di pa nito napapatawad si Damien. Pero di rin lingid sa akin na may nangyayari sa dalawa. Alam kong masama ang tingin na ipinupukol nito sa akin. Ramdam ko ang tingin nito.

"Go to hell, Terrence!" sigaw nito. Bago ito lumabas sa library.

Habang ako ay nanatili sa may bintana. Nakatingin sa mag-iina ko. Alam ko balang araw ay mag sasama kami bilang isang masayang pamilya.

Continue Reading

You'll Also Like

44.7K 1.5K 44
A beautiful woman ended up in the hands of a ruthless monster because of her beautiful face that serves as a replica of the monster's ex -wife.Meet A...
16.3K 416 38
Samantha Alfonso have to complete her on-job training within 800 hours, so she applied to a famous company, but unexpectedly she was assigned as the...
121K 4K 34
"Bili mo ako niyan." "Tumigil ka!" Shit! Ako na ang nahihiya sa tindera ng grocery store. "Bakit ayaw mo ako ibili, candy lang naman!" galit na saad...
491K 11.1K 32
"Let me remind you, your sons is my sons too. Para mas maintindihan ng mga tsismosa dito ang mga anak mo ay mga anak ko rin, Montecristo sila kaya d...