Listen To Your Heart (COMPLET...

By Silent_Vamp

2.2K 136 1

Earthus Marlexium University or EMU. Ang may pinakamatanyag na pangalan na paaralan sa buong mundo. Only Eli... More

Disclaimer
LTYH 1
LTYH 2
LTYH 3
LTYH 4
LTYH 5
LTYH 6
LTYH 7
LTYH 8
LTYH 9
LTYH 10
LTYH 11
LTYH 12
LTYH 13
LTYH 14
LTYH 15
LTYH 16
LTYH 17
LTYH 18
LTYH 19
LTYH 20
LTYH 21
LTYH 22
LTYH 23
LTYH 24
LTYH 25
LTYH 26
LTYH 27
LTYH 28
LTYH 29
LTYH 30
LTYH 31
LTYH 32
LTYH 33
LTYH 34
LTYH 35
LTYH 36
LTYH 37
LYTH 38
LTYH 39
LTYH 40
LTYH 41
LTYH 42
LTYH 43
LTYH 45
LTYH 46
LTYH 47
LTYH 48
LTYH 49
LTYH 50
LTYH 51
LTYH 52
LTHY 53
LTYH 54
LTYH 55
LTYH 56
LTYH 57
LTYH 58
Final Chapter
Author's Note
Special Chapter

LTYH 44

10 1 0
By Silent_Vamp

Title: Listen To Your Heart
[ M2M Love Story ] [ BxB ]

Chapter 44

( Lew’s POV )


Si Kaizer na ang naghatid sa akin pauwi. Pumayag na din ako na siya na ang maghatid sa akin, dahil na rin para hindi na ako makaabala pa kay Prince. Para hindi na siya umalis sa bahay nila at makapagpahinga narin siya.



“Oh bakit ka naman nakasimangot dyan?” takang tanong ko kay Kaizer habang nagmamaneho siya para ihatid ako.


Hindi kasi siya umiimik, at nakasimangot parin siya simula pa kanina.



“Asus, parang may nagseselos ah” pang-aasar ko sa kanya.


“Oo! Nagseselos ako! Unang-una, hindi mo na nga pinaalam sa akin na sa bahay kayo ng payatot na yun pupunta, nag duet pa kayo! Pangalawa parang enjoy na enjoy ka naman na boto sayo yung ate ni payatot na yun!” galit na sabi nito.



“Biruan lang naman yung sinabi ni Ate Tricia kanina, masyado mo namang sineryoso. Hindi naman nanliligaw si Prince.” Kalmado kong sabi ko sa nagseselos na parang bata na si Kaizer.


Ate Tricia talaga? Ate na? Agad-agad?” sarkastikong sabi nito.




“Eh syempre mas matanda siya akin eh. Kaya gumagalang ako. Hindi ba pati ikaw ate din tawag sa kanya? Pati din naman sina Pythos at Oreon, at saka si Pat? Oh anong issue ngayon dun kung tawagin ko siyang ate?” sabi ko na may inis na tono.



Naiirita na din ako sa kaartehan ng tao na ito eh. Kanina pa to ah! 😤



“Asus. Eh bakit hindi mo sa akin sinabi na sa bahay niya pala kayo pupunta at hindi sa school?” tanong nito.




“Eh, nasabi ko nga di ba na nakalimutan kitang sabihan at naiwan ko ang phone ko sa kotse niya?” sabi ko.




Kailangan talaga paulit-ulit mag explain? Kakaloka!🙄




“Eh yung duet? Bakit ka pumayag sa kanya, pero sa akin ayaw mo?” sabi nito na galit parin ang tono. Galit na parang nagtatampo.




“Eh madami ka ng song numbers, di ba? Marami ka ng kinakanta. Tingin mo ba eh makakamemorized agad tayo ng duet song?” sabi ko.



“Madali namang mag memorized eh. Ayaw mo lang talaga. Pwede din naman na pumili tayo ng kanta na alam natin pareho” sagot nito.



May point naman siya dun. Pero dagdag stressed lang kasi yun sa kanya eh. Ayaw ko din naman na ma stressed pa siya.




“Eh wala na! Pauwi na tayo, kaya wala naring kwenta kahit magalit ka pa dyan. Wala na tayong time magpractice.” Sabi ko.




“Kung pumayag ka lang kanina, eh di sana mayroon din tayong duet” reklamo nito.



“Puro ka reklamo! Puro ka duet! Puro ka galit! Puro ka selos! Eh wala ka namang mapapala dyan, kasi wala naman tayong alam na duet song na alam nating pareho.” inis na sabi ko.



Hindi agad siya umimik. Parang natauhan ang mokong.




Ano nga bang mapapala niya? Kahit magalit pa siya ay wala narin naman siyang magagawa dahil wala kaming alam sa duet song na pareho naming kabisado. At kung mayroon man ay wala na din namang time para mag practice.




Napansin ko na may sumisilay na ngiti sa labi ni Kaizer.




Bakit kaya? Parang bumibilis din ang pagmamaneho niya. Nagmamadali ba siya?


Nang makarating na kami sa tapat ng bahay ko ay agad na ding umalis at nagpaalam si Kaizer.





Bakit parang bigla siyang sumaya? Kanina badtrip na siya eh, pero bakit biglang-bigla na naging good mood siya?



Hay naku! Bipolar talaga!🙄



Pumasok na ako sa loob ng bahay para makapag-pahinga.




Sinubukan ko ng matulog pero ayaw akong dalawin ng antok. Kaya naman pinili ko nalang na maglinis at ayusin ang kwarto ko para makaramdam ako ng pagod.





Hindi pa ako nakuntento ay nilinis ko na din ang buong bahay.



Kasalukuyan akong nakahiga at nagpapahinga na ng tumunog ang cellphone ko.




[ Phone rings: Calling…… Dad]📞📞


“Hello, Dad” sagot ko sa phone.


Oh di ba? Feel na feel ko ang pagtawag ng dad!😂


“Hello darling. Tumawag lang ako para kumustahin ka” sabi nito.


“Okay lang naman po ako. Kayo po ba?” tanong ko naman sa kanya.


“I am fine too darling, kahit maraming trabaho” sagot nito.



“Ahh Dad, pupunta ka po ba mamayang gabi sa event namin?” tanong ko dito.





"I'm sorry darling. Pero hindi ko alam ang about dyan. Wala naman sa akin sinasabi ang anak ko. Para saan ba yung event nyo?" Tanong ni Dad.




Grabe naman si Kaizer. Hindi man lang sinabi kay Dad.


"Big event lang naman po para sa Foundation Day po namin" sagot ko naman.


“Sorry darling, but I have a very important meeting pa mamaya at hindi ko alam kung anong oras matatapos” sabi nito. Nalungkot naman ako.

“Ganun po ba Dad? Okay lang naman po. Kapag may time nalang po kayo, panuorin nyo nalang po kami sa live streaming dad. Para na din po makita nyo ang gagawin nila Kaizer” sabi ko.


“Wait. Kasali ang anak ko?” takang-tanong nito.


So, hindi pala talaga sinasabi ni Kaizer ang about sa Big event namin at sa band nila? Ni hindi man lang ba proud na kasali ang banda nila para ipagmalaki ito kay Dad or much better to say sa daddy niya?




“Yes po Dad. Member po si Kaizer at siya po mismo ang vocalists ng Heartthrobs, yun po ang name ng band nila” sabi ko.


“Really? He didn’t told me about that. I have no idea. Kung alam ko lang sana ng mas maaga ay sana na-reschedule ko ang meeting ko” sabi ni Dad na may panghihinayang.



“I’m sorry po, akala ko po kasi nasabi na ni Kaizer sa inyo eh. Pero pwede nyo naman po mapanuod ng live. Ise-send ko nalang po sa inyo yung mga links kung saan ang live streaming namin mamaya Dad” sabi ko.


“Sige darling. So I think I have to go na, para na din makapagpahinga ka na kasi may gagawin pa pala kayo mamaya. Bye darling and goodluck sa inyo mamaya” sabi nito.

“Sige po dad. Thanks po and Bye po” sabi ko naman.

……..[call ended]……



Pasaway talaga ang Kaizer na yun!

Hindi man lang niya naikwento kay Dad ang tungkol sa banda nila. Hindi ba niya naisip na matutuwa at magiging proud sa kanya ang dad niya?



Hindi ba talaga sila nag-uusap tungkol sa kanilang mga personal na buhay?


Parang ang lungkot naman ng bahay nila. Dalawa na nga lang sila na nakatira dun bukod sa mga maids nila, ay hindi pa sila malimit mag-usap.




Nawala na ng tuluyan ang antok ko.


Napagpasyahan ko na lang na bumaba na at maghanda para sa hapunan, tutal ay ala sais na rin naman ng gabi at mamaya ng konti ay magigising na ang pinsan kong si RyRy para pumasok ito sa trabaho.




“Ang bango naman ng niluluto ni bebe love ko” nakangiting bungad ni RyRy.



Halatang bagong gising ito. Magulo ang buhok pero ang hot parin tingnan.




“Ay gising ka na pala. Umupo ka na muna at sabay na tayong kumain” sabi ko dito.




Sumunod naman siya. Hinanda ko na ang kanin, ulam at plato para sa amin. May tinimpla din akong orange juice.



“Wow! amoy palang masarap na. Teka, mukhang mamahalin yung ganyang luto ng ulam ah. Kailan ka pa natutong magluto nyan?” tanong nito at parang detective na iniinspeksyon yung ulam.



“Hindi ako ang nagluto nyan. Bigay lang yan ng kapatid ni Prince. Ininit ko lang” sabi ko.



“Ahhhh. Sakto! Favorite ko yan at gutom na ako” masiglang sabi nito at kumuha na ng kanin at ulam sabay kain.





“Favorite talaga? Saan ka naman nakakain nyan aber? Eh ako nga ngayon ko lang nakita yung ganyang pagkain” sabi ko habang kumukuha na din ako ng pagkain ko.



“Malimit magpakain ng Boss namin ng ganito kapag may okasyon sa office, o kaya naman kapag naabot namin yung quota” paliwanag nito.



“Aba! Mayaman din siguro ang boss nyo. Kasi mukhang pangmayaman naman talaga ang ganitong pagkain eh” sabi ko naman.




“Oo naman. Siya yung may-ari ng company namin eh. Natural na mayaman yun!” sabi nito.



“Sabagay” nasabi ko nalang at itinuloy ko na ang pagkain.




“Siyanga pala bebe love? Kanina nga pala ay parang may pumunta dito. Tawag ng tawag at mukhang hinahanap ka. Sobrang antok ko kaya hindi ko na magawang bumangon at tingnan kung sino yun” sabi nito.



“Ah si Kaizer lang yun. Hindi ko kasi nasabi sa kanya na hindi kami sa school ni Prince magpaparactice” sagot ko naman.



“Ha? Eh san pala kayo pumunta?” takang tanong nito.


“Sa bahay nila mismo. Kaya nga may dala akong foods na galing sa kanila, di ba?” pilosopong sabi ko sabay irap dito.


“Aba, malay ko ba? Akala ko naman pinadala lang sayo. Teka, baka kung ano na ang ginawa nyo nung Prince na yun ha?” sabi nito na parang nang-aasar.


“Yuck RyRy! Ang dumi ng isip mo! Nandun yung kapatid ni Prince at saka sumunod din sila Kaizer dun noh!” hysterical kong sabi.




“Oh easy! Masyado ka namang defensive” natawang sabi nito.




“Hindi ako defensive. Gusto ko lang ipaliwanag sa madumi mong pag-iisip” sabi ko at inirapan ko pa siya.



“Taray naman ni bebe love. Maaalis mo ba sa akin na yun ang isipin ko? Eh sa bahay ka mismo nila pumunta tapos hindi mo pa sinabi sa mga kasamahan nyo, especially dun sa manliligaw mo na si Kaizer ba yun?” sabi nito.


“Hay naku! Hanggang dito pala kailangan ko pang mag-explain. Hindi ko naman kasi alam na sa bahay nila Prince kami pupunta, pati nga ako nabigla din nung una. Naiwan ko din yung phone ko sa bag na nasa kotse ni Prince kaya hindi ko agad nasabi kina Kaizer. Oh ano may tanong ka pa?” mataray kong paliwanag sa kanya.


“Wala na po. Masyado ka namang high blood. Palibhasa mukhang dalawa na manliligaw mo. Masyado na yatang mahaba ng buhok mo ah. Gupitin ko gusto mo?” pang-aasar pa ni RyRy.



“Hindi ko nga manliligaw si Prince. Ang kulit mo naman! We’re just friends, okay?” sabi ko.

“Sure ka ba? Hindi ganyan ang galawan ng
magkaibigan lang. You are smart enough, para malaman kung may motibo ang isang tao. Mahahalata mo sa isang tao ayon na rin sa mga kilos at pananalita nito” Sabi ni RyRy.


Hindi agad ako nakaimik.


May point naman si RyRy. Kaso di naman talaga nanliligaw si Prince, di ba?


Hindi ba talaga???

“Oh siya. Natahimik ka na? Maligo na muna ako, kasi papasok pa ako. Ikaw naman bilisan mo na kumain dyan at baka ma late ka pa sa program nyo. Goodluck nalang. Galingan mo dahil papanuorin ko kayo online” sabi ni RyRy.




Tumayo na ito at umakyat na. May sariling CR din kasi siya sa kwarto tulad ko.



Iniisip ko pa ang sinabi ni RyRy. Tama naman siya.



Alam ko naman at ramdam ko din naman na may something at kakaiba sa mga kilos at pananalita ni Prince. Pero ayaw ko din naman maging assumerang palaka dahil baka mali lang ako at mapahiya.




Tutal, according na rin mismo kay Prince ay wala siyang balak manggulo sa kung anong mayroon sa amin ni Kaizer ngayon. At tanging pagkakaibigan lamang ang gusto niya sa akin.



Pero, ano nga ba ang totoo?



Taliwas kasi ang mga sinasabi niya sa mga kilos na ipinapakita niya. Idagdag pa ang sinabi ni Ate Tricia na future kapatid na rin daw niya ako, na para bang sure na sure siya na magiging mag boyfriend kami ni Prince.




Tapos, tanda ko pa na minsan nasabi ni Prince na hinahayaan lang daw niya muna si Kaizer ay lumapit sa akin ngayon. Dahil baling-araw at darating daw yung time na maghihiwalay din daw kami ni Kaizer at nanduon lang daw siya para sa akin kapag dumating na yung time na yun.



Bakit parang sure siya at alam na niya ang mangyayari sa akin in the future?



Is he some kind of a Psychic?



Nabasa niya ba yung future ko? Or time traveller siya at galing siya sa future?



Kung galing man siya sa future, sino siya sa buhay ko?



At bakit parang naka focus siya sa mangyayari sa akin?


At ano ba ang ibig sabihin niya na malalaman ko din sa takdang panahon?




--------------------------

-----to be continue..........

Continue Reading

You'll Also Like

21M 514K 52
What H wants, H gets. And Camilla is not an exception. Montemayor Saga [ complete ] [ old story reposted ]
981K 33.7K 76
[REVISED VERSION: MAY 2024] Coffees and pancakes. Teas and waffles. Two people crossed that created ditto but with dissonance.
3.4M 134K 23
What would you do if you wake up one day and find yourself in a different body? [Completed]