LTYH 6

63 6 0
                                    

Title: Listen To Your Heart
[ M2M Love Story ] [ BxB ]



Chapter 06


( Kaizer’s POV )



Hi! I am Kaizer Xander Falm Montenegro. 20 years old. Bunsong anak ni Mr. Diomio Montenegro na kilala sa isa sa pinakamayang businessman dito sa Pilipinas at maging sa ibang bansa.



Spoiled brat daw ako? Well, they are all right naman!


So what? Mayaman ako eh! Gwapo daw ako at hot? Totoo din naman yun…!



Friends?

Wala ako nyan except nalang sina Oreon at Phytos. Kaming tatlo lang ang magkakabarkada at mga childhood friends ko na din sila.



Ako ang leader ng aming group na 'Hunters'.



Bakit Hunters?

Ewan naisip lang namin. Wala naman direct significance sa amin. Basta mahilig lang kami sa adventures.


I don’t know kung fit sa amin ang word na Hunters eh.


Paki nyo ba? Di naman kayo part ng group namin. heheehe.



Ang harsh ko ba? Well ganun talaga ang personality ko eh… masanay na kayo.


Wala din naman akong pakialam kung di nyo ako gusto. Ang tanong eh gusto ko ba kayo? Bang!



Actually sa dati kong school bully daw kaming Hunters. Wala naman silang magawa dahil nga takot sila kasi anak ako ng isang Montenegro.



Ewan ko ba dito kay Daddy kung bakit bigla na lamang akong pinatransfer ng school.



Ayaw ko sana pero sabi niya babawiin niya daw sa akin si  'Shawdy'.

Yun ang name ng favorite car at mahal na mahal kong Chevrolette Camaro x.3xr. at limited edition lang yun.


Tatlo lang meron nun sa buong mundo and isa na ako dun. Kaya naman kahit ayaw ko na ma transfer ay wala na akong nagawa.


And dahil solid kami ng grupo, sama- sama kaming lumipat.



First day namin dun as transferee at heto na naman kailangan na naman naming magpakilala.


Needed pa ba yun? Eh marami namang nakakakilala sa amin eh. Sukat kaya kami!

Lalo na ang pangalan ko as being a Montenegro, sobrang sikat at tinitingala lalo na sa businesses world industry.


As usual, kinikilig na naman ang mga girls and gals sa amin.

Sanay na kami. Nothing's new, ika nga nila.


Actually, papasok palang kami dito sa school ay pinagtitinginan na kami. Mga hot at gwapo kaya kami.



“Hi! I am Kaizer Montenegro. 20 years of age” pagpapakilala ko.



Naputol ito ng matamaan ng mga mata ko ang isang taong ayaw ko na sanang makita pa. Siya lang naman yung taong dinumihan ang damit ko ng ice cream dun sa labas ng SkyHigh Mall.

Bakit siya nandito sa ganitong klaseng school na puro elite lang ang may kakayahang makapasok. Base on his looks lalo na nung gabi na yun, ay hindi siya isang mayaman.


Mahahalata kasi dahil sa cheap niyang suot na damit at sapatos.



Nakipagtitigan siya sa akin. Kaya kailangang lumaban ako.

Listen To Your Heart (COMPLETED)Where stories live. Discover now