LTYH 13

51 4 0
                                    


Title: Listen To Your Heart
[ M2M Love Story ] [BxB]


Chapter 13



( Kaizer’s POV )



Bwisit na Oreon na yun! Idadamay pa ako sa katarantaduhan niya!




Nung una kaya ako nagalit dahil akala ko may balak na naman siyang kalokohan kay Lew.




Yun pala ako ang target niya sa kalokohan!



Bahala siya dun, Uuwi na ako!



Kaizer, wait lang naman-!” tawag sa akin ni Lew.





Tumigil na ako sa paglalakad at nilingon ko siya.







Nakasunod pala siya sa likod ko, at sa likod naman niya ay nanduon yung dalawang ugok at si Pat


“I said no! Hindi ako sasali dyan, kung gusto nilang sumali, bahala sila! pero ako? ayaw ko.” inis sabi ko.




Alam ko na kasi ang sasabihin ni Lew.




Alam kong pipilitin niya ako na sumali sa club club na iyan!



“Eh kung hindi sasali si Kaizer, hindi na din ako sasali." Sabi ni Phytos.


"Kung hindi na din sasali si Phytos, ayaw ko na din pala" sabi naman ni Oreon.






“Fine! tapos ang usap. Wala ng sasali sa atin. Ganun lang kasimple” sabi ko naman.




“Please Kaizer sumali ka na naman oh” pilit ni Lew sa akin.




Napakunot ang noo ko.


Bakit ba ako nito pinipilit?


Narinig na ba niya ang boses ko?



( Lew’s POV )



“Please Kaizer! Sumali ka na naman oh” pamimilit ko sa kanya.



Kailangan niyang sumali dahil kung hindi, hindi din sasali sina Phytos at Oreon.




Nakita kong kumunot ang noo ni Kaizer, then parang nag-iisip ito.




“Bakit ka ba pilit ng pilit? Narinig mo na ba ang boses ko?” biglang tanong nito.





Saglit akong natigilan at napahampas sa aking noo!




Hindi ko pa nga pala naririnig ang boses ng Kaizer na ito.





Paano kung panget pala ang boses niya?





Kung sa papogian, for sure ay panalo siya.





Pero boses ang usapan dito hindi ang mukha!




Mukhang napahiya ako dun ah.






Si Oreon naman kasi nakakinis! Tiningnan ko nalang ng masama si Oreon na naka peace sign sa akin.





Loko-loko 'tong mokong na to ah!






Pag tripan ba naman si Kaizer!

Ako naman itong 'di nag iisip at uto-uto ay naniwala agad.





Listen To Your Heart (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon