LTYH 54

12 1 0
                                    

Title: Listen To Your Heart
[ M2M Love Story ] [ BxB ]


Chapter 54




( Lew’s POV )




“Eh kung kami ba? Bagay din kaya kami?” biglang singit naman ng siraulo  na si Blaze.




Sumingit pa sa usapan itong mokong na ito. Puro kalokohan ang laman yata ng isip nito eh.





“Hindi ba sinabihan na kita na magbe-behave ka” inis na sabi ko dito.





“Eh ang serious nyo eh?” sabi nito.





“Hay naku! Ewan ko sayo. Halika na mga at nakaka-istorbo na tayo” sabi ko.





“Halikan agad? Hindi pa nga kita sinasagot” sabi ni Blaze.





Nagtawanan naman sila dahil sa sinabi nito.



“Ang kapal mo talaga!” inis na sabi ko dito.





“Eh ikaw naman ang nagsabi ng halikan ah. Hindi naman ako” sabi nito.





“Ang sabi ko, Halika na. I mean Let’s go” sabi ko dito.




“Eh sorry naman. I’m not that good in tagalog. Sounds like kasi eh” sabi nito.






“Palusot ka pa!” sabi ko naman.






Tinawanan lang ako ng mokong na ito. I know naman na nagpapalusot lang siya at magaling siya sa tagalog.






Nagpaaalam na kami kina Lyka at sa tema nito at saka lumabas na. Dumiretso na siya sa upuan niya na malapit lang pala sa upuan din namin.




Nakaupo na dun si Pat kasama si Mitch. Bale nasa may likod ko pala mismo naka pwesto si Blaze.






“Where have you been? At bakit magkasama kayo ni Blaze?” tanong ni Pat.


Grabe! Nakita pa talaga kami ni Pat? Ang talas talaga ng mata ng gaga na ito.





“OMG! Siya ba si Fafa Blaze? Ang hot niya nga girl! Pero quota ka na sa mga gwapo. Ibigay mo nalang yan sa aming mga loveless. Huwag kang masyadong malandi, lagot ko sa pinsan ko” sabi ni Mitch. Natawa lang naman ako.



“Nagkita lang kami dun nung pumunta ako kina Lyka. Huwag kayong masyadong madumi mag-isip” sabi ko.





“Speaking of Kaizer. Mukhang malapit na silang sumalang ulit. Tara na mga bakla! At kailangan ko pang i-retouch yung mga palaka!” sabi ni Mitch.






Sumunod na lang kami sa kanya habng natatawa.







Pinuntahan muna namin saglit sila Prince at Lexter, pagkatapos ay umalis din naman agad kami para puntahan naman sina Kaizer.



Ayaw ko din kasi maka-istorbo sa kanila. At mukha namang hindi nila kami kailangan.  Hindi naman namin alam ang mga ginagawa nila.

.
.
.

( Kaizer’s POV )





“Hey guys! Trending tayo nationwide! Nasa number 1 tayo!” masayang sabi ni Oreon.




Listen To Your Heart (COMPLETED)Where stories live. Discover now