LTYH 50

16 1 0
                                    

Title: Listen To Your Heart
[ M2M Love Story ] [ BxB ]


Chapter 50




( Lew’s POV )




“Good job guys!” bati ni Oreon pagpasok namin.



“Thanks” sabay naman naming sabi ni Prince.




“Masyado nyo naman yatang ginalingan” panloloko ni Phytos.




“Tse! Magaling tayong lahat. Pero bakit pa kayo nandito? Hindi ba kayo na ang susunod? Tutugtog pa kayo ah” sabi ko.




“Yup. Pero 5 minutes pa. Marami pang commercial at babasahin ang emcee” pabirong sabi ni Phytos.





Oo nga pala. Alam nyo kapag may mga ganitong event o kaya program. Daming ngawa ng mga emcee.😅



Kahit walang pakialam ang audience, tuloy parin sila. No choice din kasi ang audience kundi ang makinig.
😅✌



Dati kapag nanunod lang ako sa mga palabas sa court kapag may fiesta o kung anu man ang okasyon ay badtrip na badtrip at inip na inip ako sa eksenang ganito.


Pero ngayon alam ko na na kailangan pala ito para magkaroon pa ng time yung mga next na magpperform backstage. Kumbaga eh buying time.



Babe, nagseselos ako. Kasi hindi ako ang ka duet mo” kunyari ay nagtatampo na sabi ni Kaizer.





“Heh! Kung anu-ano yang kaartehan mo. Mag focus ka nalang sa gagawin nyo. Pakiligin mo nalang ang audience” sabi ko.





“Eh wala naman akong pakialam sa kanila. Gusto ko ikaw ang kiligin sa akin” sabi ni Kaizer. Tampu-tampuhan parin ang mokong.





Pero yung totoo? Kahit wala pa siyang ginagawa eh kinikilig na agad ako dahil sa sinabi niya. Ang rupok ko naman!😂






“Tama na yang landian at kwentuhan. Mag trabaho muna kayo” sabi ng boses sa may pinto.




Lexter?” gulat na sabi ko. Pati ibang kasama namin ay nagulat din.





“Bakit ka nandito idol? Okay ka na ba?” agad na nilapitan ni Prince si Lexter. Sumunod na din kami.


“Bakit naman hindi? May bali lang ako sa braso, hindi naman ako baldado” pagbibirong sabi nito. Niyakap pa namin siya.




“Kanina ka pa ba nandito?” tanong ni Phytos.




“Oo. Maaga pa ako. Pero dumiretso na ako sa seat ko.  Hindi na muna ako nagpakita sa inyo para hindi na ako makaabala” sabi ni Lexter.




“Abala ka dyan! Kung hindi ka pumunta dito at nakita kita dun, babatukan talaga kita” pagbibiro ko.



Tawanan lang kami.





“Pero, congrats ha? Ang galing ng opening prod nyo” sabi parin ni Lexter.




“Salamat. Pero sayang kasi wala ka” sabi ko.





“Tsk. Okay lang yan. Mas magaling naman ang pumalit sa akin eh” sabi nito at tiningnan si Prince.





“Mas magaling ka idol. Kaya nga idol kita di ba?” sabi naman ni Prince.




Listen To Your Heart (COMPLETED)Where stories live. Discover now