LTYH 35

19 1 0
                                    


Title: Listen To Your Heart
[ M2M Love Story ] [ BxB ]




Chapter 35




( Lew’s POV )





Nandito kami ngayon loob ng EMU Arena.






Palibhasa kami ang opening prod kaya naman kami ang kauna-unahang nagamit ng stage. Paulit-ulit kami sa practice para mas perfect.





And to be honest naman ay mukhang ayos na ang lahat at handa na rin. But of course kailangan parin talagang pag-ensayuhan para mas maganda ang kalabasan.








Naka ilang take din kami ng practice ng mapagpasyahan naming mag break na muna. Malapit narin naman kasi mag lunch.






“Nice one guys! Mukhang reading-ready na kayo ah! Parang hindi rehearsal ang pinapanuod ko. Parang show na talaga.” salubong na bati ni Prince sa amin.







Tumabi siya kay Lexter at kasalukuyan kaming nagpapahinga.






“Kami pa ba? We are born to perform. Effortless, right?” pagmamalaking sabi ni Oreon.






“Wow! Lakas! Ayaw magpa humble?” pang-aasar ko.






“Lakas maka- Lady Gaga ah. Born this way lang ang peg?!” sabi naman ni Pat.






“Huwag na kayong kumontra. Aminin nyo nalang kasi na talented kami.” sabi naman ni Phytos.






At nagkatawanan naman kami. Hindi naman sila mayabang noh?







“Ah, Princess. Sabay na tayo mag lunch. My treat” sabi ni Prince.





Kahit hindi ko na tingnan, alam ko na nakasimangot na naman si Kaizer. Ganun naman kasi siya tuwing nasa paligid at malapit sa akin si Prince.







“Huwag na, Prince. Libre naman kasi ako sa pagkain dito eh” sabi ko.







“I know. But I want to. Friends na tayo, 'di ba? Sige na Princess.” pangungulit nito.






“Ang kulit mo talaga. Sige na nga!” sabi ko na lang, parang ayaw patalo eh.





“Eh paano naman kami?” tanong ni Kaizer.





“Huh? Pati ba naman kayo magpapalibre pa?” takang tanong ko.




Mayayaman at mapepera naman sila. Bakit kailangan pang magpalibre?





“It’s okay, Princess. No problem” sabi ni Prince.





“Yun naman pala eh! Tayo na at gutom narin ako.” sabi naman ni Oreon.






Kanya-kanya na kaming tayo para lumabas.





“Ah. Excuse me, guys! I have an announcement to make!!” sigaw ni Kaizer na siyang nagpatigil sa amin sa paglakad, pati na din sa iba pang naroroon.




Nakatingin lang kami sa kanya  at naghihintay kung ano ang sasabihin niya.





“Let’s all take a break together!. At libre daw ni Prince!” dagdag pa niya.



Listen To Your Heart (COMPLETED)Where stories live. Discover now