Seducing That Half Girl (COMP...

Від vyouutiiiful

31.6K 1.3K 10

FOUR - U N E D I T E D - - C O M P L E T E D - Si Mikyla Anica ay isang tomboy. Ayaw niya sa mga pangbabaeng... Більше

DISCLAIMER
BLURB
PROLOGUE
CHAPTER 01
CHAPTER 02
CHAPTER 03
CHAPTER 04
CHAPTER 05
CHAPTER 06
CHAPTER 07
CHAPTER 08
CHAPTER 09
CHAPTER 10
CHAPTER 11
CHAPTER 12
CHAPTER 13
CHAPTER 14
CHAPTER 15
CHAPTER 16
CHAPTER 17
CHAPTER 18
CHAPTER 19
CHAPTER 20
CHAPTER 21
CHAPTER 22
CHAPTER 23
CHAPTER 24
CHAPTER 25
CHAPTER 26
CHAPTER 27
CHAPTER 28
CHAPTER 29
CHAPTER 30
CHAPTER 31
CHAPTER 32
CHAPTER 33
CHAPTER 34
CHAPTER 36
CHAPTER 37
CHAPTER 38
CHAPTER 39
CHAPTER 40
CHAPTER 41
CHAPTER 42
CHAPTER 43
CHAPTER 44
CHAPTER 45
EPILOGUE

CHAPTER 35

285 20 0
Від vyouutiiiful

CHAPTER 35

Tapos na ang isang buwan niya. Nandito na siyang muli sa factory. Na miss niyang kasama ang kaniyang mga kaibigan.

"Long time no see, Nico," iyon kaagad ang bungad sa kaniya ng boss nila na may malaking ngiti. Siyang-siya huh.

"Long time no see rin po boss," bati naman niya dito.

Isang buwan lang siyang nawala pero ang laki na ng pinagbago ng factory. Mukhang maayos ang naging trabaho ng kaniyang mga kaibigan dito. Mabuti at hindi sila naging sakit sa ulo ng kanilang boss.

Ang swerte niya sa kanila dahil noong una ay tinutulungan lang siya ng mga ito pero habang tumatagal ay napapamahal na ang mga ito sa kanilang trabaho.

"Miss ko ng makipagsuntukan," natatawa na sabi ni Empong habang nasa kubo sila na nagmemeryenda.

"Maghanap kana ng kanugbugan mo. Nagbabagong buhay na kami pero kung may gusto naman na makipagbugbugan sa atin why not diba pero dapat hindi na kasama si master. May magagalit na e," sinamaan niya lang ng tingin si Douglas.

"Patingin nga ng mga videos mo sa probinsiya na pinuntahan niyo master, alam ko na mayroon ka diyan sa cellphone mo na itinatago kasi iinggitin mo kami. Tama ako 'no?" natawa naman siya sa sinabing 'yon ni Berting.

"Sa susunod nalang pa lowbat na itong cellphone ko e," sabi niya dito pero kahit hindi naman.

Kailangan niya munang i-private 'yong mga picture nila ni Fredrick doon. Ayaw nga niyang ipakita 'yon dahil grabeng panunukso na naman ang matatanggap niya sa mga ito.

"Sus! May tinatago ka diyan 'no master? Ikaw huh, nakabakasyon ka lang sa isang probinsiya e." Inirapan niya lang si Douglas.

"Master may ibabalita kami sa 'yo. Isa sa kaibigan natin ay ikakasal na next month," napaawang ang kaniyang bibig sa sinabing 'yon ni Berting. Nagulat siya.

Sino kaya sa kanila?

"Sino? Totoo ba 'yan?" tumango-tango sila sa kaniyang tanong.

"Oo master kaya pala noong nagbakasyon ka ay nagbakasyon din siya. Niligawan niya pala 'yong magulang ng babae para payagan siya na pakasalan ito."

Mas lalo siyang nagulat doon.  Hindi siya makapaniwala na gagawin iyon ng isa nilang kaibigan. Alam niya na mababait naman ang mga ito pero hindi niya lang naiisip na darating sila sa gano'n, 'yong liligawan mo ang magulang ng babaeng napupusuan mo.

"Mag-aasawa na si Dante master at alam mo ba, sinabi niya sa amin na ikaw ang maid of honor tapos ang bunso niyang kapatid ang best man," gago!

Bakit siya pa ang kinuha?

"Seryoso ba 'yan? Baka naman nagbibiro lang kayo diyan," sabi niya pero umiling lang ang kaniyang mga kaibigan.

"Totoo ito master kahit tanungin mo pa siya. Wala kasing kapatid na babae ang mapapangasawa niya kaya ikaw nalang ang kinuha tutal kaibigan ka naman niya. Pagbigyan mo na master, ngayon lang nagseryoso ang lalaki na 'yon e. Nagayuma yata kasi tumino."

Kung ano ano talaga ang sinasabi nila. Ano naman ang magiging itsura niya na maid of honor? Magdedress siya? The hell!

Wala bang kaibigan na babae ang mapapangasawa niya? Bakit hindi nalang 'yon ang kunin nila.

"Pwede naman sigurong magback out 'no?" naniniguradong tanong niya pero sabay-sabay silang umiling. Napalupaypay nalang ang kaniyang balikat. Ano na ang gagawin niya ngayon?

Mabubugbog niya talaga ang Dante na 'yan. Kaninis naman eh.

"Huwag kana diyan mainis master. Maganda ka naman kaya tiyak na nababagay ka doon  tapos malay mo diba ikaw na ang susunod na ikakasal," binatukan niya lang si Douglas dahil sa sinabi nito. Pasmado na bibig.

Nang matapos na silang magmeryenda ay nagkaniya-kaniya na sila ng puwesto. Habang nagtatrabaho siya ay pinoproblema niya ang magiging itsura niya sa kasal ni Dante.

Kapag talaga prank lang 'yong sinasabi nila Douglas kanina ay makakatikim ang mga ito sa kaniya. Bwisit!

Dahil nauuhaw siya ay kinailangan niya pang magtungo sa kanilang locker room. Nandoon din kasi ang kanilang mga tubig na libre. Infairness malamig pa 'yon kasi naka-dispenser sila.

Sakto naman na natapos siya sa pag-inom ay narinig niyang tumunog ang kaniyang cellphone. Dali-dali naman niyang tinignan 'yon.

May mensahe galing kay Fredrick.

Fredrick:
Susunduin kita mamaya diyan sa factory Micay ko. May ibibigay ako sa 'yo. See you later mwah!

May kiss emoji pa sa huling text nito. Kakauwi lang ni Fredrick noong nakaraang araw galing sa business trip na sinasabi niya kay manang noong nagpunta sila sa mall.

Si manang ay nasa probinsiya na ulit. Dalawa pa sila ni Fredrick noon na naghatid sa kaniya. Nagtagal pa sila ng isang araw doon habang hinihintay ang nurse na kinuha ni Fredrick.

Umangal pa nga noon si manang pero hindi nagpatinag si Fredrick hanggang sa mapapayag ito.

Anica:
Sige.

Iyon lang ang kaniyang sagot bago ibinalik ang cellphone sa kaniyang bulsa. Bumalik na ulit siya sa kaniyang trabaho pagkatapos.

Minsan ba kapag may manliligaw kayo tapos ano, kapag nasa malayo siyang lugar ay nagagawa niyo bang mag-overthink? Iyong para bang may kikitain siyang babae sa pupuntahan niyang iyon?

Kasi ako hindi HAHAHA.

Hindi niya dapat 'yon maramdaman. Matanda na si Fredrick. Malapit na nga niyang malampasan ang kalindaryo eh kaya bahala ito kapag gumawa siya nh hindi maganda.

Hindi na rin siya bata para pigilan ito sa gusto niyang gawin. Hindi niya ito hihigpitan. Bahala talaga siya kung ano ang gusto niyang gawin. Susuportahan pa niya e kung kinakailangan. Tutulungan niya pa 'yong babae para sagutin si Fredrick kung sakali.

Pero ano kasi, habang iniisip niya 'yon ay nakakaramdam siya ng kakaiba. Normal lang ba 'yon? Wala namang sila diba? Hindi 'yon maaari.

Napapailing nalang siya. Kung ano ano nalang ang kaniyang iniisip.

Nang mag-uwian na sa hapon ay magkakasabay sila ng kaniyang mga kaibigan na naglakad. Nakatanggap ulit siya ng mensahe kay Fredrick na nasa harap na raw ito.

Sasabihin niya kaya dito na magiging maid of honor siya sa kasal ng isa niyang kaibigan pero tsaka nalang. Huwag muna ngayon.

At hayun nga nakita na niya ang red wrangler jeep nito. Ang porma ng kaniyang sasakyan. Kapag talaga yumaman siya ganiyan din ang bibilhin niya. Magkarera sila ni Fredrick chos.

"Naks may sundo huh," panunukso sa kaniya ng mga kaibigan niya ng makita siya ng  mga ito na huminto sa may tapat ng sasakyan.

"Umuwi nga kayo," asar niyang sabi sa mga ito. Tumatawa naman na lumalayo sa kaniya ang mga kaibigan niya.

"Ingat master!" Iyon na ang huli niyang narinig sa mga ito dahil nakalayo na sila.

Tsaka lang naman bumaba si Fredrick sa sasakyan nito ng wala na ang kaniyang mga kaibigan. Pinagbuksan siya nito.

"How's your work?" tanong kaagad ni Fredrick nang makapwesto na sila ng upuan.

"Ayos lang naman. Nakakapagod pero alam ko na mas pagod ka so, kumusta naman ang trabaho mo?"

Mukha namang kinilig si Fredrick sa kaniyang tanong dahil namumula ang tainga nito. Nagtatanong lang naman ako.

"Ahm ayos lang naman ako. Nawala na ang pagod ko kasi, kasi nandito kana sa tabi ko." Sus! Ang corny naman ng lalaki na 'to.

"Ano pala 'yong ibibigay mo?" tanong niya dito para maiba na ang usapan. Nagihing corny kasi ang isang 'to.

"Mamaya na. Gusto ko na kumain muna tayo bago ko ibigay iyon." Tumango naman siya dito bilang sagot.

Nagsimula ng paandarin ni Fredrick ang sasakyan nito. Ano kaya ang pakiramdam na siya rin ang nagmamaneho dito sa sasakyan ni Fredrick? Ang astig siguro kapag gano'n 'no? Kapag may pupuntahan sila ni Fredrick ay siya ang hahayaan nitong magmaneho sa sasakyan niya.

Ipapaubaya nito sa kaniya ang sarili niyang sasakyan. Shesh!

"Alam mo, bet ko 'tong sasakyan mo. Kapag ako ay yumaman gan'to ang bibilhin ko," manghang-mangha niyang sabi kay Fredrick.

Diba iniisip niya lang 'yon kanina tapos ngayon ay nasasabi na niya kay Fredrick. Hindi rin talaga naiiwasan ang bibig na magsalita ano?

"Wow! Talaga?" Mangha naman na tanong sa kaniya ni Fredrick. Mukhang sa boses panito ay hindi makapaniwala.

"Oo nga pero dahil hindi pa ako mayaman ngayon  ay ipagpapaliban ko nalang muna 'yan. Tsaka na kapag nakapagtapos na ng pag-aaral ang aking dalawang kapatid at isa pa ay ano," mukhang nahihiya na siyang sabihin iyon. Baka tawanan lang siya ni Fredrick.

"Ang isa pa ay ano?" interesado na tanong ni Fredrick sa kaniya.

Bahala na. Hindi naman niya 'yon ikakamatay kapag sinabi niya.

"Hindi ako marunong magmaneho kaya masasayang lang kapag bumili ako balang araw," nahihiya niyang sabi dito.

Bahagya naman na natawa si Fredrick. Sabi kona e na tatawanan lang ako nito. Napanguso nalang siya.

"Bakit mo pinoproblema 'yan? Kung gusto mong matuto na magmaneho e di mag-aral ka. May kilala ako na pwedeng tumulong sa 'yo na magmaneho at tiyak na mabilis kang matuto dito. At hindi lang 'yon dahil libre pa, walang bayad hindi kana magagastusan. Oh diba?"

Wow! Gusto niya 'yon. Sino kaya siya? Baka kaibigan ni Fredrick? Siguro?

"Sino naman siya? Mahirap na trabaho 'yan kaya bakit naman libre? Nagsisinungaling kalang yata e," sabi niya dito. Malay mo nagsisinungaling lang ito.

"Hindi ah kasi ako naman ang taong 'yon," nanlaki ang kaniyang mata.

Si Fredrick? Willing talaga itong turuan siya na magmaneho? Talaga lang huh?

"Sigurado ka ba? Eh baka mahirapan ka lang na turuan ako 'no baka madisgrasya pa tayo," kinakabahan na sabi niya dito.

Ayos lang naman na siya lang ang mapahamak pero kung kasali doon si Fredrick ay hindi siya makakapayag. Tuturuan na nga siya tapos ipapahamak niya pa.

"Ako ang bahala sa 'yo. Gusto mo ba na ngayon ay magkaka-jeep wrangler kana? Bibili na tayo kung gusto mo," sabi ni Fredrick sa kaniya na mas lalong nagpanganga sa kaniya.

Ano na naman ang balak nito? Ibibilhan siya ng jeep wrangler? Naku huwag na. Ako nalang ang bibili kapag nagkapera na siya ng marami.

"Kung ano man 'yang binabalak o iniisip mo Fredrick, please lang huwag mo na ituloy." Natawa lang ang loko sa kaniyang sinabi.

Dumiretso sila sa isang food court. Pansin niya ay hindi na siya dinadala ni Fredrick sa mga mamahalin na kainan siguro ramdam niya na naiilang ako doon.

Kaagad naman niyang sinabi kung ano ang gusto niyang ulam kay Fredrick. Tiyak na mabubusog siya dito kaya hindi na siya kakain mamaya sa kanilang bahay. Balak niyang bilhan ng pagkain ang mga nasa bahay para naman maiba ang kanilang ulam.

"Gusto mo ng malaman kung ano ang ibibigay ko?" tumango siya kay Fredrick.

Dahan-dahan na inilapag ni Fredrick ang isang paper bag.

"Ano 'yan?" Nagtataka niyang tanong dito. Ngayon niya lang napansin na may bitbit pala kaninang paper bag ang lalaki.

"Buksan mo," nangingiting sabi sa kaniya ng lalaki.

Kunot-noo naman na binuksan niya ang paper bag. Napatakip siya sa kaniyang bibig nang makita niya kung ano ang laman ng paper bag.

"Gago! Bakit ang dami?" mapapamura ka nalang kapag nakita mo kung ano ang laman niyon.

Kalahating milyon na pera? Jusko! Saan niya 'yon gagamitin?

"Iyong suweldo mo 'yan sa akin. Diba nangako ako sa 'yo noong bago palang kita dalhin sa probinsiya na ako ang magbibigay ng suweldo mo sa isang buwan?"

Pero masyadong malaki ito sa isanh buwan na suweldo niya kahit sinabi pa niya noon na triple ang gagawin niya sa suweldo niya para lang sumama siya. Gago! 500k talaga?

"Hindi maaari, ibabalik ko itong iba sa 'yo. Masyadong malaking halaga ito. Ano nalang ang sasabihin ng magulang mo kapag nalaman nila ito huh?"

Iniisip niya palang na malalaman ito ng magulang nila Fredrick ay kinakabahan na siya. Imbes na mababait ang mga ito sa kaniya ay bigla nalang 'yon magbago.

"Sa pera ko naman 'yan nanggaling kaya ayos lang. Hindi naman magagalit sila mommy kasi pera ko naman 'yan. Gusto mo dagdagan pa natin? Diba gusto mo na magkapera ng malaki para makabili ng jeep wrangler? Oh ito, papayamanin na kita ngayon," seryoso na sabi ni Fredrick.

Seriously? Gagawin niya iyon? Kapag talaga ipinagkumpara ang buhay nila ni Fredrick ay ang layo layo talaga ng kanilang agwat.

Papayamanin? Ayaw nga niya, gusto niya na paghirapan iyon para yumaman siya.

"Sabi mo malaki iyan na halaga diba? Ilagay nalang natin sa bangko ang iba tapos ang iba ay gagamitin niyo sa pang-araw-araw ninyong gastusin. Kahit diyan kana kumuha para sa mga gastusin ng mga kapatid mo sa university nila. Kapag may gusto kang bilhin para sa sarili mo ay kumuha ka lang diyan."

Bwisit! Deserve niya ba talaga itong lalaki na 'to? Kung i-compute niya lahat ng mga perang nagastos nito mula umpisa ay aabot na ito sa milyon jusko!

"Huwag ka ng umangal. Hindi naman ako mamumulubi kapag bigyan kita ng maraming pera. Kung sa 'yo ay malaking halaga na 'yan pero sa akin ay hindi."

Wala na speechless na siya. Ano ba ang nagawa niyang kabutihan sa past life niya para bigyan siya ng lalaking ganiyan? Puro nga siya kalokohan e. Pasaway siya. Matigas ang ulo niya. Kaya bakit binigyan siya ng panginoon ng ganiyan na lalaki?

"Gusto mo ba na magpagawa ng bahay? Tutulungan kita? Ipapaayos natin iyong bahay ninyo para tuwing may mga sakuna na dumadating sa ating lugar ay wala kang poproblemahin? Sabihin mo lang kung gusto mo para ngayon ay magpabili na ako sa mgs tauhan ko ng mga kakailanganin sa bahay ninyo."

Hindi pa nga niya nasasagot 'yong una kanina pero ngayon dinagdagan na naman niya. Kung nasa gitna siya ng exam ngayon ay zero na siya.

"Fredrick tama kana. Sobra-sobra na 'yan e. Pwede ba na dahan-dahanin mo muna hindi 'yong binibigla mo ako. Hindi pa nga ako maka-move on diyan sa 500k na nasa paper bag tapo dadagdagan mo na naman? Hindi. Hindi ko sasabihin kung gusto ko bang magpagawa ng bahay dahil baka pagdating ko sa bahay ay inuumpisahan ng gawin iyon."

Nakakatakot naman na sabihan itong lalaki na 'to. Baka kung sabihin din niya na gusto niya ng isla ay bibili talaga.

Bago sila umuwi ay nagtungo sila sa isang bangko. Iniwan nila doon ang 300k tapos 'yong 200k ay ipinauwi ni Fredrick para raw may gagamitin siya. Ilagay nalang daw niya sa safe na lalagyan para hindi mawala. Ayaw niya talagang kunin iyon. Gusto niyang ibalik 'yong iba pero ayaw nitong kunin para daw talaga iyon sa kaniya.

Sa kaniya nakapangalan iyong pera na nasa bangko para daw kapag may emergency ay makukuha niya iyon.

"Salamat Fredrick. Malaking tulong na sa amin ang pera na ito," hinawakan lanh ni Fredrick ang ulo niya at ginulo ang kaniyang buhok.

"Walang anuman. Maliit na bagay lang 'yan. Sige na pasok kana sa loob bago ako umalis," muli siyang nagpasalamat kay Fredrick bago siya lumabas sa sasakyan nito.

Narinig naman niya ang pag-andar ng sasakyan nito ng makapasok na siya. Pumasok siya sa loob na bitbit ang mga pagkain at ang pera. Paano niya ipapaliwanag sa kaniyang magulang kapag tinanong nila iyong pera na dala-dala niya?

Siguro hindi nalang niya muna ito ipapakita sa kaniyang magulang. Hindi rin din muna niya sasabihin na may pera pa sa bangko na nakapangalan sa kaniya.

Mabibigla lang sila kapag sinabi na niya iyon kaagad. Alam nila na si Fredrick ang magbibigay ng suweldo niya sa isang buwan pero hindi nila alam kung gaano kalaki iyong ibibigay ni Fredrick.

"Magandang gabi nay, tay," bati niya sa kaniyang magulang ng maabutan niya ang mga ito sa kusina.

Magsasaing palang ng bigas ang kaniyang nanay.

"Magandang gabi rin sa 'yo anak. Bakit ginabi ka? May pinuntahan ba kayo ng iyong mga kaibigan?"

"Hindi nay, si Fredrick po ang kasama ko kanina. Kumain po kami sa labas," tumango naman sa kaniya ang dalawang matanda."Hindi niyo na po poproblemahin ang ulam nay, may binili na po ako."

Mukhang naginhawaan naman ang kaniyang nanay sa kaniyang sinabi.

"Hayst mabuti nalang anak. Pinoproblema ko nga kanina kung ano ang uulamin natin ngayon," problemado na sabi ng kaniyang ina.

"Babalik na pala kami sa palengke bukas anak. Nagtungo kami kanina doon ng inyong ama para tignan ang puwesto natin, maayos pa naman doon pero kailangan lang ng kaunting linis."

Maghahanap nalang siya ng tao na maglilinis doon baka pati tatay niya ay makikipaglinis rin.

Sinabi niya sa kaniyang magulang kung ano ang kaniyang balak. Pumayag naman ang mga ito at hindi na sila umangal pa.

Talagang hindi niya pa sinabi ang tungkol sa pera tsaka nalang.

Tuwang-tuwa ang dalawa niyang kapatid ng makita ang mga ulam na binili niya. Paborito kasi nila ang iba doon.

Masaya naman siya na kaunting effort lang 'yon ay napasaya niya ang mga ito.









A/N: Sana nagustuhan ninyo. Salamat sa pagbabasa VYBEES ko! Ay-ayaten kayu amin mwah!

Продовжити читання

Вам також сподобається

137K 2.2K 43
What happens when the mafia king falls for the not so innocent neurosurgeon
1K 74 6
What would happen if Feyre didn't kill Andras? What would have happened if she never went across the wall to Prythian? What if Amarantha was defeated...
38.9K 1.3K 22
~*COMPLETE*~ So what happens when you work as a VIP guide and are scheduled to take the entire Evans family around the park for a week? Constantly f...
243K 3.9K 70
WARNING - story contains discipline by parents to children The WWE may be filled with wrestlers, but they're truly a tight knit family. They stand b...