Seducing That Half Girl (COMP...

By vyouutiiiful

31.7K 1.3K 10

FOUR - U N E D I T E D - - C O M P L E T E D - Si Mikyla Anica ay isang tomboy. Ayaw niya sa mga pangbabaeng... More

DISCLAIMER
BLURB
PROLOGUE
CHAPTER 01
CHAPTER 02
CHAPTER 03
CHAPTER 04
CHAPTER 05
CHAPTER 06
CHAPTER 07
CHAPTER 08
CHAPTER 09
CHAPTER 10
CHAPTER 11
CHAPTER 12
CHAPTER 13
CHAPTER 14
CHAPTER 15
CHAPTER 16
CHAPTER 17
CHAPTER 18
CHAPTER 19
CHAPTER 20
CHAPTER 21
CHAPTER 22
CHAPTER 23
CHAPTER 24
CHAPTER 25
CHAPTER 26
CHAPTER 27
CHAPTER 28
CHAPTER 29
CHAPTER 30
CHAPTER 31
CHAPTER 32
CHAPTER 33
CHAPTER 35
CHAPTER 36
CHAPTER 37
CHAPTER 38
CHAPTER 39
CHAPTER 40
CHAPTER 41
CHAPTER 42
CHAPTER 43
CHAPTER 44
CHAPTER 45
EPILOGUE

CHAPTER 34

263 18 0
By vyouutiiiful

CHAPTER 34

Pagkatapos nilang manood sa cine ay naglibot-libot ulit sila. Gusto nga na ipagshopping sila ni Fredrick pero tumanggi sila ni manang. 

"Nay may gusto ka ba na puntahan?"

"Wala na anak, uwi na tayo? Pagod na ang paa ko," napakamot sa ulo si Fredrick dahil sa sinabing 'yon ni manang.

Dahil gusto na ni manang na umuwi kami ay lumabas na sila sa mall. Bumili lang si Fredrick ng milk tea para raw sa bunso nila pati nga siya ay binilhan niya at sila Melanie pa.

Pagabi na noong makalabas sila ng mall. Nakabukas na ang ilaw sa mga daan. Mabuti nalang at may jacket na sila ni manang dahil pati sa labas ay malamig na.

Pinagalitan pa nga niya si Fredrick kanina dahil silang dalawa lang ni manang ang may jacket samantalang ito ay wala.

"Uy gusto ko 'yon oh," turo niya kay Fredrick sa mga street foods na madadaanan nila.

Dali-dali siya na lumabas sa sasakyan nang maka-parking na si Fredrick. Narinig niya pa ang pagtawa ni manang pero hindi na niya iyon pinansin.

Kahit hawak-hawak niya ang tatlong milk tea ay hindi na niya 'yon pinansin. Miss na niya na kumain ng street food e bat ba.

"Akin na 'yang milk tea baka matapon," sabi ni Fredrick sa kaniya ng makalapot ito sa kaniya.

Mukhang takot ito na matapon iyon kaya ibinigay niya dito ang milk tea.

"Anong sa 'yo? Libre ko," ang lakas niyang sabihin na libre niya pero kaunti lang 'yong pera na dala niya.

"Ahm I want that orange ball with itlog pugo. Kwek-kwek tama ba?" tumango siya rito. Gusto sana niyang tumawa pero hindi nalang niya ginawa.

"Bakit hindi sumama si manang?" tanong niya kay Fredrick habang nakaupo na sila sa mono block.

"Bilhan nalang daw natin siya, pagod na yata talaga siya," tumango naman siya dito.

"Kuha ka pa doon kung may gusto ka pang kainin," sabi niya dito dahil kwek-kwek palang ang kinakain nito.

"Masarap ba 'yang head ng chicken?" tanong ni Fredrick sa kaniya ng makita siya nitong kagat-kagat ang ulo ng manok.

"Oo naman lalo na kung ang sawsawan mo ay suka na may maraming sili," napapangiwi naman ang lalaki sa sinabi niya.

"Can I try pero walang sili 'yong sauce niya?" tumango naman siya dito at humingi kay manong naglalako ng suka na walang sili.

Pinapanood naman niya si Fredrick kung paano niya kainin ang ulo ng manok. Inisa-isa pa niya talaga na tanggalin ang buto buto sa ulo nito e malambot naman iyon.  Masarap kaya iyon.

Gusto niya sanang suwayin si Fredrick dahil doon pero hindi nalang niya ginawa. Baka ayaw niya lang talaga na kainin iyon pero ano kasi, sayang 'yon. Dagdag pa 'yon sa sarap at lasa e.

"Ano masarap?" hindi niya mapigilang itanong ito kay Fredrick nang matapos na niyang kainin ang ulo ng manok.

"Oo, can I have more?" masaya naman siyang tumango-tango bago kumuha ulit ng ulo. Kumuha na rin siya ng isaw ng manok. Tsaka iyong betamax.

Kaagad siyang lumapit kay Fredrick ng makuha niya lahat iyon.

"Dugo 'yan diba? Pahingi ako tapos iyang isaw na rin ng manok," nilagyan niya naman ng gano'n ang bowl na hawak-hawak ni Fredrick.

Na-enjoy niya ang pagkain ng isaw kasama si Fredrick. Binilhan din nila si manang pero kaunti lang dahil iyon ang gusto ni Fredrick. Inaalala niya talaga ang kalusugan ni manang.

Mabuti nalang at behave ang mga tao kanina na nakakita kay Fredrick. Hindi naman sa lingid ng kaniyang kaalaman pero alam niya na maraming nagkakagusto sa anak nila mayor. Siguro kaya behave sila ay alam din nila ang ibig sabihin ng privacy. 

Kahit nga sa mall kanina ay hanggang tingin nalang ang iba kay Fredrick kanina. Kailan kaya magpapakilala ang tatlo sa maraming tao? Mas lalo sigurong magkakagulo ang mga kababaihan kapag nagkataon. Tatlo pa naman na gwapo ang anak nila mayor at triplets pa pero mas gwapo pa rin si Fredrick para sa kaniya.

Si RJ mukhang hindi naman babae ang tipo nito. Kapag titigan mo talaga ito at hindi ka matatakot sa kaniyang tingin ay makikita mo talaga kung gaano kalambot ang kaniyang galawan. Kaya siguro tahimik lang ito para hindi makahalata ang ibang tao na nasa kaniyang paligid pero siya kahit ilang beses niya palang ito nakita ay alam na niya na may kakaiba sa kilos nito.

Iyong milktea ay wala na, tunaw na tunaw na. 

Inihatid na siya ni Fredrick sa kanilang bahay kasama pa nila si manang.

"Iyan po ang bahay namin manang," turo niya sa bahay na nasa harapan nila ngayon.

"Maganda naman hija tapos simple lang," tumango-tango siya sa sinabi ni manang.

Gusto sana niyang ipakilala si manang kila nanay pero pagod na kasi ito. May susunod pa naman kapag hindi na pagod si manang.

Nagpaalam na ang dalawa sa kaniya siya naman ay pumasok na sa loob ng kanilang bahay. Naabutan niya doon na nakalapag na ang mga pagkain sa lamesa.

"Wala pa ba sila Meredith nay?" tanong niya sa ina nito.

"Wala pa anak, maya-maya pa uuwi ang mga 'yon."

Wala na, ang pangit na mamaya ng lasa nitong milktea. Ibinigay nalang niya kila nanay ang kaniyang milk tea. Naghati na sila doon dahil hindi naman puwede sa kanila ang matamis masyado na pagkain.

"Kumusta naman ang lakad ninyo kasama ang yaya ni Fredrick anak?" tanong ng kaniyang nanay habang nakaupo sila sa sala. Hinihintay kasi nila ang dalawa niyang kapatid bago sila kumain tutal hindi pa naman sila nagugutom na tatlo.

"Ayos lang naman po nay, sa mall kami pumunta. Nanood lang po kami ng sine at naglibot-libot. Gusto nga rin ni Fredrick kanina na magshopping kami pero pinigilan namin ni manang."

"Grabe talaga si Fred. Manliligaw mo palang 'yan huh paano nalang kapag naging boyfriend mo na siya anak? Baka minu-minuto ay may ibibigay 'yon sa'yo." Namula naman siya sa sinabing 'yon ng kaniyang ina.

Oo nga 'no paano kaya kapag naging boyfriend na niya ito? Ano pa kaya ang kaya nitong gawin. Baka araw-araw siyang stress kakasita dito na itigil ang kaniyang ginagawa. Hindi naman pwede na palagi siya nitong gagastusan.

Kung sakali man na maging boyfriend na niya ito. Ang gusto niya lang ay maging loyal ito. Kahit wala na ang mga materyal na bagay, ang pagiging tapat lang nito ang kailangan niya.

Gusto niya na kapag may hindi sila pagkakaunawaan ay hindi ito maghahanap ng iba. Diba pwede naman na pag-usapan 'yon ng dalawang magkasintahan para ayusin ang problema hindi 'yong maghahanap ka ng iba para pakalmahin ka.

Kapag ginawa 'yon ni Fredrick ay hindi siya magdadalawang isip na hiwalayan ito. Oh diba advance na siya mag-isip.

"Hindi ka naman ba minamadali ng manliligaw mo anak?"  napatingin siya sa kaniyang tatay nang tanungin niya ito.

Ngumiti muna siya bago ito sinagot, "Huwag kayong mag-alala tay hindi ako minamadali ni Fredrick para sagutin siya."

Ang swerte nga niya e kasi gano'n na lalaki si Fredrick. Hindi ito kagaya ng iba na mamadaliin ka na sagutin at kapag hindi mo 'yon nagawa ay ano, maghahanap sila ng bago kumbaga iyong easy to get.

Kaya nga ang iba na babae na kagaya niya na hindi kaagad sinasagot ang kanilang manliligaw ay hinahangaan niya. Doon kasi na part na 'yon is makikita mo kung talagang seryoso ba sa 'yo 'yong lalaki. Kung magiging worth it ba ang 'YES' na sasabihin mo sa oras na sasagutin mo na siya at kapag naman naghanap ng bago ang manliligaw mo habang nililigawan ka niya ay doon mo na makikita, hindi siya worth it. Hindi worth it ang oo mo para sa kaniya.

Kaya 'yong iba diyan na babae na mahilig sumagot ng lalaking nanliligaw ng mabilisan ay huwag niyong gawin. Please, kilalanin niyo muna ang isa't isa. Tignan niyo kung worth it ba kayo sa isa't isa. Baka nga ika nila na pinagtagpo lang kayo pero hindi itinadhana.

"Mabuti naman kung gano'n pero kapag siya ay naghanap ng bago anak, kung gusto niya ng easy to get ay hayaan mo lang huwag mo siyang pipigilan sa kung ano ang gusto niya. Hayaan mong gawin ang gusto niya dahil hindi naman ikaw ang mawawalan. Marami pa diyan."

Hindi naman siguro gagawin ni Fredrick iyon. Sana. Kasi malapit-lapit na e. Malapit-lapit na niya itong sagutin pero hindi pa ngayon. 

Nang makarating na ang dalawa niyang kapatid ay pinagpahinga nila muna ang mga ito bago sila mag-umpisang kumain.

"Ikaw ba ang bumili nitong milk tea ate?" tanong sa kaniya ni Melanie noong iabot niya ang milk tea dito.

Ibinigay naman na niya kay Meredith ang para sa kaniya. Ininom pa muna ng kapatid niya iyon bago dumiretso sa kanilang kuwarto dahil inaantok na raw ito.

"Hindi bunso, si Kuya FM mo," sagot niya dito.

"Ang bait bait talaga ng ano ko, brother-in-law ko," binatukan naman niya si Melanie dahil sa kaniyang sinabi.

Advance mag-isip baka mamaya maudlot.

"Ate pwede pumasok?" napatingin siya sa pintuan ng kaniyang kuwarto. Nandito na kasi siya.

"Pasok na," sagot niya dito."Anong kailangan mo?"

Masaya kasi ang mukha nito.

"Ate may good news ako," natutuwa na sabi nito sa kaniya bago umupo sa kaniyang kama.

"Ano naman 'yan?" kunot noong tanong nito.

"Ako ang pinakamataas sa drawing," tuwang-tuwa na sabi sa kaniya ng kapatid nito.

"Weh? Baka naman namamalikmata lang doon ang teacher mo?" napanguso naman ang kaniyang kapatid dahil sa sinabi niyang iyon."Joke lang. Sabi ko kasi sa 'yo magaling ka e. Congratulations bunso. Anong gusto mo na regalo?"

Mukhang mas lalo naman na natuwa si Melanie ng tanungin niya ito kung ano ang gusto niyang regalo. Proud na proud talaga siya sa kaniyang dalawang kapatid.

"Naku! Baka hindi mo ako mabibilhan ng regalo kapag sinabi ko sa 'yo ang isa kong balita ngayon ate. Bad pa naman ito sa 'yo," na curious naman siya sinabi ng kapatid niya.

"Ano ba 'yan at alam mo na bad sa akin 'yan?"

Napakamot sa ulo si Melanie. Mukhang takot pa ito na sabihin ang dapat niyang sabihin sa kaniya.

"Eh kasi ate, huwag nalang po yata? Hindi ko nalang po sasabihin baka po magalit ka sa akin hehe," pinandilatan niya ng mata si Melanie dahil sa sagot niyang 'yon.

"Mas lalo kang malilintikan sa akin Melanie kung hindi mo 'yan sa akin sasabihin," malumanay niyang sabi dito pero may diin iyon.

"Ate ano kasi, sige na nga sasabihin ko na," ramdam niya ang kaba sa boses ni Melanie."Ate kanina po kasi habang vacant time namin," tumaas ang isa niyang kilay dahil sa pabitin na sabi ng kapatid niya.

"Oh tapos ano ngayon kung vacant time niyo?" hanggang ngayon ay nakataas pa rin ang isa niyang kilay. Nagmumukha man siyang istrikta na nanay pero wala na siyang pakialam doon.

"May lumapit kasi na ano ate, lalaki sa amin ng mga kasama ko kanina." Isinenyas niya ang isa niyang kamay na ipagpatuloy ang pagsasalita nito.

"Sa akin siya lumapit ate tapos may inabot siyang bulaklak sa akin pero ang bulaklak na 'yon ay ibinigay ko sa kaibigan ko pagkatalikod mo dahil baka kapag inuwi ko 'yon ay magalit ka sa akin. Iyong chocolate lang ang kinuha ko kasi mabubusog pa ako doon."

Mukhang alam na niya kaagad kung ano ang ibig sabihin ng kapatid niya. May balak na manligaw dito.

"So, pumayag ka ba?" mabilis na umiling-iling ang kaniyang kapatid.

"Hindi ate. Sinabi ko sa kaniya na hindi pa ako pwede. Sinabi ko pa sa kaniya na baka mailibing ako ng maaga ng aking ate kapag pumayag akong magpaligaw," natawa siya sa huling sinabi ni Melanie.

"Mabuti naman kung gano'n ang sinabi mo sa kaniya. Ano ang naging sagot niya sa 'yo noong baggitin mo ang katagang ayaw mong magpaligaw?"

"Sabi niya ate na maghihintay siya pero mukhang hindi naman niya gagawin iyon kasi ano e mukha siyang play boy," at ang loko nagawa niya pang tanungin ang kapatid ko kung pwede siyang manligaw e play boy naman.

"Sino ang lalaking 'yan at para mapuntahan ko?" nataranta naman si Melanie dahil sa sinabi niyang iyon. Bakit gusto nga niyang puntahan ang mokong na 'yon.

"Huwag na ate. Baka kung ano pa ang gawin mo sa kaniya. Hindi ko nalang po siya hahayaan na makalapit sa akin kahit ano, sikat siya sa aming university."

Sikat pala huh. Mawawala ang kasikatan ng lalaking 'yon kapag pinuntahan niya sa kanilang university at dahil ayaw naman niyang mapahiya ang kaniyang mga kapatid sa kanilang university ay papalampasin nalang niya ito ngayon.

"Sige na balik kana sa kuwarto niyo basta kapag may nagbalak na naman na ligawan ka ay sabihin mo ulit 'yong sinabi mo kanina na baka ilibing ka ng ate mo ng maaga kapag nagpaligaw ka," natawa lang ang kaniyang kapatid.

"Huwag kang mag-alala ate lagi ko na 'yan na dala-dala. Good night ate, I love you. Huwag mo na po isipin iyong regalo ate, hindi ko po 'yon kailangan. Okay na po sa akin iyong congratulations mo ate," hinalikan muna siya sa pisngi ni Melanie bago ito lumabas sa kaniyang kuwarto.

Pasensya na kung gano'n ako kahigpit sa bunso namin. Ayaw ko lang na masaktan pa ito. Ayaw ko na masaktan siya lalo na at wala pa siyang karanasan sa relasyon relasyon na 'yan. Hindi naman galit sa kaniya ang kaniyang kapatid kapag pinagbabawalan niya itong huwag magpaligaw at huwag munang magboyfriend. Ayos lang 'yon sa kaniyang kapatid.

Gusto niya kasi na kapag nagkaroon na ng unang boyfriend ang kanilang bunso ay hindi ito masasaktan. Dapat kung gaano nila kamahal ang kanilang bunso ay mas higit pa ang pagmamahal na ibibigay ng magiging boyfriend nito.

Gano'n din kay Meredith. Nakikita naman niya sa boyfriend ni Meredith na mahal niya ang kapatid namin. At kung lolokohin man niya si Meredith ay hinding-hindi siya magdadalawang-isip na bawiin ito dito.

Hindi niya pinayagan na magboyfriend ang kaniyang kapatid para lang saktan ito. Kung ang kanilang magulang ay hanggang salita lang ang kaya nilang gawin kapag nagagalit sila puwes siya ay hindi, kahit makipagpatayan pa siya maiganti lang ang kaniyang mahal sa buhay.

Hindi naman siya natatakot mas natatakot siya na masaktan ang kaniyang magulang kaysa masaktan siya. Ayos lang sa kaniya kahit masaktan siya. Sanay na siya doon. Huwag lang talaga ang kaniyang pamilya, mga kaibigan niya at malalapit sa kaniya.









A/N: Sana nagustuhan ninyo. Salamat sa pagbabasa VYBEES ko. Ay-ayaten kayu amin mwah!

Continue Reading

You'll Also Like

20.5K 190 64
~𝐓𝐡𝐢𝐬 𝐛𝐨𝐨𝐤 𝐢𝐬 𝐚 𝐦𝐢𝐱𝐭𝐮𝐫𝐞 𝐨𝐟 𝐢𝐧𝐪𝐮𝐢𝐬𝐢𝐭𝐨𝐫𝐦𝐚𝐬𝐭𝐞𝐫 𝐬𝐡𝐢𝐩𝐬 𝐚𝐧𝐝 𝐢𝐧𝐪𝐮𝐢𝐬𝐢𝐭𝐨𝐫𝐦𝐚𝐬𝐭𝐞𝐫 𝐫𝐚𝐫𝐞𝐬 𝐩𝐚𝐢�...
739K 36.6K 102
An Jin, who possessed water system powers, transmigrated into a different star and became a mermaid that was being auctioned. The mermaids of Soo S...
706K 26.3K 86
GHU college Her innocence is causing her into so much trouble. And she Met a group of guys and one of those guys is her Brother that hated her in...
1K 74 6
What would happen if Feyre didn't kill Andras? What would have happened if she never went across the wall to Prythian? What if Amarantha was defeated...