Follow Your Heartbeat (Comple...

بواسطة mryosow

9.4K 875 165

Paano kung mapunta ka sa isang sitwasyong kailangan mong mamili sa dalawang taong importante sa'yo at ayaw mo... المزيد

Author's Note
CHAPTER 1
CHAPTER 2
CHAPTER 3
CHAPTER 4
CHAPTER 5
CHAPTER 6
CHAPTER 7
CHAPTER 8
CHAPTER 9
CHAPTER 10
CHAPTER 11
CHAPTER 12
CHAPTER 13
CHAPTER 14
CHAPTER 15
CHAPTER 16
CHAPTER 17
CHAPTER 18
CHAPTER 19
CHAPTER 20
CHAPTER 21
CHAPTER 22
CHAPTER 23
CHAPTER 24
CHAPTER 25
CHAPTER 26
CHAPTER 27
CHAPTER 28
CHAPTER 29
CHAPTER 30
CHAPTER 31
CHAPTER 32
CHAPTER 33
CHAPTER 34
CHAPTER 35
CHAPTER 36
CHAPTER 37
CHAPTER 38
CHAPTER 39
CHAPTER 41
CHAPTER 42
CHAPTER 43
CHAPTER 44
CHAPTER 45
CHAPTER 46
CHAPTER 47
CHAPTER 48
CHAPTER 49
CHAPTER 50
CHAPTER 51
CHAPTER 52
CHAPTER 53
CHAPTER 54
CHAPTER 55
CHAPTER 56
CHAPTER 57
EPILOGUE
Author's Note

CHAPTER 40

129 12 4
بواسطة mryosow

Day off ko ngayon kaya narito ako kila Hera. Kakahatid ko lang kay Scarlet dahil nauna pumasok si Lucas. Maaga kasi sched niya ngayon kaya hindi niya naisasabay si Scarlet ng ganitong oras. Si Yasmin ay nandito rin at parehas kami hindi mapakali.



"Sophia umupo ka nga, ako ang nahihilo sa'yo eh" saad ni Hera.

"Yasmin yung heels mo ang ingay" puna ni Hera kay Yasmin.


Parehas kasi namin hinihintay ang phone ko na mag notif. Nag send kasi kami ni Yasmin ng message kay Dyn. Si Yasmin ang may pakana ng lahat. Gusto niyang makipag kita ako kay Dyn. Wala rin naman akong choice kasi agree silang lahat. Nandito rin sila Marco at sila Cairo. Medyo nakakausap ko naman sila pero nandon pa rin yung awkwardness dahil alam ko na may kasalanan ako sa kaibigan nila.



Lahat kami ay napatayo nang may tumawag sa phone ko. Tinignan ko ang caller at unregistered number ito. Kinuha ni Yasmin ang phone ko at sinagot ang tawag. Niloudspeak niya ito at itinapat sa akin ang mic para makausap ko ang caller.



"Hello?" saad ko.

"Ma'am pizza delivery po. Narito po ako sa labas" saad ng lalaki.



Lahat kami ay napasimangot at inutusan ni Yasmin si Brylle na lumabas para kunin ang pizza na inorder ko kanina para sa amin. Ilang oras na kami naghihintay sa message ni Dyn kaya napag isipan namin na manood muna.



Umakyat kami sa mini theater dito sa bahay ni Hera. Maraming nabago rito. Nadagdagan ng iilang palapag at yung room na pinag stayhan namin noon ay naging mini movie theater.



Pinatay ni Marco ang ilaw at sinindi ang LED lights. Namili kami ng panonoorin at ang naisipan namin ay romace. Kanya-kanya kaming nagsi kuha ng pagkain at umupo. Nakatutok lang kaming lahat sa pinapanood samantala habang sila Hera ay pansin kong gumagawa ng kababalaghan. Katabi niya si Marco samantala si Yasmin ay naka sandal kay Cairo. Ako ay nakapuwesto naman sa dulo.



Nawala ang focus ko sa panonood nang tumunog ang phone ko. Hindi ata nila napansin ang pagtunog ng phone ko dahil busy sila masyado sa pinapanood. Kumagat ako sa pizza bago binuksan ang notification sa phone ko. Pag open ko ay bumungad sa akin sa akin ang message ni Dyn.



"Hello Dr. Smith, good afternoon! May problema po ba?" tanong nito.



Muli ko ibinaling ang tingin ko sa mga kasama ko at mukhang hindi talaga nila napansin ang pag notif ng phone ko. Hinayaan ko na lang sila at tinitigan ang message ni Dyn. Ano ba naman 'to. Tinatanong ko nga kung pwede ba kami magkita tapos irereply niya sa akin "may problema po ba?"



Nag type ako sa phone ko at tinanong kung free ba siya ngayon. Hininaan ko ang volume ng phone ko at hinintay ang reply ni Dyn. Muling umilaw ang phone ko at binasa ang reply nito sa akin.



"Yes po, free ako today. Why?" saad nito mula sa text.

"Pwede ka ba mameet personally?" tanong ko. Mabilis naman na nag reply si Dyn kaya nireplyan ko rin agad ito.

"Sure. What time po ba?" tanong nito. Napatitig ako sa orasan at 12:37pm na.

"6:00pm" saad ko.

"Alright!" reply nito.



Ilang minuto akong napatitig sa phone at nag isip kung ano pa ang pwede kong sabihin. Hindi ko alam pero kinakabahan ako sa bawat send ko ng reply sa kanya. Baka mamaya isipin niya interesado ako sa kanya which is true naman. Ayaw ko lang na malaman niya at isipin niya masyado.




"btw, how are you feeling today?" tanong ko.

"Not yet fully recovered but mas naging better compare nakaraan" reply nito.

"Glad to hear" saad ko.

"What about you?" reply nito.

"Wdym?" tanong ko.

"I know na hindi okay yung nangyari nung nakaraan. Next time mag iingat ka" saad nito.

"Thank you but I'm fine I guess" saad ko.

"Good" reply nito. Hindi ko alam pero iba ang pakiramdam ko ngayon na kausap ko si Dyn. What if tama kami ni Yasmin? Paano kung--

"Hoy Sophia anong nginingiti-ngiti mo diyan" saad ni Cairo dahilan para maputol ang pag iisip ko. Napairap ako dahil sa pagkaepal nito. Lahat sila ay lumingon sa akin at dali-dali namang inagaw ni Hera ang phone ko pero inagaw ko rin 'yon pabalik.

"Hahawak ka kay Marco nang hindi naghuhugas after mag ano, tapos hahawakan mo phone ko" pang aasar ko dahilan para mag iwas ito ng tingin.

"Anong ano?" tanong ni Brylle.

"Yung ano sa ano ba yon Sophia?" paniniguro ni Cairo kaya tumango ako.

"Ah yung ano. Nag dukutuan" saad ni Brylle samantala si Yasmin ay kunot noong akatingin sa amin.

"Ina-outcast niyo ako ha" saad ni Yasmin at walang pasabi na inagaw ang phone ko.



Nag kumpulan silang lahat at binasa ang naging usapan namin ni Dyn. Samo't saring pang aasar ang ginawad nila sa akin at pinuna rin nila ang replies ni Dyn. Halos parehas daw sila ni Henrich ng typings. Inagaw ko sa kanila ang phone ko at isinuksok sa bulsa ko.



Hindi sila against sa pagkikita na magaganap sa amin ni Dyn. Kahit alam nila na kaibigan nila si Henrich at maling nagkaka interes ako sa iba ay ayos lang sa kanila. Ang rason nila ay dahil ito rin ang ginusto ni Henrich. Ang hanapin kung kanino man mapadpad ang puso niya. Sinabi niya mismo sa harap ng mga kaibigan niya na iiwanan niya ang puso niya para sa akin na kung sakali man daw na bumalik ako ay meron akong mababalikan.



Mabilis na lumipas ang oras at naghahanda na ako para sa pagkikita namin ni Dyn. Hindi ko alam kung ano ang idadahilan ko sa kanya kung bakit ako makikipag kita sa kanya. Nag message ako sa kanya kung saan kami magkikita. I sounded like I ask him for a date pero wala akong choice dahil si Yasmin mismo ang nag message unang-una na magkikita kami.



Nagpaalam na ako kila Hera at ganon din sila. May pagoodluck pa nga sila at sana raw worth it lahat ng ginagawa namin. Nag ayos ako saglit at chineck kung hindi ba cakey ang make up ko. Nakakahiya naman kasi kung haharap ako sa kanya nang hindi kaaya-aya ang hitsura ko.



Nagsimula akong buhayin ang makina ng sasakyan at pinatakbo ng mabilis. Hindi ko rin alam kung bakit na excite ako. Basta ang alam ko kailangan ko lang maconfirm kung tama ba ang iniisip namin.



Ilang minuto lang ang ginugol ko sa biyahe ay nakarating na rin ako sa restaurant na pagkikitaan namin ni Dyn. Pag pasok ko sa loob ay hinanap ng mata ko si Dyn. Natanaw ko siya sa dulo ng restaurant at kumaway ito sa akin na may ngiti sa labi. Biglang sumagi sa ala-ala ko na ganyan din si Henrich noon. Winaksi ko sa isipan ko 'yon at ngumiti saka lumapit kay Dyn.



"Hi" saad nito at inalalayan ako makaupo.

"Thanks" saad ko.



Tahimik kaming dalawa nang umorder ng makakain. After ay pasimpleng higop lang ako sa tubig ko. Hindi ko alam kung paano mag start ng conversation dahil unang-una ay biglaan lang ang pag aaya sa kanya na mag meet kami.



"May nawawala po ba sa gamit mo?" panimula ni Dyn dahilan para makahinga ako ng maluwag.

"Uhm...wala naman. Inaya lang kita na mag meet tayo dahil gusto ko magpasalamat sa'yo" saad ko at ngumiti.

"Wala po 'yon. Kahit maulit yung mangyare, tutulong at tutulong pa rin ako" saad nito.

"Hindi ako nakapag thank you sa'yo nakaraan kasi unconscious ka that time" saad ko at ngumiti.

"Uhm.. Dyn" pagtawag ko sa kanya.

"Yes?" saad nito.

"May girlfriend ka na?" tanong ko pero biglang nag iba ang timpla ng mukha nito.

"I'm sorry kung natanong ko. Baka kasi iba ang isipin kung sakali na alam niyang inaya kita. Magpapasalamat lang talaga ako sa ginawa mo" saad ko.

"No problem. Wala naman akong GF" saad nito. Natahimik kaming pareho nang i-serve ang pagkain na inorder naming dalawa. Nagkatinginan pa kaming dalawa at sabay na ngumiti saka kumain.

"Eh ikaw? May bf ka?" tanong nito dahilan para mapahinto ako sa pag kain. Tumingin ako sa kanya at ngumiti ng tipid.

"Byuda ako" pagbibiro ko dahilan para mapangiti ito at umiling.

"Ganyan din ginagawa ko pag trauma lang dala ng tao sa buhay ko. Nagiging byuda" saad nito dahilan para sabay kaming matawa. Kaso yung akin, wala na talaga.



Nahinto kami sa pagtatawanan nang may babaeng lumapit sa amin. Ito yung babae na kasama ni Dyn nung nakaraan sa hospital. Siya yung mom ni Dyn.



"Ma?" saad ni Dyn.

"Nandito ka rin pala. Ikaw talaga. Kasama mo pala ang doctor mo ha" saad ng mom ni Dyn. Tumayo ako at ganon din si Dyn. Pasimple pa itong nag kamot sa batok na parang nahihiya sa mama niya.

"Hello po" saad ko at yumuko para magbigay galang.

"Hello Dr?" tanong nito.

"Sophia Smith po" saad ko at ngumiti.

"Nice to meet you again Dr. Smith! Ako si Giselle, mom ni Dyn" saad nito at nakipag beso. Nakipag kamay naman ako sa dad ni Dyn at nagpaalam na rin sila na mag date raw. May inabot sa akin ang mom ni Dyn na invitation na extra. Sana raw makapunta ako sa kanila. Nang makaalis na ang parents ni Dyn ay nag usap kami patungkol sa buhay namin. Parang sa paraan nga ng pag uusap namin ay kinikilala namin ang isa't isa. Okay siya kausap, masaya. Hindi mo mararamdman na strangers kayong dalawa dahilan para maisip ko na baka kilala ako ng puso niya.

"Ang gaan ng loob ko sa'yo" saad ni Dyn dahilan para mapatitig ako sa kanya. Kilala ba talaga ako ng puso ni Henrich? Kahit na nasa ibang katawan ng tao ay magaan ang pakiramdam ng puso niya sa akin.



Naputol ang titigan naming dalawanang may tumawag sa phone ko. Nag excuse ako ka Dyn at sinagot ko ang tawag. Pinapapasok pala ako sa hospital dahil may emergency. Hindi ko mapigilang mainis pero wala akong choice dahil kahit noong sa california pa ako nagtatrabaho ay papapasukin ka talaga kahit day off mo basta nagkakulangan sa health care workers.



"Uhm...Dyn pasensya na ha kailangan ko na mauna eh" saad ko.

"Ganon ba? Sige ayos lang. Pwede naman pag usapan sa susunod uli" saad nito at ngumiti. Nagmadali akong lumabas ng restaurant at sumakay sa sasakyan ko saka dali-daling pinatakbo sa hospital.



Nang makarating ako sa hospital ay inasikaso ko ang lahat ng mga pasyente. Napahawak ako sa bulsa ko nang hindi ko mahanap ang ID ko. San na 'yon? Hayss bahala na nga. Mamaya ko na lang hanapin.




Thanks for reading.




"𝑺𝒕𝒂𝒚 𝒍𝒐𝒘 𝒌𝒆𝒚. 𝑵𝒐𝒕 𝒆𝒗𝒆𝒓𝒚𝒐𝒏𝒆 𝒏𝒆𝒆𝒅𝒔 𝒕𝒐 𝒌𝒏𝒐𝒘 𝒆𝒗𝒆𝒓𝒚𝒕𝒉𝒊𝒏𝒈 𝒂𝒃𝒐𝒖𝒕 𝒚𝒐𝒖."

- 𝓜𝓻𝔂𝓸𝓼𝓸𝔀

واصل القراءة

ستعجبك أيضاً

348M 7.1M 80
This work of fiction may include potentially disturbing readings, scenes and discussions around topics such as sexual, self-harm, physical violence...
94.4K 2.1K 51
#700 Highest rank achieved Magmamahal kaba.. Kahit alam mong iba siya?
1M 35K 76
[REVISED VERSION: MAY 2024] Coffees and pancakes. Teas and waffles. Two people crossed that created ditto but with dissonance.
434K 6.2K 24
Dice and Madisson