The Trouble with the Rule

By iDangs

37.4M 1M 420K

Teen Clash (New Generation): An ordinary school with ordinary students following an ordinary rule. What's the... More

The Trouble with the Rule
Prologue
Chapter 1: New Generation
Chapter 2: The Groups
Chapter 3: The New Girl
Chapter 4: Bring it on
Chapter 5: Another Dilemma
Chapter 6: The Punishment
Chapter 7: Attention seeker
Chapter 8: Deadline
Chapter 9: Vacation
Chapter 10: Complicated
Chapter 11: Fixing things
Chapter 12: I like you
Chapter 13: Creating walls and burning bridges
Chapter 14: Never too late
Chapter 15: Reaching out
Chapter 16: Second, third, fourth, fifth
Chapter 17: Fantastic Four
Chapter 18: Question and Answer
Chapter 19: Hunter the Rebel
Chapter 20: Curiosity
Chapter 21: Matter of timing
Chapter 22: Tamara Sartori
Chapter 23: Spy
Chapter 24: Something new
Chapter 25: Save paper
Chapter 26: Another punishment
Chapter 27: Groupless
Chapter 28: Stay or Quit
Chapter 29: Bestfriend
Chapter 30: Badtrip
Chapter 31: I hate drama
Chapter 32: Internal Battle
Chapter 33: Secret Affair
Chapter 34: Welcome to my life
Chapter 35: Two generations
Chapter 36: Sa ngayon..
Chapter 38: Kick out
Chapter 39: A mystery
Chapter 40: Riot
Chapter 41: First aid
Chapter 42: Thank you
Chapter 43: Pikon
Chapter 44: Busted
Chapter 45: Shooting Star
Chapter 46: Best Bestfriend
Chapter 47: Cheesecake
Chapter 48: Weird people
Chapter 49: Tammy
Chapter 50: Hindi ko sinasadya
Chapter 51: Crazy
Chapter 52: Almost perfect guy
Chapter 53: Unsure feelings
Chapter 54: Hunter the Joker
Chapter 55: Turn of events
Chapter 56: Resbak
Chapter 57: Worse
Chapter 58: Prefect of Discipline
Chapter 59: Glue
Chapter 60: Solution
Chapter 61: First step
Chapter 62: One more day
Chapter 63: Last straw
Chapter 64: Worth it
Chapter 65: Growing up
More Info.
Book 2 and Other Stories
The Trouble with the Rule Book

Chapter 37: Protective Friends

493K 15.5K 10.1K
By iDangs


Warren's POV

It's weird. Alam kong tama naman ang sinasabi nila. Alam kong dapat mag move on na lang ako. Kaya lang may mga bagay na madaling sabihin lalo na kapag hindi ikaw ang nasasaktan.

Kung madali lang turuan ang puso na mag move on o magmahal ng taong mahal ka, edi sana sa mundong ito walang nasasaktan, walang umiiyak, walang nag-iisa. Sana lahat masaya. Kaya lang hindi kasi ganon 'yon.

Laging may masasaktan. Laging may iiyak. Laging may mag-iisa.

Hanggang sa dumating na ang araw na kaya na ulit ng puso niya na magmahal ulit o kaya na ng puso niyang tanggapin na wala na talaga.

Tangina naman. Ano ba 'tong mga sinasabi ko?


"Ayos ka lang, bro?"


Napahinto ako sa paglalakad at pagdradrama nang biglang dumating si Nate.


"I will be."

"Alam mo, Warren, dalawa lang naman 'yan. Magaya ka kay Tito Ry at Tita Cass, o magaya ka sa Mommy mo."

"Ha?"

"Sila Tita Cass, nagkasakitan din sila noon. Ilang ulit nabasted si Tito Ry pero dahil mahal niya si Tita Cass, hindi siya sumuko. Pinaglaban niya hanggang dulo 'yong nararamdaman niya kaya ang ending, masaya na sila at may sariling pamilya."


Gusto bang iparating ni Nate na huwag akong susuko kahit ilang beses man ako ireject ni Piper?


"Si Tita Yannie naman, noong highschool din sila, sobrang mahal daw niya 'yong ex niya. Tom ang name. Kaya lang nasaktan ang mommy mo, nakapagmove on, nagmahal ng ibang tao. Your dad. Ngayon, kita mo naman na masaya na sila."


Ngayon naman ang sinasabi niya ay magmove on na ako?


"Hindi kita pagsasabihan. Hindi ko sasabihing kalimutan mo si Pipes at magustuhan mo si Hailey. Kasi – "


"Hailey?"

"Tanga lang, Warren? Suntukin kita diyan e. Oo, si Hailey. Huwag mo na itanong kung bakit kasi kung itatanong mo at gusto mo pang i-explain ko sa 'yo, baka masaktan lang kita sa sobrang pagka dense mo."


Magtatanong pa lang sana ako kahit sinabi niyang huwag na lang nang bigla niya akong suntukin sa balikat, "Huwag nga sabing magtanong. Nagbabalak ka pa ha. Balik sa sinasabi ko kanina, hindi ko sasabihin na maghanap ka ng bagong magugustuhan. Kasi nararamdaman mo 'yan. Isa pa, mahirap talaga 'yan diktahan. Hindi ko rin naman irerecommend na ipagsiksikan mo ang sarili mo kay Pipes. Sinasabi ko sa 'yo, masasaktan ka lang ulit."


"Mukhang wala talagang pag-asa ha. Dinidiscourage na ko ng bestfriend niya."

"Babastedin ka ba naman niya kung meron?"


Bago kami makarating sa classroom ay may napansin kaming dalawang babae. Parehas nakaupo sa sahig. Nang mas lumapit kami, nakita namin na si Tamara at Hailey pala ang mga 'yon.

Tumakbo kami papunta sa kanilang dalawa.


"Bakit nakaupo kayo diyan?"

"Inabutan ko si Hailey na nakadapa kanina sa may sahig."


Umupo rin kami ni Nate. Hinawakan niya ang binti ni Hailey at napailing nang makitang may sugat 'yon.


"Anong nangyari?" tanong pa niya.


Hindi makasagot si Hailey at nakapikit lang kaya napatingin ako kay Tamara.


"Hindi ko rin alam. Nauna siyang umalis sa atin kanina di ba? Nang makita ko siya nakadapa na siya."


Dumating naman si Piper at agad nakiupo nang makita ang sugat ni Hailey.


"What happened here, guys?"

"Hindi rin namin alam. Mag-isa lang siya kanina."

"The wound is bleeding. Let's bring her to the clinic. Para maiwas din sa dust and infection 'yung wound niya."


Tiningnan ko si Nate at tinanguan para siya na lang ang magdala kay Hailey sa clinic. Susunod na dapat si Piper sa kanila pero bago pa man siya makaalis ay hinawakan ko na siya sa braso para mapigilan.


***

Hailey's POV


Gising ako pero parang hindi. Umiikot ang paningin ko at masakit ang tuhod ko. Epekto malamang 'yon ng bola ng volleyball na tumama sa akin. Bwisit naman kasi 'yung dalawang estudyante na naglalaro sa may hallway. Daanan ng tao 'yun tapos doon pa naglalaro.

Sa lakas ng impact ng bola nadapa tuloy ako at tumama 'yung tuhod ko sa may bato. Instant sugat.


"Ayos ka lang, Hails?" Nate asked.


Nakapikit akong tumango sa kaniya, "Masakit lang ulo ko."


"Ano bang nangyari?"

"Tinamaan ng bola sa ulo."

"Hayaan mo muna siyang magpahinga dito, Nate. I-excuse mo na rin siya sa teacher niyo. Bibigyan kita ng excuse letter tapos ikaw na mag-abot sa kanila ha?" sabi ni nurse.

"Pwedeng pahingi na rin po ng letter? Dito muna ako. Babantayan ko si Hailey."

"Gusto mo lang huwag umattend ng klase, ano? Nagkukunyaring concern ka lang."


Sandaling natahimik ang clinic at mukhang alam ko na ang nangyayari. Kilala ko 'tong si Nate. Nag-iisip 'to ng alibi o kaya nginingitian niya ang nurse palibhasa nabuking siya.


"Sabi na nga ba."

"Concern naman ako, nurse. Don't judge me. Kaya lang nakakatamad kasi talagang pumasok."

"Magtigil. Pumasok ka."


Ayon lang ang narinig ko bago ako makatulog ng tuluyan.


***

Tamara's POV


Susunod dapat ako kila Hailey at Nate kaya lang napansin kong hindi sumusunod sila Piper at Warren. Hindi naman sa pagiging chismosa, kaya lang pakiramdam ko may mali.

Given na na gusto ni Warren si Piper at given na rin na hindi naman malala ang sinapit ni Hailey. Sugat at hilo lang naman. Kaya lang as a friend – bestfriend, mukha namang napakainsensitive ni Warren para unahin ang paghahabol niya kay Piper kaysa sa pagdala sa bestfriend niya sa clinic.

Nakita ko nang tanguan niya si Nate para siya ang magdala kay Hailey sa clinic. Kung sakaling si Piper ang nasaktan, kahit nagalusan lang 'yan, paniguradong todo ang pag-aalala na mangyayari kay Nate. Kasi ganoon silang klase ng magbestfriend. I was expecting Warren to be like that towards Hailey kaya lang mas inuna niya pa ang sarili niya. Or not? Ewan ko.

Basta para makasiguro sa nangyayari, sinundan ko sila Piper at Warren. Kahit nag-ring na ang bell, hindi ko na lang pinansin.

Pumasok sila sa may music room at buti na lang mabagal ang pagsara ng pinto kaya nakasunod ako bago pa man 'yon tuluyang masara.

Umupo si Piper sa may tapat ng piano samantalang sumandal naman doon si Warren. Wala ni isa sa kanila ang nagsasalita. Nagkakailangan pa ba ang dalawang 'to.


"Uhh.. how are you?" tanong ni Piper sa kaniya.


Halata sa mukha ni Warren na nagulat siya sa pagsasalita ni Piper. Umiling siya pero nakangiti.


"Okay."


Liar. Halata namang hindi.

Magsasalita sana si Piper kaya lang ay hindi niya tinuloy ang kung ano mang sasabihin niya. Kaya bumalik ulit sa katahimikan ang paligid.

Ako na talaga ang naiilang para sa kanila.


"Warren.. this is awkward."


Napatawa sa Warren sa sinabi ni Piper at tumango, "I agree. Ahh. Ayan, game na. Back to normal na ulit tayo."


"You sure?"

"Yeah." Nginitian niya si Piper at inilahad pa ang kamay, "Friends."


Tinanggap 'yon ni Piper at ngumiti, "Bestfriends."

Improving si Warren. Hindi na siya friendzoned. Bestfriendzoned na. Nice.


"I know why we're here. Tingin mo – "

"Alam ko. Sino pa ba?"


Ano? Anong pinag-uusapan ng dalawang 'to?


"No doubt. She's the one behind this. First 'yung sa stain sa uniform. Now 'yung sa wound. That's too much. Nananakit na siya just to get what she wants."

"Iniisip ko lang. Ano kaya kung ibigay na natin 'yong gusto niyang mangyari?"

"No way. Ayoko – "


Bago pa man matapos ni Piper ang sinasabi niya ay biglang bumukas ang pinto. Nagkakamot pa ng mata niyang pumasok si Hunter sa music room. Una niyang napansin si Warren at Piper na nasa may gitna ng music room.


"Hmm."  Bahagya niyang itinagilid ang ulo niya habang nakatingin sa dalawa.

"Why are you here?" tanong sa kaniya ni Piper.

"I should be asking you the same thing," sagot niya.

"May importante kaming pinag-uusapan," sagot ni Warren.


Tumango si Hunter at tumuro sa gilid niya kung saan ako nagtatago.


"Akala ko naglalaro kayo ng taguan," seryoso niyang sabi at saka ako itinuro.

Kung hindi lang masama ang manakit malamang ko ba nasaktan ko na 'tong si Hunter. Bistado tuloy.

"Tamara? Anong ginagawa mo diyan?"

"Naglalaba," sabay irap ko kay Warren. Gusto pa niya atang ipagsigawan ko na nangchichismis ako. Asa pa siya.

"Sinundan mo ba kami?"

"Malamang. Ano namang gagawin ko dito?"

"Bakit?"


Napabuntong hininga ako at saka tumayo at pinagpag ang uniform ko, "Naiirita kasi ako sa 'yo."

Halatang nagulat sila Piper at Warren sa sinagot ko. Totoo naman kasi. Naiirita ako kay Warren.


"Anong ginagawa ko sa 'yo?"

"Wala. Nakakainis lang na inuna mo pa ang feelings mo kaysa sa bestfriend mo. Pwede namang ihinatid mo muna si Hailey sa clinic bago mo hinila si Piper dito. Susunod din dapat si Piper kay Hailey kaya lang wala na siyang nagawa kasi nga hinila mo na. Try mong huwag isipin ang sarili mo kahit minsan lang. Subukan mong huwag magpakaselfish kahit isang araw lang."

"Tamara!" sigaw ni Piper.


Okay, sige. Mukha ngang lumagpas ako sa limit ko kaya lang kasi nakakainis lang. Ang selfish kasi. Kapag kailangan niya ng kaibigan kasi may pinagdadaanan siya, isang kalabit lang niya kay Hailey, nandiyan agad si Hailey para sa kaniya. Ano ba naman ang ihatid niya man lang si Hailey sa clinic kasi malaki 'yong sugat niya? Ayon lang naman hindi niya pa magawa. Lagi na lang siya, siya, siya.


"Below the belt na 'yan," suway sa akin ni Piper.

"No, Pipes. She's right. Selfish naman talaga ako. Dapat – "

"No, Warren! You're not selfish. Never ka naging selfish."

"Piper, paano naging hindi? Kaibigan mo sila ni Hailey, sana nakita mo kung paano – "

"Sorry, Tamara, but you're clueless. Don't jump into conclusions. Think before you speak. You don't know Warren's side. Have you asked him why he dragged me here instead of bringing Hailey to the clinic? No."


Umupo ulit si Piper sa upuan sa tapat ng piano. Nakayuko naman si Warren habang nakatayo sa gilid. Si Hunter ay naupo na sa may sahig at sumandal sa may pader habang pinapanood kami.


"Last time, we got a note from Elle. She's asking – more like commanding me to go back to my former group and ask Nate and Hailey to do the same. Ngayon kasi some students want to take the step we took. Even 'yung ibang Populars. And that made her angry. Habang may iba na groupless, pwedeng gumaya rin ang ibang students sa atin. She doesn't want that to happen. Ngayon pa lang siya naging leader. I heard na marami siyang rules na nabago sa former group ko.

"Ngayon, since she's the leader, she can ask someone from our group to do works for her. If they disobey, she has the right to punish them. The moment she became the leader, she's asking some of the Populars to answer her assignments, to buy her something, to give her what she wants. Some became slaves. It's one of the reason why others want to leave the group na rin kaya lang they don't have enough courage yet. When she heard about that, she's asking me to go back to the group para tuluyan na ngang hindi umalis ang ibang members sa group. Kapag kasi bumalik na kami sa groups namin, wala ng susunod sa amin. Wala ng aalis ng groups. Mas malaki na ulit ang sakop niyang students na aalilain."


Elle is such a bitch. Kaya lang ano naman ang koneksyon noon kay Warren e hindi naman umalis ng grupo niya si Warren?


"Of course hindi ako pumayag. I'm still sane. Why would I go back to the Populars if I'm happier being groupless? Kaya she threatened me. She used Hailey against me since she thought that Hailey is weak. She will bully Hailey with the help of the other Populars and Nerds until bumalik na ako sa Populars at bumalik na rin sila Nate and Hailey sa group nila."

"Nerds? Paanong nasama ang Nerds? Paano rin sila nagtutulungan?"

"I guess they're talking outside the school? I don't know. Warren made a research. Nalaman niya na Nerds are threatened kasi nga wala na sa group nila si Hailey. She's the candidate for valedictorian. For so many years, laging galing sa nerds ang honors kaya lang since wala na doon si Hailey, they think na mawawala na sa kanila ang title. Mawawalan na ng glory ang group nila. That's where they good at kasi, sa pag-aaral. Kung from other group or sa walang group manggagaling ang magiging Top 1, parang nawala na rin ang legacy ng group nila."

"So ano ang kinalaman ni Warren dito?"


Napabuntong hininga si Piper at nag-explain ulit, "He got a note rin from Elle saying na kung aalis si Warren sa group niya, gagawin ni Elle ang lahat para magdusa ang team ni Warren. Elle doesn't know how to play fair. She can do anything para lang madisqualify ang team ni Warren sa upcoming tournament. Sinabi rin ni Elle na pilitin kami ni Warren na bumalik na sa group namin and threatened him by using Hailey, too. But of course hindi kami pinilit ni Warren na bumalik sa group namin because he knows this is where we want to be and he knows na ayaw rin naman ni Hailey mangyari ang gusto ni Elle. Isa pa, sabi niya na if we go back to our groups, wala ka na ulit makakasama."

Napalunok na lang ako sa narinig ko. Gaga ka talaga, Tamara. Lagi ko na lang inuuna 'yung judgment ko sa ibang tao. Hindi na ako natuto.


"So ngayon, we're trying to find a solution for this problem. Hindi pwedeng magsumbong kasi we don't have proof naman. Tayo rin ang talo. Warren suggested for me to look after Hailey. Obviously, hindi ko nagawa. And kahit he wants to be with us na talaga, he can't put his teammates on the line. Kaya he chose na siya na lang ang maparusahan. Hindi siya umalis ng grupo like what Elle told him pero sa kagustuhan na makasama tayo at maprotektahan din si Hailey, kinakausap niya tayo kahit insde the school in exchange for some punishments. He's not selfish, Tamara. He's doing this for all of us. He's protecting Hailey. He cares for her more than you think - more than he thinks."


Napatahimik kaming lahat. Sobra akong nakonsensya sa lahat ng sinabi at inisip ko tungkol kay Warren. Ang tanga ko para sabihin 'yon. Hindi ko muna inaalam ang kwento.

Napatingin ako kay Warren at napansin niya 'yon kaya tiningnan niya ako at ngumiti. Lalo tuloy akong nakonsensya.


"Sorry, Warren. Sorry sa lahat ng sinabi ko. Hindi ko alam. Sorry talaga. Hindi ko – "

"It's okay, Tamara."

"Pero kasi – "

"Seryoso, ayos lang," he chuckled.

"We should tell Nate and Hailey about this. They should know," suggest ni Piper na sinang-ayunan naman namin ni Nate.

"Babantayan ko rin si Hailey since siya ang target." Pagpriprisinta ko.

"Sige, every lunch break naman magkakasama kayo kaya marami kayong pwedeng magbantay sa kaniya. After class, kami na lang ni Nate ang bahala."


Itinaas ko ang kamay ko at nagsalita, "May practice ka that time 'di ba? Hindi pwede 'yon. Before na lang kayo ni Nate magbantay. Ako na lang ang after."


"Para naman kay Hailey kaya ayos lang."

"Hindi gugustuhin ni Hailey kung isasakripisyo mo ang practice niyo para bantayan siya."

"Ako na lang after class," singit ni Piper. "Warren you have practice. Tamara, you need to go home after that and out of the way pa. You're looking for a part-time – "

"Sinong kasama mo? Paano kung maisipan ni Elle na i-corner kayo pauwi. Sabi mo nga, marumi siya maglaro. Kahit ano gagawin niya para lang sa power at popularity. Parehas kayong babae. Hindi pwede."

"I'll ask Nate to – "

"I'll go with her." Napatingin kaming tatlo kay Hunter na nakaupo pa rin sa sahig pero nakahawak na sa braso ni Piper. Tumayo pa siya at inulit ang sinabi, "I'll go with her."


Hindi ko alam kung tama ba kami ng rinig o ano? Si Hunter kasi 'to e. Parang.. ewan ko ba!


"You don't have to – "

"I'll go with you. In return for all the things you've done for me. It's no big deal."

"But – "

"Kapag naihatid ko na kayong dalawa sa inyo, ayos na. Malapit lang naman 'yon doon."


Napataas ang kilay ko sa pinag-uusapan ng dalawa. Malapit ang ano? At anong "things you've done for me"?


"Malapit ang alin?" Parang si Warren na ang nagsabi ng kung ano ang nasa utak ko.


Napangisi si Hunter, "Sorry, that's our little secret," sagot niya kay Warren at saka humarap kay Piper at kumindat.


***

#HabaNgHairNiHailey #PiTersLittleSecret #NasaanKaNaNate :))))))))

Sa mga nagtatanong, no, hindi losyang si Hailey kaya hindi naman kailangan ng make-over. :)





Continue Reading

You'll Also Like

209K 13.5K 67
["PLAY THE KING" IS ACT TWO OF THE "PLAY" SERIES. PLEASE READ "PLAY THE QUEEN" FIRST.] It's been four months since Priam Torres, the once unpopular p...
25.8M 70.4K 76
WARNING: Mababaw lang ang kahulugan ng #AFGITMOLFM dahil mababaw lang ang author. Huwag umasa. Masasaktan ka lang. The meaning is one of the mysteri...
621K 40.7K 162
Hi, bebi! An epistolary.
106K 4.5K 53
The Madrid-Esquival siblings Nora, Fort, and Ansel, find love through their phones...and go from there. *** Nora's crush on her older brother's teamm...