F.L.A.W Series Book 4: SAPPHI...

By mimzee23

12K 1.2K 200

Warning: SPG / R-18 /Mature Content Female League of Assassins and Weapons F.L.A.W Series Book 4: SAPPHIRE "I... More

Synopsis
Chapter One
Chapter Two
Chapter Three
Chapter Four
Chapter Five
Chapter Six
Chapter Seven
Chapter Eight
Chapter Nine
Chapter Ten
Chapter Eleven
Chapter Twelve
Chapter Thirteen
Chapter Fifteen
Chapter Sixteen
Chapter Seventeen
Chapter Eighteen
Chapter Nineteen
Chapter Twenty
Chapter Twenty-One
Chapter Twenty-Two
Chapter Twenty-Three
Chapter Twenty-Four
Chapter Twenty-Five
Chapter Twenty-Six
Chapter Twenty-Seven
Chapter Twenty-Eight
Chapter Twenty-Nine
Chapter Thirty
Chapter Thirty-One
Chapter Thirty-Two
Chapter Thirty-Three

Chapter Fourteen

295 27 7
By mimzee23

Pagkatapos kumain ni Saph ng agahan ay nagprepara na siya upang bumiyahe patungong Cornejo Compound. Kailangan na niyang magtraining ulit dahil tatlong araw siyang natengga sa bahay niya. Ni hindi na muna siya nakipagkita kaninoman sa dalawang lalaki dahil pakiramdam niya ay parehong sakit lamang sa ulo niya ang ibibigay ng mga ito.

Though she's still curious about Finnegan's life story, she didn't push him coz it would mean that she must also share hers and she's not ready yet or it's better to say that it isn't negotiable. Her dark past isn't something that she should share, it is something that she should bury and forget.

And for Nate's behavior, it's the last thing she needs, it will only hinder her from her goal, and knowing him, he'll dominate her again like an older brother. Kung hindi nga lang niya kailangang masanay muli sa pakikipaglaban sa gitna ng ring ay hindi na siya mag-aaksaya ng panahon na mag-ensayo para maiwasan na sana ang binata. Ngunit kung makikita siya ni Cornejo na nagsasanay ay makukumbinsi ito na kaya niyang makipagsabayan sa mga kagaya ni Nate na bihasa na sa ganoong paligsahan.

"I thought you'd never come back." May pahaging na salita si Nate nang maabutan niyang nagsasanay rin sa loob ng training room. "That you got scared and decided to just run away." Sabay halakhak. "But I know you better, you're not a quitter."

"Glad you still know that." Aniya at nagsimula nang magstretching muna.

"So, how was your date with Brandt?" Tanong nito habang tinitingnan ang ginagawa niya. "Did you two have fun?"

"It wasn't a date!" Inis niyang tugon na hindi ito nililingon.

"Uhuh." Iyon lang ang ibinalik sa kanya ngunit medyo naasar siya roon.

"Will you stop it, Nate?!" At inis nang nilingon ang lalaki.

"Stop what?" Gulat pa sa galit niya ngunit pinipigilan lang ang matawa.

"Stop acting like a goddamn brother to me!" Hindi na niya napigilan ang pagtaas ng boses niya. "I don't need your concern or any form of protection from you. I know you've been used to doing that but I am not that weak li'l girl anymore."

"I know that you think you don't need my advice or my concern but I still want to protect you, Xury. I didn't have the chance to do any of those because we got separated-"

"Exactly!" Putol niya. "You already lost that chance, Nate, so please stop." At umiwas na ng tingin. "I am fine on my own. I live by my own rules now and I won't take anything anymore from anyone, even if it is from you."

"But you're here and you're taking orders from Cornejo. Isn't that the same?"

"It isn't." Sabay iling. "I had no choice on this one but to follow him. But once I am done, no one can make me do anything anymore. And if they push me, I won't hesitate to put them all down."

Hindi niya nilingon ang binata upang hindi na idiin ang ibig niyang sabihin roon. Dahil kung darating man siya sa puntong kailangan niyang pabagsakin si Cornejo upang tigilan siya ay kakalabanin din niya ito dahil kasali rin ito bilang isang tauhan.

"I'll leave you so you could start your training now. Tomorrow will be a busy day, who knows if you'll be a part of the battle."

Doon siya napalingon sa sinabi nito.

"May labanan bukas? Akala ko sa makalawa pa?"

"It was moved tomorrow night and the list of fighters isn't final yet."

Mas lalo siyang ginanahang magensayo dahil gusto niyang mapasamang muli sa mga lalaban bukas. Kinagabihan ay ipinatawag silang lahat ni Cornejo upang planuhin ang mga sasali sa labanan.

"There's been a slight change for the tournament tomorrow." Pambungad ni Norberto sa lahat. "Napagkasunduan namin ng mga sponsors na dalawang team ang maglalaban. Ang koponan natin laban sa koponan nina De Silva."

Hindi pinansin ni Saph ang mga naging bulungan ng mga ibang fighter roon dahil sa anunsyo. Ang mahalaga sa kanya ay ang mapabilang sa mga sasali.

"Ayos lang yan, Boss. Kayang-kaya naman natin matalo sila." Wika ng isa sa mga naroon.

"Oo nga, hindi naman ito ang unang beses na nakalaban natin sila at yung ganitong klaseng labanan ng magkakagrupo." Singit naman ni Fantasya.

"Huwag kayong pakampante dahil may binago nga sa labanan bukas." At isa-isang tiningnan ang mga naroon. "There's a new rule and it's not gonna be an easy one."

Muling umugong ang bulungan.

"What is it?" Tanong ng isa pang fighter.

"Kung sino ang unang lalaban ay mananatili sa loob ng ring hangga't siya ang mananalo sa bawat makakalaban niya." May mga napatayo dahil doon.

"Ang ibig sabihin kung ako ang unang sasabak at nanalo ako ay kailangan kong kalabanin ang susunod na fighter sa grupo ni De Silva?" Tanong ng naunang nagsalita kanina.

"Yes, that's correct." Cornejo answered with a smirk. "So it will be a challenging battle for everyone, especially to the one who will defeat their opponent first coz they must keep on fighting until they finish all remaining fighters of the other team."

"Isn't that suicide?" Tanong ng isa pang naroon. "Dahil kung pipilitin na manalo, mapapagod nang husto ang sinuman dahil kailangang kalabanin lahat."

"Oo nga." Segunda pa ng isa at nagsi-react na din ang iba kaya't umingay na roon.

"This is the new rule." Si Norberto. "And for our team to win this battle, I will only need members who can make this happen. Kailangan ko ng kayang tumagal sa loob ng ring at talunin ang bawat makakalaban. The decision will be by points and if you knock down your opponent, you'll win the round."

Nagpalitan ng tingin ang halos lahat maliban kay Lux na nakatingin lang sa unahan. Wala siyang pakialam sa problema ng iba basta siya ay desidido na makasali.

"Count me in." Anunsiyo niya kaya't lahat ng mata ay napabaling sa kanya.

"Yabang!" Malakas na bulong ni Fantasya na halatang ipinarinig talaga sa kanya.

"You heard the new rules, Sapphire." Ani Cornejo sa kanya. "It's gonna be bloody intense tomorrow. And another thing-" Tila may nakalimutan pang idagdag. "It'll be a draw lots."

Muling umugong ang ingay ng mga bulungan. Hindi nga naman madali kapag naunang mabunot ang pangalan dahil ibig sabihin ay kailangang tapusin ang lahat ng kalaban at siguradong mapapagod na ang katawan bago mangyari iyon.

"It's fine with me." Sagot niya.

"Kung sino man ang unang maubusan ng mga manlalaro sa grupo ay matatalo. Kaya't nasa pinakahuling mabubunot ang pressure dahil ang taong iyon na lamang ang magiging pag-asa upang hindi matalo ang grupo." Dagdag muli ni Norberto.

"I'll join too." Nate said and glanced at her with a smirk.

May tatlong lalaki din ang nagboluntaryo ngunit dalawa lang ang tinanggap ni Cornejo at iba ang pinasok dahil mas bilib siya roon sa isa.

"Prepare for your fight tomorrow. You will work as a team so set your differences apart because the bet will be three times higher this time." Paalala sa kanila bago tinapos ang meeting.

Ans because she wanted to just focus on the tournament tomorrow, she decided to just spend the night at the Compound. Lahat naman ay may mga naka-assign na kwarto at wala siyang problema sa mga kakailanganin. May mga iilang gamit na rin naman siya roon kaya't ayos lang.

"If in case your name will be drawn first, just win the first match and lose the second round. Don't push yourself to deal with all the enemies or you'll just get hurt." Payo sa kanya ni Nate bago siya pumasok sa kwartong nakatalaga sa kanya.

Tiningnan niya ang binata habang hindi mababakasan ng kahit anong emosyon ang mukha niya.

"Losing is not an option for me." Aniya at binuksan ang pintuan niya. "I will beat every damn player inside the ring and I'll see to it that I will be the last one standing." Sabay pasok na sa loob ng kwarto niya.

Tunog mayabang man iyon ay wala siyang pakialam. She knew it would be a hell of a fight tomorrow night but she knows for sure that she'll do whatever it takes to win the game no matter what. Isa lang ang ipinagpapasalamat niya na natutunan bilang isang Gem ay ang hindi pagsuko sa anumang laban na kahaharapin at ang matinding pagnanais na hindi matalo. Hindi man siya manalo ay sisiguraduhin niyang hindi niya gagawing madali para sa kalaban niya na talunin siya.

Kinabukasan, maaga pa lang ay nagensayo na ang mga kasamahan niyang lalaban maliban kay Nate. Pareho silang dalawa na hindi na pinapagod ang sarili at nagrerelax na lang. Kinokondisyon na nila ang mga katawan upang tumagal sa gitna ng labanan.

"Have you heard kung sino ang mga nasa grupo ni De Silva na kakalabanin natin mamaya?" Tanong ni Gio na isa sa mga kasamahan nila. "Yung Tres Morte daw."

Three deaths?

Bulong ni Lux sa isip dahil naintindihan niya ang ibig sabihin ng spanish words na iyon.

"Eh di mas challenging nga talaga." Banat naman ng isa pa na si Oscar.

"But those three are De Silva's elite fighters. Wala pa silang kahit na isang laban na natalo. Plus, they still have two more fighters that we don't know. What if those two are another elite fighter then we're screwed?!" Kabadong litanya ng pang-lima nilang kasapi na si Nolan.

"Kung natatakot ka, magpapalit ka na lang!" Si Oscar. "Kahit ako pa ang maunang mabunot, kaya ko silang patumbahin lahat!" Mayabang na sabi nito.

Malaki kasi ang katawan nito at malaking tao. Pero tingin ni Lux ay kahit siya, kaya itong patulugin. Kumbaga puro yabang at dada lang ngunit mukhang walang ibubuga. Wala naman din siyang paki sa mga kasama dahil ang sakanya ay gusto niyan manalo ng solo at hindi bilang isang grupo.

"Here, inabutan siya ni Nate ng isang herbal tea. "It can calm your senses and your body and boost it as well."

"Thanks." Aniya pagtanggap.

Sabay silang uminom habang pinapanood ang tatlong kasamahan na kanya-kanyang nageensayo.

"Hindi ko alam bakit pumayag si Boss na isama ka sa laban mamaya pero kung ako sayo, habang maaga pa, umayaw ka na. Baka masira lang mukha mo, sayang." Bira ni Oscar kay Saph.

"Sarili mo ang intindihin mo dahil baka mapahiya lang yang laki ng katawan mo kapag napatulog ka nang wala pang sampung segundo sa loob ng ring."

"Aba't matabil ang dila nitong lecheng to, ah!" At aamba sana sakanya nang mapatingin sa tabi niya.

Tinitigan lang ito ni Nate kaya't di na nito tinuloy ang gagawin at tumalikod na lang.

"I told you I don't need your protection!" She hissed at him.

"I didn't do anything." Pagmamaang-maangan nito at saka umiwas na sa kanya. "I'll be sleeping in my room, just wake me up later." Paalam nito.

Napailing na lang si Saph sa inis dahil sa ginawang pasimpleng pagtatanggol sa kanya. Nobody is taking her seriously because she's a woman and because they're afraid of Juggernaut.

Pagdating ng takdang oras ay pare-pareho na silang nakapagpalit ng kumportableng damit para lumaban. Mas madami ang mga tao ngayong na nanonood, doble ang bilang kung kaya't doble din ang mga tataya.

"Hati ang taya ng mga sponsor kaya't kailangan niyong manalo." Si Norberto habang nasa waiting area na sila. "I'll give twenty percent to the one who will remain standing in the end. Ubusin niyo ang mga kalaban ha!"

Si Oscar lang ang masayang tumugon kay Cornejo. Nang tawagin na sila para ipakilala sa mga tao ay pumasok na sila pagkabukas ng malaking steel gate roon. Malakas na hiyawan ang maririnig sa mga manonood kaya naman ang tatlo nilang kasamahan ay mayayabang na nagsipagkaway pa.

Itinuro kung saan sila magstay sa labas ng ring at papasok lamang isa-isa sa loob kapag nabunot ang pangalan nila.
Sunod na pinakilala ay ang grupo ni De Silva. Marami din ang nagcheer sa kalaban nila at nakita ni Saph na tatlo sa mga ito ay hindi nila makita ang mga mukha dahil natatakpan.

"Tonight is a special night because this is a new kind of game." Wika ng host. "We'll gonna watch who will be the one to remain in the end. Only the strong will be the last man standing." Anunsyo nito na ikinatuwa ng mga bisita kaya't nagpalakpakan.

Saph felt that someone was watching her so she turned to the audience and roam her eyes until they landed where Brandt is. He just winked at her and gave her a small salute as if cheering for her.

Bumalik lang ang atensyon niya nang makita ang host na may hawak nang maliit na fish bowl.

"Now let's see who will go first." At saka bumunot na. "On the left corner, we will have.... Oscar the 'The Big Guy'."

Napasuntok pa sa ere ang lalaki na animo'y nanalo na nang tawagin ang pangalan.

"Pano ba yan, mukhang ako ang mag-uuwi ng panalo ngayon." Mayabang na sabi nito sa kanila bago pumasok sa loob ng ring.

Pumasok na din doon ang kalaban na katulad ni Oscar ay malaking lalaki din at may malaking katawan. Ang kinaibahan nga lang ay seryoso lang ang kalaban ngunit ang kasamahan nila ay puro putak ng kayabangan ang inilalabas.

"Before I hit the bell, please place your bets, everyone."

Kita sa malaking screen ang mga pagdagdag ng pera sa ibaba ng pangalan ng mga manlalaro. Lamang ang taya sa kalaban nila.

"It's obvious that Oscar will lose." Bulong ni Gio. "Si 'Terminator' ba naman ang kalaban niya eh."

Saph mentally agreed with her teammate. And just like what she told Oscar earlier, he was knocked down within ten seconds or less inside the ring.

Humagalpak ng tawa ang dalawa nilang kasamahan. Natatawa sa itsura ni Oscar na napatulog nga ng maaga. Ang laking tao pero isang suntok lang ay tumba na.

"Tss, so weak!" Mahinang usal ni Lux habang pinapanood ang pag-akay palabas sa walang malay na kasamahan.

"For this round, Terminator is our winner!" The host announced and the audience clapped. "Now, we shall draw who's the next fighter and fights with Terminator."

Saph got dismayed when it wasn't her who got picked, it was Gio. He managed to give the audience a good fight but still, he fell short and lost to his opponent.

Dalawa na ang talo sa grupo nila kaya't nalagasan na sila ng manlalaro. They've been underestimating their enemies and it wasn't a good tactic. Pero ang nasa isip pa din ni Sapphire ay walang kampihan naman talaga. It's like they're fighting for their own lives because each of them must continue to fight after winning each round.

Si Nolan ang sumunod na tinawag at halatang natatakot ito.

"Try to attack him on his left thigh." Bulong ni Lux sa lalaki. "Gio hit him on that spot twice and maybe you can weaken him by doing the same. Hindi lang niya ipinapahalata ngunit iniinda niya ang sakit sa parte na iyon."

Tumango naman ang lalaki bago pumasok sa loob ng ring at mukhang nabawasan na ang takot.

"Why did you give him an advice?"
Tanong sa kanya ni Nate nang sila na lamang ang naiwan sa puwesto nila sa gilid. "You won't have an advantage if he wins."

Nagkibit balikat naman siya bago sumagot.

"He can win this round but I doubt if he can on the next one."

Sinunod ni Nolan ang payo niya at nagawang mataman ang kalaban sa weak spot nito. Iika ika na at nahirapan nang humakbang. Ngunit nagkamali ng tantiya ang lalaki at hindi nito nabantayan ang pag-atake na ginawa kung kaya't natamaan ito at hindi na nakabawi pa kaya naman natalo rin.

"Terminator has three straight wins already!" Wika ng host. "Is this a good start for his team?" Humiyaw naman ang mga manonood. "Let's see if the next fighter can turn the table or if he or she will follow the fate of their fellow teammates."

"Good luck to the both of us." Bulong ni Nate kay Lux na tinanguan lang ng dalaga.

"Our next fighter is...." Nambibitin pa. "Oh, let's have Sapphire next."

May humihiyaw at mayroon ding umaangal nang siya na ang tinawag. Tahimik lang siyang pumasok sa loob ng ring at bago magsimula ay napatingin siya sa malaking screen kung saan nakita niya ang pagtaas ng taya sa kanya.

Mas malaki pa din ang bet kay Terminator dahil sa mga naunang round ngunit hindi na masama ang seven hundred twenty thousand na taya sa kanya. Nilingon niya kung nasaan ang pwesto ni Finn at nginitian lang siya nito na halatang sinasabi na isa ito sa may malaking itinaya para sa kanya.

"Focus on your game, Xury. Don't let any form of distraction get to you." Paalala sa kanya ni Nate at alam niyang si Brandt ang tinutukoy nitong distraction.

Nang pinatunog na ang bell ay punwesto na ang kalaban niya samantalang siya ay nakatayo lamang roon habang nakatitig rito.

"What are you waiting for?" He said, luring her to attack first.

She didn't move a bit and just stared at him.

"Hindi ka ba susugod? Come on, give me your best shot." Patuloy nito ngunit nanatili lang talaga siyang tahimik at nakatingin.

She's pissing him off and doing reverse psychology. She knew that he was luring her to attack first because he was having a hard time moving due to his left leg. And because her tactic is working, he made the first move.

Umatras ng isang hakbang si Saph nang susuntukin sana siya ng kalaban at mabilis niya itong tinadyakan sa kaliwang binti nito kung saan kanina pa napuntirya ng mga kasamahan niya.

She heard him groaned in pain but he didn't stumble. She took that opportunity to attack him consistently. Panay harang ng mga braso ang ginawa nito sa bawat pagsuntok niya sa mukha nito. She kicked his side and that made him stumble a bit. Mabilis niyang sinundan iyon nang pagsipang muli sa binti kaya naman napaluhod na ito at saka niya binigyan ng high knee kick sa panga kung kaya't napabagsak niya agad.

Naghiyawan ang mga tao dahil roon lalo na nang binilangan na ito at hindi na nakatayo pa.

"Sapphire wins this round!" Anunsiyo ng host kaya't nagpalakpakan ang mga tao.

She even saw Finn clap and gave her two thumbs up while cheering. He looked so happy and proud.

"And now for the next fighter against her is..." Naghihintay sila sa pagbunot nito ng pangalan. "Oooh, from Tres Morte-" sabay turo sa panig ng kalaban at tatlo sa mga ito ang nakasuot ng itim na cloak. "Coyote!"

Umugong ang ingay pagkapasok ng kalaban sa loob ng ring lalo na nang ibaba nito ang hood na nagtatakip sa mukha nito at pagkatapos ay hubarin na ang buong roba sa katawan.

"Hi, there." Bati sa kanya ng kalaban.

"This will be an interesting combat between these ladies." Ani ng host.

Pinagmasdan ni Saph ang kalabang babae na nakangiti sa kanya. May panganib ang ngiting ibinibigay nito at alam niyang kailangan niyang maging maingat habang pinag-aaralan ang kilos nito.

"You won against Terminator because he's already tired after having four consecutive fights." Wika ng babae. "But I'm not so I'll give you a battle that you deserve."

Lux gave her a small smile because she liked what she said. She wanted an enemy who will not hold back their attacks just because she was a woman. And Coyote will give her that.

Inobserbahan niya ang bawat hakbang, kilos at galaw ng kalaban. Like her, the woman is also observing her silently. They are both being careful with their actions as if watching themselves in the mirror.

Umaandar ang oras at naiinip na ang mga taong nanonood sa kanila dahil pareho lang silang paikot-ikot roon habang nakatingin sa isa't isa. Mas mapapagod lang siya kung patatagalin pa nila ang ganoon at maubusan siya ng lakas upang magpatuloy pa sa susunod na kalaban.

Siya na ang unang sumugod at mabilis naka-ilag ang kalaban. Umatake rin ito at natamaan siya ngunit paraan lang niya iyon upang pag-aralan kung paano ito lumaban. Hinayaan niya na tamaan lang siya nito at saka lumayo nang natamaan nito ang tagiliran niya.

"Did it hurt?" Patuyang tanong sa kanya nito. "Sabi ko naman sayo na hindi kita pagbibigyan diba? I will make your time here worth the while. Pahihirapan kita." Sabay halakhak.

She wiped the side of her mouth because of the blood that comes from the wound on her lips.

"I think you got it all wrong, Bitch!" Aniya at umaayos na nang porma.
"Ikaw ang pinagbibigyan ko simula pa kanina. Do you think you can easily attack me that much if I didn't let you?" She's mocking her.

"What do you mean?!"

"After five tries, I finally read my opponent's move." She said. "I wonder how far your skills can go against my wisdom and creativity?"

"Let's see then!" Tila naasar ito sa sinabi niya at mabilis na sumugod sa kanya.

And because Lux has read her attacks, she can perfectly predict her next move so she blocks it off and attacked her- kicking and punching her simultaneously. Coyote was caught off guard and couldn't able to guard herself and when Saph grabbed her head and smash her on the ground, a loud sickening crunch echoed throughout the entire ring. A sudden gush of blood splatted on the white floor.

"Oops, I think I broke her nose." Aniya sa seryoso at walang kahit na anong emosyon sa mukha.

Isang tili ang lumabas sa bibig ni Coyote habang hawak ang dumudugong mukha. Ni hindi ito tumayo mula sa pagkakahiga roon at umiyak na lamang sa sakit. Hindi na kinailangang bilangan ang babae dahil nagtap na ito bilang pagsuko upang magpadala na sa malapit na ospital.

"What an intense fight, isn't it?!" Malakas na tanong ng host habang tuwang tuwa sa mga kaganapan roon. "These ladies are both badass but Sapphire has the upper hand and wins again!" Pagkatapos ay muling hinawakan ang fish bowl. "Now, let's go to the next round." Sabay bunot muli ng papel. "I don't know if this will be a good match but this is the new rule." Na bumaling pa kay Lux na parang nagpapahiwatig na nag-aalangan ito para sa dalaga. "Let's welcome another Tres Morte inside the ring- 'Tarantula'!"

Pumasok na ang kalaban sa loob at gaya ng naunang kakampi nito ay hinubad na din nito kaagad ang suot na roba at isang matangkad na lalaking puno ng tattoo ang buong mukha at katawan ang bumungad.

"A game is a game to me, but tonight, this will be a bit personal because of what you did to Coyote."

"Why, is she your sister?" Tanong niya habang sinisinop na sa kamay ang buhok upang itali iyon.

"She's my wife." There's a slight hatred in his tone.

"Don't worry, I'll make this quick so you could join her in the hospital." Sagot niya pabalik.

When the bell chimed, both of them made a move, exchanging hits and blocking one another. The man moves a bit faster than the previous enemies she just knocked down. And she can feel his hatred towards his attacks.

Nasipa niya ito sa kanang bahagi ng mukha ngunit hindi naman ito natumba at tila ba mas lalong ginaganahan sa tuwing natatamaan niya. Natamaan na naman ang kanyang tagiliran at alam niyang napuruhan na ang buto niya roon at paniguradong nangingitim na iyon dahil sa pasa.

Nang magpang-abot na naman sila sa gitna ay nagpalitan muli sila ng atake ngunit dahil sa biglaang pagtunog ng bell ay saglit siyang nawala sa focus kaya naman nakakuha ng oportunidad ang kalaban na tirahin siya at ang kanang balikat niya ang nadali.

"Fuck!" Mura niya nang mapilipit iyon.

Umatras si Tarantula dahil sa pagtunog muli ng bell. Hindi nila maintindihan kung bakit iyon tumunog.

"I'm sorry to disrupt this round." Wika ng host. "But there's been a new order from the sponsors." Sabay pakita ng sinasabing order na nagflash sa screen.

"Too bad, I wanted finish this on my own!" Wika ni Tarantula na bumaling pa sa kanya.

Nakasaad doon na sabay sabay na silang maglalaban-laban sa loob ng ring at matira ang matibay. Kung sino sa kanila ang maiwan at matalo ang mga kalaban ay siyang panalo.

Nagsipasukan na ang dalawa pang kakampi ng kalaban niya at ganoon din si Nate na tumabi na sa kanya.

"Can you still fight or do you want to tap out?" Tanong nito sa kanya. "I can wrap this all up." Mayabang nitong sabi.

Tiningnan niya ito habang tumatayo siya ng tuwid at pagkatapos ay mabilis niyang pinatunog ang balikat na nadislocate at wala man lang naging reaksyon siya roon.

"I won't let you have all the fun." At saka bumaling sa mga kalaban.

"Good. Then let's get this done just like the old times."

"Sure. But stay out of my way!" Na pinatunog ang mga buto sa daliri.

Binalaan niya ang binata na huwag mangialam sa kanya katulad nang ginagawa nito noong bata pa siya. Na sa tuwing nasa gitna sila ng labanan ay palagi itong nakabantay sa kanya at lahat ng atake na dapat ay saka niya ay hinaharang nito.

"I can't help it, but I'll try." At saka binalutan na nito ang kamao ng hand wrap.

"This round will be a fight to the end. Good luck to each one of you." Sabi ng host bago pinatunog ang bell.

Nagpalitan ng tingin ang mga kalaban nila at alam nila na nagpalitan na rin iyon ng mga mensahe kung kaya't inihanda na nila ang mga sarili sa pag-atake. Si Tatantula ay unang sumugod kay Saph at ang dalawa pang kasamahan nito ay kay Juggernaut naman.

Nakakaiwas naman si Lux sa mga atake at nang matamaan niya ang kalaban ay biglang may umatake sa kanya na isa pa- si 'Hyena' na ang pangatlo sa 'Tres Morte'.

Nasalag naman niya ang sipa nito ngunit sumalisi naman si Tarantula kaya't natamaan siya nito at napaatras siya at tumama ang likod niya sa bakal na rehas ng ring kaya't napaluhod siya.

Sinugod kaagad siya ng dalawa para saktan muli ngunit sinalag ni Nate ang lahat.

"Are you alright?" Tanong nito sa kanya pagkatapos nitong matamaan ang dalawang kalaban.

"I'm fine!" Inis niyang sagot pagkatayo dahil nakialam na naman ito.

"Huwag mo sakin ibuhos ang inis mo kundi sa mga kalaban natin." Natatawang sabi ng binata. "Let's attack simultaneously and try to take down one of them."

Tumango na lang si Lux sa plano ni Nate. Sabay na silang sumugod at naka-synchronous ang atake nila kaya't hindi nakakapuntos ang mga kalaban. They beat down one of their enemies and the only two that remain are the Tres Mortes- Tarantula and Hyena.

Nang umatake na sakanila ang dalawa ay mabilis ang naging pagkilos ni Juggernaut at nakipag one-one kay Hyena. Samantalang muling nasipa ni Saph si Tarantula ngunit tinawanan lang siya nito nang nakakaloko.

"Pain is my energy to keep on going, to keep on fighting." Anito na sumugod sa kanya. Nasipa siya nito sa may tiyan kaya't napaatras siya. "I'm going to break your face just as how you broke my Coyote."

Saph prepared herself for Tarantula's attack but was stunned when Nate instantly grabbed his head and his jaw and in one swift move, she heard a snapping sound. She saw how his lifeless body fell on the floor. He broke his neck, killing him.

He killed him.

Bulong niya sa isip habang pinagmamasdan ang katawan na nasa sahig at nasa harapan niya. Parehong wala nang buhay ang dalawang kalaban nila at ni hindi alam ni Saph kung paano napatay ni Nate si Hyena.

"Ladies and Gentlemen, we have the winners for tonight!" Malakas ang boses ng host ngunit hindi iyon nagregister sa pandinig ni Lux. "Sapphire and Juggernaut win the battle!"

Sigawan, palakpakan at panay ang pagsipol ng mga tao roon. Nang maramdaman ni Saph ang paghawak sa kanya ni Nate ay saka lamang siya nagising mula sa pagkakatitig.

"You killed them." Aniya.

"That wasn't against the rules." Sagot nito sabay kibit balikat. "They'll kill us both if I didn't make the move first."

Kahit na alam ni Saph na kasali naman sa rules ng game ang pagpatay ay wala siyang balak na pumatay. She only incapacitate her enemies, knocks them down, and makes them invalid for the rest of their lives but does not kill them. This is just a plain game for her and killing is not an option for her to win.

Lumabas na sila ng ring at dumirecho na sila sa opisina ni Norberto. Tuwang-tuwa sa kanila ang lalaking bigotilyo maski ang ibang sponsor na sakanila tumaya.

"I never doubted your team, Cornejo, especially Juggernaut." Wika ng isang matanda roon. "But I must say that I was skeptical at first for her, but now I saw how she fights, I'm impressed. She's indeed an elite fighter too." Tukoy kay Saph.

"I told you that she's one of the best here." Pagmamalaki ni Cornejo. "Thank you for not failing me." Pagkabaling nito sa kanila. "Just as promised, you each will get twenty percent of the total winnings."

"Sweet." Iyon lang ang isinagot ni Nate.

"I'm going home." Ani Saph na nagpapaalam na para umalis doon.

"Before you leave, I have an announcement to make." Sabi ni Norberto na nagpatigil sa kanya sa paghakbang. "Because we won tonight, we can now join the biggest underground street fighting in the US next month."

"What?" She asked.

"It will be an epic battle because only the best fighter around the world can enter this tournament and we're one of them. It will be an honor to be a part of that said event."

"Is that necessary?" She asked again coz she doesn't want to leave.

"It is. And after you win that battle, you're free to go, Luxury. Our deal will be done after that."

Saph doesn't know if she should believe him or not but she has no choice but to follow him.

"Fine." She said and glanced at Nate who's silently listening beside her.

"But we have a problem. Sapphire and I are the only elite fighter that's left in here. We need another one to enter the tournament and you know that." Nate commented.

"I know." Cornejo smiled as if he already have the solution to their problem. "That's why I already invited a legend to join our team."

Then Luxury's eyes widened and her jaw dropped a bit in surprise because the legendary fighter that they were talking about has unexpectedly entered the room and he has given her a sexy grin and a wink.

Continue Reading

You'll Also Like

173K 1K 3
Anong Gagawin mo kung alukin ka ng best friend mo na anakan ka niya. Papayag ka ba? Eh kung sabihin niya magbubuntis ka sa pamamagitan ng.... Artific...
28.6K 515 16
Highest Achieved Ranks #1 Request #1 Confusion #1 Efforts #2 BS Dignity Series 2 Hallie Vienson fell in love with Cyrus Valderama. She's crazily in l...
484K 35.5K 8
Beneath a broken mask lies the truth behind the façade, and while masks can conceal pain, they cannot mend wounds. In the end, no mask was worth the...
644K 15.8K 26
"Gusto kong maging Madre..."salitang pangarap lamang dahil sa isang gabing pagkakamali,at ang pagkakamaling ito ang huhubog at magpapatunay na nakata...