Seducing That Half Girl (COMP...

By vyouutiiiful

31.6K 1.3K 10

FOUR - U N E D I T E D - - C O M P L E T E D - Si Mikyla Anica ay isang tomboy. Ayaw niya sa mga pangbabaeng... More

DISCLAIMER
BLURB
PROLOGUE
CHAPTER 01
CHAPTER 02
CHAPTER 03
CHAPTER 04
CHAPTER 05
CHAPTER 06
CHAPTER 07
CHAPTER 08
CHAPTER 09
CHAPTER 10
CHAPTER 11
CHAPTER 12
CHAPTER 13
CHAPTER 14
CHAPTER 15
CHAPTER 16
CHAPTER 17
CHAPTER 18
CHAPTER 19
CHAPTER 20
CHAPTER 21
CHAPTER 22
CHAPTER 23
CHAPTER 24
CHAPTER 25
CHAPTER 26
CHAPTER 27
CHAPTER 28
CHAPTER 29
CHAPTER 30
CHAPTER 32
CHAPTER 33
CHAPTER 34
CHAPTER 35
CHAPTER 36
CHAPTER 37
CHAPTER 38
CHAPTER 39
CHAPTER 40
CHAPTER 41
CHAPTER 42
CHAPTER 43
CHAPTER 44
CHAPTER 45
EPILOGUE

CHAPTER 31

267 21 0
By vyouutiiiful

CHAPTER 31

"Nakakahiya," sabi niya kay Fredrick nang nakasakay na sila sa sasakyan nito. Papunta na sila sa bahay nila.

Magdidinner lang naman sila kaya bakit siya kinakabahan pero ibang dinner kasi 'yon, kasama nila ang magulang ni Fredrick tapos paano nalang kung may mga kamag-anak rin sila na pupunta? Birthday pa naman nang mama ni Fredrick.

Nilingon siya ni Fredrick at nginitian siya nito. Sakto naman na huminto sila dahil sa red light.

"Gusto mo ba na huwag na muna tayong tumuloy? Maiintindihan naman nila mommy kapag hindi ka matuloy," kaagad siya na umiling sa sinabi ni Fredrick.

"Hindi tutuloy ako, nakakaramdam lang ako ng hiya pero tutuloy pa rin ako," mabilisan niyang sabi dito. Bahagyang natawa si Fredrick doon.

"Hindi naman sila nangangain pero baka mainis ka kay mommy dahil madaldal 'yon e. Nagmana sa kaniya si Rick kaya madaldal din ang lalaki na 'yon," tuwang-tuwa pa ang loko habang sinasabi iyon.

"Sige ka, isusumbong kita sa mommy mo dahil sinisiraan mo siya sa akin," pananakot niya dito pero hindi naman yata natakot ito parang sinasabi pa niya na sasamahan pa siya nito na magsumbong.

Nagmaneho ulit si Fredrick nang mag-green light na. Medyo may kalayuan pala 'yong family house nila Fredrick. Iba pala 'yong bahay na palaging ipinapakita sa T.V o sa facebook. Mas tago ang bahay na kanilang tinatahak ngayon, kaunti lang ang mga bahay na madadaanan mo.

"Palagi ba na dito kayo nagcecelebrate?" out of nowhere ay natanong niya ito sa lalaki.

"Oo kasi gusto rin ng family ko ang tahimik na celebration pero kapag tapos na kaming magcelebrate ay aalis naman si mommy at daddy para magtungo sa isa namin na bahay, magcecelebrate din sila doon kasama ang mga iba't ibang tao. Nagpapakain sila doon kapag dito naman sa bahay namin dito ay buong pamilya lang talaga namin kasama ang mga kamag-anak namin. Kapag din kasi dito ay walang media, makakagalaw ka ng maayos."

Ang hirap naman pala ng buhay kapag kasali ka sa miyembro na nagpapatakbo sa iyong lugar ano? Gagawin mo ang lahat para walang masabi sa'yo ang mga tao pero hindi mo rin maiiwasan na mayroong tao pa rin ang sisira at sisira sa'yo. Palaging mali ang nakikita, hindi 'yong mga kabutihan na iyong nagawa.

"Mga kamag-anak niyo rin ang makakasama natin ngayon?" nag-aalangan na tanong niya rito. Sana naman kaunti lang.

"Oo pero kaunti lang yata ang pupunta ngayon dahil busy sa trabaho ang iba, week days pa naman ngayon." Napatango naman siya. Medyo naginhawaan siya doon.

Makalipas lang ng ilang minutong pagmamaneho ni Fredrick ay nakarating na sila sa bahay na sinasabi nito. Simpleng bahay lang 'yon pero may third floor siya. Ang ganda ng disenyo hindi kagaya sa ibang bahay na masakit sa mata ang disenyo. Brown ang white ang disenyo nito.

Puro salamin ang harap ng bahay mula sa first floor hanggang third floor. May mga curtain na nagsisilakihan na kulay blue. Sa side ng bahay ay may malaking swimming pool doon.

Nakikita niya rin ang mga tao sa baba na busy sa pagluluto. Mga katulong siguro ang mga 'yon.

Ang layo rin ng estado nila ni Fredrick.  Ang yaman nila. Mayaman na talaga sila dati kahit hindi pa mayor ang daddy nito noon.

"Tara na sa loob," yaya ni Fredrick sa kaniya. Hindi niya namalayan na nakalabas na pala ito sa sasakyan at nasa harapan na niya ito.

 Bumaba naman na siya sa sasakyan. Inalalayan pa siya ni Fredrick na akala mo naman bata siya na mahuhulog doon o matutumba.

"Salamat," pagpapasalamat niya dito.

May kinuha naman si Fredrick sa likod ng sasakyan nito bago sila sabay na naglakad papasok sa bahay nila. Regalo niya siguro 'yon sa kaniyang ina.

"Kapag makita mo mamaya sila daddy at mommy ay tawagin mo sila kaagad na tito at tita huh? Huwag kang magsisir o ma'am sa kanila," alanganin siyang tumango sa sinabi ni Fredrick.

Sinalubong sila ng dalawang matanda na babae nang makita nila kami. 

"Magandang gabi po sir, ma'am," bati sa kanila nang dalawa.

"Magandang hapon din po sa inyo," bati niya rin sa mga ito.

Binati rin ni Fredrick sila manang.

"Ahm manang, si Mikyla Anica nga po pala nililigawan ko," nakita niya ang pag-awang ng labi nila manang. Gulat na gulat 'yan?

"Hala! Totoo ba sir? A-Akala po namin na," hindi na pinatapos ni Fredrick ang sasabihin dapat ni manang red. Oo red ang ipapangalan niya sa ngayon dahil sa red na buhok nito.

"Akala niyo lang po 'yon manang hindi na po ngayon. Simula po ngayon ay may nililigawan na po ako, hinihintay ko nalang po 'yong oo niya hehe," napapakamot nalang siya sa kaniyang batok habang nakatingin sa dalawang matanda. Nakatingin na rin ngayon sa kanila 'yong iba.

Pinandilatan niya ng mata si Fredrick para tumigil na ito sa kakasaita baka kung anu-ano na naman ang masabi niya.

"Naku sir, mukhang mahihirapan kayo na makuha ang oo ni ma'am at baka kung magloko po kayo ay kayang-kaya niya po kayo na bugbugin," natatawa na sabi naman ni manang blue, yes blue kasi blue 'yong kulay ng damit nito.

Siguro iniisip nila na mukha akong lalaki kaya nasasabi nila na kayang-kaya kong bugbugin si Fredrick. Kayang-kaya ko naman pero parang hindi ko naman kayang gawin 'yon sa kaniya kung si Rick pa ay pwede pa.

"Kaya nga po manang e, nakakatakot siya pero hindi naman po ako magloloko. Takot po ako na mabugbog niya, malakas 'yan imbes na hospital muna ang diretso ko pero sa kabaong na kaagad." Nagtawanan ang lahat dahil sa sinabi ni Fredrick. Kinurot niya ito ng pasimple dahil sa kaniyang sinasabi.

Napatayo siya ng tuwid nang may marinig siyang yabag pababa sa hagdan. Napabaling siya ng tingin kay Fredrick nang makita niyang ang magulang na niya ang bumababa sa hagdan.

Nakabihis na ang dalawa. Ready na sila sa party.

"Mom, dad," sabi ni Fredrick sa mga ito nang tuluyan na silang makalapit sa kanilang puwesto. Hinalikan pa ni Fredrick ang mommy nito samantalang sa kaniyang ama ay nagtapikan lang sila ng balikat.

Parang gusto nalang niyang magpahatid kay Fredrick pauwi nang balingan siya ng tingin nang parents ni Fredrick.

"Ikaw na ba si Anica na palaging sinasabi sa amin ng aming panganay?" parang excited pa na nagtanong ang ina ni Fredrick. Marahan siyang tumango dito.

Nagkatinginan sila ni manang red nang tumili ang ina ni Fredrick. Mukhang teenager lang ang peg.

"Mom, stop that. Ang sakit sa tainga mamaya magpapahatid na pauwi 'tong si Micay ko dahil sa ingay niyo," pinandilatan niya si Fredrick dahil sa kaniyang sinabi. 

Lumapit sa kaniya ang ina ni Fredrick bago ito kumapit sa kaniyang braso.

"Halika hija, huwag mong papansinin si Fredrick hayaan mo lang siya diyan. Mamaya pa naman mag-umpisa nag party ko," sabi nang mommy ni Fredrick sa kaniya parang bata naman na nagrereklamo si Fredrick sa mommy nito.

Napalingon siya sa puwesto nila Fredrick. Mukhang pinipigilan din ng ama nito na sumunod sa kanila dahil nakahawak sa kaniya ito. Binelatan nalang niya ito nang makita niyang si Fredrick lang ang nakatingin sa kaniya. Buti nga sa kaniya.

Nahihiya siya na kasama niya ngayon ang ina ni Fredrick pero mas ayos na 'yon kaysa kasama nila si Fredri ck at baka kung anu-ano pa ang sabihin sa ina nito.

"Diyan ka nalang muna sa daddy mo anak, hihiramin ko lang muna 'tong future daughter-in-law ko," hindi na hinintay pa ni tita ang dapat sabihin ni Fredrick dahil hinila na siya nito kung saan. Hindi niya alam kung saan siya dadalhin nito pero paakyat sila ngayon.

"Akala ko hindi ka na makakapunta hija e kasi sinabi ng anak ko na nahihiya ka raw," oo nahihiya talaga siya tapos wala pa siyang dala na regalo.

Tumigil sila sa isang kuwarto. Kulay black ang pintura ng pinto.

"Ahm, ano po ang gagawin natin dito?" mahina niyang tanong dito.

"May ipapakita lang ako sa'yo hija tapos magchickahan na rin tayo kapag kasi sa baba tayo ay maingay doon. Gusto ko na tayong dalawa lang muna, mamaya na sila. I-solo muna kita,"  kininditan pa siya ni tita. Naku!

Binuksan naman na ni tita ang pinto bago siya nito hinila papasok sa loob. Namangha siya sa disenyo sa loob ng kuwarto dahil simple lang ito at lalaking-lalaki talaga pero mukhang wala namang gumagamit doon. 

"Saan ka unang nakita ng aking anak hija at halatang-halata na in love na inlove sa'yo?" 'yon talaga ang unang itatanong? Hina-hot seat yata siya ng mommy ni Fredrick.

Hindi naman niya pwedeng sabihin na sa isang hindi maganda na pangyayari siya unang nakita ng panganay na anak nito.

Ganito ba ang sasabihin niya? Tita nakita po ako ni Fredrick sa isang ideio na nakikipagsuntukan sa pangalawa sa kambal ninyo. Gano'n ba? E di minus puntos na 'yon diba?

"Ahm, hindi ko po alam e," sabi nalang niya dito kahit isang kasinungalingan iyon. Bahala nalang si Fredri ck na magpaliwanag kapag nagtanong ang mommy nito sa kaniya.

"Hindi mo alam?" may panghihinayang pa sa boses ni tita habang tinatanong iyon."Pero hindi ka naman siguro pinilit ni Fredrick na magpaligaw ka sa kaniya diba? Unang kita ko palang sa'yo hija ay mukhang tigasin kana, hindi ka kagaya ng ibang babae diyan na maaarte. Kaya siguro ikaw ang nagustuhan ng aking panganay dahil simple ka lang hija. Ngayon pa nga lang nagdala ng babae si Fredrick dito kaya natutuwa rin ako. Gusto ko na nga na magkaroon ng apo pero ayaw pa naman nila akong bigyan."

Binabawi na niya 'yong sinabi niya kanina na mas gusto niya na kasama ang ina ni Fredrick. Jusko! Pinaparinig na 'yong mahiwagang apo apo na 'yan.

"Ah e, hindi naman po ako pinilit ni Fredrick na magpaligaw po." Sagot niya rito sa tanong niya kanina kung pinilit ba siya ni Fredrick na magpaligaw sa kaniya.

Nagbigay lang ng maraming abuloy.

"Huwag kang maririndi sa akin hija kung dada ako ng dada dito huh? Ganito lang ako kapag gusto ko 'yong tao. Gusto na kita para sa panganay ko hija. Kapag nagloko siya habang nililigawan ka niya sabihin mo lang sa akin at ako na ang bahala kung ano ang parusa na ibibigay ko sa kaniya. Ayaw ko pa naman na mapunta pa sa iba si Fredrick, ayaw kong maging daughter-in-law ang maaarteng babae baka puro pag-iinarte lang ang aatupagin kapag nagkaroon sila ng anak imbes na alagaan ang apo ko."

Lihim siyang natawa dahil sa sinabing iyon ng mommy ni Fredrick. Mabuti naman at hindi lang siya 'yong ayaw sa mga maaarteng babae. 

Ayos lang naman kung mag-inarte ka basta may maikukuda ka. Kagaya nalang sa pagtatrabaho, pwede kang mag-inarte kung kaya mong magtrabaho hindi 'yong umaasa   ka lang sa ibibigay ng magulang mo sa'yo. Huwag kang maging palamunin. Magtrabaho ka huwag puro pabebe.

"Diba po tita nasabi niyo po kanina na ako palang ang nadadala ni Fredrick dito sa bahay niyo? Totoo po talaga 'yon?" tumango si tita sa kaniyang tanong"Wala man lang siyang ibang babae na niligawan kahit sa cellphone lang?" umiling sa kaniya ito.

"Hindi naman mahilig si Fredrick sa cellphone pero ewan ko lang noong naglipas na buwan at palagi siyang nakatutok sa cellphone baka dahil iyon sa 'yo hija. Tinamaan talaga sa'yo ang anak ko. Kakaiba ang iyong kagandahan dahil napaamo mo siya," nahiya naman siya sa sinabi ni tita.

"Ay oo nga pala, ngayong kilala mo si Fredrick e di alam mo na rin na triplets sila?" tumango siya sa tanong ni tita.

"Opo tita kilala ko na po sila. Si Rick po ang una kong nakilala sa kanila dahil na rin sa siya ang palaging nandiyan lang sa gilid-gilid na nakikita. Ewan ko nga rin po e kung nakita ko na po dati 'yang dalawa, sina Fredrick at RJ."

Iyon din ang hindi niya alam. Kung dati niya na rin bang nakita ang dalawa. Kung may posibilidad din ba na nag-usap-usap sila na magpalitan muna.

"Siguro si Fredrick oo pero kung si RJ hindi talaga hija kasi taong bahay lang talaga 'yan, minsan lang kung lumabas. Kung may iuutos sa kaniya at kung gusto niyang lumabas," kaya pala iba rin ang puti ni RJ.

Nakakahiya ngang lumapit sa kaniya dahil magmumukha ka lang na libag kung didikit ka sa kaniya.                        

"Hindi kona tatanungin sa'yo hija kung kilala mo ba 'yong bunso namin kasi alam ko na kilala mo na siya. Hmmm ilan kayong magkakapatid hija?"

"Tatlo po kaming magkakapatid ti ta, ako po 'yong panganay," tumango-tango naman si tita sa kaniya.

Hindi naman na nagtanong pa si tita tungkol sa kaniyang pamilya.

Nakatingin lang siya kay tita nang tumayo ito at may kinuha sa isang drawer. Dalawang album iyon.

"Gusto mo ba na makita ang mga picture ni Fredrick noong maliit palang siya?" nakangiti na tanong sa kaniya ni tita. Nakangiti naman siya na tumango-tango. Excited siya.

Ngunit hindi na naipakita pa ni tita iyong mga picture ni Fredrick dahil nagtawag na sila na kakain na at tapos na silang makaluto. Si Fredrick pa ang tumawag sa kanila at panay na naman ang reklamo niya sa ina nito nang makita niya ang albums kung saan nandoon ang mga picture niya noong bata pa siya.

Nakanguso si tita ng pababa sila sa hagdan. Excited pa naman raw na ipakita niya 'yong mga picture ni Fredrick.

Mas dumami na ang tao sa baba. Nandoon na rin 'yong dalawang kambal ni Fredrick at ang kapatid nitong babae. Ngiting-ngiti pa ito noong makita siya. 

Naayos na rin sa labas kung saan sila kakain, sa tabi iyon ng swimming pool. Inakay na rin siya ni Fredrick palabas. Nakasunod naman ang iba sa kanila. Nahihiya pa siya na tumingin sa hindi pamilyar na mukha sa kaniya. 

Ang magulang at mga kapatid lang ni Fredrick ang kaniyang kilala.

Nagdasal na rin sila noong pumunta na lahat ng mga tao sa area kung saan gaganapin ang birthday ni tita. Pagkatapos niyon ay kinantahan na nila ng happy birthday si tita. Tuwang-tuwa ito. Ipinahipan na ng daddy ni Fredrick ang kandila sa cake ni tita nang matapos na silang kumanta.

"Time to eat! Enjoy your food guys!" sabi ni tita gamit ang micropono.

Balak na naman na hilahin siya ni tita kung saan pero pinigilan na ni Fredrick ito.

"Mom ako na po ang bahala sa kaniya. Asikasuhin niyo nalang po 'yong mga bisita niyo mommy, aagawin mo na naman siya sa akin," natatawa naman na umalis si tita sinabihan pa si Fredrick na madamot.

"Hi my loves," nagulat si sa pagsulpot ng kapatid na babae ni Fredrick.

"What are you doing here Avery? Doon ka nga kila mommy at bakit mo tinatawag na my loves ang Micay ko huh? Kukurutin kita diyan," napairap si Avery sa sinabi ng kuya nito.

"Kuya sa akin naman siya e, ako kaya ang unang nakakita sa kaniya kaysa sa'yo. Hindi mo nga siya makikilala kung hindi mo napanood 'yong video na kay Kuya Rick," so alam din pala ni Avery 'yon?

"Kahit pa ikaw ang kauna-unahang tao na nakakita sa kaniya pero sa akin siya. Sa akin siya babagsak at hindi sa'yo. Maghanap ka ng lalaki para huwag mong aagawin  si Micay ko sa akin, ako na nga ang pinili e at hindi ikaw kaya mag-move on kana diyan."

Napabusangot si Avery doon. Alam na rin ni Fredrick iyon? Kinabahan naman siya ng tignan siya ng matalim ni Fredrick. Luh! Wala naman siyang ginagawa na masama.

"Psst! Bunso halika na nga dito, istorbo ka pa sa kanila e," hindi na pinagsalita pa ni Rick si Avery dahil bigla nalang niya itong hinila kita niya pa kung paano magpumiglas ang babae pero mas malakas pa rin si Rick dito.

"Pagpasensyahan mo na siya Anica, gutom lang 'tong bunso namin," pahabol pa ni Rick na mas lalong ikinanguso ni Avery.

Hilig na hilig nila na basta nalang manghila kahit na may gusto ka pang sabihin ay hindi mo na talaga masasabi pa.

"Damn! Ang ganda mo talaga dahil pati ang kapatid kong babae ay nagkagusto sa'yo pero ako pa rin  ang pinakamasuwerte sa kanila dahil ako ngayon ang nanliligaw sa'yo. Ang dami kong kaagaw sa'yo huh," tuwang-tuwa na sabi ni Fredrick na ikinairap niya lang.

Tinulungan siya ni Fredrick na kumuha ng kaniyang pagkain. Sa bawat tao na nakakasalubong nila at nakakatabi nila ay ipinapakilala siya ni Fredrick sa mga ito.

Proud na proud ito na ipakilala siya. Hindi nawawala 'yong sinasabi niya na,"Hi po ito nga po pala si Mikyla Anica, nililigawan ko po". Palagi niyang sinasabi 'yan sa mga ito at kagaya ng iba ay gulat na gulat din sila. 

Pare-pareho sila ng reaksyon kapag sinasabi ni Fredrick na nililigawan siya nito. Sinasabi pa nila na hindi raw nila inaasahan na darating ang araw na may ipapakilala si Fredrick na nililigawan nito.

Dinala siya ni Fredrick sa isang table na pangdalawahan lang na tao ang uupo doon. Sosolohin talaga siya ng loko.

Tuloy-tuloy siya sa kaniyang pagkain dahil hindi naman siya kinakausap ni Fredrick. Tinitignan lang siya nito.

Nang may matapos ng kumain ay nagsisayaw na ang mga matanda. Ang mga bata naman ay may kaniya-kaniya silang puwesto na sumasayaw din. May kumanta pa na matatanda at bata. Lahat ng kumanta ay binigyan ni tita ng premyo nila. Hindi niya alam kung ano ang laman niyon dahil naka-paper bag ito.

Sumapit ang alas-nuwebe ng gabi ay inihatid na siya ni Fredrick. Ayaw pa nga ni tita na uuwi na siya pero nangako kasi si Fredrick sa kaniyang magulang na iuuwi rin siya ngayon. Pinabalutan nalang siya ni tita ng pagkain.

Nagpaalam din sila sa kamag-anak nila Fredrick. Nagpaalam din siya sa daddy nito. Nahihiya pa nga siya na kausapin ito kanina.

"Balik ka dito ulit hija, ituloy natin 'yong kuwentuhan natin at iyong ipapakita ko pa sa'yo," sabi ni tita sa kaniya bago sila umalis. Tumango nalang siya dito.

"Oh diba nagkasundo kayo kaagad," natutuwa na sabi ni Fredrick sa kalagitnaan ng kanilang biyahe.

"Tama ka nga na madaldal ang mommy mo," nagtawanan sila na dalawa sa kaniyang sinabi.

Umuwi rin kaagad si Fredrick nang maihatid na siya nito sa kanilang bahay.











A/N: Sana nagustuhan ninyo. Salamat sa pagbabasa VYBEES ko. Ay-ayaten kayu amin mwah!

Continue Reading

You'll Also Like

1.1M 27.8K 45
When young Diovanna is framed for something she didn't do and is sent off to a "boarding school" she feels abandoned and betrayed. But one thing was...
1.8M 114K 200
**Story is gonna be slow paced. Read only if you have patience. 🔥** Isha Sharma married a driver whom she had just met. She was taking a huge risk...
1K 74 6
What would happen if Feyre didn't kill Andras? What would have happened if she never went across the wall to Prythian? What if Amarantha was defeated...
100K 4K 49
COMPLETED. Christian Ryder-a masterpiece in a five-figure suit. Cunning, handsome, fiery, and most of all, permanently single. The youngest and rich...