Stay Wild, Moon Child

By alyloony

1.7M 106K 55K

Her only goal is to finish the last year of her High School life in peace. But then she met a guy who is so g... More

Prologue
Chapter One
Chapter Two
Chapter Three
Chapter Four
Chapter Five
Chapter Six
Chapter Seven
Chapter Eight
Chapter Nine
Chapter Ten
Chapter Eleven
Chapter Twelve
Chapter Thirteen
Chapter Fourteen
Chapter Fifteen
Chapter Sixteen
Chapter Seventeen
Chapter Eighteen
Chapter Nineteen
Chapter Twenty
Chapter Twenty One
Chapter Twenty Two
Chapter Twenty Three
Chapter Twenty Four
Chapter Twenty Five
Chapter Twenty Six
Chapter Twenty Seven
Chapter Twenty Eight
Chapter Twenty Nine
Chapter Thirty
Chapter Thirty One
Chapter Thirty Two
Chapter Thirty Three
Chapter Thirty Four
Chapter Thirty Five
Chapter Thirty Six
Chapter Thirty Seven
Chapter Thirty Eight
Chapter Thirty Nine
Chapter Forty
Chapter Forty One
Chapter Forty Two
Chapter Forty Three
Chapter Forty Four
Chapter Forty Five
Chapter Forty Six
Chapter Forty Seven
Chapter Forty Eight
Chapter Forty Nine
Chapter Fifty
Chapter Fifty One
Chapter Fifty Two
Chapter Fifty Four
Chapter Fifty Five
Chapter Fifty Six
Chapter Fifty Seven
Chapter Fifty Eight
Chapter Fifty Nine
Chapter Sixty
Chapter Sixty One
Chapter Sixty Two
Chapter Sixty Three
Chapter Sixty Four
Chapter Sixty Five
Chapter Sixty Six
Epilogue

Chapter Fifty Three

20.3K 1.2K 558
By alyloony

Chapter Fifty Three

"Good news! The Quizardry Tournament sent us an invitation and we've decided that you three will join in this year's competition!" masiglang pambungad ni Mrs. Sanchez, ang adviser namin sa aming tatlo nang makarating kami sa teacher's office.

Para akong biglang nakahinga ulit nang maluwag na hindi ito tungkol sa mga nangyari nitong nakaraang araw, pero bigla rin bumalik ang kaba sa akin nang mag sink-in ang sinabi niya.

Isasali ako sa Quizardry Tournament?!

Sikat na sikat ang tournament na yun at talagang competitive ang mga schools na sumasali. Ang pagkakaalam ko, may iba na talagang nag t-train pa ng ilang months for this particular competition.

Meanwhile kami...

"What if... wala po akong intention sa sumali?" tanong ni Seb sa adviser namin.

Mrs. Sanchez shrug, "well, I see no reason why you won't join, Mr. Madrigal. Malaking push sa scholarship application mo yung pag sali dito. Lalo na kung makaka place kayo. Hirap pa naman ng course na ina-applyan mo. Pol-sci, right?"

Nagulat ako sa sinabi ng adviser namin at napatingin ako kay Seb. He's not looking at me. Instead, diretso lang ang tingin niya kay Mrs. Sanchez na parang nag iisip. Bigla siyang napangiti.

"Sabi ko nga po sasali ako," pabirong sabi ni Seb at napangiti na lang si Mrs. Sanchez.

Akala ko wala pa siyang naiisip na course. So mag p-political science pala siya.

"How about you two?" tanong niya sa amin ni Mona.

"Sasali po ako," I answered, dahil alam kong magandang opportunity ito para palagpasin.

"May kailangan po bang requirement?" tanong naman ni Mona.

"Oh, you'll be needing a parent's consent and participation fee since you guys will stay in a resort for three days sa entirety ng competiton. More than three days if makakalusot kayo sa mga unang rounds."

Biglang natahimik si Mona sa sinabi ng adviser namin.

"Magkano po?"

"I think around three thousand to four thousand. Pero kasama na lahat yun, lodging and food. Yung transportation at iba niyo pang kakailanganin will be provided by the school na."

"S-sige po. Sali ako," sabi ni Mona.

But judging her, there's a look of worry on her face.

After that, binigyan kami ni Mrs. Sanchez ng mga application forms na ipapasa namin together with our parent's consent and participation fee. After that, pinabalik na niya kami sa classroom.

Nang makalabas kami sa office, biglang hinarang ni Seb si Mona.

"Oopps, baka may gusto kang sabihin kina Iris. Alam mo na, apology," sabi nito habang itinataas ang phone niya para bang sinasabi nito na nasa kanya pa rin ang video na kinuhanan niya.

Napairap lang si Mona at tinabing ang kamay ni Seb.

"Tabi," she said coldly at nauna na siyang mag lakad.

Napailing na lang ako.

"Wag mo siyang piloting mag apologize. I also don't want to hear a half ass apology."

Bigla naman nag salute si Seb sa harap ko, "ma'am, yes ma'am!"

Napaiwas ako nang tingin at nag lakad. Sumabay naman si Seb sa akin.

Hindi ako mapakali. Ayokong magtanong, but at the same time para akong mamamatay sa curiosity kaya naman hindi ko na napigilan ang sarili ko.

"So.. uhm.. mag Pol-Sci ka?" tanong ko sa kanya.

"Parang ganon na nga," he said nonchalantly

"Diretso law school after?"

"Kung hindi mauubos braincells ko, why not?" pabiro niyang sagot.

"Saang university?" tanong ko.

"Sa tabi-tabi lang," pag bibiro niya ulit.

Hindi na ako nag salita ulit. Feeling ko lang parang may pumilipit sa puso ko.

Seb still won't answer me directly.

Kailan kaya niya magagawang pagkatiwalaan ako? I badly want to know him, pero bakit pakiramdam ko parang ang hirap hirap tibagin ng wall niya?

~*~

"Meryenda tayo!" yaya ni Chichi after mag dismiss ang last class namin. "May bagong kainan diyan sa kanto. Masarap daw yung ginataang bilo bilo nila!"

"G!" sabi naman ni LJ. "Susunduin ko rin kasi mamaya si Jen dahil may practice sila ngayon para sa PE class. Sama muna ako sa inyo."

"Naks! Girlfriend duties!" pang aasar ni Chichi dito. "Kailan kaya may susundo sa akin?"

Napatingin kaming tatlo kay Glen na naka headset at busy sa kung ano man youtube video na pinapanood niya. Napasimangot na lang si Chichi.

"Kung ikaw na lang kaya manligaw diyan?" tanong ni LJ kay Chichi.

"Malapit ko nang gawin kasi nakakairita!" sabi naman ni Chichi at nilapitan niya si Glen.

"Glen! Sunduin mo rin ako!"

Glen just gave her a confused stare habang pareho kaming napa facepalm ni LJ. Damang dama ko ang secondhand embarrassment. Pero hanga rin naman ako sa lakas ng loob ni Chichi. Alam kong isa yan sa mga bagay na hindi ko kayang gawin.

Lumapit ako kay Glen bago pa makapag sabi nang kung ano si Chichi

"Sama ka sa amin? Mag memeryenda kami," yaya ko rito.

Tumango si Glen, "pwede naman," sabi nito at nag ligpit ng gamit. "Si Seb?"

Napalingon ako kay Seb. Nakakunot ang noo niya at busy siyang nag fi-fill out nung application form na ibinigay sa amin kanina. Masyado siyang naka concentrate doon na hindi niya iniintindi ang pinag uusapan namin kahit na ang lapit lang namin sa pwesto niya.

"Kung 'di siya busy..." mahinang sagot ko kay Glen.

Lumapit naman si LJ kay Seb at tinapik nito ang braso balikat niya.

"Huy! Tara meryenda!" yaya ni LJ dito at napalingon siya sa application form. "Naks! Sasali talaga sa competition? Ayos!"

"Sayang eh," sabi ni Seb habang ipinapasok niya sa envelope yung application form.

"Oo nga maganda nga raw yang pang hatak para sa scholarship," sabi naman ni Chichi.

Napalingon ako bigla sa kanya.

Alam niya rin na nag a-apply for scholarship si Seb?

Alam rin ba nila na mag p-pol-sci siya? Ako lang ang hindi niya sinabihan?

Well, wala naman akong karapatan mainis o mag tampo kasi choice naman niya yun.

Akala ko lang nandoon na kami sa level ng friendship na kaya namin mag sabi sa isa't isa. Baka nga ako lang pala yun. Baka one sided lang.

Grabe pati sa friendship parang na one-sided ako, ah?

Tumalikod na lang ako at bumalik ako sa pwesto ko. Kunyari busy akong ayusin ang mga gamit ko. Pero sa totoo lang, ramdam na ramdam ko ang sama ng loob. I'm trying to ignore it, pero hindi ko mapigilan kahit wala naman akong karapatan na mag tampo.

"Kasama si Ms. Pres?" dinig kong tanong ni Seb kina Chichi.

"Oo naman!" sagot ni LJ.

"Okay. Sama rin ako, gutom na ako."

Napapikit na lang ako at napabuntong hininga. Because just like that, nabura agad ang pagtatampo na nararamdaman ko.

Nakakainis na 'tong feelings ko.

Bahagyang napa angat ang tingin ko sa kanila at nakita kong papalapit sa akin si Seb. Naka sukbit na ang backpack niya sa kaliwang balikat niya habang hawak hawak naman niya yung envelop sa kanang kamay.

"Sama ka?" tanong nito na kahit na natanong na niya sina LJ, cino-confirm pa rin niya sa akin. "Mag me-meryenda raw."

Umiwas agada ko nang tingin dahil pakiramdam ko sasabog ang puso ko. Hanggang ngayon hindi pa rin ako makapaniwala na ganito na ang nagagawa ng presensya ni Seb sa akin.

"Oo sama ako," sabi ko sa kanya.

Nagulat ako nang kinuha ni Seb yung tote bag ko na maraming libro. Mga librong hiniram ko sa library para makapag advance reading na ako para sa Quizardry.

"Bigat nito ah? Ako na mag bubuhat."

"Uy hindi wag na---" pag kontra ko, pero bago ko pa man maagaw yung tote bag sa kanya, isinukbit na niya 'to sa balikat niya.

"Tara!" nakangiti niyang yaya sa akin.

Napahinga na lang ako nang malalim.

Bakit niya masyadong ginagalingan?!

~*~

"Limang bilo bilo kuya," sabi ni LJ doon sa lalaking nag babantay. "Padamihan ng sago at saba ha!"

"Si Harold hindi raw ba susunod?" tanong ni Chichi dito.

"May practice daw eh. Pass daw muna siya."

Napatingin ako kay Chichi at kita kong nalungkot siya.

"Feeling ko nawalan ako ng friend."

Napaakbay naman ako kay Chi and I gently pat her shoulder.

"Yaan mo muna siya. Baka kailangan lang niya ng time."

Chi smiled sadly at me at napahinga siya.

"Kung sabagay. Feeling ko awkward din pag nagkita kami. Wag ko muna nga sigurong pilitin."

Naupo kami sa ni reserve na seat nina Seb at Glen.

Chichi instantly took the seat beside Glen. Nakita kong papunta si LJ sa seat na katabi ni Seb, pero agad na ipinatong ni Seb yung tote bag ko doon sa upuan sa tabi niya kaya naman doon na napaupo si LJ sa seat sa tabi ni Chichi.

Parang biglang tumalon ang puso ko. Ilang beses ko nang pinaulit ulit sa sarili ko na ayoko nang mag bigay ng meaning sa mga bagay bagay, pero hindi ko maiwasan.

Nilingon ako ni Seb at sinenyasan niya ako na umupo sa tabi niya. Agad naman akong lumapit at tumabi sa kanya.

"Gusto mo ng gulaman?" tanong niya sa akin at tinuro niya yung nag lalako ng gulaman na naka hinto sa tapat ng kainan.

"At bakit si Iris lang ang tinatanong mo?" singit naman ni LJ. "Paano naman kaming nauuhaw rin?"

"Penge pambili?" pag bibiro ni Seb sa kanya.

"Wow si Iris balak ilibre, kami hindi! Bakit kaya---"

"Libre ko na," pag putol ni Glen sa sinasabi ni LJ at tumayo siya. "Tara."

"Naks! Bait talaga ni pareng Glen," sabi ni Seb at pareho silang pumunta doon sa bilihan ng gulaman.

"May napapansin ako," sabi ni LJ na parang nanliliit ang mat ana nakatingin doon sa dalawa.

"Ano?" tanong naman ni Chichi. "Na may crush sa akin si Glen?"

"Gaga, ayun ang hindi pa malinaw!"

Napasimangot si Chichi. "Eh ano yung napapansin mo?"

"Si Seb," sagot ni LJ at nilingon niya ako.

Agad naman akong nag panic.

Halata ba ako?! Napapansin na ba ni LJ?! Hindi ko pa ulit kayang umamin about sa crush please lang!

"Hindi kaya crush ka ni Seb?" tanong ni LJ.

"Ha?!" gulat na tanong ko. "P-paano mo naman nasabi?"

LJ shrugs, "gut feel ko lang. Pero wala naman akong proof so wag mo munang isipin baka mailang ka, eh."

Hindi na ako nag react. If nahahalata ni LJ, hindi kaya meron talaga...?

No. No. Ayokong isipin. Ayokong mag overthink. Mas lalong ayokong mag expect.

Dahil ayoko na naman masaktan.

Please. Tama na ang isang heartbreak ngayong school year. Quota na ako kung may papangalawa pa.

Biglang naramdaman kong may nag v-vibrate sa table at napansin kong naiwan ni Seb ang phone niya. Someone's calling him.

Letter "L" lang ang nakalagay sa pangalan.

But what I noticed is yung picture nung caller na lumabas sa screen ni Seb nung tumawag ito.

It's a picture of Seb and her. A mirror selfie. The girl's arm is wrapped around Seb's shoulder and...

They look like a couple. 

I felt my heart sank.

Iniwas ko agad ang tingin ko. Trying to ignore kung ano man ang nakita ko. Trying to keep a straight face. Kahit na samu't sari ang tanong sa isip ko.

Nakita kong pabalik na sina Seb sa table naming dala dala yung mga binili nilang gulaman. Hindi ko siya matignan nang diretso kaya naman inilabas ko na lang ang phone ko and I made myself busy.

Naramdaman kong tumabi na sa akin si Seb habang inilalapag niya ang gulaman sa harapan ko.

After that, naramdaman kong kinuha niya ang phone niya. Hindi ko alam ba't hindi ako mapakali. Ang bilis ng tibok nang puso ko. Pakiramdam ko parang mahihilo ako.

But what he said next crushes my heart.

"Uy, need ko pala umalis."

"Now na?" sabi ni Chi. "Bakit? Sayang naman order mo."

Tinapik ni Seb yung balikat ni Glen, "pareng Glen, ikaw na bahala kumain. My treat!"

After that, dali dali niyang kinuha ang bag niya, "kita kits sa school!" sabi nito at naramdaman kong tumakbo na siya paalis.

That's the time na napaangat ang tingin ko at nakita ko na lang ang likod ni Seb na tumatakbo palayo sa amin habang hinahabol ang isang tricycle na paalis na.

Napahinga ako nang malalim.

Kakasabi ko lang na ayoko ng pangalawang heart break ngayong school year, pero mukhang nangyari na nga.

To be continued...

Continue Reading

You'll Also Like

3.8M 63.9K 56
There's no such thing as a number of heartbeats. As long as your heart knows what forever means . . . It's possible that even in the afterlife, it m...
30.8K 289 6
The reason why I'm writing.
106K 4.5K 53
The Madrid-Esquival siblings Nora, Fort, and Ansel, find love through their phones...and go from there. *** Nora's crush on her older brother's teamm...
105K 5K 29
Saan galing ang mga kuwento? Paano pumili ng pamagat? Anu-ano ang mga story elements? Gaano kalaki ang plot? Ilan ang dapat na tauhan sa kuwento? Bak...