Seducing That Half Girl (COMP...

By vyouutiiiful

31.6K 1.3K 10

FOUR - U N E D I T E D - - C O M P L E T E D - Si Mikyla Anica ay isang tomboy. Ayaw niya sa mga pangbabaeng... More

DISCLAIMER
BLURB
PROLOGUE
CHAPTER 01
CHAPTER 02
CHAPTER 03
CHAPTER 04
CHAPTER 05
CHAPTER 06
CHAPTER 07
CHAPTER 08
CHAPTER 09
CHAPTER 10
CHAPTER 11
CHAPTER 12
CHAPTER 13
CHAPTER 14
CHAPTER 15
CHAPTER 16
CHAPTER 17
CHAPTER 18
CHAPTER 19
CHAPTER 21
CHAPTER 22
CHAPTER 23
CHAPTER 24
CHAPTER 25
CHAPTER 26
CHAPTER 27
CHAPTER 28
CHAPTER 29
CHAPTER 30
CHAPTER 31
CHAPTER 32
CHAPTER 33
CHAPTER 34
CHAPTER 35
CHAPTER 36
CHAPTER 37
CHAPTER 38
CHAPTER 39
CHAPTER 40
CHAPTER 41
CHAPTER 42
CHAPTER 43
CHAPTER 44
CHAPTER 45
EPILOGUE

CHAPTER 20

421 26 0
By vyouutiiiful

CHAPTER 20

Kinabukasan ay maaga siyang nagising. Sa bintana kaagad ang kaniyang tinungo dahil tinignan niya kung maayos na ang panahon pero nadismaya siya ng makitang umuulan pa rin. Mas kita na niya ngayon ang paligid ng bahay ni Fredrick.

Ang sinasabi niyang mga punong-kahoy kagabi ay kitang-kita na niya ngayon. Ang mga bahay ay nasa malayo at itong bahay lang talaga ni Fredrick ang nag-iisa sa gitna ng malawak na lupain kung saan nakatayo ang bahay na kinaroroonan niya ngayon.

Napalingon siya sa pinto ng may kumatok doon. Ibinalik niya sa dati ang ayos ng malaking kurtina bago niya pinagbuksan ang kumakatok. Alam niya naman na si Fredrick 'yon dahil silang dalawa lang naman ang nandito sa bahay na 'to.

"Anong kaila-" hindi niya natuloy ang kaniyang sasabihin ng makita kung sino ang nasa kaniyang harap. Hindi ito si Fredrick kundi isang matanda na mukhang nasa edad na fifty yata.

Ang aliwalas ng mukha nito. Hindi kagaya sa ibang matanda na unang tingin mo ay masungit na pero itong kaharap niya ngayon ay hindi. Ang amo ng mukha nito.

"Magandang umaga hija. Pinapatawag kana pala ng alaga ko sa baba, kakain na daw ikaw." Nakangiti na sabi sa kaniya ng matanda.

"Ahm ako nga pala si Dolores hija. Ako ang yaya ni Fredrick kapag nandito siya, ako din ang nagbabantay at naglilinis dito sa bahay niya. Nanay nalang ang itatawag mo sa akin o kung gusto mo ay manang nalang." Tumango siya sa sinabi ng matanda.

"Ahm nasaan po si Fredrick m-manang?" gusto niyang tawagin na nanay ito pero may nanay naman siya kaya huwag nalang.

"Nasa baba na hija, nagkakape." Tumango naman siya kay manang bago sumunod dito papunta sa baba.

Naabutan nga niya si Fredrick sa baba na nagkakape. May binabasa din ito na newspaper. Mabilis niyang iniwas ang kaniyang tingin nang dahan-dahan ito na tumingin sa kaniyang gawi.

"Good morning!" masigla na bati sa kaniya ng lalaki. Napairap nalang siya doon."Ang sama naman kaagad ng umaga mo. Kumain kana diyan baka sakaling sumigla ka rin. Ang lamig lamig na nga tapos ang ulo mo ang init," tinaas-taasan pa siya ni Fredrick ng kilay pagkatapos niyang sabihin 'yon. Narinig naman nila ang hagikhik ni manang.

"Ang saya niyo naman na tignan. Hija, inlove na sa 'yo 'tong alaga ko," may kilig pa sa boses ni manang.

"Nay naman e," parang bata na maktol ni Fredrick.

Natatawa nalang siya. May ganiyan din pala na side si Fredrick kapag si manang ang kaharap nito.

"Totoo naman anak. Tignan mo nga, ngayon ka lang kaya nagdala ng babae dito tapos hindi kapa kaya namamansin ng mga babae maliban sa amin na malapit sa 'yo. Diba nga, ayaw mong napapalapit sa mga babae at ayaw mong may lumalapit sa 'yo na babae."

Ay weh? Sa mukhang 'yan ni Fredrick hindi pa talaga nag-uuwi ng babae dito? Baka nga ang dami na niyan na nakasiping sa kama eh. Kahit naman ayaw nila ng atensyon ng mga tao pero alam niya na may kailangan ang mga ito sa katawan.

"Si nanay talaga binubunyag na ako," natatawa na sabi ni Fredrick kay manang. Natawa rin si manang sa sinabi ni Fredrick.

"Sus! Ang alaga ko nagpapabebe na. Nandito lang ang gusto niya e," nakita naman niya ang pagpula ng tainga ni Fredrick sa sinabi ni manang.

"Hay naku nay, sabayan mo na nga lang kami sa almusal para hindi na kung anu-ano ang sinasabi niyo kay Micay ko baka mamaya hindi na niya ako sasagutin diyan. Alam niyo na po nay baka macornyhan siya sa akin hehe."

Grabe! Idinadamay na naman niya ako. Nginitian nalang niya si manang nang tignan siya nito. Sinabayan na rin siyang mag-almusal ng dalawa.

Umuulan pa rin sa labas. Hindi na sila makakapunta sa sinasabi ni Fredrick kagabi.

"Anak, ipinaalam mo ba siya sa magulang niya? Naku! Kung hindi, ibalik mo siya. Bawal ang ganiyan anak huh. Hindi 'yan magandang tignan sa binata, hindi 'yan kagalang-galang na gawain anak.

Napatigil siya sa pagkain nang marinig niya iyon mula kay manang. Kagaya niya ay napatigil din si Fredrick sa pagkain at nangingiti ito na tumingin kay manang. Pinandilatan niya ito ng tingin dahil sa pagngiti ngiti nito.

"Huwag mo akong nginingitian diyan anak, seryoso ang sinasabi ko. Kapag tumigil itong ulan ihahatid mona siya sa kanila. Hindi puwede na manatili pa siya dito lalo na kung wala kang permisyo sa kaniyang magulang."

"Ang nanay talaga, parang hindi niyo naman ako kilala e. Ipinaalam ko po siya nay kasama ko po si Rick, hindi lang sumama sa amin si RJ. Alam niyo naman 'yong isang 'yon, may sariling mundo."

Oo napansin niya din ang isang 'yon. Lalo na noong una niya itong makita. Akala mo pipi dahil sa ugali niyang hindi nagsasalita, ang malala pa doon ay nakatingin lang siya sa 'yo sa bawat galaw mo.

"Susmaryosep! Akala ko hindi mo siya ipinaalam. Maganda ang ganiyan anak para hindi mo mabastos ang kaniyang magulang. Karamihan na kasi sa mga kabataan na binata ngayon ay basta nalang nilang iuuwi ang mga dalaga ng walang pahintulot sa magulang. Kadalasan pa ay ginagawa nila ito kapag walang tao sa bahay ng lalaki kaya doon din posible na nabubuntis ang ibang babae ngayon."

Marami siyang kilala na gano'n sa kanilang barangay puro pa naman teenager. Nasa 14 pataas ito. Ang naririnig niyang dahilan ng iba ay dahil daw sa kapabayaan ng kanilang mga magulang. Masama ang ipinapakita ng kanilang magulang.

Ewan niya kung bakit nila ginagawa iyon. Hindi porket gano'n na ang magulang ay pababayaan mo na rin ang iyong sarili. Diba iyon dapat ang isa sa dahilan para ikaw na mismo ang mag-alaga sa sarili mo?

May iba rin siyang kilala na kapag hindi tinanggap ng lalaki ang bata ay ipapalaglag nila. Oo wala siya sa sitwasyon na 'yon pero hindi ba sila naaawa sa bata? Sarili nilang kaligayahan iyon kaya ito nabuo kaya bakit nila ipapalaglag dahil lang ba sa hindi tanggapin ng lalaki? Ginusto nila iyon, hindi sila gumamit ng protection. Kung ayaw naman palang panagutan ng lalaki e di sana gumamit ito ng protection.

Ang isa pa, ang bata-bata pa nila pero bakit ginagawa na nila iyong ginagawa ng mga mag-asawa? Naiinis din siya sa mga teenager na gano'n. Mas pina-priority pa nila ang bagay na 'yon kaysa ang kanilang pag-aaral.

"Huwag po kayong mag-alala nay, hindi ko pa naman bubuntisin si Micay ko. Nakakatakot 'yan nay kung alam mo lang. Baka hilingin ko palang sa kaniya ang bagay na 'yon ay paglalamayan niyo na ako kinabukasan," nanlalaki ang kaniyang mata dahil sa sinabi ni Fredrick. 

Nahihiya na iniyuko niya ang kaniyang ulo dahil naramdaman niya ang pagsulyap sa kaniya ni manang. Ang bastos ng lalaki na 'to. Sa harap pa talaga ng hapag-kainan?

"Hindi kapa nga niya sinasagot e. Mukhang mahihirapan ka sa kaniya anak huh. Malaking-malaki na good luck sa 'yo anak. Sana iabot niya ng taon bago ka niya sagutin," natawa siya ng mahina dahil sa sinabi ni manang.

"Nanay naman e. Binibigyan niyo naman siya ng idea para sagutin ako. Naku! Magtatampo ako sa inyo nay huh," napahagikhik lang naman si manang sa sinabi ni Fredrick.

"Oh siya siya, kumain na tayo dahil malamig na ang pagkain natin. Sayang umuulan pa, hindi ka niya maipapasyal ngayon hija. Ang nabalitaan ni Fredrick sa kaniyang kapatid kagabi ay may paparating daw na bagyo. Ang pangalan daw nito ay Narding, sana hindi ito malakas kawawa na naman ang mga bahay na maapektuhan nito."

Jusko! Sana naman hindi malakas. Ang kaniyang pamilya. Napatingin siya kay Fredrick na may nangungusap na mata.

"Huwag mo ng problemahin sila tita Micay, nasa mabuti sila na kalagayan ngayon. Si Rick na ang bahala sa kanila pati na rin ang iyong mga kaibigan. Sana lang hindi sila magrambulan doon," ginanahan pa talaga ito na tumawa sa huli niyang sinabi. Hindi naman siguro makipagrambulan ang mga 'yon ng wala siyang pahintulot."Si papa na rin ang bahala sa kababayan natin na may maliliit na bahay na puwedeng masira kapag nandiyan na ang bagyo."

Bakit kasi may bagyo na naman. Marami na naman ang mapipinsala nito lalo na sa pinakatarget nito na lugar. 

Nang matapos na silang kumain ay siya na ang nagpresinta na maghugas ng kanilang pinagkainan. Nakakahiya naman kung ipapahugas pa niya kay manang iyon.

"Manang puwede po ba ako na tumulong sa inyo sa paglinis dito?" tanong niya kay manang nang matapos na siyang makahugas.

Wala naman siyang gagawin dito. Alangan papanoorin niyang naglilinis si manang dito habang siya ay nakaupo lang? Ang boring kaya.

Hindi niya alam kung saang lupalop dito sa bahay nagtungo si Fredrick. Pagkatapos kasi nila na kumain ay nagpaalam ito sa kanila na may pupuntahan lang daw saglit.

"Sige lang hija," nakangiti naman na sabi sa kaniya ng matanda.

"Ahm manang hindi naman po sa pagiging tsimosa pero bakit po wala kayong kasama dito sa bahay ni Fredrick? Ang laki kaya nito tapos mag-isa lang kayo na naglilinis,"kuryoso na tanong niya dito.

Nakakapagod kaya na maglinis. Ako nga napapagod, si manang pa kaya?

"Ayos lang naman sa akin 'yon hija. Gusto ni Fredrick na kumuha siya ng maraming kasambahay dito pero ako lang ang may ayaw. Nagkasagutan pa nga kami ni Fredrick tungkol diyan sa pagkuha niya ng kasambahay e, pero dahil mas matigas ako ay ako ang kaniyang sinunod."

Mukhang natatawa pa si manang habang sinasabi iyon sa kaniya. 

"Hindi ka ba napapagod sa paglilinis dito manang? Ako nalang po kunin ninyo na kasama sa paglilinis dito hehe, joke lang po," iniling-ilingan naman siya ng matanda.

"Hindi naman mahirap na linisin dito hija pero sige kung gusto mo na samahan ako dito, sige lang. Ipapaalam pa kita sa magulang mo kung gusto mo," nanlaki naman ang kaniyang mata sa sinabi ni manang.

"Naku! Nagbibiro lang po ako manang. Hanapan ko nalang po kayo ng tutulong sa inyo. Alam ko po na may rason kayo kung bakit ayaw ninyo na kumuha si Fredrick ng kasama niyo dito. Maghahanap po ako manang, 'yong mapagkakatiwalaan po."

Siguro may nakaraan si manang tungkol sa mga katulong katulong na 'yan.

"Naku! Salamat hija, tama ka nga na may rason ako kung bakit ayaw ko na may kasama dito. Noon ay may kasama naman talaga ko dito pero maaga niya lang akong iniwan, hindi pa nga kami nagkakaanak pero iniwan na kaagad ako," nahimigan niya ang lungkot sa boses ni manang.

"Ano po ang ibig sabihin ninyo manang? Iniwan na sumakabilang buhay po ba?" nakita naman niyang malungkot na tumango si manang.

"28 years old noon palang noon ang aking asawa. Nagkasakit siya ng cancer. Hindi ito kaagad naagapan dahil sa kahirapan ng buhay. 15 years old pa nga lang ako noong una kong magtrabaho dito. Buhay pa noon ang lolo at lola ni Fredrick na magulang ng papa niya. Kaya hindi rin ako makaalis-alis dito sa bahay na ito dahil ang laki ng naitulong sa akin ng lolo ni Fredrick noong nag-aaral ako. Maaga kasi ako na naulila kaya kinailangan kong maghanap ng trabaho para hindi ako magutom sa tabi-tabi."

Nalungkot naman siya sa ikinuwento ni manang. Dito na rin nagdalaga talaga si manang hanggang sa tumanda na siya. Ang lungkot naman ng kaniyang kabataan dahil nawalan kaagad ito ng magulang.

Bilib na bilib din siya sa mga tao na naulila ng maaga pero gumagawa sila ng paraan para mabuhay sila lalong-lalo na 'yong mga wala ng mapuntahan na kamag-anak, pamilya o minamaltrato siya ng kaniyang kamag-anak.

"Dito ko nga din na gustong mamatay e. Kapag namatay ako dito ko gusto na lamayan ako. Wala naman na akong pamilya, wala rin akong kamag-anak. Sila Fredrick nalang ang pamilya ko kahit hindi ko sila kadugo. Itinuturing ko na sila na tunay kong pamilya. Ang bait ng pamilya ni Fredrick dahil kahit matanda na ako ay hindi nila ako pinapaalis dito."

Napangiti naman siya sa sinabi ni manang. Ang bait pala ng pamilya nila Fredrick pero bakit si Rick ay ang galing makipagrambulan. Siya lang ang kilala ko na ang hilig makipag-away.

Inumpisahan na rin nila na maglinis. Nakalimutan nila na maglilinis pala sila. Siya ang nagwalis sa sahig habang si manang naman ay nagoupunas. Mamaya nalang siya maliligo. Wala siyang damit dito pero uubusin niya 'yong mga damit ni Fredrick na hindi nito ginamit.

Gusto niyang kamustahin mamaya ang kaniyang pamilya at tsaka mga kaibigan niya. Makikihiram siya kay Fredrick ng cellphone kapag walang signal mamaya ang cellphone niya.

"Naks! Ang sipag mo naman Micay ko," napatigil siya sa kaniyang ginagawa nang marinig niya ang boses ni Fredrick.

Mang-aasar na naman ang loko. Sinamaan nalang niya ng tingin ito dahil nakita niyang pangiti-ngiti ito.

"Oh chill Micay ko. Sige na ipagpatuloy mo na 'yan, ayaw kong mabiyuda ka ng maaga dahil sa tingin mong nakakamatay," hindi nalang niya ito pinansin at ipinagpatuloy nalang niya ang kaniyang ginagawa.

"Nay ako na lang po ang magluluto mamaya ng tanghalian natin. Punta lang po akong kusina nay, lulutuan ko kayo ng meryenda," malakas pa 'yon na sinasabi ni Fredrick dahil nasa sala ngayon si manang.

"Sige lang anak. Mag-ingat ka baka masugat kana naman sa kutsilyo," lihim naman siya na natawa dahil hindi niya akalain na nasusugat pala ang isang 'yan. Akala mo tigasin base na rin sa katawan nito pero ang weak pala.

"Nay naman e, tignan niyo nga pinagtatawanan na ako ni Micay ko," abah! Isumbong pa talag siya nito. Isip bata.

"Hay naku na bata ka! Para kana namang bata diyan, magtungo kana nga sa kusina at huwag mong iistorbohin diyan si Anica. Makukurot na talaga kita diyan," balik na sigaw ni manang kay Fredrick. Alam na pala ni manang ang pangalan niya. Siguro sinabi ni Fredrick.

Nakanguso naman na tumungo sa kusina si Fredrick. 

Nang matapos na siyang magwalis sa baba ay nagtungo naman siya sa taas. Hindi siya puwede na magmop ngayon dahil maulan baka hindi kaagad matuyo. Ang pangit pa naman ang amoy kapag hindi kaagad natuyo ang sahig na imamop mo lalo na kung maulan.

Nakakasuka ang amoy na hindi maintindihan. Iyon ang ayaw na ayaw niya noon sa kanilang school noong nasa junior siya. Siya pa naman at ang kaniyang kagrupo na cleaners ang palaging inuutusan kapag pinagma-mop na ang usapan.

Hindi raw kasi maayos ang pagmop ng iba nilang kaklase.













A/N: Sana nagustuhan ninyo! Salamat sa pagbabasa VYBEES ko. Tagal kong walang ud HAHAHA. See you sa next chapter mwah!

Continue Reading

You'll Also Like

763K 27.2K 138
"Tell me, what was I doing to your body last night?" He gingerly kneaded his finger around her core and a moan left her lips, he was torturing her. S...
3M 192K 89
What will happen when an innocent girl gets trapped in the clutches of a devil mafia? This is the story of Rishabh and Anokhi. Anokhi's life is as...
1.1M 27.9K 45
When young Diovanna is framed for something she didn't do and is sent off to a "boarding school" she feels abandoned and betrayed. But one thing was...
706K 26.3K 86
GHU college Her innocence is causing her into so much trouble. And she Met a group of guys and one of those guys is her Brother that hated her in...