RBW II: THE EVIL HALF(Under t...

By Misa_Crayola

238K 10K 3.3K

Raised By Wolves Book 1 on my Main Acct: MisaCrayola " Who is the evil half? " Cover by: MysteriousMilkShake... More

BEGINNING
Prologo:
RBW II: Beginning
RBW II: TWIN
RBW II: Impostor
RBW II: Red-Eye
RBW II: Lies.Greed.Misery
RBW II: BABY?
RBW II: Crossing Field
Chapter 8:Daddy!
RBW II : HAPPINESS
RBW II: Disappointment
RBW II:
RBW II: The Good and the Evil
RBW II: Fortune Teller
RBW II: Crescent's Voice
RBW : CRESLIGHT
RBW II: Born To Lead
RBW II: his decision, her tears
RBW II:
RBW II: Offspring
RBW II: New Life
RBW II: Fear
RBW II: Heartbeat
RBW II: Split-Identity
RBW II: Bloody message
RBW II: Lovers Quarrel
RBW II: The Evil Half
RBW II: Crescent's DEATH
RBW II: Broken
RBW II: Bear My Child
RBW II: Invitation
RBW II: Secret base
RBW II: The son of Evil
RBW II: Parallel hearts
RBW II: REVELATION/ Crescent's POV
Must Read ( Misa's Note )
RBW II: Her Weakness
RBW II: Obsession
RBW II: Another
RBW II: Dark Scheme
RBW II: Who are you?
RBW II: Angels and Demon
RBW II: Heartache
RBW II: MADE UP HER MIND?
RBW II: Together
RBW II: Saving Grace
RBW II: My Daughter
RBW II: Star
RBW II: Unexpected
RBW II: Angel, Prince, Love(Ending)
Crescent's Message for you
EPILOGUE

RBW II: Her Memories

3.7K 175 76
By Misa_Crayola


RAISED BY WOLVES

" HER MEMORIES "


" Crescent! " si Monique na pinipigilan itong umalis " sasama kami ni Light " dagdag pa nito.


" Hindi, kasalanan ko kung bakit siya kinuha, iniwan ko siya" si Crescent, tumayo na ito mula sa pagkakaupo sa gilid ng kama nito.


" Crescent ... hintayin mo muna si Light " hindi alam ni Monique  kung paano ito pipigilan. Wala itong balak sumali sa pakikipag-agawan sa trono ng Imperial Lord. Ang nais nito ay makuha sa madaling paraan si Rozen. Tumayo na ito kaya hinawakan niya to sa braso.


" Crescent makinig ka naman, hindi ka pwedeng umalis. Malakas ang Imperial Lord at ikaw kahit malakas ka, magaling o anupaman napakarami ng kalaban mo at imposible na manalo ka!" pabalik-balik sa isipan ni Monique ang pagkamatay ng isang Crescent, at hindi niya hahayaan na mawala pa ang isang Crescent, labis ang pagpapahalaga ni Light kay Crescent ot the point na hindi na nito inaalala na may sarili itong buhay.


" Bitiwan mo ' ko "matalim ang tingin na ibinigay ni Crescent kay Monique, natakot siya sa tingin nito. 


" Paano ang anak mo? hindi ba sinabi mong babalikan mo siya! Kapag pumasok ka ng Imperyo hindi mo na siya makikita! "  tuluyan ng bumagsak ang luhang pinipigil ni Monique.


" Crescent "  si Light na mas seryoso sa pangkaraniwan, simula ng mamatay ang isang Crescent hindi narin ito nakakangiti pa, nagtatanong ang mata ni Monique kung nakausap nito si Lyra pero base sa pag iling ni Light, maging si Lyra ay hindi nila makakatulong sa pagpigil kay Crescent.


" Sasama ako sayo, kung papasok tayo ng basta-basta wala tayong magiging laban , kailangan nating bumuo ng grupo para makasali sa paligsahan " si Light, gusto man tumutol ni Crescent hindi niya magawa, hindi niya gustong mag away sila ni Light , bumalik siya sa pagkakaupo sa gilid ng kama niya at sinapo ang mukha niya.


" Gusto kong magkaroon ng anak, balikan mo na siya kapag nangyari iyon , Crescent ... " Sa kama  magkaharap sila, hinawakan nito ang pisngi niya, nakangiti si Rozen, kahit na anong malaman nito sakanya nananatili ito sa tabi niya.


" Natutuwa ako na hindi mo gustong kunin sakin ang Lazuli, kapag may nangyari satin mawawalan ng bisa ang Lazuli ko, Crescent sapat na sakin na nakasama kita, hiniram lang kita kaya naman gusto na kitang ibalik sakanya " bumagsak ang mga luha ni Rozen kaya niyakap ito ni Crescent.


" Rozen .. " 


"  Crestia Bell, siya ang magiging anak natin. Ang dugo mo at ang dugo ko ang bubuhay sakanya, matatagalan bago siya maisilang, manatili ka sa tabi ko hanggang sa dumating siya ngunit ipangako mo sakin ang isang bagay .. " si Rozen sakanya kaya nagkatitigan sila 


" Hindi mo siya kukunin sakin, lalaki si Crestia na katulad ko, isang Maiden Ruler.. Crescent .. " humihingi ng pagpayag si Rozen, huminga ng malalim si Crescent bago bumagon at naupo sa gilid ng kama.


" Paano siya mabubuhay .. " si Crescent sa tono ng pagsuko, naupo nadin si Rozen at niyakap ito sa likuran. 


" Drink my Blood and make love to anyone ... ang babaeng iyon ang magdadala ng anak nating si Crestia " si Rozen na inabot kay Crescent ang isang bote ng mamahaling Crystal na 5 inches ang laki , dugo iyon ni Rozen na may iba't-ibang spell at puro kabanalan ang ginamit para mabuo ang isang sanggol na pinangalan nitong Crestia Bell.


" Hayaan mo siyang inumin ang dugo mo, pakiusap ibalik mo si Crestia sa Snow Island... Buhay man ako o patay , si Crestia ay ang katuparan ng pangarap ko .. " 


" Kaya kitang hintayin .. " - Crescent


" Hindi .. hindi natin masisiguro ang buhay, bawat araw maaring iyon narin ang huling araw kaya naman bigyang buhay mo ang aking si Crestia ..  " 


"Crescent ? " si Monique na naglapag ng tea sa center table nito, bigla kasi itong natahimik na tila may malalim na iniisip. Bumalik sa realidad si Crescent, tinignan niya ang braso niya.


" Shin .. hindi ko magawang maging ama sayo, paano kung kunin kita, magiging mapanganib para sayo ang lahat" 


***

Humahagupit ang malakas na alon sa dalampasigan, malamig ang pang-gabing hangin na wari'y may paparating na malakas na pag-ulan. Gumuguhit sa kalangitan ang panaka-nakang pagkidlat. Ngunit may isang hindi alintana ang lakas ng kulog at kidlat, higit pa sa tama niyon ang pait at hinanakit na nararamdaman ni Lyra sa pagbugso ng mga alaala ng lalaking minamahal.


"Bakit ! Bakit ! bakit ! sabi mo ako lang ang mamahalin mo!" malakas na sigaw ni Lyra, punong-puno ng sakit at pagdurusa ang puso niya, bumalik ang alaala niya at para siyang iginugupo niyon . Nag-iisa na siya, pinaalis niya si Vishnu para naman makapag isa siya.


Bumalik sa alaala niya si Crescent ... si Crescent na kahit anong maging kulay ng buhok nito hindi mapapantayan ninuman ang pagkakakilala niya sa mga mata nito.


" CRESCENT ! " sigaw niya hanggang sa mapaluhod siya sa buhanginan, nasasaktan siya " BAKIT AKO YUNG NAKIHATI SAYO ! SAKIN KA ... BAKIT MO KO INIWAN, IPINAGPALIT MO KO SA IBA! "  Durog na durog na yung puso niya, kapag naalala niya kung paano siya pinasaya ng lalaking nagpalaki sakanya at siyang naging kabiyak niya, ang isipin na hawak kamay na niya ang hinahanap niya lalo siyang nahihirapan.


" Nangako ka sakin na ako lang ang mamahalin mo, nangapa ako sa dilim dahil wala akong alaala , nasasaktan ako, NASASAKTAN AKO NA AKO ANG NAKIHATI SAKANYA! MAS INIISIP MO SIYA! " si Lyra, nakatitig lang dito si Vishnu na nakasalubong si Greece.


" Bakit mo ibinalik ang mga alaala niya?! " galit na wika ni Greece,


" Sa tingin ko nagkakilala na sila ni Crescent, base sa mga sinasabi niya may iba ng babae si Crescent " nabigla naman si Greece at Alice sa sinabi nito.


" Ang anak nila, hindi ko ibinalik sa alaala niya, si Crescent na ang nararapat na magsabi sakanya tungkol sa sinapit na kamatayan ng anak nila ..  kung ganyan siya ngayon pa lang , ano pa ang mararamdaman niya kapag nalaman niya na namatay ang anak niya" si Vishnu na naglakad na, naiiyak naman si Alice na titigan ito, natigil si Vishnu.


" Alice, dapat mo din malaman na si Crescent ay hindi mo totoong Ama, si Light tutal naman nandito siya kanina,ipakilala mo na ang sarili mo sakanya hihihi " si Vishnu na ikinagulat ni Alice.


" Ano? " —  Alice


" Si Light, kung dumating kayo ng mas maaga sa engagement ni Lyra sana nakita mo siya na nagpanggap bilang si Crescent para pigilin ang kasal. byebye! " ngiti ni Vishnu, hindi alam ni Alice kung maniniwala dito, sinadya talaga nila na magpahuli dahil hindi nila gustong ikasal si Lyra sa iba.


"Si Light papatayin niya si Crescent!" mga salitang paulit-ulit na sinasabi ni Lyra ng tila may maalala ito at hinuhukay ang libingan ni Crescent.


" Hindi ko na alam kung anong nangyayari nababawasan ang kaguwapuhan ko sa stress! " si Greece na hinawakan si Alice at nginitian.


" Hindi mo kailangan dibdibin na hindi si Daddy ang ama mo, siguro nga si Light na yan! pero kailangan natin tatagan, babawiin pa natin ang kapatid mo .. " tumango si Alice at ngumiti sa sinabi sakanya ni Greece, sabay na nilang nilapitan ang umiiyak na si Lyra.


Samantala si Vlad at Vincent ay nakatingin lang mula sa malayo kay Lyra,


" Daddy, masama talaga si Crescent! Lagi siyang nagpapaiyak ng babae" asar na wika ni Vincent sa ama, natawa naman si Vlad at hinawakan ito sa ulo.


" Vincent, may iba't-ibang opinyon ang bawat nilalang, kung may pagkakataon na sa palagay mo mas tama ka ganoon din ang magiging katunggali mo, para sakanya mas tama ang pinaniniwalaan niya kaya naman dapat magkaroon ka din ng isang paniniwala na hindi mababali ninuman " si Vlad.


" Sana paglaki ko buhay pa siya " si Vincent na ikinapagtaka ni Vlad.


" Bakit? " — 


" Dahil gusto ko siyang maging kalaban, iyon ang pangarap ko! Ayokong maging kalaban ang anak niya, ang bata bata nun sakin! " si Vincent, ngumiti nalang si Vlad.


" Kung itatanim mo sa isipan mo na maging kalaban siya sa tamang panahon Vincent masasaktan ka lang, dahil kasabay ng pagkawala niya sa mundong ito ang pagkawasak ng pangarap na gusto mo " si Vlad na inaya na si Vincent na bumalik sa loob ng La Confide.



***


LYRA'S POV 


Habang dumadaloy ang mga alaala ko, parang gusto kong mamatay nalang. Hindi ko kinakaya na bumalik lahat ng alaala ko, ano ba yung mas matatanggap ko? yung namatay nalang siya o makitang nagmamahal siya ng iba?


Hindi maubos yung luha ko, para akong tangang natutuwa sa atensyon na ibinibigay niya samantalang dapat sakin lahat yun! Mag asawa kami. Nauulit na naman yung araw na nalaman ko yung tungkol sa Diary ni Ceres, bumabalik na naman yung sakit pero mas matindi ngayon! Gusto ko siyang puntahan pero alam ko na ako yung mas iiyak, kapag nabawasan na yung balde baldeng luha ko tsaka ko siya pupuntahan.


Nasa Mansion ako, hindi ako nagkaproblema kay Miguel. Tinanggap niya ang pagkasira ng kasunduan namin, tinitignan ko yung buong kwarto namin, kung saan nginitian niya ko, minahal, mga araw na nilalambing niya ko kapag nagagalit na'ko sakanya. " Ano yung dahilan bakit kami humantong dito? may mga alaala padin akong hindi malinaw" naalala ko si Light, si Light na akala ko si Crescent. Kung walang Rozen mas magiging magaan na malaman na hindi sila iisa, na ako lang ang minahal niya pero dahil kay Rozen I'm feeling half alive!


No, hindi ko isusuko si Crescent. He promised me , ako lang ang mamahalin niya. Wala siyang alaala! Hindi magmamahal ng iba si Crescent kung may alaala siya. Lakas loob kong tinawagan si Light matapos kong ibukas ang bintana, naalala ko noong maliit pa 'ko , iniiwan niya ko ng ilang taon at sa bawat araw na lumilipas hinihintay ko siyang magbalik, kahit gaano katagal alam kong darating siya dahil nangako siya sakin.


Siya  mismo ang nagbigay ng number niya, hindi mahirap sakin kabisaduhin yung mga sinabi niyang numero. Ilang beses nagring bago niya sinagot "  Umalis na siya, sumama ka sakin " aniya, alam niya agad na ako 'to kahit hindi pa 'ko nagsasalita.


" Naalala ko na siya " tila may nakabara sa lalamunan ko, nagsimula na namang bumagsak ang mga lhua ko. Magkaboses sila, mas mahinahon si Light pero kasama ng presensya nito si Crescent.


" Paano? " halata yung pagkagulat sakanya, huminga ako ng malalim bago ko dinugtungan ang sinasabi ko. " Pupuntahan kita " halos pabulong lang yung sinabi ko, hindi ko na kayang habaan pa dahil magbbreak down ako, hindi ko matanggap na may iba siya na handa niyang isakripisyo yung buhay niya para lang sa babaeng hindi naman dapat naging part ng buhay niya! 


Sinabi niya sakin yung lugar niya, halos manghina ako sa narinig ko. Ang bahay na yun, ang unang lugar kung saan kami nagkasama ng kami lang, si Tomo at Leo kasama namin minsan para kaming pamilya.I ended the call, hinang-hina akong napaupo sa sahig, isipin ko palang na natulog silang magkasama sa iisang kama may nangyari o wala parang dinurog ng husto yung puso ko, gusto ko ng sumuko at mamatay nalang bawat sulok ng bahay na yun alaala naming dalawa lang ang meron, pero dahil kay Rozen ibang alaala na ang meron siya, sobrang sakit.


Malakas ang pag-iyak ko, may kumakatok sa kuwarto ko narinig ko si Lolo na may pag-aalala pero dala ng sakit, galit ,tampo at pakiramdam na pinagtaksilan ako ng lahat parang gusto kogn sisihin sila, sisihin ang sarili ko na naging mahina ako! Pinahid ko ang luha ko, nagbabad ako sa shower, itinuloy ko ang pag iyak ko hindi na siya ang dating Crescent ko, pero sa mga gabing kasama ko siya naramdaman ko na siya padin si Crescent, mahal niya ko kahit hindi niya ko naalala, ibabalik ko ang mga alaala niya dahil sakin naman talaga siya, ako lang ang mahal niya.


"Ako lang  " kahit ako sa sarili ko hindi ko na mapaniwalaan na ako lang, totoo ang pagmamahal niya kay Rozen. Lalo akong nasasaktan na malaman na nag aalala siya na dati sakin lang niya ibinibigay, ang atensyon niya umiikot lang sakin. " Crescent ... " 



"Lyra" ang pait ng pakiramdam ko na halos di ko maigala yung mga mata ko, may nakita akong isang babae na tila may gusto siyang sabihin sakin, pero inignora ko, hindi ko naman siya kilala baka naghahalusinasyon lang ako. Nagkatitigan sila ni Light bago ito umalis, naupo ako kahit di niya sabihin, pagkakaalam ko ang bahay na 'to ay amin ni Crescent.


" Nasaan siya " malamig na wika ko, lagpasan ang tingin ko kay Light dahil magkamukha sila, pero nadadama ko na wala akong nararamdaman sakanya, ibig sabihin kahit mag switch sila malalaman ko kung sino si Crescent.


Naglapag yung babae ng juice sa harapan namin, halos pabulong nalang yung pasasalamat ko, umalis din siya agad.


" Gusto niyang iligtas si ... "


" Bakit ka nabuhay? bakit magkasama kayo ni Crescent? paano niya nakilala si Rozen at paano kayo nauwi sa bahay namin! " gumaralgal na yung boses ko, hindi ko na kayang itago yung nararamdaman ko. Halata kong nabigla siya, pero agad ding nakabawi.


" Si Rozen ang bumuhay sakin , nagkita kami ni Crescent bago siya mawalan ng mga alaala , nandito na kami hanggang tuluyan ng mabura lahat ng alaala niya sa'yo "  


" Kasalanan lahat ni Rozen " gusto kong isisi sakanya lahat dahil nagagalit ako sakanya!


" Lyra .. "


" Wag mo kong tawagin sa Lyra ng ganyan ang boses mo! " asar na wika ko sakanya, lagi nalang siyang nagugulat ang bigat niyang tignan naiinis ako sakanya! naiinis ako sa lahat! umiiyak ako pero nagagalit din ako, salo-salo na yung pakiramdam ko.


" Sasali ako, kasama si Greece sa imperyo. Sumama ka samin " ayoko na siyang kausap, naiinis ako sakanya dahil kapag pinatatahimik ko siya hindi nga siya nagsasalita, kapag sinabi kong buwisit siya hindi narin siya umiimik, hindi ganito si Crescent! Masama ang tingin na ibibigay niya sakin, lalo kapag masama ang sinasabi ko lagi niyang sinasabi na " Hindi ikaw yan Lyra" kaya naiiyak ako kapag sinasabi niya yun , iba ang tingin sakin ni Crescent, he's like a father kapag nagagalit, kapag nagagalit siya nasasaktan ako umiiyak ako kaya siya din yung yayakap sakin hindi niya padin ako kinukunsinti pero sa second round ipapaliwanag niya na ng dahan-dahan sakin feeling ko nga ako lagi ang mali.


Sumang-ayon naman siya. May pagaalala sa mga mata niya, parang maraming gumugulo sa isipan niya na never nangyari kay Crescent, once nangyari pala nung madiscover niya yung diary ni Ceres pero kung wala  yun never kong nakitaan ng ganyan si Crescent, he's always so strong, para bang wala siyang weakness, kaya niyang manatili kahit nag-iisa siya, hindi siya pala labas o pala dikit sa kung sinong babae dahil nasa iisang pwesto lang siya, nagbabasa at nginingitian ako, ang mga ngiti na sakin niya lang madalas ibinibigay.


" Ibabalik kita sa tabi ko " lumabas ako ng bahay kahit hinatid ako ni Light hanggang labas hindi ko na siya nilingon , ayokong tignan ang bahay namin ni Crescent, pinanghihinaan ako.


" Lady Scarlet " si Yen, tinignan ko siya at niyakap habang pinaandar ng driver namin sa Mansion ang sasakyan, lumakas yung pag iyak ko,ang dami kong nasayang na panahon at sa loob ng taon na nawala ako sakanya marami ng pwedeng damdamin na mabuo sakanila ni Rozen, ang sakit isipin na mahihirapan siyang pumili samin!


" Kung naalala niya ko hindi naman siya magmamahal ng iba, sila... sila yung may kasalanan! " until the very end, hindi ko kayang sisihin si Crescent.


Walang dahilan para manatili siya kay Rozen, pagkatapos ng lahat, dapat ako ang piliin niya dahil ako ang asawa niya, ako lang din yung mahal niya. Ibabalik ko yung mga alaala niya, nalaman ko na kay Light na dahil sakanya nawala ang alaala ni Crescent, ngayon ko lang nalaman na kapag buhay ang sinakripisyo isang kahilingan ang ibibigay ng Abyss.


" Nagpakamatay ako para maging isang nilalang na may katawan si Crescent, dahil Abyss ang kumuha sakin halos natulog lang ako ng matagal na panahon kaya nairevive ako ni Rozen.  "


May itinatago siya sakin, pero wala na kong pakialam doon buo ang desisyon ko na sumama kay Greece, Marco at Alice patungo sa Imperial Palace. Kailangan kong magmadali, hindi ko kakayanin na mawala siya, alam ko kung gaano kalakas ang Necromancer na Imperial Lord, walang hindi nagdalawang salita na ang Imperial Lord ay maihahalintulad sa mga Pureblood Vampire, ngunit may nagsabi na maaring siya din ang pinakamalakas, ang tanging nilalang na may hawak ng Limang Chain, limang kasunduan sa espiritu ng Abyss.


" Ang mga nilalang na kayang humawak ng maraming Chain, kaluluwa ang nakasanla sa Abyss. Kung mamamatay ang katulad nila, isa sila sa ituturing na pinakamalakas na Chain paglipas ng panahon " naalala ko na sinabi ng isang Maestro namin sa Draven Vampire Univ. 


Ipinikit ko ng mariin ang mga mata ko, isang mensahe ang nagbalik sa diwa ko " Lyra .. may itim na libro sa loob ng kastilyo, nasa ilalim siya ng higaan .. Lyra .. palayain mo'ko .. magsasama pa tayo hindi ba .. " hindi kaya iyon ang susi para bumalik ang mga alaala niya? " bukas na bukas babalik ako sa Kastilyo, babalikan ko ang mga alaala naming dalawa at ang itim na aklat na sinasabi niya, kailangan kong makuha iyon. 


____________________________


" Shin .. ang bilis mong lumaki mukha ka na agad apat na taong gulang " ang isa sa asawa ni Adra ang nilalaro si Shin na ngiting-ngiti naman, kasama nito ang asawa na nasa trono at pinalapit si Shin. Walang kasing ganda ang mga mata ni Shin, mga matang siya ring dahilan kung bakit kailangan niyang ilayo.


" Halika rito, apo " tuwang lumapit si Shin at naupo sa kandungan niya. Hindi niya akalain na ang isang napakacute na bata ay ang nakasulat sa propesiya na magdadala ng pangalang Thanatos, means the one that mortals even god hated. Is it possible na totoo ang propesiya tungkol kay Thanatos na nakuha ni Shin? Kung makakasurvive si Shin, he can be the real Death God.


" Ama .. " sabay na nabigla si Evil ang isa sa asawa at si Adra , ang ama sa pagdating ng isang di inaasahang bisita. Makalipas ang halos dalawang taon nagbabalik ito.


"Crescent? " may halong pagkabigla si Adra ng makita si Crescent, ngumiti naman ito ng tipid. Nasa madilim na lugar ito. Naglalakad ito palapit sa kulay pulang liwanag na nagreplika sa dalawang mata nitong tila isang pulang crystal.


" Papa! " si Shin na mabilis na na bumaba sa kandungan ni Adra at patakbong nilapitan si Crescent, nabigla naman ang dalawa paanong nakilala ni Shin ang ama nito?! Hindi kailanman dinalaw ni Crescent si Shin simula ng kunin nila, wala itong kilalang magulang maliban sa pangalan na Crescent. Saglit lang ay buhat na ito ni Crescent.


" Hindi ko inaasahan " humalakhak si Adra at nangiti naman si Evil, palagi nalang ba itong darating na tila gusto silang ginugulat.


" Dadalhin ko na si Shin , Ama " si Crescent na ipinikit ang mga mata ni Shin, hanggang sa magmulat itong muli at kulay gray na ang mga iyon. Pinalitan niya ang kulay ng mga mata nito para hindi maging takaw atensyon, wala siyang balak ikulong si Shin.


" Salamat sa pag-aalaga sakanya, bisitahin niyo nalang siya sa Sacred Island." Binitiwan ni Crescent si Shin na tumakbo sa asawa ni Adra, umiyak naman ito at inalo ni Shin. " Mamita! Don't cry na, magkikita naman tayo. Pupuntahan niyo kong lahat hindi ba?" umiiyak din si Shin pero bakas ang kasiyahan dito, mukhang naghintay ito sa pagdating ng ama na nakilala nito agad.


" Oo naman, ikaw ang munting prinsipe namin hindi ba? "ngumiti na ito at niyakap si Shin, nagusap naman si Crescent at ang Ama nito.


" Ingatan mo si Shin, maaga pa para kunin mo siya pero malaki ang paniniwala ko na hindi mo siya hahayaang mapaslang " si Adra na sinusulyapan ang paguusap ng di nasa kalayuang si Shin at Evil. " Isinilang na ba ang Eros? kung wala pang isinisilang na Eros, mananatiling isang alamat lang ang pagiging Thanatos ni Shin. " baling niya kay Crescent.


" Napakabata pa niya, ngunit kailangan na niyang matuto. Habang lumalaki siya mas lalong darami ang magaasam sa mga mata niya, higit pa siya sa isang Children of misfortune. Kung darating ang isang sanggol na Eros, wala akong magagawa kundi ang paslangin siya.  " si Crescent na minamasdan ang anak na maraming ibinibilin sa mamita nito." Hindi ko hahayaang saktan siya ng kahit sino." 


" Siya lang ang may kakayahang makapagsara ng Abyss, siya din ang pinili ng Abyss para maging tagapagmana nito.. Sa bawat pagpapalit ng kulay ng mga mata niya, may katumbas iyon na kapangyarihan, ikamamatay niya ang lakas na ibinibigay sakanya kung hindi niya magagawang suportahan ang sarili .. "  si Crescent, hindi na nakasagot ang Ama dahil lumapit na si Shin na nakangiti, may bitbit na itong backpack na kulay asul.


" Bisitahin niyo kami Dada! " wika ni Shin na dahilan para haplusin ito ni Adra sa ulo. " Maging matatag ka, hihintayin pa kitang lumaki at bibigyan kita ng  isang Harem " 


" Magkakaroon ako ng maraming asawa katulad mo? Ang hirap naman nilang asikasuhin kapag marami " si Shin na nangunot ang noo pero ngumiti din at binuhat na ni Crescent, unti-unting naglaho ang mga ito. Kalakip ang ngiti ni Shin.


" Kinuha na niya si Shin, komplikado ang sitwasyon ngayon, maaring gamitin ng kalaban ang anak niya laban sakanya. " — asawa/ evil


" Hindi niya pababayaan ang anak niya, kailangan niya si Shin bago siya lamunin ng labis na galit niya, ibabalanse ng anak niya ang damdamin niya at magsisilbi itong buhay na alaala para hindi siya tuluyang magpalamon sa Abyss, at nasisiguro ko na si Shin ay mas magiging malakas sakanyang ama kung matuturuan ito mismo ni Crescent.. " 


" Papa, masyadong malamig " si Shin ng makalabas na sila, sinalubong isla ng mga pinong yelo, nangiti naman si Crescent dahil nagsasalita ito ng tulog, mabilis ang naging paglaki ni Shin. Dahil sa porselas nito na ibinigay niya, nasubaybayan niya ang paglaki ng anak at maging ang kausapin ito na nangyari dalawang beses, hindi na nakakapagtaka sakanta na kilala siya nito.


" Saglit nalang makakarating na tayo "  bulong niya dito, ngumiti naman bilang sagot si Shin. Bakit kailangang piliin ito ng Abyss? Hindi kailanman magiging normal ang buhay ni Shin, ngunit mananatili na hindi niya kailanman pagsisihan na binuhay niya 'to. Maaring nasa bingit ito ng kamatayan sa pagsilang ng isang Eros na pinapanigan ng lahat ng may buhay. Habang nabubuhay siya hindi niya hahayaang masaktan ito ng iba dahil hanggang sa kahuli-hulihang piraso ng pamilya ng mananakit dito ay papaslangin niya.



** READ.VOTE.COMMENT **


Dedicated to " FRANCES_VER " maraming salamat ! hahaha hinahanap niya yung character niya, ayiee! *u*

Salamat sa pag suporta sa RBW lalo sa FB . grabe natotouch ako sainyooo! *u* baka maiyak ako, mahal ang tissue hahaha. Inisa ko nalang yung update, pinagsama ko na para walang bitin .. ;) Thanks ... Gravity chapter 11 palang ang ABTVK ang dami ko ng readers, salamat sainyo! ;>





Continue Reading

You'll Also Like

71.1K 2.1K 25
Alpha Linus is living peacefully in his pack. Everything is perfect. His pack is the strongest in Selenia, the world of werewolves. He has a very car...
17.3M 762K 53
Everyone in Parsua Sartorias loves and admires Lily Esmeralda Gazellian, a vampire princess. But what happens when the almost flawless princess falls...
2.4K 203 30
Nakabalik na muli si Priscilla sa kanyang probinsya. Isla Forte Valenciana. Ilang taon na din noong huli siyang bumisita doon. Tila naging pahinga sa...