ILALIM

Autorstwa mingineee

24.3K 1.7K 440

[WARNING: VIOLENCE, MENTION OF DRUGS, RAPE. DISCLAIMER: I DO NOT ROMANTICIZE RAPE. I HAD TO WRITE IT THE WAY... Więcej

BOOK'S FRONT
KABANATA ISA
KABANATA DALAWA
KABANATA TATLO
KABANATA APAT
KABANATA LIMA
KABANATA ANIM
KABANATA PITO
KABANATA WALO
KABANATA SIYAM
KABANATA SAMPU
KABANATA LABING ISA
KABANATA LABING DALAWA
KABANATA LABING TATLO
KABANATA LABING APAT
KABANATA LABING LIMA
KABANATA LABING ANIM
KABANATA LABING PITO
KABANATA LABING WALO
KABANATA LABING SIYAM
KABANATA DALAWAMPU
KABANATA DALAWAMPU'T ISA
KABANATA DALAWAMPU'T DALAWA
KABANATA DALAWAMPU'T APAT
KABANATA DALAWAMPU'T LIMA
KABANATA DALAWAMPU'T ANIM
KABANATA DALAWAMPU'T PITO

KABANATA DALAWAMPU'T TATLO

416 29 11
Autorstwa mingineee

“Keith! Matagal ka pa ba diyan? Jusko kang bata ka, ano bang nangyayari sa'yo? Puputok na tong panubigan ko, oh!” iyon ang pabirong bulyaw ni Shane habang kinakatok ang pintuan ng palikuran.

Narinig niyang tumawa ang binata sa loob, at tumugon ito. Sandali lang, Shane! Kasi n-naiihi pa din ako!”

“Waw, grabi naman 'yang panubigan mo, Keith! Kaya siguro naubos iyong tubig ng mga itik, ininom mo pa ata!” saad ni Shane sabay bulalas ng tawa.

Maya maya pa, ay bumukas na ang pinto, at inuluwa ang namumulang si Keith. Kapansin pansin rin ang mga marka ng basa, gawa ng pagpunas ng mga kamay niya. Halatang nagmadali nga ito sa kung ano mang inatupag niya roon.

“Oh, bakit parang hingal na hingal ka, Keith?” Nagtatakang tanong sa kanya ni Shane.

Lalo pang namula ang mukha ni Keith, at nagsalita. “W-wala. M-mainit kasi sa banyo,” aniya, bago dahan dahang pumanhik papalabas ng kwartong iyon.

Naiwang nakatulala si Shane, nag iisip. “Mainit raw, eh naka aircon naman lahat ng kwarto dito,” pagtataka niya, at tinungo na ang banyo.

——__——

Sa ikalawang palapag, ay matatagpuang naglalakad si Keith. Nakayuko, nakapuyos ang kanang kamay sa laylayin ng baro niya, habang ang kaliwang kamay ay kinakamot ang batok niya. Hindi mawala ang ngiti sa kanyang mga labi habang tinatahak ang palapag.

Kapansinpansin pa din ang pagkahiya sa kanyang mukha, inaalala ang senaryo kani-kanina lamang. Hindi niya mabitawan ang laylayan ng baro niya dahil sa tingin niya, ay makikita ng kahit sino ang itinatago niya sa loob ng kanyang pajamas. Ngayon lamang siya nahirapan sa pagpapakalma ng sarili niya.

Katatapos lamang nilang mag umagahan, hindi man sila kumpleto kanina, sapat na iyon para matuwa siya. Pag gising niya, ay hindi niya nasilayan si Kane, tulad ng karaniwang mga umaga tuwing nagigising siya. Ang sabi sa kanya ni Shane, ay wala raw si Kane dahil may mahalagang pinuntahan, at ganon rin si Hannah na nagpapahinga naman raw.

Iyon ang kinasisimangot niya tuwing naaalala, ngunit hindi niya mapuna. Malinaw na bago lamang ang mga bagay na bumabagabag sa kanya, kaya naman nitong mga nakalipas na araw, ay pabago bago ang emosyong namumutawi sa kanya. Gusto niyang makita si Kane, ngunit hindi niya ito matyempuhan. Noong nakaraang araw, ay nakita niya itong nagbibihis, ngunit pinalabas rin siya nito kaagad.

Napatigil siya sa paglalakad nang maalala iyon, at sunod na nawala ang ngiti sa mga labi niya. Hindi naman sa nagrereklamo siya, ngunit karaniwan namang nakikita niya si Kane na nagbibihis, at ni minsan, ay hindi siya nito pinalabas. Bigla na lang sumagi sa isip niya ang kamuntikang mangyari sa kanila, at dumagsa na naman ang samo't saring emosyon sa kanya.

Nag init ang mga tainga at kalamnan niya, tila binabagabag na naman siya ng mga paro-paro. Sumabay ang pagkahiya sa kanyang mukha nang mapagtanto niyang kamuntikan niya nang mahawakan ang naghuhuminding na sawa ni Kane. Kasama na din ang pagka inis sa sarili dahil alam niyang mali ang kung ano mang namamagitan sa kanila, lalo na't alam niyang nakatali na si Kane kay Hannah. Isa pa, magkakaroon na sila ng anak.

Isang malalim na buntong hininga ang pinakawala niya. “Kuya...” Bigla na lamang lumabas sa kanyang bibig, at nagdulot iyon ng pagkirot sa kanyang dibdib. Bahagya siyang umigkas, at hinipo ang parte ng kanyang dibdib parang nilulukot.

Sumisibol pa lamang ang paghikbi niya nang mayroon siyang mabanggang parang ding ding sa kanyang likod. Gayon pa man, ay alam niyang isa iyong tao kaya naman napabalikwas siya ng pag ikot, at agad siyang umatras upang humingi ng tawad sa kanyang nabunggo.

“P-pasensya na po,” malumanay niyang ani, habang nakayuko, isang pamamaraan upang ipakita ang sinseridad, o pagkatakot.

Ilang sandali ang tahimik na lumipas bago magsalita ang matangkad na lalaking nasa harapan niya. “Ayos lang.” Nakasuot ito ng isang maitim na amerikanang umabot sa ilalim ng kanyang tuhod.

“Bisita po ba kayo?” Sandaling bumaling ng tingin si Keith pataas, dahilan upang makita nito ang mga mata nitong nakakatakot. Iyon lamang ang nasisilayan niya dahil sa itim na maskarang umaabot sa ilalim ng mga mata nito.

Kaagad siyang napaiwas ng tingin nang magsalita ang misteryosong lalaki. Timang,” ani nito bago humagikhik at tinanggal ang kanyang maskara.

“Anong ginagawa mo dito mag isa, Keith?” Naging pamilyar ang boses nito.

Sumilay ang ngiti sa mukha ni Keith nang makita ang mukha nito. “Kuya Adrian!” Ilang linggo din niya itong hindi nakita, kaya naman ganon na lang ang tuwa niya nang masilayan ang mukha nito.

“Nako, mukhang namiss mo ako, ah!” Naniningkit ang mga mata ni Adrian dala ng pang ngiti habang ginugulo ang buhok ni Keith. “So, ano ngang ginagawa mo dito nang mag isa?”

“Hehe, abala sina Shane, eh. Pupuntahan ko sana yung mga bibe,” ani ni Keith, at nagtanong. “Saan ka pala nagpunta, Kuya Adrian?”

Bahagyang suminghay si Adrian, inasikaso ko yung mga importantent papeles mo.”

Bumakas ang pagkagulo sa mukha ni Keith dahil sinabi nito. “Ano pong papeles?” kuryoso ang pumapaibabaw sa kanyang mga mata.

Napansin niya ang paglingon lingon ni Adrian sa paligid na tila ba nagmamasid bago ito tumugon. “May nagsabi na ba sa'yo na kapag wala kang kakilanlan, pwedeng pwede ka maging hapunan?”

Kabisado niyo na ang sistema. Wala tayong magagawa.” Komento pa ni Kane, na nagpadagdag ng kaba sa dibdib nila.

“Ang mga walang pagkakakilanlan, maaring maging hapunan.”

Sandaling dumaan sa kanyang isipan ang mga iniwang babala ni Kane, nagbibigay kilabot sa kanyang sistema.

“Totoo 'yon, Keith. Wala kang makikitang palaboy laboy dito sapagkat dinadakip sila upang maibenta sa tuwing nahihinog na ang mga hiyas nila,” mahabang litanya ni Adrian na mas lalong nagdadgad ng takot sa kanya.

Bahagya siyang yumuko para itago ang pagkatakot kahit pa kitang kita na sa katawan niya.

Ngumiti naman si Adrian bago kinuha ang isang malaking itim na sobre sa loob ng kanyang suot suot na amerikana, dala dala ang mga papeles na kanyang tinutukoy. “Good news, mayron ka nang pangalan—bagong pangalan, kung lilinawin ko.”

“B-bagong pangalan?”  nagsalubong ang kanyang mga kilay dahil sa narinig, kasabay ng pagpako ng tingin niya sa ipinakitang sobre.

Akmang iaabot na sa kanya ni Adrian ang mga papeles nang mayroon silang narinig na sumisigaw na babae.

Bahagya siyang kinilabutan dahil maririnig sa boses ng babae ang matinding sakit, tila hindi na maindang kirot.

“Si Hannah,” pagbigkas ni Adrian, at sunod nilang nakita ang nagmamadaling pagtakbo ni Shane mula sa hagdan na nakadestino sa palapag kung saan sila ay naroon.

“Adrian! Jusko, manganganak na ata si Hannah! Yung nurse, hindi pa dumadating!” bulyaw ni Shane, at walang habas na nilagpasan sila, dala dala ang isang makapal na puting lampin sa kanyang braso.

“Sumunod ka,” ani ni Adrian, at kaagad na naglakad patungo sa direksyong nilakaran ni Shane. Ganon rin ang ginawa ni Keith, na ngayon ay lubhang nag aalala dahil sa anunsyo.

“Hindi pa dumadating yung nurse!” naalala niyang sinabi ni Shane, kaya naman napahinto siya, at hinayaan nang mauna ang dalawa.

Hindi ito ang unang panganganak na makikita niya dahil lumaki siya kasabay ng mga alagaing hayop nila.

Bahagya niyang pinunasan ang namumuong pawis sa kanyang noo, dala ng kaba, at lumingon lingon siya sa paligid niya. Saktong nalalapit sa palapag na iyon ang kusina, kaya naman hindi na siya nagsayang pa ng minuto, at kanya na iyong tinungo.

Mabilis niyang napuntahan iyon, at kaagad na nagpainit ng tubig, gamit gamit ang awtomatikong ‘heater’. Sandali niyang nabalingan ng tingin ang sambong na nakatali roon, malapit sa kahoy na aparador. Sigurado siyang ginagamit inihanda ito ni Hannah.

Kinuha niya ang isang tali na iyon, at nang marinig niyang sumipol ang mainit, ay agaran siyang kumuha ng isang maliit na seramikong palanggana mula sa loob ng aparador. Doon, ay sinalin niya ang bagong kulong tubig, at inilagay ang isang taling sambong. Nang matapos, ay sunod niyang dinagdagan ng kaunting malamig na tubig para bumalanse ang temperatura nito.

Nagmamadali, ngunit nag iingat siyang tumungo papunta sa kwarto ni Hannah. Bitbit niya ang palanggana, kahit pa may kabigatan ito. Pilit niyang iwinagwag ang kaba sa dibdib niya dahil ngayon lamang siya makakatulong sa kanila. Isa itong karangalan para sa kanya.

Bukas ang pinto ng kwarto nang madatnan niya, kaya naman rinig na rinig niya ang samo't saring ingay galing kay Hannah, at mga kasama nito. Nakita niyang nakaratay si Hannah sa kama nito, tila namimilipit habang nakabukaka. Tiningnan niya din si Kane na hawak hawak ang kamay ni Hannah, tila may binubulong dito.

“Shane, ngayon na ba ang buwan niya?” pagtanong niya dito dahil ito lamang ang katabi niya. Narinig nilang may sumusuka mula sa banyo, kaya naman sandaling nagsalubong ang mga kilay niya.

“Si Jake 'yon, nasusuka,” kibit balikat na ani ni Shane, “hindi ko sigurado kung ngayon na, pero hindi naman siya magkakaganyan kung hindi, 'di ba? Tsaka, ano 'yang hawak mo?”

“Ahh, para kay Hannah,” tugon ni Keith bago lumapit sa kama. Hinawi niya ang buhok na nakadikit sa noo ni Hannah, at pinunasan ang namuong pawis roon.

“K-Keith, m-manganganak na a-ata ako.” Natitiyak ni Keith na nahihirapan ito, lalo pa't sigurado siyang unang panganganak ni Hannah ito.

Kumapit ka, Hannah, ah? Magiging ayos rin ang lahat,” may ngiti sa mga labi ni Keith, habang patuloy na hinahaplos ang noo ni Hannah, tutulungan kita.”

Narinig nilang humagikhik si Hannah, pilit kinukubli ang sakit na nararamdaman nito, at nakuha pang magbiro. “Wow, g-grande, ah? P-pakihugot na n-nga si Baby Aro. P-pinapahirapan ako, e-eh,” sabay tawa nito.

Ngumiti din si Keith, at sandaling napatingin kay Kane. Tumango siya dito nang makitang nakatingin rin ito sa kanya. Tiyak siyang kinakabahan ito, kaya naman binigyan niya ito ng ngiting naninigurado. 

Muli nilang narinig ang pagsigaw ni Hannah, kaya naman lumipat na si Keith sa baba, at hinawakan ang magkabilang binti ni Hannah.  Inangat niya ang kumot na nakatakip sa pang ibaba ni Hannah, at akahinga siya nang maluwag nang makitang wala nang tatanggaling damit.

“M-may gloves ba kayo diyan?”

“S-sa drawer ko——AHH...” pilit na tugon ni Hannah, na kaagad na sinunod ni Shane, at iniabot kay Keith.

Natuwa naman si Keith dahil pang medikal ang gloves na binigay nito, at kagaad na sinuot ito. “Hannah, kailangan mong umire, ah. Bibilang ako ng tatlo—”

“Saan mo naman natutunan 'yan, Keith?” Rinig niyang tanong ni Shane na lumapit sa gilid ni Hannah.

Mapait siyang ngumiti, at tinungunan ito, “a-ako kasi 'yong nagpa anak sa kabayo ng papa ko. T-turo sa'kin ni Papa—”

Muli nilang narinig ang pilit na pagkahigikhik ni Hannah. “N-nako, Keith, k-kung hindi ka lang malapit sa'kin, baka n-nahambalos na kita. M-mukha ba akong kabayo?”

Ngumiti na lamang sila dahil sa paghanga kay Hannah. Napakatapang nito, kahit pa nasa kanyang pinaka mahinang sitwasyon na.

Maya-maya pa, ay napansin nilang nawawala na ang natural na kulay ng kutis ni Hannah, at tuluyan nang tumulo ang luha ni Kane. Lalo na nang lumuwag ang higpit ng pagkapit sa kanya ni Hannah.

“A-ang anak ko——A-aro,” ani ni Hannah habang pilit na itinutulak ang bata palabas. Pilit niyang nilakasan ang katawan niya upang maipanganak ito nang maayos. Kahit pa nanlalabo na ang paningin niya, nais pa niyang masilayan ang mukha nito, nang sa gayon lamang ay malaman niya kung sino ang kamukha nito.

Natuwa nang lubos si Keith nang makita ang ulo ng sanggol, at lalong humanga kay Hannah. Sunod sunod ang pag tulak na ginawa ni Hannah, kaya naman hindi nagtagal ay tuluyan nang lumabas ang ulo nito. Hindi mapigila ni Keith na lumuha dahil bumalik sa kanya ang mga masasayang alaala nilang magpapamilya. Muli niyang naramdaman ang paghanga sa kanya ng kanyang ama't ina noong mapa anak niya nang maaayos ang kabayo nila.

Sa huling pag ire ni Hannah, ay tuluyang naisilang ang sanggol, na ngayon buhat buhat ni Keith nang patiwarik. Matapos niyang putulin ang pusod nito, ay dalawang beses niyang pinalo ang puwit ng sanggol. Kaagad itong umiyak, kaya naman tuluyan nang tumulo ang luha ni Keith sa tuwa. Para siyang nabingi habang nakatuon ang paningin niya sa ngumangawang sanggol.

Maingat niyang inihiga ang bata sa lampin na inihanda ni Shane, at maayos na ibinalot dito. Paglingon niya kay Shane, ay sinalubong siya ng mga matang puno ng paghanga. Gayon pa man, hindi niya mawari kung bakit mayroong pait ang pag ngiti nito ngayon, gayong naisilang naman nang maayos ang sanggol.

Muli niyang binuhat ang sanggol upang ibigay kay Hannah. Inihele muna niya ito nang kaunti, bago niya tuluyang iabot dito. Ngunit gumunaw ang mundo niya nang sandaling makita ang walang malay na si Hannah.

Kamuntikan nang lumuwag ang pagbuhat niya sa bata dahil sa nasilayan niyang mukha. Tila huminto ang oras, at para bang nawalan ng buhay ang paligid niya. Tanging pag alingawngaw lamang ng bagong silang na sanggol ang naririnig ng kanyang mga tainga. Pinagmasdan niya ang nakaratay na katawan ni Hannah na kalaunan, ay niluhuran na ni Shane.

Sunod niyang nakita ang pag sulpot ni Jake mula sa kanyang likuran, at katulad ng nobyo nito, ay lumuhod rin ito sa gilid ng kamang pinagraratayan ni Hannah. Nagsimulang gumulo ang mga nangyayari para kay Keith, lalo na nang makita niyang takpan ni Kane ng puting kumot ang buong hubog ni Hannah, kasama ang wala nang kulay nitong mukha.

Nasilayan niya kung pano halikan ni Kane ang nakatakip na noo ng babae bago ito lumuhod, at tahimik na humagulgol. Salubong ang mga kilay niya nang makuha ni Adrian ang kanyang atensyon. Kinuha nito ang sanggol na kanyang buhat buhat, at inilagay inilapag sa isang kahoy na kuna. Tulad nila, ay lumuhod rin si Adrian, katabi ni Kane.

Hindi makuha ni Keith ang ipinapakita ng mga ito, ngunit hindi niya din magawang magtanong sapagkat hindi niya gusto ang lantarang sagot na alam niyang isasagot ng mga ito. Siya na lamang ang naglakas loob na lumapit at suriin ito. Dahan dahan niyang kinuha ang kanang pululsuhan ni Hannah, at masuring pinakiramdaman ito.

Tuluyan siyang nanghina nang wala siyang maramdamang pulso. Wala sa sarili siyang bumitaw, at tulalang lumakad palabas ng pintuan. Hindi niya makuha ang mga nangyayari, hindi niya maintindihan. Tila ba pinaglalaruan siya ng mga kaganapan. Kanina lamang ay nagbibiruan sila, nagtatawanan, at tuwang tuwa dahil manganganak na si Hannah.

O ganoon nga ba?

Bahagya siyang napahinto sa paglalakad nang pumasok sa kukute niya ang pilit na mga tawa, hagikhik, at ngiti na ibinibigay sa kanya ni Shane at Hannah. Hindi man lang niya napansin ang mga iyon, at ang akala niya ay kinakabahan lamang si Kane dahil natural lamang ito. Ngunit mas malalim pa pala doon ang katotohanang ngayon ay hindi niya matanggap.

“P-patay na ba siya?” bulong niya sa kanyang isip, ngunit kaagad niya iyong binura. Pilit niyang inisip na baka normal lamang na mawalan ng malay ang mga nanganganak. Ngunit nang maalala niyang wala na itong pulso, ay nawalan rin ng saysay ang mga pagrarason niya.

Hindi niya matanggap, gayong may iniwan itong sanggol.

——__——

Malungkot, tahimik, at mapait na lumipas ang dalawang araw. Hindi sanay si Keith sa biglaang pagbabago ng sistema dito. Simula noong nakaraang araw, ay walang nagbanggit tungkol sa  pangyayaring iyon.

Naging abala ang mga tao doon. Si Shane at Jake, ay wala sa gusali, maging si Adrian ay mistulang nawala na naman, at si Kane ay hindi mahagilap. Simula noong nakaraan, ay hindi na nakita ni Keith ang lalaki.

Hindi siya sanay na nagigising mag isa, na walang gumigising sa kanya para mag umagahan. Ang pinaka ipinagtataka niya, ay kung totoong wala na si Hannah, bakit wala ni isang bakas ng pagburol sa gusali na iyon. Walang bakas ng lamay, gayong ramdam niya ang pagkawala ng buhay sa paligid.

Sa sobrang tahimik ng gusali, ay sariling paghinga lamang niya ang naririnig niya. Ang sanggol na si Aro, ay inaalagaan ng isang babaeng nurse. Gustuhin man niyang bisitahin ang bata, ay hindi niya magawa dahil mahigpit na ipinagbabawal ng nurse.

Kasalukuyan siyang nasa kusina, kung saan sila karaniwang nagsasalo-salo. Ngayon, ay nag iisa na lamang siya, at hindi siya kumportable doon. Kahit gaano pa kumakalam ang sikmura niya, ay hindi niya magawang kumain. Tila nawalan na siya ng gana dahil siya na lamang mag isa.

Akmang kakagat na siya sa tinapay na hinanda niya nang makita niya ang siluweta ng katawan ni Kane, tila nagmula ito sa elebador. Umusbong ang tuwa sa kanyang mukha dahil alam niyang si Kane iyon, gayong halos kabisado na niya ang hulma ng katawan nito.

Kaagad siyang tumayo sa kinauupuan niya, at nagmamadaling tumakbo papunta kay Kane. Nang makumpirma niya si Kane iyon, ay hinabol niya ito.

“Kane!” kapos hininga niyang banggit, at lubos siyang natuwa nang huminto ito. Ramdam niya ang tensyon dahil sa pagkahindik ng katawan nito.

“K-Kane, sama ako,” aniya habang hinahabol ang hininga at inaayos ang buhok na humahawi sa kanyang mukha.

Pinasadahan siya nito ng tingin na kanyang ikinailang, ngunit pilit niyang kinapitan ang pagtitig nito. Ilang segundo pa siya nitong tinitigan bago ito tumango.

Magbihis ka. Bilisan mo kung ayaw mong maiwan.” Kahit kabado, ay tumango pa din siya at natuwa.

Dahil malapit lang naman ang kwarto nilang dalawa sa palapag na iyon, nakabalik rin siya agad. Ngayon, ay nakasuot na siya ng itim na salawal na umabot lamang sa taas ng tuhod niya, at itim na baro na sakto lamang sa sukat niya. Muli niyang inayos ang buhok niya sapagkat hindi niya maiwasang isiping naiirita sa kanya si kane dahil sa kaguluhan ng buhok niya.

“Wala ka bang pantalon? Kitang kita 'yang balat mo,” kumento ni Kane na kanyang ikinahiya. Nag init ang mga tainga niya dahil sa pagtitig nito sa mga binti niya.

Babalik sana siya upang magpalit, ngunit tumalikod na si Kane at nagsimulang maglakad. Tahimik siyang sumunod, nakabuntot sa likod nito. Hindi niya maiwasang manliit dahil hanggang balikat lamang ni Kane ang inabot ng kanyang tangkad. Pareho silang nakaitim, ngunit si Kane ay naka amerikana, pormal kung sabihin.

Sa tulong ng itim na morotsiklo ni Kane, ay nakarating sila sa destinasyong walang kaalam alam si Keith. Gayon pa man, ayos lang sa kanya iyon dahil nasa tabi naman niya ito. Pumasok sila sa isang palapagang gusali, salungat sa kulay itim ng penthouse nila Kane.

“'Wag kang pabagal bagal diyan, baka maiwan ka rito,” litanya ni Kane na agad niyang tinanguan, at tulad ng sinabi nito, ay binilisan niya ang paglalakad hanggang sa magpantay na ang ritmo nila.

Mabibilang lamang ang mga taong nakikita rito ni Keith. Katulad ng suot nila, ay puro nakaitim ang mga ito, gayong ang disenyo ng mga bagay bagay ay sumasalungat sa mga ito. Binabalot ng nakagandang puti, malumanay na tsokolate, at kaunting pilak. Ngayon lamang siya nakakita ng ganoong tema, at tiyak niyang napakamahal ng lugar na ito.

Huminto siya sa paglalakad nang tumigil si Kane, at kinausap ang isang babaeng nakasuot ng pormal na blusang itim.

Sa tingin niya ay parang magkalapit ang dalawa dahil sa pag ngiti ng babae, at isama mo pa ang malalagkit na tingin nito sa lalaki. Napatingin naman siya kay Kane, at kita niyang walang pag babago sa emosyon nito. Bahagya siyang nalito.

“Sir, dito po, oh. Pwede ring doon sa comfort room,” malanding ani ng babae habang pilit na binababa ang blusa nitong itim upang makipakita ang pagitan ng dalawa niyang malulusog na mga suso.

Gayon pa man, sumimangot ito nang magsimulang maglakad si Kane patungo sa unang direksyong itinuro nito, buntot buntot sa likod nito si Keith.

“Tsk! Sigurado naman akong mas maganda ako sa patay mong asawa!” pasigaw nitong bulong na karapat dapat lamang niyang ipagpasalamat, dahil kung narinig ni Kane ang sinabi nito, baka makita na lang nito ang sariling ulo sa maputing palapag.

Muling binilisan ni Keith ang paglalakad niya upang makahabol sa gilid ni Kane. Sa sobrang bilis niya, ay hindi niya napansing muli itong tumigil sa paglalakad, dahilan upang mabunggo siya sa maskulado nitong likuran.

“S-sorry, kane,” himas himas niya ang kanyang noo, at sunod na inayos ang buhok. Mabuti at hindi siya nito pinansin, at kinausap lamang ang isang magandang lalaki.

“Ahh, ganoon ba, Hijo? Ikinalulungkot ko ang pagkawala ng kaibigan mo,” malungkot na litanya ng ugod ugod na matandang naka pormal ding suot. Umiling ito sa dismaya, at tumingin kay Keith. “At sino naman itong anghel na kasama mo?”

Nakababatang kapatid niya.” Bahagyang nagsalubong ang mga kilay ni Keith sa narinig, ngunit sa isang pagbaling lamang ng tingin ni Kane sa kanya, ay hindi na siya nanguwestiyon pa.

“K-Keith po, Sir.” Mapait siyang ngumiti, at pilit na inalis ang bakas ng pagkalito sa mukha niya. Hindi niya makuha ang ipinaparating ni Kane, ngunit alam niyang wala siya sa posisyon upang iyon, ay alamin.

Ipananalangin ko sa Panginoon na ito na ang huling makikita ko kayo sa lugar na ito,” ani ng matanda nang may ngiti sa kanyang mukha. Isa pang ikinalito ni Keith.

Sandaling nawala ang matanda, at nang bumalik ito, ay may dala dala na itong isang magandang paso. Hindi ito kalakihan, ngunit natitiyak ni Keith na mamahalin ito dahil sa maliliit na detalye ng bagay na iyon—sinilyado ito ng matanda sa isang itim na kahon. Kinuha ito ni Kane nang may pag iingat, at nagpaalam na sa matanda.

“Halika na,” ani ni Kane, at naglakad na. Mapapansin ang bigat ng damdamin nito, at kahit pa wala itong ipinapakitang emosyon, makikita ang lungkot na bumabalot dito.

Kung gaano kagaan ang bitbit niyang paso, ay ganon naman kabigat ang nararamdaman nito ngayon. Nasa loob non ang abo ng pinakamamahal niyang nobya. Totoong binawian na ito ng buhay dahil sa panganganak.

Sa bawat yapak nito, ay pinagsisihan nitong kanyang pinagbigyan ang hiling ni Hannah na magkaroon sila ng sariling anak. Pareho nilang pangarap iyon, kaya naman kaagad na pumayag ito. Napaka dami niyang pinagsisihan ngayon.

Gayon pa man, wala na siyang magagawa—simula pa lamang ng pagdadalang tao ni Hannah, ay wala na siyang magawa. Isang araw, ay nalaman niyang maaring ikamatay ni Hannah ang pangarap nila. Nalaman niya iyon sa isang espesyalista. Halos mapatay niya ang lalaking doktor na iyon dahil akala niya ay nagsisinungaling lamang ito, ngunit narito na siya ngayon.

Buhat buhat ang abo ng babaeng minahal niya nang lubos habang pilit na ikinukubli ang nagbabadyang galit at puot. Alam niyang kasakasama niya si Keith, buntot buntot sa likod niya kaya naman alam niyang hindi ito ang oras para magpakita ng kahinaan.

Kanina, habang nasa motorsiklo sila, ay hindi niya maiwasang matuwa sa binata. Tiyak niyang mayroon itong takot sa ganoong sasakyan sapagkat ramdam niya ang mahigpit na pagkapit nito sa kanya sa tuwing binibilisan niya ang pagtakbo. Pareho lamang silang ikinukubli ang takot na pilit bumabalot sa kanila.

Ngayon ay naroon na naman silang dalawa sa motorsiklo, at hindi niya maipaliwanag kung bakit nalilibang siya sa hitsura ng binata. Para itong isang koala na mahigpit na nakayakap mula sa likuran niya. Kung wala lamang itong suot na ‘helmet’ ay baka natawa na siya sa hitsura ng mukha nito. Sigurado siyang nakapikit ito ngayon, at nananalanging makarating agad sila sa penthouse.

Inihinto niya ang motorsiklo niya sa isang restawrant na puro ihaw ang pagkain, hindi na naiwasan ng sikmura niya na kumulo.

“Baba,” aniya, at hinintay na bumaba si Keith. Napailing pa siya nang kamuntikan pa itong malaglag dahil sa taas ng motorsiklo niya.

Bumaba na rin siya, at kaagad na hinubad ang suot suot niyang helmet. Pagtanggal niya nito, ay nasalubong niya ang nagtatakang pagtitig ni Keith sa kanya.

“Kakain tayo, Kane?” inosenteng tanong nito na ikinakunot ng noo niya. Napansin niya rin ang maya maya nitong pag hawi ng buhok niya.

Umismid siya bago nagsalita, “nasaan ba tayo?” sarkastiko niyang tanong, na ikinangiti ng binata. Nanatiling magkasalubong ang mga kilay niya dahil napansin niyang hindi na ito natatakot sa kanya, kahit pa pabor din naman siya doon.

Bago sila umalis ng gusali, ay nakita niyang hindi nagalaw ang pagkaing inihanda nito. Alam niyang naging abala sila dahil sa pagkawala ni Hannah, dahilan upang maiwan muna nila ang binatang mag isa sa gusali.

“A Table for two, Sir?” Pagtanggap ng serbidor sa kanila, at tumango naman si Kane. “This way, Sirs.”

Sumunod lamang sila sa direksyong pinuntahan ng serbidor, at hindi nagtagal, ay umorder na rin si Kane ng kakainin nila. Alam ni Kane na mahilig ang binata sa french fries at burger kaya naman iyon na ang kinuha niya, at isang inihaw na karne ng baboy naman ang sa kanya, kasama ng isang basong alak.

Tahimik silang kumain nang dumating ang kanilang mga pagkain, at sa kabilang banda, tahimik na nagmamasid ang isang lalaking nakaitim, mula sapatos, hanggang sa sumbrero nitong nakatakip sa kanyang noo. Hindi mabasa ang emosyong namumutawi sa mukha nito dahil natatakpan ito ng itim na maskarang umaabot sa ilalim ng mga mata nito.

Isa lamang ang bagay na nasisigurado. Sa kanilang dalawa itong misteryosong nakamasid.

AUTHOR'S NOTE:

LONG TIME NO UPDATE, MGA BADING! SANA NAG ENJOY KAYO SA PAGBABASA! TINODOHAN KO NA PARA UMABOT NG 4K WORDS, AH. BAKA NAMAN, BIGYAN NIYO AKO NG HONEST REVIEW!

AND, MAYROON NA BA KAYONG IDEA KING SINO ITONG GUY NA NAGMAMASID? ANO KAYANG KONEKSYON NIYA SA MGA ITO? LET ME KNOW YOUR THEORIES!

NO COMMENT, NO UPDATE! 😕

Czytaj Dalej

To Też Polubisz

694K 47.2K 44
Crime and murder podcaster Wren Lozarte is desperate to earn money for her ailing uncle so she accepts a strange but high-paying offer from a mysteri...