F.L.A.W Series Book 4: SAPPHI...

mimzee23 tarafından

12K 1.2K 200

Warning: SPG / R-18 /Mature Content Female League of Assassins and Weapons F.L.A.W Series Book 4: SAPPHIRE "I... Daha Fazla

Synopsis
Chapter One
Chapter Two
Chapter Three
Chapter Four
Chapter Six
Chapter Seven
Chapter Eight
Chapter Nine
Chapter Ten
Chapter Eleven
Chapter Twelve
Chapter Thirteen
Chapter Fourteen
Chapter Fifteen
Chapter Sixteen
Chapter Seventeen
Chapter Eighteen
Chapter Nineteen
Chapter Twenty
Chapter Twenty-One
Chapter Twenty-Two
Chapter Twenty-Three
Chapter Twenty-Four
Chapter Twenty-Five
Chapter Twenty-Six
Chapter Twenty-Seven
Chapter Twenty-Eight
Chapter Twenty-Nine
Chapter Thirty
Chapter Thirty-One
Chapter Thirty-Two
Chapter Thirty-Three

Chapter Five

349 40 4
mimzee23 tarafından

Mabilis na binitawan ni Saph ang kutsilyong nasalo na para bang napaso. Hindi siya makatingin nang direcho sa lalaki kahit na sinusubukan nitong hulihin ang kanyang mga mata.

"Were you trying to kill me?!" Aniya upang doon na mapunta ang atensyon ng lalaki.

"I wasn't." Simpleng tugon nito.

"Really? Should I believe you when you threw a knife behind my back?!" Galit ang tonong ginamit. "After what I did to help you, you tried to hurt me."

"I told you I wasn't."

"But you threw a knife-"

"And you caught it." Putol nito sa kanya. "You caught it without a sweat. Easy, peasy." And then a smirk pops out on his face.

"I got surprised." Iyon ang naisip niyang idahilan.

"You mean you've got some good reflex there, Miss." Kakaiba ang ngiti nito. "That's a nice skill, you know?"

"I don't know, but thanks for informing me." Sarkastiko ang sagot niya. "So, you intentionally threw that knife to test my skill, is that it? Grabe ka naman pala manubok- nakakatakot. That's a life-threatening action and if I didn't have that 'good reflex' then I could have died." Pagbibigay diin pa niya sa salita.

"Yeah, but you didn't." Anito na hindi man lang kakikitaan ng guilt sa mukha.

"You're a dangerous man, Brandt. Everyone should always watch their backs from you. Who knows what you're going to throw next- maybe a bullet hmmm?"

Kunwari ay nag-isip pa ito sa harapan niya.

"Nah!" Sabay iling. "I don't do that. If ever I'm going to shoot someone, I won't point it at their backs. I would point it straight to their faces so I could see their reactions."

Sinubukang makipagtitigan ni Saph sa binata ngunit hindi talaga niya kayang tumagal.

"You're crazy!" Sabay iling at dumako ang tingin sa may bintana. "Lumalakas na naman ang hangin at mukhang babagsak ulit ang malakas na ulan kaya't kailangang maghanda." Pag-iiba niya ng usapan.

"We should strengthen your window cover and put some barricade." Sabay turo sa bintana niya.

Tumango naman si Saph bilang pagsang-ayon at upang maiwala na ang usapin kahit na kating-kati siya na upakan ang binata.

"Ikaw na ang bahala sa mga bintana, ako na ang aakyat sa bubong."

"Aawatin sana kita dahil delikado para sa isang babae ang umakyat sa bubong. But seeing how you caught the knife, I shouldn't argue whether you can do it or not coz I know you'll nail it." Sabay ngisi.

Hindi na lang niya pinansin ang komento ng lalaki at saka dumirecho na sa may kusina para kumuha ng ikang gamit doon na gagamitin bago siya lumabas at pumunta sa may likurang bahagi ng bahay. Walang kahirap-hirap nga niyang naakyat ang bubong at inayos ang mga dapat ayusin. Kaya naman nang muling umulan at humangin ng malakas ay hindi na niya kailangan pang isipin ang sasapitin ng kanyang bahay.

"Anong ginagawa ng isang babaeng tulad mo rito sa isla? Why are you living here alone?" Kapagkuwan ay tanong ng binata.

Pareho lang kasi silang nakaupo sa sala habang nakikinig sa malakas na hampas ng alon sa tabing dagat.

"Are we close for you to ask me like that?" Sarkastiko niyang sagot. "As far as I remember, we're not friends and we're not even acquainted with each other. You and I are still a stranger to one another, so better yet, stop bothering me."

Hindi naman nagpatinag ang binata sa sagot niya at nagpatuloy pa din.

"You really hate company and conversations like this, don't you? I think something must have happened to you before that led you to push everyone away." He concluded.

Tiningnan ni Saph ng masama si Finn.

"Don't you dare speak as if you know me. Not because I helped you twice doesn't mean you can say anything you want to me. You don't know me and you don't have any idea what kind of a person I was and still am."

Huminto na siya sa pagsasalita dahil baka may masabi pa siya na hindi dapat. She needs to be careful around the man because she doesn't know what kind of person he is except for dealing with criminals.

"I think you're a good person and you're just trying to hide it." Ayaw talagang tumigil. "You're hiding by pushing everyone away and by being cold and cruel. When the truth is you wanted to feel the warmth of company of others."

"A good person?" Her lips twitched a bit. "Why, because I helped you?" Her face becomes dark and serious. "I'm not a good person, Mister, I'm a monster. Don't be fooled by what you see. You don't know me so shut the fuck up!"

"Why are you hiding? Why are you hiding yourself in here? from other people who want to know you? from the world who can give you so much more than this?"

"Am I the only one hiding?" Balik niya sa lalaki. "You're here with me because of what you did. You knew that it's better to hide than reveal what you truly are. That it's better to stay away than face everyone without your mask. And the world that you're talking about- it has nothing to offer me, only pain and suffering. That's how cruel reality is."

Napatitig siya sa sahig dahil isa-isang dumaan sa isipan niya ang mga sinapit niya simula bata pa siya at pati na rin ang mga bagay na nagawa niya upang mabuhay lamang sa mundo na puro pighati at karahasan lamang.

"Mukhang lumalakas nga ang bagyo ah." Anito na iniba na ang usapin. "Buti na lang mabilis nating nagawan ng paraan maayos ang dapat ayusin. Mahirap na at baka liparin na yung bubong o di kaya pasukin tayo ng malakas na ulan rito."

"As we all know, storm wreaks havoc. It only brings catastrophe." Aniya na sumang-ayon na din sa pagbabago ng paksa.

"Yeah, but just like what Vincent Van Gogh said, there is peace even in the storm." Anito na pumikit pa.

Tila ba ninanamnam nito ang mga tunog na nililikha ng bagyo. Ang malakas na hangin na humuhuni sa paligid, ang bawat patak ng ulan sa bubongan at ang galit na hampas ng alon sa batuhan. He looks so peaceful while listening to those sounds.

"Peace?" Ulit niya kaya't napadilat si Finn. "Storm ruins everything. It's a natural disaster that we just have to accept because we have no choice. You can fool yourself by feeling at peace listening to this sound, but once you go outside, you'll find out that there's no tranquility, no calmness at all, just plain destruction, damage, and chaos."

He just nodded, agreeing to what she said.

"You're right. Storm leads to devastation." At tumingin sa kawalan at sumandal sa upuan na para bang narerelax. "It is out there and every one of us must eventually face the storm." Kumunot ang noo niya dahil mukhang iba naman na naman ang tinatahak nitong paksa. "It can shake us to our roots and break us wide-open but it can help us see what is inside us. What beauty, what strength, what truth and love. The real us that we're trying so hard to bury." Pagkatapos ay sakanya naman bumaling. "So, don't run away from your pain- run into your pain. Let life's storm shatter you."

Hearing those words from a stranger like him make her wonder about what kind of man he really is. He's full of whims at times but he's also smart and mysterious. She knew exactly what he meant and so she smiled bitterly.

"That's the problem, I've been shattered to pieces all my life, to the point where I couldn't fix myself anymore. I'm like a puzzle that you can never complete because half of its pieces are gone." Sabay tayo. "You see, Finnegan, I'm beyond repair." At saka walang sabi sabi na lumabas siya ng bahay.

Sinalubong niya ang malalaking patak ng ulan at malakas na hampas ng hangin. Wala siyang pakialam kung mabasa man siya dahil kailangan niyang alisin sa isipan ang mga masasamang karanasan niya na patuloy na lumilitaw sa kanyang isipan.

She's now in the middle of the storm and she can see how it manages to destroy the things around her like her life.

Dumirecho siya sa may batuhan at sinubukan niyang hilahin ang lubid ng cage trap. Nahihirapan siya dahil sa malakas na alon na siyang nagpapabigat sa hinihila niya.

She keeps on pulling the string. She even gets her force from large rocks, pushing her feet while pulling until her left foot slips. And because she was at the edge, she lost her balance and almost fell towards the rock formation but strong arms wrapped around her waist and prevented her from falling completely.

"I got you." Bulong nito.

Saph couldn't move at all, still surprised by his actions. He did save her from falling but he also made her feel uncomfortable. He's hugging her while they are both soaking wet.

That isn't the first someone hugged her like that. She was used to that during her missions and she never felt anything, not even disgust. Just plain nothingness. But this time, there was something new and she chose to shove it away instantly.

"Let go of me!" Aniya at pumiksi mula sa mga bisig ng lalaki. "I know what I'm doing, I don't need your help."

"Nadulas ka at muntik nang mahulog dyan sa mga matatalas na batuhan." Sabay turo sa dapat na kinahulugan niya kung hindi iyon napigilan ng lalaki. "A simple 'thank you' would be nice." Panggagaya nito sa sinabi din niya kanina nung bilhan niya ng panloob sa bayan.

"Thank you." She used a flat tone. "Happy?"

"Why do you always have to be sarcastic?"

"And why do you always keep on bothering me?!" Masungit niyang balik. 

"Fine! I'll leave you be!" Mukhang napikon na din ata ang lalaki kaya't iniwan na siya roon sa labas at pumasok na sa loob ng bahay.

Nanatili lang si Lux roon at hinayaan niyang mas lalong magpakabasa sa ulan. Kaya't ayaw niyang may makasama sa bahay dahil hindi siya sanay, lalo na kung lalaki pa. Hirap siyang makisama na kahit lumaki siya sa isla kasama ang mga kapatid ay natatagpuan pa din niya ang sarili na madalas mapag-isa dahil naiiba talaga siya sa lahat. It's a little hard for her to get along with anyone.

"Pathetic!" Bulong niya sa isip at saka tumingala sa kalangitan.

Ipinikit niya ang mga mata at ninamnam ang bawat patak sa kanyang mukha. Pagkalipas ng ilang saglit ay muli niyang hinatak ang lubid upang iangat ang trap. Itinabi na muna niya iyon sa gilid ng bahay upang hindi mapatid ng alon at matangay. Hangga't hindi nagiging mapayapa ang dagat ay wala siyang mahuhuli ng ilang araw.

Ilang minuto pa siyang nanatili sa labas bago bumalik ng bahay. Pagkapasok niya ay inabutan siya kaagad ng lalaki ng tuwalya.

"Maligo ka na agad ng mainit para di ka magkasakit." Payo nito.

"Ikaw ang kagagaling lang sa sakit kaya ikaw dapat ang-"

"Katatapos lang." At ipinakita pa ang bagong palit na damit.

Hindi na siya kumibo at dumirecho na lang sa loob ng banyo para maligo. Sanay ang katawan niya sa kahit na anong klima kaya't wala siyang problema. The Gems' bodies are programmed to withstand different climates. They were also injected with a serum that makes their body stronger so they won't catch any diseases easily. In short, matibay ang pangangatawan niya kaya't hindi siya sakitin.

Pagkatapos makapaligo ay nagkulong lang siya sa kanyang kwarto upang makapahinga. Pakiramdam kasi niya ay napagod siya sa buong araw na iyon ng dahil lang sa bwisita niya. Gusto sana niyang umidlip ngunit ayaw niyang magpakampante kung kaya't ipinahinga lang niya ang kanyang katawan at mga mata ngunit gising na gising pa din ang kanyang diwa.

Lumipas ang oras hanggang sa maggagabi na. Bago pa siya tuluyang bumangon ay may marahang katok na siyang narinig. Inaasahan niya na magpapaluto na ang lalaki ng pagkain ngunit iba ang kanyang narinig.

"Kumain na tayo nang maaga para makapagpahinga ka na din nang maaga. Alam kong pagod at puyat ka dahil sa ginawa mong pagbabantay sakin at sa pag-aasikaso mo upang bumaba ang lagnat ko." Anito sa labas ng pintuan. "I'm not a great cook but I made an edible dinner for us."

Doon na siya lumabas at nakita nga niya ang inihanda ng binata.

"Hmmm..." Iyon lang ang lumabas sa bibig ni Saph habang dumudulog sa hapagkainan.

"Gumawa lang ako ng ulam base sa mga ingredients na nakita ko sa fridge."  Parang batang nahihiya. "Pambawi lang sa abala ko sayo."

"Marunong ka palang magluto ng sinabawang isda?" Na sumandok na ng ulam.

"Nakikita ko kasi dati si Mom na nagluluto ng ganyan for my Dad. It's a simple recipe with simple ingredients but the flavor is so full." Madamdaming litanya.

Tumago lang si Lux at saka humigop na ng sabaw. Tamang-tama sa malamig na panahon ang mainit na sabaw kaya't wala siyang reklamo. Nagsimula na din siyang magsabaw sa kanin at maglagay ng hinimay na isda bago sumubo ng isang kutsara. Napabaling siya sa binata na hindi pa nagsisimulang kumain at nakatingin lamang sakanya, naghihintay ng kanyang komento tungkol sa luto nito.

"Masarap." Tipid niyang sabi at muling sumubo na.

Natuwa naman si Finn dahil nagustuhan ng dalaga ang inihanda kaya't nilagyan pa ang mangkok niya ng karagdagang sabaw bago kumuha ng para sa sarili nito.

"It's not the same as my mother's but it's pretty much close. Oh, how I missed this dish." Sabay subo muli nito habang napapapikit pa dahil may inaalala.

"Why? Hindi na ba nagluluto ng ganito sa inyo?"

Dumilat ang lalaki at ngumiti ng kaunti at may bahid ng lungkot."

"Matagal nang hindi." Sagot nito bago nagpatuloy sa pagkain. "Come on, eat more." Alok pa sakanya.

Naubos naman nila ang pagkain at siya na ang nagpresinta na maghugas.

"Baka bukas wala na ang bagyo." Ani Lux habang naghuhugas ng plato.

"Hopefully." Saad ng lalaki. "Then you'll get back to your normal life after that. No more good-looking stranger like me." Pagpapa-cute pa nito na binalewala lang niya.

"My life has never been normal." Mahinang usal niya ngunit narinig iyon ng binata.

"Because you're no ordinary woman."

Saglit siyang napahinto at tumingin sa kausap. Parang may ibig sabihin na naman ang komento.

"What do you mean by that?"

"Nothing, just an observation." Nagkibit-balikat pa. "The way you caught the knife- no ordinary woman can do that."

"I told you, it was just a reflex-"

"You caught it through its blade without hurting yourself. You're like a pro when it comes to dangerous stunts." Putol nito sakanya.

"I'm not the one who did the stunt of throwing knives out of the blue. As I've said, you're dangerous."

Seryoso ang itsura ni Finn ngunit biglang lumitaw ang pilyong ngiti pagkatapos.

"Dangerous yet sexy." Anito na kumindat pa. "You agree with me, right?" Pero hindi niya sinagot kaya't nagpatuloy pa rin ito. "Silence means yes."

Sanay na si Saph sa mga kalalakihan na puro kalandian o puro kahanginan ang nasa katawan dahil sa kaniyang trabaho noon kaya't walang epekto iyon sakanya. Tiningnan lang niya ito ng may blankong ekspresyon kaya't ito rin ang sumuko.

"Tsk! Wala ka man lang bang pamasahe?" Palatak nito. "Di ka man lang marunong sumakay eh." Umiiling-iling pa.

"Jokes aren't my thing." Sagot niya habang seryosong tinatapos ang ginagawa. "I don't have any humor in me so stop it."

Sumimangot na lamang lalo si Finn at hindi na muling bumira ng biro sa kanya.

"Sige na magpahinga ka na sa kwarto mo." Tulak ng lalaki. "Alam kong puyat at pagod ka na sa buong araw na pagbabantay at pag-aasikaso sakin. Don't worry, I will not harm you. You can lock yourself inside and I'll stay here." Na tinuro pa ang sala.

Tumigin din siya sa may sala at saka ibinalik ang tingin sa lalaki.

"Talaga namang dyan ka lang dapat na matulog, alangan namang sa kwarto ko?"

Ngumisi lang ang binata sa sinabi niya.

"Kaya nga, sige na magpahinga ka na. Ako na ang bahalang magligpit ng iba pang dapat iligpit." Pagpupumilit nito at kulang na lang ay ipagtulakan na siya papasok sa kanyang kwarto.

"I'm a light sleeper." Aniya na para bang may halong babala iyon habang nasa may bukana na siya ng kwarto.

"I swear, I will not do anything. I'll behave." Habang nakataas ang isang kamay na nangangako. "Good night." Bati nito bago siya tuluyang pumasok at may pahabol pa bago niya isinara ang pinto. "Sweet dreams."

Saph just ignored Finn's flirtatious attitude. She had a long day and she needed a little rest so she can recharge herself a bit. But as she laid down on her bed, she still couldn't stop thinking if it was alright to leave him alone outside. She's still doubting him that he might try to hurt her during sleep. She shouldn't let her guard down and be too complaisant. He's still a dangerous man.

Sanay naman si Saph na matulog nang mababaw dahil na rin sa mundong kinalakihan. Kaaway na yata nila ang tulog dahil mailap na iyon sa buhay ng mga kagaya niya. At kung hindi lang kailangan sa kalusugan ng isang tao ang tulog ay hindi na niya iyon gagawin dahil ayaw niyang nananaginip. Nightmares only made everything worse for her but she still managed to control them and not let them eat her whole.

Sa buong magdamag ay wala namang nangyaring kahina-hinala o masama. Kinse minutos bago mag-ala sais ay bumangon na siya at sumilip sa may bintana. Mukhang maganda na ang panahon at wala na ang bagyo. Paglabas niya ng kwarto ay nakita niyang nakatanaw na din ang lalaki sa may bintana at nakita na ang magandang panahon.

"Good morning!" Masayang bati nito sa kanya paglingon. "I think the weather now is fine. No more rainfall and strong winds." Masayang anunsyo nito.

"Great." Tipid niya namang sagot.

"Now, can I borrow a phone so I can contact someone to pick me up here?"

Tiningnan muna niya ang lalaki kung seryoso ba ito at nang makasiguro ay saka lang siya bumalik sa loob ng kwarto upang kuhain ang nakatabi niyang cellphone.

"Mahirap ang signal rito sa isla. Baka mahirapan kang makakontak." Sabay abot rito ng telepono.

"I'll have to try." Sagot lang nito na lumabas na ng bahay at nagpunta sa likuran upang umakyat sa bubong.

Siya naman ay nagsimula na sa pagluluto ng kanilang agahan. Dinagdagan na niya dahil naisip niyang baka bumalik muli ang dalawang bata roon at hindi nga siya nagkamali.

"Kuya, makakakain ulit tayo ng almusal na may ulam." Masayang bulalas ni Len-Len habang nasa salas.

"Ssshhh, nakakahiya!" Awat naman ng batang lalaki sa kapatid. "Pasensya na po kayo ate, nag-aalala lang po kami kay Kuya Finn tsaka sayo kaya kami andito ulit."

"Tsaka po para makakain po ulit kami ng masarap." Singit naman ni Arlene na ikinangiwi ng kapatid.

"Sige na magsi-upo na kayo sa hapag at matatapos na din ako dito sa pagluluto." Utos niya.

"Asan po si Kuya Finn? Tulog pa?" Tanong ng batang babae na luminga-linga pa.

Bago pa man masagot ni Saph ay bumukas na ang pinto at pumasok na ang pinaguusapan.

"Success! I've contacted a friend to help me out." Anito sabay baling sa mga bata. "Uy, sabay-sabay ulit tayo magbreakfast lahat?" Saka umupo na.

Pagkahain ni Lux ay pinauna na nila ang dalawang bata na maglagay ng pagkain sa kanilang plato.

"Salamat po, Ate." Si Toteng bago sumubo.

"O, dahan-dahan at baka mabilaukan kayo." Si Finn na inabutan ng baso si Len-Len.

"Salamat po." Nakangising turan ng bata habang mabilis pa ding kumakain. "Saan ka po galing, Kuya Finn? Di ka po dapat lumalabas kasi baka mahuli ka nina Mang Dino." Tukoy nito sa isa sa mga kagawad ng barangay.

"Andyan lang naman ako sa bubong." Sabay turo sa kisame. "Naghahanap ng signal, natawagan ko na yung susundo sa akin dito mamaya."

"Ha? Aalis ka na po agad?" Naroon ang gulat at lungkot sa mga mata ng bata.

"Yup. Para hindi na kayo madamay pa sa gulong pinasok ko. I made a promise." Then he glanced at Lux.

Umiwas naman ng tingin ang dalaga at sa pagkain na lamang itinuon ang antensyon.

"Paano po kayo makakaalis dito nang hindi kayo makikita ng mga tanod?" Si Anthony. "Nakabantay sila sa bayan at sa daungan ng mga bangka."

"Andito tayo sa pinakadulo ng isla at dito ako magpapasundo dahil wala namang dumadaong rito masyado."

"Eh kasi mabato po dito, Kuya." Singit ni Arlene. "Tsaka malakas alon lagi dito kaya walang nangingisda."

"That's why it's perfect!" At saka ginulo ang buhok ng batang babae.

"What do you have in mind?" Tanong ni Saph para alamin ang plano ng lalaki.

"You'll see it later." Sagot lang nito at saka nagpatuloy na sa pagkain.

Nagkwentuhan lang ang mga bata kasama si Finn pagkatapos kumain habang inaabala naman ni Lux ang sarili sa mga gawaing bahay.

"Kuya, maganda po ba sa Maynila?" Tanong ni Len-Len. "Naririnig ko po kasi dun kay Aling Gina na maganda nga daw po tuwing babalik siya dito galing sa Maynila. Andun kasi nakatira yung pinsan daw niya na nagtatrabaho sa isang hotel po. Maraming malalaking building daw po dun at sabi niya masarap daw ang isteyk." Nakalabing kwento nito.

"Steak?" Ulit ni Finn kaya't napalingon lang din si Saph para silipin ang pag-uusap ng tatlo.

"Opo, isteyk daw. Masarap daw at malambot. Mahal daw po yun eh sabi ni Bansot. Nakatikim na din daw siya kasi inuwian siya ng Nanay niya."

"Pagkaing mayaman." Segunda naman ni Toteng. "Maganda kasi po trabaho nung pinsan ni Aling Gina sa hotel eh. Yung namamahala sa mga kwarto daw po."

"Kaya po malaki ang sweldo at napakain niya si Aling Gina ng Isteyk." Dugtong ng kapatid.

"Swerte pala ni Aling Gina noh?" Si Finn. "Buti pa siya may nanlilibre ng steak."

"Oo nga po eh." Nakangusong sagot ng ng batang babae. "Ikaw po Kuya, nakakain ka na ba ng isteyk?"

"Yup."

"Talaga? Masarap po?" Sabay na tanong ng magkapatid.

"Hmmm.." Tila nag-iisip. "Masarap naman."

"Siguro mayaman ka din kasi nakatikim ka na po eh."

Muling na namang ginulo ni Finnegan ang buhok ni Len-Len.

"Hindi lang naman mayaman ang nakakabili ng steak- sa mga fastfood may burger steak nga eh." Pagbibida nito.

"Yun po ba yung sa Jollibee?" Nang tumango ang binata ay nagkatinginan ang magkapatid. "Nakita natin yun sa commercial habang nakikinood tayo nun kina Mang Dino diba, Kuya?"

"Oo yun nga. Baka yun din yung nakain ni Aling Gina sa Maynila."

"Malamang!" Pagsang-ayon ni Finn. "Hayaan niyo, pag makabalik ako dito sa inyo ulit dadalhan ko kayo ng madaming steak."

Natuwa ang mga bata dahil roon.

"Totoo po Kuya, dadalawin mo kami dito?" Naroon ang pag-asam sa mata ni Arlene.

"Oo naman." Sabay kurot sa pisngi. "Maraming salamat sa pagtulong niyo sa akin ha."

"Wala yun, Kuya." Na lumapit pa sa binata para bumulong, kung kaya't hindi iyon narinig ni Sapphire. "Salamat din kasi dahil po sa inyo, nakakakain kami dito."

Nagtawanan ang tatlo at nagpatuloy pa sa kung anu-anong kwento. Maya-maya pa ay tumayo na si Finnegan at dumungaw sa bintana.

"I think I have to leave now. Andito na sundo ko." Anunsyo nito na nilingon pa si Luxury.

Ang dalaga na muna ang unang lumabas upang magmatiyag sa paligid. Nang wala siyang matanaw na ibang tao ay sinenyasan niya ang lalaki na sumunod na din kasama ang mga bata. Tanaw nila ang isang speedboat ngunit nasa malayo ito. Hindi ito basta makakalapit sa pwesto nila dahil baka may makakita at isa pa, mabato sa banda nila kaya't mahihirapan na makadaong roon.

"What are you going to do?" Tanong ni Lux. "Are you gonna swim to get there?"

"Yeah, that's the plan." Sagot ng lalaki na naglakad na para makababa sa mga batuhan.

"But you're still wounded and it's a bit far. It'll be hard for you to-"

"You sounded worried." A playful smile appeared on his lips.

"I'm not. I'm just stating facts here. You won't make it."

"Maybe." He said. "But I'll have to try." And he went down through the rocks and slowly submerged into the water.

"Ingat ka, Kuya!" "Ba-Bye!" Sabay na sigaw ng magkapatid na kumaway pa.

Finnegan waived at them and glanced back at her with a devilish smile still on his lips.

"Thank you again for saving my life and for letting me stay. I'll see you again."

"I highly doubt that." Disagreeing to him. "We're not going to see each other again." Her face remain serious as always. "Start swimming before someone sees you."

When he turned around and started swimming away, she thought it was the end of their conversation, but she was wrong.

"No, I'll make sure we'll meet again, Miss. It will happen and you can look forward to that." He said when he looked back at her before swimming away again.

Sapphire stood there with the kids and just watched the man getting farther away. She can say that she can now breathe properly since no stranger stays in her house anymore. But there is something in his words that she couldn't describe. It's full of conviction and confidence and there's a sense of certainty and positivity in his tone. She just met the man for more than a day but she must admit that he has somehow managed to make an impact on her. So it simply means that she won't easily forget the dangerous yet sexy, Finnegan Brandt.

Okumaya devam et

Bunları da Beğeneceksin

471K 34.7K 8
Beneath a broken mask lies the truth behind the façade, and while masks can conceal pain, they cannot mend wounds. In the end, no mask was worth the...
2.1K 78 8
Hence Kieran Martin a fiery Attorney na kay Deity Arwell Artemis lang marupok. Despite being known as the best Attorney in the country, he is also a...
7.3K 96 7
Lauren Palomares - isang simpleng babaeng may simpleng mga pangarap at nabubuhay sa simpleng mga bagay. She is already contented with everything she...
978K 17.5K 32
"A man is lucky if he is the first love of a woman. A woman is lucky if she is the last love of a man" - Charles Dickens Pero iba ang sitwasyon nila...