♡ Playing Love Games ♡

By nyghtdreamer

2M 21.1K 4.9K

"We played with love. But now that the time came and we realized that we want to get serious, love plays with... More

Bet Your Heart ♡ Chapter 1
Bet Your Heart ♡ Chapter 2
Bet Your Heart ♡ Chapter 3
Bet Your Heart ♡ Chapter 4
Bet Your Heart ♡ Chapter 5
Bet Your Heart ♡ Chapter 6
Bet Your Heart ♡ Chapter 7
Bet Your Heart ♡ Chapter 8
Bet Your Heart ♡ Chapter 9
Bet Your Heart ♡ Chapter 10
Bet Your Heart ♡ Chapter 11
Bet Your Heart ♡ Chapter 12
Bet Your Heart ♡ Chapter 13
Bet Your Heart ♡ Chapter 14
Bet Your Heart ♡ Chapter 15
Bet Your Heart ♡ Chapter 16
Bet Your Heart ♡ Chapter 17
Bet Your Heart ♡ Chapter 18
Bet Your Heart ♡ Chapter 19
Bet Your Heart ♡ Chapter 20
Bet Your Heart ♡ Chapter 21
Bet Your Heart ♡ Chapter 22
Bet Your Heart ♡ Chapter 23
Bet Your Heart ♡ Chapter 24
Bet Your Heart ♡ Chapter 25
Bet Your Heart ♡ Chapter 26 & 27
Bet Your Heart ♡ Chapter 28
Bet Your Heart ♡ Chapter 29 & 30
Bet Your Heart ♡ Chapter 31
Bet Your Heart ♡ Chapter 32
Bet Your Heart ♡ Chapter 33
Bet Your Heart ♡ Chapter 34 & 35
Bet Your Heart ♡ Chapter 36
Bet Your Heart ♡ Chapter 37
Bet Your Heart ♡ Chapter 38
Bet Your Heart ♡ Chapter 39
Bet Your Heart ♡ Chapter 40
Bet Your Heart ♡ Chapter 41
Bet Your Heart ♡ Chapter 42
Bet Your Heart ♡ Chapter 43
Bet Your Heart ♡ Chapter 44
Bet Your Heart ♡ Chapter 45
Bet Your Heart ♡ Chapter 46
Bet Your Heart ♡ Chapter 47
Bet Your Heart ♡ Chapter 48
She Played Her Part ♡ Chapter 1
She Played Her Part ♡ Chapter 2
She Played Her Part ♡ Chapter 3
She Played Her Part ♡ Chapter 4 & 5
She Played Her Part ♡ Chapter 6
She Played Her Part ♡ Chapter 7
She Played Her Part ♡ Chapter 8
She Played Her Part ♡ Chapter 9
She Played Her Part ♡ Chapter 10 & 11
She Played Her Part ♡ Chapter 12
She Played Her Part ♡ Chapter 13
She Played Her Part ♡ Chapter 14
She Played Her Part ♡ Chapter 15
She Played Her Part ♡ Chapter 16 & 17
She Played Her Part ♡ Chapter 18
She Played Her Part ♡ Chapter 19 & 20
She Played Her Part ♡ Chapter 21 & 22
She Played Her Part ♡ Chapter 23
She Played Her Part ♡ Chapter 24
She Played Her Part ♡ Chapter 25 & 26
She Played Her Part ♡ Chapter 27
She Played Her Part ♡ Chapter 28
She Played Her Part ♡ Chapter 29 & 30
She Played Her Part ♡ Chapter 31 & 32
She Played Her Part ♡ Chapter 33, 34 & 35
She Played Her Part ♡ Chapter 36, 37 & 38
She Played Her Part ♡ Chapter 39, 40 & 41
She Played Her Part ♡ Chapter 42, 43 & 44
She Played Her Part ♡ Chapter 45 & 46
She Played Her Part ♡ Chapter 47 & 48
She Played Her Part ♡ Chapter 49 & 50
She Played Her Part ♡ Chapter 51
Still Playing ♡ Chapter 1 & 2
Still Playing ♡ Chapter 3
Still Playing ♡ Chapter 4 & 5
Still Playing ♡ Chapter 6 & 7
Still Playing ♡ Chapter 8
Still Playing ♡ Chapter 9 & 10
Still Playing ♡ Chapter 11
Still Playing ♡ Chapter 12
Still Playing ♡ Chapter 13
Still Playing ♡ Chapter 14 & 15
Still Playing ♡ Chapter 16, 17 & 18
Still Playing ♡ Chapter 19
Still Playing ♡ Chapter 20, 21 & 22
Still Playing ♡ Chapter 23 & 24
Still Playing ♡ Chapter 25 & 26
Still Playing ♡ Chapter 27 & 28
Still Playing ♡ Chapter 29, 30 & 31
Still Playing ♡ Chapter 32 & 33
Still Playing ♡ Chapter 34 & 35
Still Playing ♡ Chapter 36 & 37
Still Playing ♡ Chapter 38, 39 & 40
Still Playing ♡ Chapter 41, 42 & 43

Extra Chapter

18.1K 209 60
By nyghtdreamer

Renz' POV

Nasaan na ba yung dalawang yun? Nakaka-leche naman, o! Kanina ko pa sila hinahanap kung saan-saan!

Walanjo naman kasi! Bakit ngayon pa sila nagkabati? Ang hina naman kasi ng best friend ko, eh. Bumigay kaagad. Hindi man lang pinahirapan ng kaunti pa iyong kuya ko. Kaunting-kaunti lang naman. Puwede na kahit hanggang matapos lang ang semestral break. Basta huwag lang ngayon!

Natalo tuloy ako sa pustahan namin ni Myleen. Wala na akong kotse, alila niya pa ako ng isang buwan. The fck lang, 'di ba?

Ang tindi talaga ng ex-girlfriend ko na iyon, eh. Lahat ng gusto niya, nangyayari. And yeah, ex-girlfriend ko si Myleen pero secret lang naming dalawa iyon at magkaibigan na lang kami ngayon. No hard feelings and we're in good terms.

Pero, ewan ko lang kung magiging in good terms pa rin kami kapag nalaman niya na kaya ko lang siya gustong maging girlfriend noon ay dahil gusto ko lang talaga makasama si Lianne palagi. Pero hindi niya talaga malalaman iyon kahit kailan!

Ang tungkol naman sa pustahan namin ni Myleen, nagsimula iyon noong play nila Lianne. Magkatabi kaming nanood ni Myleen. At napansin namin ang tinginan ni Lianne at ni Kuya.

Gusto ni Myleen na magkabalikan ang dalawa. Nagpatulong pa siya sa akin pero ayoko. Ayoko dahil kung gusto talaga nilang magkabalikan at mahal talaga nila ang isa't-isa, magkakaayos sila.

Ang hina naman kasi nitong ulupong kong Kuya! Nandiyan lang naman si Lianne, ayaw pang gumawa ng moves para magkaayos sila. Ang bagal. Nahiya na yung pagong sa sobrang bagal niya!

At dahil nga ayaw kong tulungan siya, nakipagpustahan na lang siya sa akin. Ano ang pusta? Kotse lang naman. Kapag hindi pa rin nagkabalikan si Kuya at Lianne sa birthday ni Lianne, akin na ang kotse niya. Kapag naman nagkabalikan sila ay kanya na ang kotse ko.

Nagdalawang-isip at nagtatlong-isip pa nga ako at muntik pang mag-apat na isip sa pustahan na iyon. Kasi kotse iyon, eh. Pero naisip ko na mahal ang kotse ni Myleen at kapag natalo siya, puwede kong ibenta yung kotse niya at makakapunta na ko sa Neverland, este sa Italy para sundan si Wendy.

Medyo madali naman sa akin yung pustahan kasi malakas ang impluwensya ko kay Lianne. Puwede ko siyang sulsulan ng kung anu-ano para lang huwag makipagbalikan kay Kuya.

Hindi naman sa ayaw ko talaga silang magkaayos. Kailangan ko lang talaga ng pera. Haha! Gipit ako pero ayokong kumapit sa patalim kaya! Puwede naman sana ako mag-bouncer muna sa club, pero atat na atat na akong makita si Wendy kaya kinagat ko na ang deal ni Myleen.

Nang dumating na ang araw ng birthday ni Lianne, medyo nabuhayan na ako ng loob. Last day na iyon ng deal namin at wala pa rin akong nakikita kahit konting pag-asa na magkakabalikan nga sila.

Pero kinabahan ako noong malaman ko na may kung anong balak pala si Myleen sa araw na iyon. Nag-special number si Kuya para kay Lianne.

Kinabahan na ako ng sobra! Pero nang makita ko ang expression ng mukha ni Lianne na parang naiiyak na naiinis na parang natatae ay alam kong confused pa siya at madali ko siyang masusulsulan. So, ayun nga... I told her na parang hindi naman gusto ni Kuya ang ginagawa niya at mukhang napipilitan lang.

Hindi ko naman expected na magwo-walk out na si Lianne dahil doon sa sinabi ko. Pero siyempre, natuwa ako. Halos hindi man lang ako nag-effort para mangyari ang gusto ko.

Oo na, ang sama na ng ugali ko! Eh, sa gusto ko talagang puntahan si Wendy dahil iniwan na naman niya ako nang walang pasabi! Punyemas! Hindi ko kailangan ng malaking halaga pero kung malaking halaga ang makukuha ko dito sa pustahan namin ni Myleen ay wala rin namang problema.

Gusto ko lang talaga ng madaliang pera.

Panalo na ako. Pero sadyang mautak itong si Myleen! Sira raw ang kotse niya at wala pa siyang pampagawa. Siyempre, hindi ko naman kukunin ang kotse niya na sira. Alangan ako pa ang magpaayos? Ang mahal kaya ng parts ng sports car! Mahihirapan din akong ibenta iyong kung may sira.

Pero ang masakit, na-delay na nga ang alis ko papuntang Italy, extended pa raw ang deal namin hanggang sembreak! Kundi ba naman madaya ang ex kong iyon!

No, choice ako kaya pumayag ako na hanggang semestral break ang pustahan. Tutal, malakas ko naman akong makasulsol kay Lianne.

Pero lintek talaga si Myleen! Ikulong daw ba ako sa isang kuwarto kasama iyong amasonang may dilaw na buhok para walang pumigil sa mga plano niya?! And damn that woman for being so hot! Dahil mainit din ang ulo ko na nakatago sa shorts ko ay gumanti muna ako sa kanya.

While she had sex with me slowly, nang maalis ko ang pagkakatali ng mga kamay ko sa kama ay hindi na ako nagpatumpik-tumpik pa. I ravished her whole being.

Lintek lang talaga ang walang ganti.

Napangiti ako nang maalala ko ang mukha niya nang tumayo ako pagkatapos ng nangyari sa amin. It's as if she wants more of me. Pero sorry na lang siya. I'm in a hurry.

Maybe next time... kung may next time pa nga. Dahil tiyak na hindi ko na magagawa ang mga kalokohan ko kapag naiuwi ko na si Wendy sa Pilipinas. Oh, well... mas mukhang Malabo yatang mangyari iyon.

Natalo na ako at nagsisisi na ako kung bakit pumayag pa akong ma-extend ang pustahan namin! Ang engot ko lang!

Tsk! Nasaan na ba ang dalawang iyon na dahilan ng paghihirap ko ngayon?

Lintek talaga! Naka-abito ako ngayon habang naghahanap sa kanila! Pusang gala kasi si Myleen, eh! May nalalaman pang kasal-kasalan at ako pa ang ginawang pari!

Shts! Kapag ako talaga nauwi sa pagpapari, si Myleen ang may kasalan! At siya din ang malalagot sa mga babaeng gustong tumikim sa abs ko.

Psh! Pero nasaan na ba sila?! Did they already get a room?! Hindi nakapaghintay sa kasal bago nag-honeymoon?

Argh! Nakaka-badtrip na talaga!

"Mark!"

Napalingon ako kahit hindi ko naman pangalan ang tinawag. Pangalan kasi iyon ng hinahanap ko at kilala ko yung boses na iyon!

Napa-'what the fck' na lang ulit ako nang makita ko sila sa may sea side na naghahabulan... or should I say, naglalandian?

Habang hirap na hirap akong maghanap sa kanila, sila naglalandian lang?

"Hoy, kayong dalawa!" sigaw ko sa kanila.

Napahinto sila sa paglalandian at sabay na napalingon sa akin. At nakita ko kung gaano kasaya yung mga mukha nila at nakaramdam naman ako ng bitterness.

I miss my Angel...

"Renz!" tawag ni Lianne sa akin kasunod ang paglapit niya sa kinatatayuan ko. "What the heck are you wearing?" tanong niya pa. "You look..." She eyed me from head to toe then she laughed.

Kung lunurin ko kaya itong babae na 'to?

"Kung makatawa ka d'yan, akala mo ang pleasing ng hitsura mo!" Tiningnan ko rin siya mula ulo hanggang paa. "Mukha kang batang yagit!"

Basang-basa kasi siya pati na rin si Kuya. Parang naligo yata sila sa dagat 'tapos nagpagulung-gulong sa buhanginan. Kadiri.

"O, Renz, ano 'yang suot mo?" tanong din ni Kuya nang makalapit sa amin.

"Wala! Trip ko lang 'to! Pumasok na kayo sa loob. Hinahanap nila kayo..." At nang masakal, este maikasal ko na kuno kayo!

Tumalikod na ako sa kanila at nagsimulang maglakad pabalik sa garden ng hotel. Pero nang maramdaman kong hindi sila sumusunod sa akin ay nilingon ko sila.

"Hoy, ano pang tinutunganga niyo d'yan?" pabulyaw ko na namang tanong sa kanila.

"Pupunta kami ulit sa loob ng ganito ang hitsura?" tanong naman ni Lianne at tinuro pa ang mga sarili nila.

"Ginusto niyo 'yan, eh!" sagot ko sa kanya.

Psh! Problema ko pa ba yun? Pinoproblema ko na nga yung suot kong abito na pagkahaba-haba, pati ba naman yung hitsura nila? Iyong love life ko pa nga hindi ko alam kung ano na'ng kahihinatnan, dadagdag pa sila? Nakakaleche talaga!

Napakamot ako sa ulo sa inis ko dahil hindi pa rin sila kumilos sa kinatatayuan nila.

"Umakyat muna kayo sa taas para magpalit bago kayo bumalik sa garden!" pagalit ko pa ring sabi. "Ang tatanga!" mahina pero madiin kong dagdag.

"Okay, we'll be back in an hour," sabi ni kuya na lalong nagpainit sa ulo ko.

In an hour talaga? Ibig-sabihin, matagal pa akong magdudusa suot ko!

"H'wag na kaya kayong magbihis? Maghubad na lang kayo! Baka mas magmukha kayong tao!" Badtrip talaga, dude!

"Ulol!" sigaw ni kuya sa akin. "Tara na, Babe." Hinawakan niya yung kamay ni Lianne at naglakad na sila papunta sa hotel. Nilagpasan lang nila ako.

Psh! Naka—nevermind.

Naglakad na lang din ulit ako pabalik sa hotel pero sa garden ako dumiretso.

"Si Father 'ayan na pala!" sabi agad ni Myleen pagkakita sa akin.

Ang lakas talaga mang-asar ng babaeng 'to, eh. Mabuti na lang, kami-kami na lang ang nandito. Wala na iyong maraming tao na hindi ko alam kung saan nila pinaghahagilap kanina.

Nagtawanan naman ang apat pang babae sa paligid—si Faye, Tracy, Hannah 'tsaka iyong isang babae na kulay dilaw ang buhok na gusto ko nang pilipitin ang leeg na nagkulong sa akin sa kuwarto kaya hindi ko nabantayan si Lianne.

Pero hindi bale... mukhang bet na bet niya naman ako, eh. Hindi niya na lang ulit matitikman ang katawan ko. Maglaway siya buong buhay niya.

Nakitawa na rin ang mga lalaki na nasa kabilang table—si Ejhay pati ang mga kabanda niya, kasama sina Harold sungit, Kyle bading, Red at ang iba pa naming kabarkada sa basketball team ng university.

"Nasaan na pala sila?" tanong pa ni Myleen nang makalapit ako sa kanila.

"Nagbihis pa ng pangburol nila!" sagot ko naman sabay pabagsak na umupo sa isang bakanteng upuan sa bilog na lamesa.

"Ang sungit naman ni Father," nakakalokong sabi naman ni Tracy.

"Pero sayang si Father. Ang pogi pa naman," mapang-asar namang gatong ni Faye.

"H'wag nga kayo!" awat naman ni Hannah sa kanila. "Igalang natin si Father." Pagkatapos ay bumunghalit siya ng tawa at ganoon din ang iba pa.

Ergh! Kung hindi lang mga babae 'tong mga 'to, baka kanina pa sila nakatikim ng sapak galing sa akin.

Pinalagpas ko na lang ang mga pang-aasar nila sa akin. Lalo lang kasi nila akong bubwisitin kapag pinatulan ko sila. 'Yan pang mga 'yan?! Hindi 'yan magsisitigil kapag nakipagsabayan pa ako sa kanila.

Tumahimik na lang ako habang naghihintay sa dalawang ikakasal ko. Nakakabuwisit! May kasal-kasalan pang magaganap, kung sakalin ko na lang kaya sila?!

Nang makita ko na silang dalawang palapit sa amin ay tumayo na ako mula sa inuupuan ko. Gusto ko nang matapos 'to at nang makaganti na ako sa kanila, lalo na doon sa babaeng dilaw ang buhok.

"O, ano'ng meron?" tanong ni Lianne nang makalapit na sila sa amin.

"Sakal niyong dalawa!" mabilis ko namang sagot.

Napatingin silang lahat sa akin pero wala akong pakialam sa kanila.

"Ang bitter ni Father Renz," tatawa-tawa pang sabi ni Myleen. "Ikakasal daw kayo ni Father Renz."

"Seriously?" tanong naman ni Lianne na parang hindi makapaniwala sa kalokohan ng mga kaibigan niya.

Naagaw naman ang atensiyon namin sa pagtawa ni Kuya ng malakas.

Putsa. Sige, magsaya kayo ngayon.

"Ayos 'yan, Renz!" patawa-tawa pa ring sabi ni Kuya at tinapik pa ako sa balikat. "Libre na kami sa pari kapag kinasal na talaga kami ni Lianne in the near future!"

"Ulol! Ang lagay, ikaw lang ang magpapatuloy sa lahi ng Lopez?" Aba? Hindi naman ako papayag kapag ganoon!

Nagtawanan naman sila at nagdagsaan na naman ang mga side comments nila. Pero pinabayaan ko na lang ulit. Kaligayahan nila 'yan, eh.

Darating din ang araw na ako naman ang maligaya.

"Hoy, tama na nga 'yan!" awat ko na sa kanila. "Magsisimula na ang seremonya!"

Damn! Mukhang tanga lang. Bakit ba napasubo ako sa ganitong kalokohan? Pero sige... ipagpapatuloy ko na.

Naglakad ako sa bandang gitna kung saan may space para sa amin. Napapabuntong-hininga na lang ako sa kanila habang papalapit sila sa harapan ko.

Love is a game you must play whether you like it or not,

you just can't figure out what the shit is going on, at first

it wears many disguises to not be easily recognized.

Tumingin ako kay Lianne at Kuya na parehong nasa harapan ko na. Mabuti na lang nalimot na nila ang wedding march at kung anu-ano pang mahabang paliguy-ligoy sa totoong kasal.

Hay... hindi ko akalain na itong Kuya ko at itong best friend ko, magkakaseryosohan. Parang tanga lang kasi sila noong una. Pero mas mukha akong tanga dahil ako iyong unang naging kontra-bida sa love story nila, in love din ako noon kay Lianne—na hindi ko na maatim isipin ngayon.

Pero salamat na rin sa kalokohan nilang dalawa at nakilala ko si Wendy.

Ni hindi ko alam na two months lang pala yung kalokohan nila. Wala naman kasing sinabi sa akin si Lianne. Hindi rin naman halata na naglolokohan lang sila kasi nauumay ako sa ka-sweet-an nila kapag nakikita ko sila.

Ang bugok naman kasi nitong Kuya ko. Matagal na pala siyang may gusto kay Lianne, idinaan pa niya sa kalokohan.

Tsk! Pero 'buti nga si Kuya naidaan sa ganoon. Eh, ako? Naamin ko lang kay Lianne na mahal ko siya noong na-frustrate na ako kay Wendy. Ni hindi ko na nga siya mahal noong mga panahon na iyon!

At si Lianne naman, napaka-naïve niya sa nararamdaman niya that time. Wala kasi sa bokabularyo niya ang salitang 'love.' Playgirl kuno pero hindi pa naman nakatikim ng lalaki. Tsk!

Binuklat ko na ang bible kong dala para maunpisahan na ang sakalan. Handang-handa, 'di ba?

"Mark Kelvin Lopez and Lianne Shey Velozo, have you come here freely and without reservation to give yourselves to each other in marriage?" una kong tanong sa kanila. Serious mode mga Tsong! Mukhang tanga lang talaga!

"Yes, Father," magkasabay nilang sagot.

"Will you honor each other as man and wife for the rest of your lives? Will you accept children lovingly from God and bring them up according to the law of Christ and his Church?" patuloy ko pa sa pagtatanong sa kanila.

"Yes, Father Renz," magkasabay ulit nilang sagot. Mga seryoso rin pero nakita kong napakagat si Lianne sa ibabang labi niya. Pinipigil niyang matawa.

Kung kutusan ko kaya 'to?

Pero kahit gusto ko na siyang kutusan, tinitigan ko lang siya ng seryoso.

Love is a game you cannot deny even if you don't name it,

you can pretend to others, but not to yourself,

it may sneak right up on you or confront you face-to-face.

Siguro kahit si Lianne ay hindi napansin ang ka-sweet-an nila o kaya pakiramdam niya ay nagpapagap lang sila pero deep inside, may nararamdaman na talaga siyang kakaiba, hindi niya lang pinapasin at hindi niya alam kung ano iyon. Puwede ring alam niya na pero ayaw niya lang aminin. Ayaw niya lang aminin na nahuhulog na siya kay Kuya.

Bago lang sa kanya ang pakiramdam dahil hindi pa naman siya nai-in love. Pero habang tumatagal, nahahalata ko na iyon sa kanya. Hindi ko alam kung kilala ko lang talaga siya masyado o masyado lang talaga siyang halata.

Pero basang-basa ko na ang mga ikinikilos niya... gusto niya na rin si Kuya.

Tumingin ako kay Kuya. "Mark Kelvin Lopez, do you take, Lianne Shey Velozo to be your wedded wife, to live together after God's ordinance in holy matrimony? Do you promise to love her, to honor and cherish her, in joy and in sorrow, in sickness and in health, and to be to her in all things a good and faithful husband as long as you both shall live?"

"Tinatanong pa ba 'yan, Father Renz?" tanong niya rin sa akin.

"Oo nga, Father. Tinatanong pa ba iyon?" natatawa ring epal naman nitong si Kyle bading.

Nang tingnan ko siya ng masama, inayos niya ang damit niya at sumeryoso na ulit.

Tumikhim naman si Kuya bago sumagot ulit. "I do."

Kay Lianne naman ako tumingin. "Lianne Shey Velozo, do you take Mark Kel—."

"I do," sagot naman agad nitong best friend ko.

Atat lang? 'Nak ng putsa. Pinabayaan ko na lang para bumilis ang seremonya. Iniharap ko sa kanila ang librong hawak ko para basahin nila ang vow nila sa isa't-isa.

Love is a game that is full of uncertainty every moment you are together,

every second seems to be perfect, and life seems to be flawless,

but you never know where those perfect moments will lead you through.

Si broom... este, groom muna siyempre ang unang nagbasa. "I, Mark Kelvin Lopez, take thee, Lianne Shey Velozo, to be my wedded wife, to have and to hold, from this day forward, for better, for worse, for richer, for poorer in sickness and in health, to love and to cherish, till death do us part. Pa-kiss muna, Babe," interrupt niya sa sarili niyang vow tapos hinalikan nga si Lianne.

Tinuktukan ko siya sa ulo gamit yung libro. "Wala pa tayo sa kiss the bride!"

Nagtawanan na naman ang mga kasama namin pati si Lianne. Kami lang ni Kuya yung hindi tumawa.

Siraulo kasi, eh. Excited lang? Hindi na nagsawa sa landian nila kanina ni Lianne doon sa dalampasigan?

"Pagbigyan na," epal ulit ni Kyle bading. Basta talaga kalokohan, suportado ng loko na 'to, eh.

"Okay!" malakas kong sabi para manahimik na sila. "You may now kiss the groom!" I reclaimed.

At wala nang patumpik-tumpik pang hinalikan nga ng best friend ko yung Kuya ko.

Grabe... mga nawalan na yata sila ng hiya. Ito namang mga sira ulo naming kaibigan, naghiyawan na. Umulan ng 'congratulations' at 'best wishes' na akala mo, totoong kinasal talaga ang dalawa.

Mga baliw.

Tumingin ako sa dalawa na katatapos lang mag-kiss.

Ang saya nilang pareho. Noong una ko silang nakitang ganyan ay inggit na inggit ako. Ang perfect kasi nilang tingnan. Parang wala silang ibang iniintindi kundi mga sarili lang nila.

Pero hanggang ngayon naman naiinggit pa rin ako! 'Nak ng pusa! Mamamatay na ako sa inggit!

Love is a game that changes quicker than a blink of an eye,

at one moment you can be the happiest person in the world,

and the next thing, you can be dragging behind the ground.

Pero bigla lang din nawala ang perfection na nakita ko sa kanila nang bumalik si Hannah.

Siguro ganoon talaga... lahat ng relationship may pagdadaanan na pagsubok na magbibigay ng dahilan sa inyo para bumitaw sa taong mahal mo.

At si Hannah ang binigay na pagsubok sa kanila.

Yes, Hannah likes my brother, but she never loved him. Matagal ko nang alam iyon, mga bata pa lang kami. Pero hindi naman nag-turn into love ang paghanga niya sa Kuya ko. Siguro dahil parang nakakatandang kapatid lang din ang tingin niya kay Kuya and someone that she may count on.

Akala ko nga, balak niya talaga sirain ang relasyon ni Kuya at Lianne. Hindi naman pala. Gusto lang ng Mama niya si Kuya para sa kanya at wala naman siyang nagawa kundi ang makipaglapit ulit kay Kuya. Dahil kung hindi ay may gagawing masama ang Mama niya kay Lianne, which is, hindi alam ni Hannah kung bakit.

Psychotic lang talaga yung nanay niya. Sorry, may her soul rest in peace, but she's really insane! Kay Lianne niya isinisi kung bakit hindi sila naging isang buong pamilya nila Hannah.

Pero kahit ano pa man ang nangyari, okay na rin. At least, lalong nalaman ni Lianne at Kuya na mahal nila ang isa't-isa. Wala na silang kailangan pang patuyan dahil kitang-kita na iyon ngayon.

Pasimple akong naglakad paalis ng garden. Hinubad ko na rin yung abito kong suot. Mukha kasing tanga.

Naglakad-lakad lang ako sa tabing dagat.

Love is a game that can be elusive,

no matter how hard you try to chase it, love always finds way to scape.

Nakakatawang isipin na minsan umiiwas ka kasi akala mo iyon ang tama... na iyon ang kailangan mong gawin.

Hindi ko inakala na gagawin iyon ni Lianne para sa Ate niya. Hindi naman kasi mabait ang best friend ko.

Inuulit ko, hindi siya mabait!

Hindi ko nga alam kung ano'ng nangyari at bigla na lang siyang nagparaya.

Ito namang Kuya ko, hindi ko alam kung martyr o sadyang tanga lang, eh. Tama bang sundin ang sinabi ni Lianne? Na si Hannah na lang ang pagtuunan niya ng pansin?

Pero kahit ganoon naman ay alam ko namang hindi pa rin niya sinusukuan si Lianne. Pero ulit...

Love is a game that is painful that will leave you with your shattered heart,

just when everything seems too good to be true,

love has a way of turning back and rub to your face that you lose the game.

...sa ginawa niyang pagsunod kay Lianne, hindi niya alam nasasaktan din si Lianne.

Ang pathetic nilang dalawa...

Love is a game that loses it's truest beauty when it hurts you,

you will deal through all the life's chips so it will fall to where you want it to be.

Iyong isa, handang sumunod sa lahat ng sasabihin ng mahal niya. Habang iyong isa naman, handa nang kalimutan ang lahat sa kanila.

Pareho lang nilang sinaktan mga sarili nila.

Mga loser.

Love is a cruel game that everyone may play,

it has a very thin line between winning and losing,

anyone can be a victim, though you don't feel like one.

But in their case, they both lost.

Pareho silang natalo pero may losing prize sila... ang pagmamahal nila sa isa't-isa.

Love is a game that never ends,

it's a lifetime gamble and you never know how the silly game you play will end.

Ang problema na lang nila ngayon ay kung paano nila haharapin dalawa ang mga susunod na araw ng magkasama.

For the game of love that never ends, they're only at the beginning.

"Renz!"

Napalingon ako sa tumawag sa pangalan ko at nakita ko si Myleen na palapit sa kinatatayuan ko.

"Ticket to Italy?" nakangiting sabi niya sa akin at itinaas ang papel na hawak niya. Kinuha niya ang kamay ko at inilagay roon ang ticket.

Nagtatakang tiningnan ko siya.

"Go to her and bring her back," nakangiti niyang sagot sa nagtatanong kong tingin at pagkatapos ay tumalikod na siya paalis.

Napatingin ako sa ticket na nasa palad ko. Walang anu-ano'y tumakbo ako papunta sa kanya at niyakap ko siya mula sa likod.

"Thank you, My..." I whispered and kissed her head.

ABANGAN...

Continue Reading

You'll Also Like

202K 5.2K 44
💍 Featured Story in ChickLit 💍 DUOLOGY | COMPLETED Book 1: "My Mary Christmas" published under PSICOM BOOK 2: "Marry Me, Mary" is compiled in t...
455K 7.7K 62
[Completed / Edited] "O. Naglalaro ka pala ng FLAMES. At pangalan ko pa talaga ang nakalagay d'yan huh? Crush mo 'ko 'no?"
1M 23.1K 58
{Revised Ending} And now, they've finally fallen in love. Is being called MINE enough? Second Book of Hey! Be Mine story! What will happen next? read...
52.8M 2.2M 172
Ever since Sari's sister married the seemingly perfect man, she had dreamt of her own happily ever after. Gusto niya rin ng gwapo, mayaman, at gwapo...