Mga Payo Niya

By avblurete

238 24 2

Naglalaman ito ng mga payo sa pagsusulat na nakabase sa sariling kaalaman, sariling karanasan, at sa pagkatut... More

Mga Payo Niya
Panimulang Pananalita
1: Midyum at Haba
2: Pangalan
3: Forte
4: Kanta
6: Sulong
7: Paglalarawan
8: Cliché
9: Panglalaking Pananaw
10: Oras sa Pagsusulat
11: Magaling Laban sa Matalinong Pagsulat
12: Pabalat ng Libro at Manlilikha
13: Tanong at Sagot
14: Totoong Tauhan
15: Kapintasan
16: Inspirasyon at Motibasyon
17: Boses
18: Pananaw
19: Daloy
20: Genre
21: Kritisismo
22: Simula at Wakas
23: Problema at Solusyon
24: Aral at Tema
25: Description, Logline, Blurb, Synopsis
26: Draft
27: Pagrerebisa at Pagsasaayos
28: Format ng Manuskrito
29: Publishing House
30: Larangan ng Pagsusulat

5: Outline

12 1 0
By avblurete

Uri ng Outline at Applications

Isa sa mga pagkakamali ng mga baguhan sa pagsusulat ay iyong hindi paggamit ng “outline.” Ito pa naman ang nagsisilbing gabay upang makatapos ng isang kuwento o sulatin. Ito rin ay pamamaraan ng pag-oorganisa ng iyong mga naiisip.

Kung ikaw, nagagawa mong magsulat gamit ang pagsalampak ng mga ideya sa isipan mo, maituturing ba itong pag-a-outline? Ang sagot ko, oo. Paano? Obserbahin mo ang iyong mga naisip: mayroon bang pagkakasunod-sunod; mayroon bang pinaka-general na ideya at doon mo huhugutin ang detalyadong impormasiyon; o, mayroon bang paksa o tema na panggagalingan ng iyong isusulat. Maaaring ang kagaya mo ay wala sa mga nabanggit. Pero hindi ito nangangahulugang hindi ka nag-a-outline. Hangga’t sa ikaw ay may pinagbabasehan sa magiging laman ng susulatin mo, nakapag-outline ka na. Palakpakan mo ang iyong sarili kung sakali. Mahusay!

Iba’t ibat uri ng outline:

1. Alphanumeric Outline.

Ginagamit dito ang paglalagay ng Roman numeral (I, II, III, . . .) at mga letra. Kapag ino-note ang paksa o pangkalahatang ideya, ang gagamitin ay Roman numeral. Samantalang ang letra ay sa mga ibang impormasiyon na konektado sa paksa.

Halimbawa:

I. Mga Payo

A. Tamang paga-outline

2. Full sentence Outline.

Sa tawag pa lang, matutukoy na agad kung ano ito. Siyempre, bubuo ka ng mga pangungusap upang magsilbing gabay sa iyong isusulat.

Halimbawa:

Ang “Mga Payo ni Kuya” ay dapat magturo sa mga manunulat kung paano nga ba ang magsulat. Tatalakayin ang mga usapin patungkol sa panitikan at literatura. Upang hindi maging malalim at masiyadong pormal, hahaluan ito ng sariling opinyon ng may-akda. At sisimulan ang pagbabahagi ng kaalaman sa midyum at haba. Nang sa gayon, maaipapaliwanag din ang nilalaman ng bawat kabanata. Tandaang hindi lang dapat sa piksiyon iikot ang ipinapaliwanag dito. Ang ibang paksang isasama ay ibabase sa pag-oobserba sa mundo ng larangang ito.

3. Decimal Outline

Maihahalintulad ito sa Alphanumeric. Sa halip na pagbibilang sa pamamgitan ng letra, literal na numero ang gagamitin dito (1,2,3,4 . . .). Kaya ito “decima,” ang ibang impormasiyon ay nasa anyo ng decimal (1.1,2.1,3.1,4.1 . . .).

Halimbawa:

1. Mga Payo

1.1 Tamang Pag-a-outline

Dalawang uri ng Formal Outline:

1. Topic

Ang gabay mo rito ay ang salita o phrase. Katulad ito ng mababasa sa tabi ng kabanata o chapter (Kabanata 1: Midyum at Haba).

2. Sentence

Kasalungat ng nauna—buong pangungusap. Kung sinisipag ka at makalilimutin, ito ang nararapat sa iyo. Hindi naman kailangang lahat isusulat mo—ang mahahalaga lamang.

Magagampanan mo lamang ang pag-a-outline kung nagawa mo itong ISULAT, sa papel man o gadget (naka-type). Bago tayo dumako sa paano ako mag-outline—kasabay ng payo ko—ililista ko ang ilang mga application na magagamit mo.

iOS

— Notes (built-in app. hindi na kailangang i-download sa App Store at nasa system na talaga sa simula pa lang at bago bilhin; kaya ito nasabing “built-in.”)
— Microsoft Word
— Google Docs

Android

— Jotterpad
— Writerplus
— Purewriter
— Microsoft Word
— Google Docs

Ilan lang ang mga ito sa nakikita kong ginagamit ng mga manunulat. Hindi ko alam ang sa iOS. (Sa Notes lang ako nagta-type at nagawa ko namang makatapos ng tatlong kuwento rito. Puwede rin siyang maging organisado. Kalikutin lang.)

Maganda na rito mo MUNA ilagay ang draft. Huwag deretso sa Wattpad o kung ano mang writing platform iyan dahil may posibilidad na mawala o mabura roon. Iyak ka niyan. Minsan pa naman, nagloloko ang Wattpad at basta na lang nawawala ang nilalaman ng kabanata kahit naka-publish na. Ingat-ingat na lang din.

Hindi ko na iisa-isahin kung ano ang features at function ng mga iyan. Ikaw na ang sumubok at tumingin.

Outline ni Kuya

Inihahanay ko ang aking sarili sa klase ng manunulat na tinatawag na “plotter.” Sila iyong pinag-iisipang mabuti ang mangyayari sa kuwentong isusulat. Gayon din sa mga sanaysay na ipinapapasa ng mga professor. (Katamad magsulat kapag akademiko ang pinag-uusapan.)

Sa tuwing may konseptong sumasagi sa aking isipan, at natanto kong kakaiba kahit papaano at gugustuhin kong isulat, tina-type ko na AGAD sa phone. Una, siyempre, ay pangkabuuang ideya—tungkol saan ang kuwento. Kapag kuntento na ako, susubukan kong pagdugtungin hanggang dulo, ang wakas. Saka na lamang ako naglalagay ng ibang detalye kapag nasulat ko na lahat ng naiisip ko. At ito ang mga ginagawa ko:

1. Simula

Ipapakilala ko rito ang mga tauhan. Dahil wala pa silang pangalan, pansamantalang “bida” ang palatandaan ko. Dito papasok ang mundo nila; anong mayroon sa mundon ginagalawan nila; at, ang mangyayari kapag nagsimula nang mabanggit ang magpapabago sa kanilang mundo.

Sa maikling salita, introduksiyon, background, at inciting incident.

Introduksiyon – paano magsisimula ang kuwento

Background – tungkol sa bida, mundo, kapaligiran, at iba pa.

Inciting Incident – ang simula ng pagbabago sa bida (nakilala ang magiging kasintahan, mapapadpad sa ibang dimensiyon, hahabulin ng mamamatay-tao)

2. Gitna

Nag-iisip ako ng mga hadlang at problema para hindi nila maisakatuparan ang kanilang layunin sa kuwento. Kalimitan, matinding plot twists lang ang nilalagay ko rito. Saka na iyong mga minor kapag nagsusulat na ako mismo.

Sa maikling salita, conflict at climax.

Conflict – ang problemang kahaharapin ng mga tauhan.

Climax – ang sukdulan ng problema.

3  Wakas

Ano pa ba, ang katapusan. . . . At oo, sinusulat ko na ang magiging wakas ng kuwento. Pero hindi ito talaga nasusunod, lalo na’t nagbabago ang takbo ng kuwento sa aktuwal na pagsusulat. Maaaring may ibang mas akmang wakas para sa mga tauhan mo. At ang solusiyon sa mga problema na magtutungo roon sa katapusan.

Sa maikling salita, solusiyon at katapusan.

Solusiyon – paano naresolba ng mga tauhan ang lahat ng problema. Ibig sabihin ng lahat, maging ang maliliit na problema ay mabibigyang solusiyon.

Katapusan – ano ang nangyari matapos noong solusiyon.

Mapapansin mo na hindi ako gumagawa ng character profile at detalyadong pag-a-outline (may pa-mapa pang nalalaman). Ito ako sa tuwing nagsusulat. At gumana sa akin. Sa ngayon, mayroon na akong apat na kuwento na ganito lamang ang gabay ko. Alam kong babaluktot ang noo mo riyan at mapapatanong ng “Bakit?” o “Paano?” Ibabahagi ko sa iyo ang lihim ko.

Maliban pa sa pangkabuuang pag-a-outline, gumagawa ako ng “specific.” Kada kabanata, sinusulat ko ang magiging daloy ng kuwento (mga phrase lang). Pero sinisiguro kong konektado pa rin ito sa Simula, Gitna, at Wakas ko.

Halimbawa:

Kabanata 1: ipakilala si bida (ano hitsura, ugali, kilos); makikilala ang mga kaibigan; darating ang kalaban

Ganiyan lang ang ginagawa ko. Tapos, hahayaan kong pumasok ang mga bagong maiisip ko. Naniniwala kasi akong mas magandang isulat ang mga “spontaneous” o biglaang ideya. Hindi ako detalyado mag-outline kahit plotter ako. Sa pagsusulat ko na mismo sinusulat kung ano ang pangalan ng mga tauhan, paano sila kumilos at umasal, at kung ano-ano pa. At hindi ko nino-note; kinakabisado ko lang sa aking utak. Hanga ka ba? (Hindi ako nagyayabang.)

Sa hindi piksiyon, sinusulat ko lang ang introduksiyon, katawan, at konklusiyon. Naglalagay ako ng mga facts base sa nasaliksik ko, at iyon . . . basahin lang nang basahin hanggang sa marating ang resulta kung saan naipabatid ang nais iparating na mensahe.

Ang pag-a-outline ay naiiba sa bawat manunulat. Mayroong hindi nag-a-outline at sulat na lang nang sulat (pantser), at mali ito para sa akin. Hinuha ko, kahit pantser man sila, nag-a-outline pa rin sila; hindi nga lang nila gaano natatanto.

Maipapayo kong kilalanin mo muna kung sino at ano kang manunulat. Gayon pa man, mas nababagay pa ring mag-outline. Makatutulong ito sa iyo nang sobra.

• • •

Ang reference na ginamit ko sa pagpapaliwanag ng uri ng outline ay galing sa website ng penandthepad(.)com.

• • •

Paano ka mag-outline?

— A.V. Blurete

Continue Reading

You'll Also Like

31.1K 1.7K 76
In her past life, Samantha died at the hands of the person she trusted the most. Though he didn't kill her directly, he was the reason for her early...
63.3M 2.2M 44
Warning: Do not open if you haven't yet read Hell University. This is just a sequel of that book. Thank you!
169M 5.5M 67
A place where everything is mysterious, enchanting, bloody, and shitty. Entering is the other way of suicidal. Just one wrong move and everything wil...
670K 14.6K 40
Hindi pa man siya umabot ng isang linggo sa trabaho niya bilang sekretarya ng C.E.O ay fired na agad siya dahil hindi niya natimpla ang kape nito bag...