~*~
Hindi makatulog si Gabb, dahil sa pangatlong pag kakataon ay mag kakatabi na naman sila ni Theon sa iisang kama, kitang kita ni Gabb ang maamong mukha ng binata sa kadahilang nakaharap siya dito, mahimbing na mahimbing ang tulog nito siguro ay dahil sa alak, bahagyang bumangon si Gabb sa pag kakahiga at saka sumandal sa pader na kadikit ng katre nila ni Gael, bahagya itong lumapit sa puwesto ni Theon, pagkakuwan ay marahan niyang inangat ang kanyang kamay at saka ito dahan dahang ipinatong sa may noo ng binata, hindi niya alam sa sarili kung ano ang kanyang ginagawa, marahil ay dahil natutuwa lamang siya sa ginawa nito para sa kanilang anak.
Pag kakuwan ay napabuntong hininga si Gabb at saka mabilis na inalis ang kamay sa noo ng binata, hindi niya alam sa sarili kung ano ang nararamdaman niya para dito, kapag iniisip niyang may kasintahan ang binata ay nalulungkot siya
_
Kinabukasan, dahil nga late ng nakatulog si Gabb ay late na rin siyang nagising, nang bumangon siya ay wala na si Theon sa tabi niya maging si Gael ay wala na rin, mabilis niyang kinuha ang cell phone para tingnang ang oras, 10:00 am na pala ng umaga, nang makita ang oras ay agad niyang inilikot ang kamay niya sa pag pipindot sa cellphone niya para tingnan ang schedule ng pasok niya, nakahinga siya nang maluwag ng makitang mamaya pang ala una ang pasok niya, dali dali siyang lumabas para tingnan ang anak niya
“ma! si Gael po?” tanong ni Gabb sa mama niya nang makasalubong ito
“si Gael ba, naku kinausap ako ni Theon kanina kung pwedeng ilabas niya ang bata, e naawa naman ako sa apo ko, kaya pinayagan ko na” sagot sa kanya ng mama niya
“ano? pinayaga nyo ma? baka kung mapaano si Gael, alam nyo naman pong may sakit ang bata” sagot niya sa ina niya,
“naku, wag kanang mag alala, napayuhan ko na kanina si Theon sa mga dapat gawin” sagot naman ng ina niya sa kanya
“saan po ba sila pumunta ma, at susundan ko na lamang” sagot niya sa ina niya
“hindi nabanggit sa akin, mabuti pang tawagan mo na lamang” tugon nang ina at saka iniwan si Gabb
Agad naman tinawagan ni Gabb si Theon, kinakabahan si Gabb kung ano ano na ang iniisip niya na keso baka itakas nito ang bata
Naka hinga naman siya nang maluwag ng sagotin ni Theon ang tawag
“hello, saan mo ba dinala ang anak ko ha?” bungad niyang saad nang sagutin ni Theon ng tawag
“kalma, ibabalik kong buong buo ang anak natin, sa ngayon hayaan mo muna kaming mag bonding mag ama” saad ni Theon sa kanya at saka binaba ang tawag
Napabuntong hininga si Gabb, sa huli ay napag pasyahan na lamang na itext si Theon
"Wag mong kalimutan na lagyan ng towel ang likod ng bata, wag mo ring masyadong pagodin, alam mo naman ang sitwasyon ng anak natin"
pag katapos nun ay nag tungo na lamang siya sa kusina para makapag almusal, ang plano n'ya kasi ngayon ay dumaan sa Z's Cafe, dalawang araw siyang nag paalam ng leave dito, at mamaya nga ay start niya na ulit ng trabaho
“ma, pupunta lang ho ako sa cafe” saad niya sa mama niya ng makasalubong niya ito sa may pintuan
“sige, mag ingat ka” bilin nito sa kanya
_
“good morning” bati sa kanya ng kwardya
“good morning din po” sagot niya dito at saka pumasok, sakto naman na nakita niya sa ate Jho
“ate Jho, wait!” saad niya at saka nag lakad ng mabilis para maabutan si ate Jho na papasok na sana sa Oposina nito
“oh Gabb, ang aga mo ata” puna nito sa kanya, at saka tuluyang pumasok sa loob kaya naman sumunod na rin siya
“ano po kasi ate, gusto kong makausap si Zach, nandyan po ba?” tanong niya kay ate Jho
“naku naku, ano 'yan ahh yiee” pag aasar sa kanya ni ate Jho, na ikina iling lang ni Gabb
“maupo ka muna, si Zach mamaya pang hapon ang punta dito” saad ni Gabb at saka marahang tumango
“ganun po ba?” saad na lamang ni Gabb
“nga pala pasensya na kung hindi kami nakapunta sa birthday ng anak mo” saad ni ate Jho at saka bahagyang yumuko sa lamesa para kunin ang regalo sana sa bata
“ito pala gift ko, pasensya na talaga kung hindi ako naka attent may emergency kasi kami noong araw na 'yun” pag papaliwanag nito
“naku, okay lang po at Jho, at saka salamat po dito sa gift n'yo, mauna na po ako dahil may pasok pa ako mamaya” pag papaalam ni Gabb sa kausap
“ganun ba sige ingat, sasabihan ko na lang si Zach mamaya”
“sige po ate” saad niya at saka tuluyang umalis sa cafe
Nang makaalis siya ay hindi niya alam kung saan siya pupunta, sa huli ay napag pasyahan na lamang niyang umuwi
Nang makauwi siya ay wala pa rin si Theon at ang anak niya, kinuha ni Gabb ang cell phone para silipin ang oras
Kainis alas onse na wala pa rin, ungot ni Gabb at saka tinawag ang ina
“ma, hanggang anong oras ang paalam ni Theon” tanong niya sa ina
“ang sabi saglit lang daw sila, pero hayaan mo na muna siguro ay napasarap lang ang bonding nang mag ama” sagot sa kanya ng ina
“ma—”
“may tiwala ako sa batang 'yun, kaya wag kang mag alala, mabuti pang kumain ka na dyan at saka pag katapos ay ayosin mo na ang sarili mo, hindi ba't may pasok ka pa?” pag puputol ng kanyang ina sa akma niyang sasabihin
Napabuntong hininga na lamang si Gabb sa huli ay sinunod na lamang niya ang ina, sana lang ay walang nag yareng masama sa bata, lalo na sa kalagayan nito
Bandang alas dos ng hapon ng makatanggap siya ng text mula kay Theon
Theon:
Naka uwi na si Gael, don't worry walang masamang nag yare sa kanya
basa niya sa text nito, doon ay naka hinga ng maluwag si Gabb
Nang matapos ang oras ng kanyang klase ay agad niyang inayos ang kanyang sarili, dideretso na kasi ulit siya sa Z's Cafe, gusto nga sana ni Gabb na umuwi na lang muna para silipin ang anak ngunit, dahil nga late nang nag pauwi ang prof niya ay malalate din siya sa pag pasok sa Z's Cafe kung dadaan pa siya sa bahay nila, nakakahiya rin naman dahil dalawang araw siyang nag leave
Nasa labas na siya ng school ng makatanggap ulit siya ng tawag mula sa mama niya
Mama:
Nak, wag ka na munang pumasok sa trabaho, umuwi ka muna
Basa niya sa text ng kanyang ina, naka ramdam ng kaba si Gabb, baka may masamang ng yare sa anak niya, baka masyado itong napagod sa gala nilang mag ama
Dali daling tumawag ng trycicle sa Gabb
Nang makauwi si Gabb ay patakbo siyang pumasok sa loob ng bahay nila dahilan para habolin din siya ng Driver ng tricycle doon niya lang naalala na hindi pa pala siya nag babayad, kaya naman huminge siya ng pasensya sa driver at saka inabot ang fifty pesos
“ma” tawag niya sa ina niya agad din naman itong tumungon
“oh ang bilis mo naman ata” saad ng ina at saka marahang tumawa
“may masama po bang nag yare kay Gael?” tanong niya sa ina
“ano ka ba namang bata ka, syempre wala” sagot ng ina niya, doon na siya nakahinga ng maluwag
“eh bakit nyo po ako pinauwi?” tanong niya sa ina, “nasaan po si Gael?”
“'yun nga kaya kita pinauwi para makapag impake ka na ng gamit mo, wag ka na munang pumasok sa trabaho” saad ng ina niya sa kanya
Naguguluhang tumingin si Gabb sa ina
“anong ibig n'yo pong sabihin?” tanong niya sa ina
“mula ngayon sa iisang condo na kayo mag sasama ni Theon kasama ang anak nyo” sagot ng ina niya na ikinalaki ng mata ni Gabb
“bilisan mo na dyan, inaantay ka na ng anak mo sa condong titirhan nyo ni Theon” huling salitang saad ng ina bago siya iwan na hindi pa rin makapaniwala sa ng yayare
Theon anong plano mo?