Stay Wild, Moon Child

By alyloony

1.7M 106K 55K

Her only goal is to finish the last year of her High School life in peace. But then she met a guy who is so g... More

Prologue
Chapter One
Chapter Two
Chapter Three
Chapter Four
Chapter Five
Chapter Six
Chapter Seven
Chapter Eight
Chapter Nine
Chapter Ten
Chapter Eleven
Chapter Twelve
Chapter Thirteen
Chapter Fourteen
Chapter Fifteen
Chapter Sixteen
Chapter Seventeen
Chapter Eighteen
Chapter Nineteen
Chapter Twenty
Chapter Twenty One
Chapter Twenty Two
Chapter Twenty Three
Chapter Twenty Four
Chapter Twenty Five
Chapter Twenty Six
Chapter Twenty Seven
Chapter Twenty Eight
Chapter Twenty Nine
Chapter Thirty
Chapter Thirty One
Chapter Thirty Two
Chapter Thirty Three
Chapter Thirty Four
Chapter Thirty Five
Chapter Thirty Six
Chapter Thirty Seven
Chapter Thirty Eight
Chapter Forty
Chapter Forty One
Chapter Forty Two
Chapter Forty Three
Chapter Forty Four
Chapter Forty Five
Chapter Forty Six
Chapter Forty Seven
Chapter Forty Eight
Chapter Forty Nine
Chapter Fifty
Chapter Fifty One
Chapter Fifty Two
Chapter Fifty Three
Chapter Fifty Four
Chapter Fifty Five
Chapter Fifty Six
Chapter Fifty Seven
Chapter Fifty Eight
Chapter Fifty Nine
Chapter Sixty
Chapter Sixty One
Chapter Sixty Two
Chapter Sixty Three
Chapter Sixty Four
Chapter Sixty Five
Chapter Sixty Six
Epilogue

Chapter Thirty Nine

17.7K 1.2K 902
By alyloony

Chapter Thirty Nine

"Ang cute naman ng room mo!" sabi ni Mona habang inililibot niya ang tingin niya sa loob ng kwarto ko. "Ang minimalist at ang organized! Very you, Ms. Prez!"

Hindi ako kumibo. Nanatili akong nakatayo sa may pintuan ng kwarto ko habang nakatingin ako kay Mona na naglalakad lakad sa loob ng kwarto ko.

She just showed up in front of our house awhile ago. Sabi niya gusto niya lang bumisita because she feels bored. Naisipan niyang i-surprise ako at may mga dala pa siyang pagkain. Tinignan daw niya sa school record yung address namin at since alam niya ang lugar, nag punta siya dito. Tapos ayan, she invited herself in at siya na rin ang nag suggest na gusto niyang makita ang kwarto ko.

Sa totoo lang, gusto kong mainis because she just showed up unannounced. Ayoko pa naman nang ganun. Or siguro namimili ako ng tao, but with her, I feel burdened. Gusto kong sabihin na busy ako at hindi ko kayang tumanggap ng bisita ngayon. Pero nag effort siyang bumili ng pagkain para sa akin, hinanap pa niya kung saan ang bahay namin. I feel bad na paalisin siya.

"Ang cute naman, may table ka pa dito! Yung parang sa mga Kdrama?" sabi ni Mona habang inilalapag niya sa table yung pagkain na dala dala niya.

Ito yung mababang table na need mo mag Indian seat to use it. Madalas dito ako nag rereview pag pakiramdam ko na su-suffocate na ako sa study table ko.

Never akong kumain sa table na 'yan. Well actually, never akong kumain sa loob ng kwarto ko. Ayun kasi ang turo ni Mama sa akin. Pag kakain, dapat palaging sa hapag kainan at hindi sa kwarto.

"Tara meryenda na tayo!" yaya sa akin ni Mona as she starts to take out yung mga dala niyang pagkain. Burgers, fries and softdrinks.

"Ah Mona okay lang ba kung sa baba na lang tayo kumain?" sabi ko sa kanya?

"Dito na lang para chill lang!" sabi niya sabay kuha ng fries.

Hindi ako makapag salita. Gusto kong sabihin na hindi talaga pwede, pero para akong tanga na tumango na lang at naupo sa harap ni Mona.

Rules are rules. Mahigpit ako pag dating doon at sobrang wala akong paki sa sasabihin ng mga kaklase ko once na cinall out ko sila pag nag break sila ng rule.

Pero bakit tameme ako ngayon na sariling rule ko ang nilalabag ni Mona. Feeling ko hindi ako makapag salita sa harap niya? Ni hindi ko makuhang humindi sa kanya.

"Bacon burger!" masayang sabi ni Mona sabay abot sa akin nung burger. "And, may softdrinks din, and fries at sundae!"

"Nag abala ka pa," sabi ko habang kinukuha ko yung pagkain. "Hindi mo naman ako kailangan bilhan."

"Ano ka ba! You are like my closest friend sa school. Syempre gusto rin kitang ilibre 'no!" masiglang sabi ni Mona.

I feel guilty agad. I never consider her as someone close to me. Hindi ko nga rin masabi na tinuturing ko siyang kaibigan ko, and yet ganito ang tingin niya sa akin.

I know Mona is kind, pero pag nandyan siya, pinangungunahan ako ng sandamakmak na insecurities sa katawan ko kaya lagi akong awkward sa kanya. Sa totoo lang wala rin naman mali na nagpapatulong siya sa akin kay Seb---kahit na sinabi ni Seb na ako ang gusto niya. Paano nga kung wala kasi talagang mahingan ng tulong si Mona kaya sa akin siya lumapit? Paano kung tulungan ko na lang kaya siya?

I heard my cat, Sebbie meowing at naramdaman kong lumapit ito sa akin.

"OMG ang cute naman!" sabi ni Mona. "Ito ba si Sebbie?" tanong nito.

Nagulat ako sa sinabi ni Mona. Paano niya nalaman ang name ng pusa ko? I never told anyone about my cat's real name at dahil baka kung ano ang isipin nila. Narinig niya ba kaming nag uusap ni Seb about Sebbie? From time to time kasi, kinu-kumusta nito sa akin si Sebbie. May isang beses pang nag bigay siya sa akin ng isang bag ng cat food.

Tumango ako kasi there's no point in denying. "Paano mo nalaman?"

"Nabanggit ni Seb," sabi nito. "Ang cute. Sobrang close niyo talaga para ipangalan mo ang cat mo after him?"

"Hindi! Napulot kasi namin 'yan ni Seb sa daan tapos sa Sebbie lang talaga siya nag re-respond! Hindi ko nga rin gusto yun, eh!" depensa ko kay Mona. I probably sound so desperate to the point na nag mumukha na akong gumagawa ng dahilan.

Bakit nga ba pakiramdam ko may masama akong nagawa kahit wala namang mali na Sebbie ang pangalan ng pusa ko?!

"Ay ganun ba? Akala ko dahil crush mo si Seb!" she said jokingly. Or hindi siya nag j-joke? Ewan ko!

"Hindi ko crush si Seb," sabi ko sa kanya.

"Sino crush mo?" tanong niya sa'kin. "Share mo naman! Ang daya alam mo kung sino ang crush ko!"

Napaiwas ako nang tingin, "wala. Wala akong crush sa school."

"Weh? Si Glen?" tanong niya.

Umiling ako, "hindi!"

Pinanliitan niya ako ng mata ni Mona na parang hindi siya naniniwala sa akin.

"Alam mo bagay kayo ni Glen," sabi nito. "Tsaka ang cute 'di ba? From enemies to lovers kayo! Feeling ko type ka nun!"

Umiling ulit ako, "imposible."

"Hindi yan! Kung gusto mo i-pursue si Glen, sabihin mo lang sa akin, tutulungan din kita," sabi nito at tinignan niya si Sebbie. "Di ba Sebbie? Ang cute mo! Gusto mo ng sundae?" sabi nito at nilapit niya yung sundae kay Sebbie.

"Wag. May chocolate yan," suway ko sa kanya.

Inilayo niya ito at natawa siya, "I know! Joke lang naman!"

Tumayo ako," kukuha lang ako ng tubig," sabi ko sa kanya at agad akong lumabas ng kwarto.

Fifteen minutes. Ganoon pa lang katagal si Mona sa loob ng kwarto ko but I already feel drained and suffocated.

Kahit pa ilang beses kong itanim sa utak ko na mabait si Mona.

Pag balik ko sa kwarto ko, I see Mona finishing her food while Sebbie is nowhere to be found. I spotted her tail sa ilalim ng kama ko. Probably nag tago siya diyan nung umalis ako. Afterall, hindi sanay makakita si Sebbie ng ibang tao.

Inilapag ko yung pitcher of water sa harap naming at yung dalawang baso.

"By the way," sabi ni Mona. "Malapit na birthday ni Seb!"

Napatingin ako sa kanya, "talaga?"

"Hindi mo alam kung kailan birthday niya?"

Hindi ako umimik. I feel guilty dahil hindi ko talaga alam kung kailan ang birthday ni Seb.

"Three weeks from now!" sabi niya. "Plan ko sana i-surprise siya. Tulungan mo 'ko ha?"

Hindi ako agad nakasagot. Hindi ko alam bakit ako nag aalangan eh wala naman talagang masama kung tutulungan ko si Mona. It's not as if she's asking me to commit a crime?

Oo. Wala naman masama. Bakit ako hi-hindi?

"S-sige," sagot ko.

Mona broke into a smile.

"I knew I can count on you!"

Tumango lang ako as I gulp my water. I don't know why it feels so wrong. Pero bahala na.

After namin mag meryenda, finally umalis na rin si Mona. Nung nakita kong nakasakay na siya ng kotse paalis ng bahay namin, para akong nakahinga nang maluwag.

Well, it's draining, but it's not that bad. I better stop feeling like this kasi ramdam ko naman na gusto talagang makipag kaibigan ni Mona sa akin.

She's been nothing but kind to me tapos ako ganito sa kanya?

I really hate myself for feeling this way.

Nung gabi, nag cram ako sa pag gawa ng assignment at pag rereview para sa mga quiz sa dalawang subject namin. Gabing gabi na rin ako natapos kaya naman bagsak agad ako sa kama at nakatulog agad ako.

Muntik na rin akong ma-late dahil nakadalawang snooze ang alarm clock ko bago ako nagising.

After kong mag ayos at mag breakfast, pinag ayos ko si Sebbie ng pagkain.

"Sebbie! Ming ming, labas na," tawag ko sa kanya habang inilalapag ko ang bowl ng pagkain niya sa gilid ng study table ko.

Hindi siya umimik. Tinawag ko ulit siya.

"Sebbie? Ming ming ming."

Again, no reaction, which is weird kasi normally, nilalapag ko pa lang ang bowl ng pakain niya, sinasalubong na niya agad ako.

Yumuko ako at sinilip ko si Sebbie sa ilalim ng kama ko.

I saw him sleeping so I reached for him to wake him up.

"Sebbieee gising na!"

Pero hindi ito gumalaw. Doon ako nakaramdam ng kaba

"Sebbie?"

Hinila ko siya palabas ng kama, at habang ginagawa ko yon, doon ko lang napansin na may vomit sa ilalim ng kama ko.

"Sebbie!"

Ang lalim ng pag hinga nito. Halos hindi niya maidilat ang mga mata niya at lantang lanta siya habang binubuhat ko siya.

Para akong biglang nahilo. My anxiety heightened up at pakiramdam ko masusuka ako sa kaba.

Anong nangyari?! Bakit naging ganito siya?! Kahapon lang okay pa siya ha?!

Dali dali kong kinuha ang phone at wallet ko at tumakbo ako palabas ng bahay habang buhat buhat si Sebbie. Pumara agada ko ng tricycle at nagpababa ako sa pinaka malapit na vet sa amin.

Nanginginig ang buong katawan ko habang buhat buhat ko si Sebbie. Pakiramdam ko mauubusan ang nang hininga dahil sa sobrang kaba.

Hindi ko na napansin si Sebbie nung gabi dahil na busy ako sa pag rereview at pag gawa ng assignment. Ni hindi ko siya nagawang silipin sa ilalim ng kama ko nun.

Dapat pala tinignan ko siya. Dapat chineck ko kung ano ang ginagawa niya. Paano kung kagabi pa siya ganito tapos hindi ko napansin? Paano kung may mangyaring masama sa kanya?

Kasalanan ko yun. Kasalanan ko.

Pagkarating namin sa vet, agad akong sinalubong nung tao doon.

"Hindi ko po alam ba't naging ganyan siya, nagsuka po siya tapos ganyan na siya," naiiyak kong sabi.

Kinuha nila sa akin si Sebbie at nilagyan ng oxygen while trying to revive him.

Napaupo na lang ako sa gilid habang tuloy tuloy ang luha na bumabagsak sa mata ko.

I can't do this alone. I can't. Parang nilalamon ako ng anxiety at pinaghalo halong sakit.

Sakit ng kapabayaan ko na hindi ko agad tinignan si Sebbie.

Sakit ng nakaraan na paulit ulit kong naalala.

Mauulit na naman ba? May mawawala na naman ba dahil sa akin?

Just like how my mom died because of me?

Hindi ko kaya. Please. Parang awa.

Inilabas ko yung phone ko and without second thought, I started calling Seb.

Isang ring pa lang, sinagot na niya agad ang tawag ko.

"O Iris, himala ma-l-late ka na ah?"

"Seb," sabi ko sa kanya as my voice broke because of too much crying. "Si Sebbie dinala ko sa vet, masama lagay niya," and once again I broke down into tears. "Kasalan ko. I'm sorry."

"Iris, nasaan ka ngayon?" he asked. "Pupuntahan kita."

To be continued...

Continue Reading

You'll Also Like

126K 5.9K 39
A series of short stories about 'soulmates'
25.8M 70.4K 76
WARNING: Mababaw lang ang kahulugan ng #AFGITMOLFM dahil mababaw lang ang author. Huwag umasa. Masasaktan ka lang. The meaning is one of the mysteri...
11M 110K 79
Published under Pop Fiction (2014)
1.9M 15.3K 87
It's so good to love someone so much it hurts, right?