R U L E D (NGS #10)

By Ineryss

2.5M 84.3K 72.5K

Mara Torrefranca Buenaventura is one of the "deadliest" girl in her clan. She wears innocence as a mask that... More

R U L E D
P R O L O G U E
1st Ruled
2nd Ruled
3rd Ruled
4th Ruled
5th Ruled
6th Ruled
7th Ruled
8th Ruled
9th Ruled
10th Ruled
11th Ruled
12th Ruled
13th Ruled
14th Ruled
15th Ruled
16th Ruled
17th Ruled
18th Ruled
19th Ruled
20th Ruled
21st Ruled
22nd Ruled
23rd Ruled
24th Ruled
25th Ruled
26th Ruled
27th Ruled
28th Ruled
29th Ruled
30th Ruled
31st Ruled
32nd Ruled
33rd Ruled
34th Ruled
35th Ruled
36th Ruled
37th Ruled
38th Ruled
39th Ruled
40th Ruled
41st Ruled
42nd Ruled
43rd Ruled
44th Ruled
45th Ruled
46th Ruled
47th Ruled
48Th Ruled
50th Ruled
Epilogue

49th Ruled

58.7K 1.9K 1.8K
By Ineryss

Ruled

Unconditional Love

Natapos nalang kami sa halikan, panay pa rin ang kanilang tilian. I acted like nothing happened when in fact my face heated after our kissing scene. Iginiya ako ni Hiro pabalik sa aking upuan.

"That was hot. Do it again," si Brandy na ngumingisi.

Si Hiro naman ay namulsang naglakad sa mga boys na agarang pinaulanan ng asar.

"Gago! Sinabi lang namin isayaw mo!" Ken laughed hysterically.

Nagkibit si Hiro at kinuha ulit ang champagne glass, nagawa pang sumimsim at parang wala lang din kahit tumatakas ang ngisi sa kanyang labi.

They're so hyper with our live kiss. Naka move-on na siguro kami ni Hiro at kalmado nang nakikisamaluha sa iba, sila hindi pa rin umaawat dahil iyon pa rin ang topic nila.

At halos hindi ko malingon lingon ang table ng parents ni Hiro. I kissed back. I kissed their son back. Mayabang ko pang binalandra ang magkahawak kamay namin sa Anniversary ng grandparents ko. Itong si Hiro, mayabang ding binalandra ang halik sa buong angkan nila!

We're flirting shamelessly infront of these people who have no idea about us. Nagulat na nga dahil magkasama kami, nagulat pa sa mga bulgaran naming galaw.

Picture taking na ang sumunod. Nagugulat ako minsan pag hahawakan ako ni Zera at hihilain sa kanyang tabi para magpicture taking. Lagi akong napapasulyap sa tiyan niya.

Ngunit siguro dala rin ng mga nangyari, naiibsan ang pangamba ko. I blended well without worrying so much. Oh how much I missed their warmth! I missed their noise. I missed everyone so much!

Kung sino sino nalang ang humihila sa akin. Nakapalupot lagi ang kamay ni Keyla sa aking braso at minsan ay dadausdos sa pulso.

Marione glanced at us and looked at Keyla's arm around me. Noong mahuli niya akong nakatingin ulit ay bumaling agad kay Nana na nakikipagtawanan sa kanya.

Nagyaya pa si Brandy at pinaligiran nila ako ni Keyla, ako ang nasa gitna. She stuck her tongue out while Keyla's kissing my cheek. I winked and smirked.

"Your instagram?" si Brandy na ngumunguya ulit ng bubble gum at pinapalobo pa iyon habang hawak ang phone pagkatapos namin magpicture taking.

"It's torrefrance..."

"Torrefrance? That's so cool," angat ng kanyang kilay at abala na sa pagtipa.

Dumungaw ako at nakita ang aking wall na Franca ang pangalan. I saw her followed me.

Muli akong mulingon sa ibang babae. Irah's calling for me at itinuro ang photographer.
Sa kanila naman ako lumapit. Noong makita kami ni Zera ay lumapit din at sumali.

I glanced at Marione. Abala na itong makipag-usap sa iba pang babae at mukhang nagkakatuwaan sila. Lumapit ako sa kanilang grupo at tumayo sa likuran ni Marione. Hinaplos ko ang kanyang siko para kunin ang kanyang atensyon. Napalingon siya at namilog ang mata sa gulat. Itinuro ko ang photographer para may solo rin kaming dalawa.

"Picture tayo..." anyaya ko.

She automatically smiled. Hinawakan ko ang kanyang pulso at hinila na siya patungo roon.

"Kanina ko pa naiisip magpicture tayo kaso ang daming lumalapit sa'yo," ngiti niya.

"They're my old friends from the past at ngayon lang din ulit nagkita," I explained and smiled while we're walking.

"Pansin ko nga... Sayang at hindi tayo naging close nang maaga," she chuckled weakly.

I smiled. "Doon din tayo patungo."

Her eyes widened. Ilang sandali lang ay nangingiting tumango. Naka-ilang picture sa amin ang photographer hanggang humalo na ulit ang ibang girls.

"Kuya! Picture taking!" tawag ni Zera at ngumisi ng pilya sa kapatid.

Lumapit si Hiro na galing pa sa table ng kanyang parents. Tita Sky found my eyes. She immediately smiled and raist a toast. I smiled back. Ang paglapit ni Hiro ang umagaw ng aking atensyon kaya naalis sa kanyang ina.

"Ako sa gitna," Zera demanded.

Pinagbigyan siya ni Hiro habang nangingiti akong tumingin sa camera.

"Tayo naman," bulong ni Hiro sa aking tainga pagkatapos. "We don't have our own photo yet. I want to have one."

Right. We never had a photo together. Ang dami pala talagang... wala sa amin. Mga memorya lamang at ang iilan pa ay masakit balikan.

"Ano 'yang bulungan niyo?" singit ni Zera nang makita iyon.

Buti at lumapit si Isaiah para sunduin ang buntis na makulit. Hinila niya ang baywang at binulungan ng kung ano sabay paalam sa amin na pumunta sa isang table, tinuturo ang siguro ay ama ni Isaiah lalo na't nakikita ko ang anggulo nito sa kanya.

Nagpicture kami. Noong makita na naman ng mga boys ay hiyawan ulit. Ngiting ngiti nalang kaming dalawa.

"My parents are waiting for you," ani Hiro nang haplusin ang aking siko pagkatapos ng aming pictures.

Napakurap ako at tumingin sa table ng kanyang parents. His father looked so serious while his mother looked so composed.

"Let's go..." ani Hiro at inilahad ang kamay niya sa akin.

Kinuha ko ang kanyang kamay at humawak doon. He held my hands gently and pulled me to his parent's table.

Pansin ko na hindi lamang ang kanyang parents ang naroon sa parteng iyon kundi ang buong angkan nila. Hindi ko halos mabilang sa sobrang dami at talagang sumisigaw na makapangyarihan ang mga ito isang sulyap pa lang.

"Mom... Dad..." tawag ni Hiro nang lumapit kami ng tuluyan.

Tita Sky tilted her head to see me clearly. Huminto ako sa gilid ni Hiro at ngumiti sa mag-asawa.

"Hello po Tita, Tito..."

Inalis ni Tita Sky ang purse sa kanyang kandungan at tumayo. Inabot niya ang aking pisngi at bumeso sa akin.

"Proud of you..." she whispered meaningfully.

Kumurap ako at tumingin sa kanya nang humiwalay siya at ngumiti. Ang asawa niya naman ay tumango sa akin.

"Kamuntik ko nang isipin na kasal mo 'to, Hiro..." her mother chuckled when she looked at Hiro.

She's probably talking about our kiss. Ibinalik ni Tita Sky sa akin ang tingin. Hinaplos niya ang aking pisngi at mas lalong tumamis ang kanyang ngiti.

"You looked so gorgeous, hija..."

"Thanks Tita..."

It's actually a big compliment for me. She's a perfect image of timeless beauty. Napaka elegante niya lagi tingnan. Kahit ata lumipas ang ilan pang panahon ay pamatay pa rin ang kanyang ganda.

You can clearly see why her son and daughter looked so perfect. Zera who has an alluring beauty like a goddess, and Hiro like a greek god. Idagdag pa ang ama nila... ang ganda talaga ng kanilang genes.

"I'll introduce you to my great grandfathers..." Hiro whispered after talking to his parents.

Tumango ako at nagpatianod. Noong huminto sa tables ng matatanda ay ngumiti agad ako pagkatapos ipakilala ni Hiro sa kanilang lahat.

"Good evening po," bati ko.

"Ito na ba 'yon?" one of the elders asked.

Kinilatis ako ng maigi.

"You are Dos Buenaventura's only daughter?" ang pinakilalang Grand Uncle Dwight sa akin ni Hiro ang nagtanong.

"Yes po," I smiled.

"Oh... Your eyes looked like him so much. May dugo kayong Chinese, hindi ba hija?"

I nodded and smiled again. They looked at me like an art who's attracting so many audience.

"Your grandfather is friends with Mr. Cojuangco," someone pointed out.

"Yes po..."

"Alexus Cojuangco? 'Yung kuripot na Chinese at mahirap suyuin, Ric?" it's Hiro's grandfather.

"Oo 'yon. Mailap..."

Bahagya akong lumingon kay Hiro na tahimik lamang na nakikinig. Sumulyap din si Hiro sa akin, mukhang walang balak banggitin ang nangyari sa Davao. Well... it's expected. He doesn't share too much information. Ginugulat niya ang lahat sa bulgarang ebidensya mismo.

"Oh wala na bang kasal bukas? Ayaw niyong sumunod? Dito na muna kami sa Pinas, Hiro," ang Grand Uncle Rico niya.

"Sa halikan niyo kanina parang..." at sumimsim ng inumin iyong nagsalita.

Nagkatinginan kami ni Hiro. We both looked calm. Hindi nahihiya.

"Galit pa rin ba si Dos?" Tumingin ang matanda sa akin. "Ang ama mo napaka..." nailing ito.

"Ituloy mo Ric," halakhak ng isa pa.

"Ayoko nalang magsalita. Baka isang suntok noon kahit pustiso malulunok ko."

Humalo ang aking tawa sa matatanda.

"Kung kaedaran natin 'yon, may laban naman tayo. Kaso mas bata ng ilang taon sa atin. Baka pag sinuntok ko umatake ang rayuma ko. Edi napaaga ako sa langit?"

Hiro glanced at me. Tumawa akong muli. Umiling ang matatanda at nangingiting tumingin sa akin.

"We're kidding hija. I hope you enjoyed the night..."

I nodded coz I'm actually having fun.

Batian din ang nangyari sa parents ng iilang magpipinsan. Tita Abbegail hugged me. Si Tita Ellie Klaire ay nangungumusta kay Mommy. Isa rin sa Mommy ni Ken ang lumapit sa akin at yumakap ng mahigpit.

"I'm sorry..." she whispered.

Lumunok ako. I know what my father did. Kahit hindi detalyado alam kong nakakatakot si Dad magalit. Ngunit ngayong kahit ang ina ni Ken ang humihingi ng tawad sa akin, parang sobra na. Tama na 'yon. Sapat na sa akin ang paghingi ng tawad ni Ken.

Bumuntonghininga si Tita at noong humiwalay ay namumungay ang mga mata.

"Please let me know if there's anything you want..."

"Wala po, Tita. Ayos lang po. At... nakapag-usap na kami ni Ken 'tsaka Marione."

Her face lightened. Ngumiti siya at bumaba ang balikat.

"Are you sure?"

Tumango ako. "Opo..."

Suminghap siya at tumango.

"But if you need anything just let me know, hija..."

"Kung ano man ang nasabi ni Daddy sa inyo, humihingi rin po ako ng paumanhin. Ganoon po siya magalit at—"

"No. We understand your father. Kami nga itong nahihiya sa'yo. Hindi ko alam kung paano makakabawi..." nailing siya at problemado akong tiningnan.

"Ayos na po. Masaya ako ngayon at masaya rin po sila Ken. Sapat na sa'kin 'yon. Nakikita ko naman ang pagbabago kay Ken at humihingi rin ako ng tawad sa mga ginawa ko noon."

"It's not your fault, hija..."

I nodded. Still, I am part of that chaos. I was the one who created the fire. Iyon ang nagpamulat sa akin na hindi lahat ng paghihiganti ay may magandang dulot.

Nagkuhanan kaming lahat ng number. Hindi ko alam kung para saan pa 'yon ngunit nananalangin ako na hindi iyon ang unang beses na makakasama ko sila, lalo na si Marione.

I am looking forward for our future bonds. It's actually blurry but I don't want to close some doors. Ewan ko ba... minsan pakiramdam ko hindi na ako nababagay sa ganoong ingay.

The silence in the dark comforted me for so long. I learned how to appreciate being alone. It was very different from the life I used to have.

Ngunit sapat na sa akin ang ganoong closure. At kung mapagbibigyan man ulit sa iba pang pagkakataong makasama sila, ikakatuwa ko.

Yakapan ang naging pamamaalam namin sa isa't isa sa gabing iyon. Mahihigpit at nakakalusaw ng puso.

Hindi ko masabi sabi ang pag-alis ko. Siguro dahil alam kong tuwing okasyon, makikita ko pa rin naman siguro sila. Hindi man palagi ngunit alam ko hindi ito ang huli.

Si Hiro ang kasama ko patungong Manila lalo na't gusto ko munang dumaan sa bahay namin doon bago bumalik sa Davao. Buong byahe ay antok ako ng kaonti ngunit baon ko ang magaan kong pakiramdam at ngiting ibinigay nila sa akin.

"Is that... Naia?" namilog ang aking mga mata nang makita ang malaking Billboard ng Calvin Klein at may pangalan niya sa gilid sa sumunod na araw.

It's her solo shot and she looked so foreign! Buhaghag ng kaonti ang kanyang buhok habang suot ang underwears ng Calvin Klein, isang baggy jeans kung saan siya nakapamulsa habang kita pa ang pangalan ng Calvin Klein ng suot niyang panty at tanging itim na sports bra sa itaas.

Oh my God! Noon pa man, sinasabi ko na lagi sa kanya na maganda siya at bagay sa kanya ang magmodelo. And now she's really a model!

"Yes. Modelo ng Calvin Klein," ani Hiro nang lumingon sa akin, hindi na tiningnan ang Billboard.

Nalaman ko rin na talagang busy siya. Hindi masyadong nagpapakita sa mga okasyon at mahirap daw talagang imbitahan dahil madalang lamang sumipot. Maliit lamang ang tsansang mapagbibigyan ako.

Kung hindi man kami makapag-usap, hindi ko alam kung kailan ulit. Years? I don't know.

Hinatid ako ni Hiro sa bahay. Si Manang Jema ang nagbukas ng gate at nalaglag ang panga nang makita ako.

"Dios ko! Franca!" naiiyak niya akong nilapitan at mahigpit akong niyakap.

Tumawa ako at hinagod ng haplos ang kanyang likod. Humikbi si Manang Jema na ikinagulat ko pa.

"Ikaw talagang bata ka! Lagi mo akong pinag-aalala! Hinihintay kita lagi!"

Nilingon ko si Hiro na namulsa sa aming gilid. Tumulong ako sa pagpupunas ng luha ni Manang habang ngumingiti.

"I'm sorry, Manang... Napasarap ang bakasyon ko sa Davao."

Sumimangot siya sa akin at muling yumakap. Kahit noong makapasok, hindi na ata maawat awat si Manang. Pasulyap sulyap kay Hiro, kuryoso ngunit siguro hindi na nagtanong kahit gulat ito.

"Teka ipaghahanda ko kayo ng meryenda!" natataranta siyang nagtungo sa kusina.

I sighed and smiled. Tiningnan ko ang kabuuan naming bahay. Masyadong tahimik. Simula noong nasa Davao na ako ay hindi ko na halos matandaan ang detalye ng kabuuan. Ngayon ay naninibago ako ngunit pamilyar sa akin ang bawat mwebles, bawat painting sa pader, malaking frame ng aming pamilya kung saan nakatayo ako sa gilid ni Mommy na nakaupo, seryoso ang tingin at si Daddy sa kabila na nakahawak sa upuan ni Mommy habang ang isang kamay ay nakabulsa. Kaming tatlo ay puro seryoso ang tingin at litaw na litaw ang aking kaputian.

"Hiro..." tawag ko.

"Hmm?"

Itinuro ko ang hagdan. "Sa kuwarto tayo..."

Nagtagal ang tingin niya sa akin ngunit kalaunan ay tumango. Sinabi ko kay Manang Jema na ihatid na lamang doon ang meryenda.

Ako ang bumukas sa pinto ng aking kuwarto. My eyes twinkled when I saw my old room. Nakita ko agad ang batang ako na nakahiga sa kama habang may binabasang libro.

Iba ito sa kuwarto ko sa Davao ngunit malaki rin. Pink pa ang bedsheet at kapansin pansin ang mga box kung saan ko inilagay ang mga gamit ko noon.

"Pasok ka," anyaya ko kay Hiro at nilakihan ang pagkakabukas ng pinto.

Namulsa siyang tumango. Gumala agad ang kanyang tingin habang ako naman ay naglakad patungo sa box na nasa gilid. Yumuko siya at binuksan iyon. Sumilip ako sa kanyang ginagawa at yumuko rin.

"Your old things?" he asked.

I nodded. Lumuhod ako sa carpet. Umupo rin si Hiro at nag-indian sit. Kinalkal ko ang loob. Tumambad agad ang mga luma kong gamit. Nangunguna ang box ng Chanel.

Nagkatinginan agad kami ni Hiro. Kinuha ko iyon at itinabi. Ang sunod ay isang mamahaling perfume na regalo ni Ken. Hindi ko nalang iyon masyadong pinagtuunan ng pansin at nangalpal pa ng ilan.

Puro cute things na ang nandoon. I hated my past self kaya ganoon ako ka pursigidong itapon lahat ng bakas na magpapaalala sa akin sa malaanghel kong sarili.

I was so harsh for killing my old self because she's a big disappointment and a failure.

If only I could time travel, I wanna give her a hug and comforted her instead of being harsh to myself. I will whisper so many good things to her. Papagaanin ko ang loob niya dahil alam kong iyon ang kailangan niya.

Nagulat ako nang mahanap ang aking dating cellphone. Naka-off iyon kaya kinalkal ko ang charger and luckily gumagana pa naman.

Kumatok si Manang at pumasok sa pintong nakabukas ng malaki. Nangingiti niyang dinala ang tray ng meryenda at inilagay sa round table, sa harap ng puting sofa.

"Meryenda muna kayo..."

"Thanks Manang..."

Iniwan agad kami ni Manang para makapag-isa. Iyong sunod naman na box ang binuksan ko.

"What's this?" takang tanong ni Hiro nang may kinuhang lipstick. Hindi pa nakatulong noong napindot niya at nagvibrate agad.

My eyes widened. 'Yan 'yung regalo sa akin ni Irah sa irita niyang puro pang-aasar ang pinangreregalo ko sa kanya. It's a vibrator!

"Oh that's..." mabilis ko iyong binawi at ibinalik sa box.

Umangat ang kilay ni Hiro. Patay-malisya akong nangalkal ng iba pa. Hindi ko naman 'yan ginamit.

God. Kalahati ata ng kalokohan ko sa buhay ay si Hiro ang nakakakita. At bakit 'yung mga nakakahiya pa?

"Girl's stuff. Lipstick," I answered coz he's looking at me.

"And it's moving?"

"Lips are moving too, Hiro," giit ko, gustong lumusot sa kalokohan at hindi siya tiningnan.

"A normal lipstick won't move like that," aniya.

Umirap ako. "Siyempre it's a modern lipstick. High-tech na ngayon ang mga gamit. Gumagalaw na sila mag-isa," I reasoned.

He tilted his head and looked at me suspiciously.

"You're really obvious when you're..." nailing siya at binasa ang labi.

"Fine. It's a vibrator. Someone gave it to me," kaonting sulyap lamang at binawi ko agad.

Humilig si Hiro sa isa niyang hita at pumangalumbaba. Ang kanyang kamao ay nasa baba niya na.

"Who gave it to you?"

"Irah," sabi ko para tumigil na siya sa pagiging kuryoso niya.

"And you..." he stopped.

"Use it?" I smirked at him.

Nagtagal ang titig ni Hiro sa akin.

Hindi naman ako ganoon ka tigang noon. Yes I was curious with things and such but I am more active with my social life rather than my sex life.

"I didn't," sabi ko para matigil tigil ang iniisip niya.

Hiro nodded calmly. Isinara ko na ang box dahil baka kung ano pa ang makita ko ulit doon.

"Why are you so curious with my sex life? Wala ka bang ganoon?" kutya ko kahit ako rin naman itong walang ganoon.

"I'm not sexually active," aniya.

Tumango ako at hindi makatingin. Bukod sa nasa kuwarto kami, nakabukas ang pinto, nasa ibaba si Manang Jema, tapos ganito pa ang pinag-uusapan.

"Edi hindi mo nagamit ang mga condoms natin noon?"

He laughed a little and shook his head.

"Hindi..." namamaos niyang sabi, tumitingin tingin na sa aking labi at namumungay na ibabalik sa aking mga mata.

I nodded again. "Wala kang naging... fling or... you know... one night—"

"Virgin you say?" dugtong niya.

Natutop ang aking bibig at tumango.

"I am."

My eyes widened a bit. He's... huh... virgin?! I mean hindi naman dapat bigdeal iyon. Ngunit gulat pa rin ako.

"You never tried..." nagkatinginan kami at hindi ko halos madugtungan.

He shook his head slowly.

Oh I am so stupid for thinking about him and Naia doing it when I was young. Ang babaw din naman kasi ng tingin ko kay Hiro noon. He's sorrounded by his playboy cousins. But thinking about his circle of friends, sina Philip, Christian, at iba pa, unti-unti kong napagtanto kung gaano siya ka mapili sa mga kakaibiganin. Those men aren't wellknown for being playboy but for being academically smart and gentleman.

Isa sa naalala ko, wala siya sa circles ni Trey. Si Toshi ang nasa circles ng aking pinsan. Si Hiro naman ay nasa circles ni North. And my cousin is fucking smart. Marami mang nagkakagustong babae at pilyo pa ang delikadong ngisi ngunit hindi iyon playboy.

"But I jerked off sometimes before bed," he admitted casually.

Nabuga ko ang tawa. Oo at normal naman sa boys ngunit... natatawa ako. Nagkasalubong ang kilay ni Hiro ngunit ngumingiti.

"Pampatulog mo?" halakhak ko.

Ngumisi si Hiro at nailing. "Tsss."

"Nagtatanong lang ako!" giit ko kahit ngiting ngiti.

Hindi siya umimik kaya mas lalo akong tumawa. Ngumuso si Hiro, kalaunan ay papayuko habang hinahaplos ang buhok at natawa rin.

"Stop it..." namamaos niyang sabi at nasisilip ko ang ngiti.

"Akala ko kasi pipikit lang para makatulog. May iba ka pa palang paraan?"

Umahon ang kanyang ulo. Inangatan niya ako ng kilay. "I needed it when I'm turned on."

Tumango ako at ngumisi.

"What turned you on?" kuryoso kong tanong.

Naninimbang ang tingin ni Hiro sa akin at kinakagat kagat ang pang-ibabang labi. Iniisip ko tuloy... baka... ako pala? Pinagnanasaan siguro ako nito? I mean he's inlove with me. Siguro naman may gumagapang na ganoon sa imahinasyon niya?

"Your dance..." sabay pasada ng haplos sa buhok.

Nagkatinginan kaming dalawa. Bumababa ang tingin niya sa aking labi ngunit mabilis na iaakyat sa aking mga mata.

"Do you get horny when you're with me?" nagtagal ang titig ko sa kanya.

His brows furrowed but he looked so willing to answer all my curiosity.

"Pag mag-isa ako. At... naiisip kita," maingat niyang sagot.

"Pero pag magkasama?" talagang pinagpipilitan ko huh.

"Our moments together are short-lived. At magkakaroon pa ba ako ng oras sa ganoon kung malakas kang mang-away? Titingnan ka lang bastos agad..." nailing siya.

"It's because of your lustful eyes..."

"What? That's not how I looked at you," pag-alma niya sa paratang.

"Para kang nanghuhubad kung makatitig. Sabik na sabik," irap ko.

Humagalpak si Hiro. Nanatili ang palaban kong ekspresyon dahil totoo naman. Napaatras siya at naitukod ang kamay kakatawa. He pushed his head back and laughed hysterically.

Tumingin ako saglit sa kandungan niya. Tumingin ulit sa malaking katawan niya. Tumingin sa dibdib niya ganoon din ang biceps na sumisilip. Binawi ko ang tingin nang gumalaw ang kanyang ulo at nakangising sumulyap sa akin.

"Mukha lang akong patay na patay sa'yo kung makatitig pero hindi 'yon dahil pinagnanasaan kita."

"Still..." I arched my brow.

Tumango siya at parang gusto nalang sumuko.

"I'm sorry for that if it's making you uncomfortable. Masarap ka kasing titigan..." pag-amin niya.

I flashed a smirk.

"But I'm not sexually aroused everytime I looked at you. Hindi rin kita pinag-iisipan ng kahit ano pag tinititigan kita. You're just so damn beautiful so..." paliwanag niya agad.

I chuckled. "No need to apologize. Komportable naman ako."

He nodded and smiled. Ibinalik ko ang atensyon sa box at nagpasyang itabi na ang mga iyon.

Hindi na rin siya nagtanong ng kung ano ano sa akin. Ni hindi nagtanong kung may experience din ba ako. Maybe it wasn't a bigdeal for him or he doesn't like asking things about virginity and such. Komportable naman akong pag-usapan kung sakali man.

"Mag-iingat ka lagi..." haplos ni Manang Jema sa aking pisngi sa namumungay na mga mata nang magpaalam din kami.

Yumakap ako sa kanya. Noong humiwalay, sumulyap kay Hiro.

"Ikaw rin hijo..."

Tumango si Hiro. Hindi rin naman kami nagtagal doon lalo na't kailangan ko ring bumalik agad sa Davao.

Tanging cellphone at regalo ni Hiro sa akin ang dinala ko pabalik. I want to recover my old photos for the good memories I had when I was young.

Buong byahe, pansin ko na wala namang tanong si Hiro tungkol sa pag-alis namin. He's silent about it. He looked contented and he's willing.

Laman iyon ng isip ko hanggang makauwi kami sa bahay. Ang unang sumalubong sa akin ay si Lola. Sumunod si Lolo. My parents aren't around ngunit maya maya ay nakauwi rin at nangumusta agad sa lakad ko sa Manila.

Napuno ng kwentuhan sa dinner. Muling naimbitahan si Hiro na kumain sa amin. Dinaldal ko sa kanila lahat lahat habang nakikinig sila, ngiting ngiti at halatang nag-eenjoy sa kuwento ko.

"Nakapag-impake kana ba para sa pag-alis natin?" biglang singit ni Daddy pagkatapos ng kuwento ko.

Nangingiti pa ako noong bumaling sa ama kong nasa pagkain ang tingin at sumusubo. My Lola's smile slowly vanished. Si Mommy ay medyo naging hilaw din ang ngiti at kahit si Lolo ay napatingin kay Hiro.

"I'll do it later, Dad. After this..."

Tumango si Daddy. "Good."

Nagkatinginan si Lola at Mommy. Si Lolo naman ay sumimsim sa kanyang basong tubig at si Hiro ay nakatingin sa pagkain.

"Malaki ba ang bahay na nabili niyo roon, Dos?" tanong ni Lola at mukhang pilit pinapahupa ang sumapaw na tensyon sa biglaang katahimikan.

"Malaki rin..." si Daddy.

"Which part of the City?" makahulugang tanong ni Lolo.

"I already told you about it, Dad..." nag-angat ng kilay si Daddy kay Lolo.

"I forgot. You know I'm old..." sabay ngisi.

"Alam ni Mama," si Daddy.

"Naalala mo, Tracey?" baling ni Lolo kay Lola.

"Teka... parang... hindi. Saan nga 'yon, Dos?" si Lola na ngayon ay nakatingin na rin kay Dad.

"Sixteenth Arrondissement," my father murmured.

Oh? That's one of the nicest Arrondissement in Paris. If my memory is right, it's located across the Seine from the Eiffel Tower in the southwest corner of Paris. Maganda nga naman roon.

"That's the entire address? Walang... exact location?" si Lolo.

Bumagal ang pagnguya ko. Sa gilid ng aking mga mata, ramdam kong nakikinig si Hiro ngunit parang malalim din ang iniisip.

"That's it," si Daddy na parang gusto nang tapusin ang usapan tungkol sa address.

Panay ang lingon ko kay Hiro. Si Lola nalang ang nagbukas ng panibagong usapan ngunit hindi mo naman makikitang apektado si Hiro. He's composed. Of course he's willing to follow my father's rule.

Nag-impake ako kinagabihan habang nagte-text kaming dalawa ni Hiro. Nagtutupi na ako ng damit sa aking bagahe noong matanggap ulit ang text niya.

Hiro:

Are you planning to activate all your social media account? Instagram?

Binitiwan ko ang tinutupi kong undies at kinuha ang aking phone.

Ako:

Maybe? I missed posting photos.

Inilapag ko ulit iyon at ganadong pinagtutupi ang ilan ngunit matitigil para muling tingnan ang text ni Hiro.

Hiro:

Public?

Ngumiti ako. I didn't follow him on that account. Alam ko dahil ang batang ako ay hindi naman kuryoso sa kanya. I only followed few of the Delafuentes. Mostly girls.

Ako:

I'll follow you don't worry :)

Ngumiti ako ng matamis. Tumayo ako at nagtungo ulit sa walk-in para tingnan ang mga importante kong gamit doon. Oh I should bring some of my heels! Nandito halos lahat ang mamahalin kong gamit at ang iba pang dress ay nasa plastic, hindi halos nagagalaw.

Kumuha ako ng mga damit sa hanger rack at dinala lahat palabas. Umilaw ang screen ng aking phone dahil sa panibagong text.

Binitiwan ko sa kama ang mga iyon at dinampot muli ang aking cellphone.

Hiro:

Thanks :)

Hiro:

Your facebook account?

Kinagat ko ang labi at nagtipa ng mensahe.

Ako:

Gusto mo rin doon?

He reacted on my text first before typing for another reply.

Hiro:

It's up to you.

Ako:

'Yung friend request mong more than ten years na?

Ilang taon nga lang ako noong mangyari iyon? Eighteen? Nineteen? Natatawa pa ako dahil aksidente kong na like ang post niya months ago.

Hiro:

It's fine if you want me as your follower.

Ngumiti ako at nagreact sa mensahe niya. Wala sa sariling napahiga ako sa kama. Oh you're so... pumikit ako at nasapo ang dibdib. Malala na talaga ako. Kahit aalis, kampante ako kay Hiro. Kahit nasa malayo, panatag ako.

For the longest time that we've known each other, his consistency never failed to give me the assurance I needed.

Kaya kahit siguro nasa kabilang panig ako ng mundo, malayo at wala sa tabi niya, magiging panatag ako!

Ni hindi ko magawang ma-insecure sa nakapaligid sa kanyang babae. Sadyang sa sobrang laki ng ibinigay niyang assurance, panatag ang puso ko kahit wala man siya sa tabi ko.

"Ihahatid mo kami?" gulat na tanong ni Mommy nang magpakita si Hiro sa aming bahay at nagpresentang ipagmaneho kami sa airport sa araw na 'yon.

"Baka balak mong sumama. Tatlong plane ticket lang ang naka reserba," nagawa pang magbiro ni Daddy.

"Hindi Sir. Baka ihulog niyo lang din ako sa eroplano o isabit sa labas ng bintana pag tinangka ko," Hiro chuckled playfully.

Nagawa pang makipagbiruan! Nagkasalubong tuloy ang kilay ni Daddy.

"Huwag mo 'yang pansinin, hijo. You know... matatanda. Istrikto," my Mom giggled.

Hinayaan nila si Hiro na ihatid ako lalo na't pumayag din ako. My Lolo let him. Ayaw na rin kasi nilang sumama sa airport. Yakapan at pamamaalam ang ginawa namin bago umalis.

Besides, may mga okasyon naman. Uuwi paminsan minsan for sure. May pasko, Anniversary, Chinese New Year, birthdays, maraming okasyon! Hindi ito ang magiging huli.

Hinalikan ako sa ulo ni Lolo at Lola bago ako pumasok sa kotse ni Hiro kung saan ako sasabay. Tatlong kotse ang gamit. Isa kay Hiro, isa sa aking parents, at isa sa mga tauhan na sisiguraduhing safe na pupunta roon.

Tahimik si Hiro sa driver's seat. Ako naman nakatingin sa bintana, tahimik din. Tinitimbang ko ang sitwasyon ngunit malinaw sa isip ang aking plano.

Hindi naman ito ang magiging huli naming pag-uusap ni Hiro. Kaya siguro... ayos nalang din sa akin ang pananahimik niya.

Natanaw ko ang airport. Pumasok kami sa parking lot. Naunang bumaba ang aking parents at kita ko ang pag-aabang nilang makababa ako habang kinukuha palabas ng mga tauhan ang dalang bagahe. Lumabas si Hiro sa driver's seat. Umikot siya at pinagbuksan ako sa front seat.

Lumabas ako at muling pinanood si Hiro na nagtungo sa back seat para kunin ang aking malaking bagahe.

Ibinaba niya iyon at hinila paakyat ang handle. Imbes na ibigay sa akin ay siya mismo ang humawak noon.

Tahimik pa rin siya habang naglalakad kami patungo sa aking parents. Sabay kaming pumasok at naghintay sa flight sa upuan. Matao. My heartbeat is stable. Hindi na ganoong nininerbyos.

Nag-uusap si Mommy at Daddy sa gilid. Sa aking tabi, tahimik na nakahalukipkip si Hiro at seryoso. He's not talking to me.

Ngumuso ako. Wala ba siyang... sasabihin? Aalis ako at tahimik siya? Talagang namamangha ako sa paninindigan ni Hiro at pagiging matibay niya.

"Franca," tawag ni Dad na ikinabalik ko sa sarili. "It's time..." aniya habang tumatayo na rin sila ni Mommy.

Tumango ako at tumayo. Tumayo rin si Hiro. My mother went to him first. Tumingkayad siya at niyakap si Hiro.

"I'm gonna miss you..." bulong ni Mommy.

Hiro bowed his head a bit but didn't say anything. Humiwalay si Mommy at ngumiti. Tinapik niya ang balikat ni Hiro at bumalik sa gilid ni Dad.

My father just looked at him seriously. Napatingin din si Hiro at iniyuko ng kaonti ang ulo para magbigay galang.

"You take care," malamig na tugon ni Daddy.

Mommy chuckled. Hiro nodded and smiled a little.

"You too, Sir..."

Ako naman ang lumapit kay Hiro. I saw how his jaw clenched a bit. His weary eyes looked weak. Humigpit ang hawak niya sa handle ng aking bagahe noong huminto ako sa harap niya.

He slowly put my baggage infront of me. Tumingin ako saglit doon at muling umahon ang tingin para tingnan siya.

"So... see you?" I chuckled weakly.

He nodded and smiled. "See you..." he whispered hoarsely.

Doon ko napagtanto kung bakit siya hindi nagsasalita o kinakausap man lang ako. Bumaba ang aking balikat at kinuha ang handle ng aking bagahe.

I looked at Hiro. Sumeryoso siyang muli, matatag tingnan at hindi nababali ang kompustura. I smiled and nodded, slowly turning my back.

I have so many things left on my mind. Marami akong gustong sabihin ngunit parang hindi ko rin kayang magsalita lalo na't sa pananahimik niya, parang hindi ko rin kayang baliin iyon.

I won't forget your love, Hiro. It will always serve as a reminder for your long rope of patience. You have everything. Flawed but still worthy.

Marahan kong hinila ang bagahe at sumunod sa aking parents. Lumingon ako sa likuran. Nakita ko sa dagat ng mga tao si Hiro. Nakapamulsa habang malalim ang paninitig at hindi umaalis sa kanyang kinatatayuan, tahimik akong tinanaw na umaalis.

I saw him on my mind. Different places. But same image and deep brown eyes. It was so fast. Nagbabago ang damit niyang suot, ang paligid, ang kulay ng langit, ang dagat ng mga tao, ngunit mananatili siyang nakatayo, tahimik akong titingnan sa malayo.

And that's how he loved me for the past years. Until now. Patience. Sacrifice. Unconditional love.

I smiled and bowed my head a bit. My heart hurts for him. Ngunit kontento at kampante ako ngayon. Hindi siya aalis. Mananatiling naghihintay. Magpapaubaya at mamahalin ako ng walang kapalit. Mamahalin ako sa malayo. Mamahalin ako ng kusa. Mamahalin ng tunay.

Continue Reading

You'll Also Like

569K 21K 69
Coffees and pancakes. Teas and waffles. Two people crossed that created ditto but with dissonance.
2.4M 73.8K 53
Cassandra Emerald Fortalejo is the "sassiest" and social butterfly of her cousins. She's crowned the 'it girl' of her generation with a royalty-inspi...
847K 143 1
Anneska Enriquez or 'Anne' is willing to do anything just to have him all by herself. She wants her crush 'Tyrone Alexander Santiago' to make him str...