R U L E D (NGS #10)

By Ineryss

2.5M 84.5K 72.7K

Mara Torrefranca Buenaventura is one of the "deadliest" girl in her clan. She wears innocence as a mask that... More

R U L E D
P R O L O G U E
1st Ruled
2nd Ruled
3rd Ruled
4th Ruled
5th Ruled
6th Ruled
7th Ruled
8th Ruled
9th Ruled
10th Ruled
11th Ruled
12th Ruled
13th Ruled
14th Ruled
15th Ruled
16th Ruled
17th Ruled
18th Ruled
19th Ruled
20th Ruled
21st Ruled
22nd Ruled
23rd Ruled
24th Ruled
25th Ruled
26th Ruled
27th Ruled
28th Ruled
29th Ruled
30th Ruled
31st Ruled
32nd Ruled
33rd Ruled
34th Ruled
35th Ruled
36th Ruled
37th Ruled
38th Ruled
39th Ruled
40th Ruled
41st Ruled
42nd Ruled
44th Ruled
45th Ruled
46th Ruled
47th Ruled
48Th Ruled
49th Ruled
50th Ruled
Epilogue

43rd Ruled

43.4K 1.5K 619
By Ineryss

Ruled

Hottest

Maaga akong nagising kinabukasan. Naligo agad at ganadong nag-ayos. Nangalkal ako ng maisusuot. I sighed when I couldn't find a single white dress for myself. Lahat ng puti kong damit, naroon sa kabilang bahay ko sa Crocodile Park.

Pero mag-iitim naman 'yon si Hiro. Pagkababa ko sa hagdan, nanibago ako sa sofa na walang laman. Nariyan siya lagi. Naghihintay. Baka nasa kotse na sila ni Mommy?

Humalik ako kay Lolo at Lola para magpaalam. Dumeritso sa garahe at nakikitang binubuksan na ng katulong ang malaking gate. Lumapit ako sa kotse. Binuksan iyon ng tauhan na naghihintay sa labas.

Sumulyap ako sa driver's seat nang makitang... hindi si Hiro ang naroon. Tumitig ako ng ilang sigundo at kunot-noong hinila papasok ang aking sarili.

"Where's Hiro?" I asked my mother.

"Nagbigay ng bagong driver ang Dad mo. Hiro's probably..." nagkibit si Mommy habang abala sa kanyang bag.

Umuwi na sa Manila? Lumunok ako lalo na't iyon ang sinabi ko sa kanya sa huli naming pag-uusap. Na umuwi na siya sa Maynila dahil naroon ang buhay niya.

Kaso sabi niya, narito ang buhay niya! Ano 'yon? Naalala niyang naroon talaga ang buhay niya at wala rito? Nahimasmasan kagabi sa kalasingan at napauwi nang wala sa oras?

O baka... may sinabi si Lolo at Daddy sa kanya! Baka tinaboy na nila? Pinagbantaan?

Hindi ba dapat matuwa ako? Kaso hindi! Naiinis ako. Sinungaling 'yon! Sabi ko na nga ba... mawawala rin siya. Sabi ko na talaga.

Dismayado ako at parang kinukurot ang puso ko. Anong ginawa ni Daddy at Lolo?! O baka... ako rin ang may kasalanan lalo na't halos hindi ko siya pinapansin talaga sa mga nagdaang araw. Iniiwasan. Pinagsabihan ko pang umuwi na siya.

At naniwala naman siya! Pag sinabi kong tumalon siya sa bangin para sa akin tatalon ba siya?! Ang uto-uto niya kung gagawin niya iyon!

Hindi ko na nasaulo ang pag-uusap namin ng therapist ko. Pagkauwi, deritso na lamang ako sa kuwarto at nagmukmok.

Hindi ako sanay sa driver. Hindi ko gusto na siya ang naroon. Maaga kong itinulog ang lahat lahat.

Gusto ko sanang komprontahin si Lolo at Daddy sa sobrang frustration ko kaso para saan? Eh kasalanan ko rin naman hindi ba? Ako nga ang may gusto na wala siya rito. Kaya bakit... bakit isisisi ko sa iba?

Hindi ko ulit siya nakita sa sumunod pa na araw. May nagdoorbell. Kuryoso akong bumaba at naunang sumilip nang makita ang pagpasok ng gym trainer ko.

Bumuntonghininga ako.

Binuhos ko ang buong araw sa pagpapawis kahit hindi matanggal tanggal sa aking isip ang huling sinabi ni Hiro. It lingered in my mind.

Sinusulit? Gusto niyang sulitin? What for? Kung masasaktan siya sa dulo, bakit siya magpapatuloy? Ayoko sa ganoon. Ayoko iyong ilalagay ako sa sitwasyong masasaktan ako. Ayokong umaasa ako. Kaya siguro noon, gusto ko laging malinaw. Kung walang mapapala ay hihinto agad ako.

I never liked those relationship where you only give. Dapat give and take. Ngunit si Hiro, handang ibuhos ang lahat kahit walang makuhang kapalit. Kahit puro lamang sakit ang maisusukli.

What kind of love is that? Unconditional? He's hurting himself. My old self would mock him probably.

Ngunit hindi na rin ako ang babaeng iyon. I learned too. Kaya hindi ko magawang itulak tulak siya ng lubusan. Hindi ko magawang saktan siya para lang tumigil na. Iniiwasan ko ngunit mahirap. Dahil para sa akin, gusto ko rin iyon ng palihim. Gusto ko ring nandiyan siya.

Gusto kong sumandal siya sa akin kung nahihirapan siya. Gusto kong magpahinga rin siya sa'kin kung pagod na siya. Gusto kong manatili siya sa tabi ko.

Gustong gusto ko rin ang ganoon.

Ngunit ang hirap. Pinupuno niya ng saya ang puso ko. Nakakatakot dahil baka magising nalang ulit ako, wala na siya sa tabi ko. Nakakatakot dahil baka produkto rin pala siya ng imahinasyon ko kahit malinaw naman sa akin na reyalidad siya.

"Pahinga muna tayo. Ten minutes," ang gym trainer ko na tinanguan ko.

Pinanood ko siyang lumayo at lumapit sa meryendang nakahanda para sa kanya. Ang akin naman ay nasa kabilang tray. Puro prutas, yogurt at fresh veggies.

I smiled and shook my head. Buti at sinanay ako ng first chef ko. Kaso mas strict 'yon si Hiro. Damn him for lying! Akala ko talaga namumulubi na ang mga Malls dahil nagkakaubusan lagi, 'yun pala ay pinagdadamutan ako ng matatamis!

Humiga ako sa mat at tinakpan ang aking mukha, magkasalubong ang kilay ngunit nangingiti sa naaalala. Iyon ang naging hakbang ko para disiplinahin ngayon ang aking sarili. Kahit wala naman siya rito, pag gusto kong kumain ng matamis, naririnig ko agad siya sa isip ko. Na bawal iyon. Hindi pwede. No sweets for me. Maiirita ako ngunit sa huli ay ngingiti na lamang din.

Malala na 'to. Makakaahon nga sa napagdaanan pero mababaliw ata ako kay Hiro. Sa kanya ako malulunod. This is what I hate when he's not around! Nangungulila agad ako sa kanya! Kung nandiyan siya, ayaw ko naman siyang pansinin. Tapos wala, hahanap-hanapin!

"Aerobics tayo next," paalala ng gym trainer ko.

I nodded without saying anything. Oh how I wish he's here— Shut up! Stop it! Baka kung ano naman iyang maimbento mo sa isip mo!

I cleared my mind and focused with my aerobic session. Magaan ang pakiramdam ko tuwing natatapos. Naligo ako at nagpasyang magbasa ng libro ni Michael Faudet pagkatapos.

Natanaw ko ang kakadating lamang na si Dad. He looked so formal, intimidating and very serious. Ang kanyang katangkaran at malaking katawan ay talagang marahas tingnan.

Bumaba ang tingin ko sa bulaklak. Pink tulips. Ibinalik ko ang mga mata sa pahinang binabasa hanggang makarating siya sa aking gilid at yumuko para patakan ako ng halik sa aking noo.

"Done with your exercise?" tanong ni Dad at inilapag sa mesa ang bulaklak.

"Yup," I smiled a bit.

Tumango siya at hinila ang isang upuan. Ipinwesto niya ito sa tabi ko. Bumagal ang aking pagbabasa gamit ang mga mata at medyo distracted kay Daddy na pumangalumbaba sa nakabukaka niyang hita sa aking gilid, seryosong ipinagsalikop ang mga kamay at mariin ang titig sa akin.

"I have something to say..." may pag-iingat sa marahan niyang boses.

"What is it, Dad?" hindi ko inalis ang tingin sa libro.

"So... I found a place for us in France. May nabili akong property. Malaki ang bahay. Maganda rin ang paligid..."

I know what he's planning to say. I nodded and listened carefully.

"If you wish to leave then..."

Ilang buwan na rin simula noong nawala si Illisha. Nangungulila pa rin ako hanggang ngayon. Nalulungkot pa rin. Ngunit kumakalma lagi ang aking puso sa tuwing naalala ang sinabi ni Hiro. Illisha's in my heart. She's there. She's always with me.

Ang ginagawa ko na lamang ngayon ay paghahanda sa pagpunta ko sa Manila. Ayokong humarap sa kanila na durog durog at dala dala ang sugat ng kahapon. Ayoko silang bigyan ng rason para malungkot sa akin. O ayoko ring maisip nila na kinarma ako. I want to stand firm. I want to look strong for myself. Hindi ko ihaharap ang mahinang sarili ko.

"Give me more time, Dad. Binabalak ko pang pumunta sa Manila. Siguro pag sinabi na ng therapist ko. Pag kaya ko na."

Ni hindi ko pa kayang makihalubilo. Hindi pa kailanman nakakapunta sa mga mataong lugar katulad ng Malls o Restaurants. Hindi ako nakakagala. Kahit ang shopping ay may sarili na ring gumagawa at iyon ay ang personal shopper kong si Rhea. I love Europian brands kaya siya madalas ang nangingibang bansa para lang bumili ng mga damit ko. Si Mommy mismo ang naghire sa kanya.

Umiikot na lamang ang mga araw ko sa bahay at sa clinic.

I can't even watched some movies or have a phone. May mga bagay pa rin na nakakapanginig sa akin. May mga bagay na hindi ko kayang hawakan dahil napapangunahan ng takot at pangamba.

"Do you want to see them? Are you sure?" si Dad.

Umangat ang aking tingin at napunta sa pool. Kumikinang ito dahil sa halik ng liwanag sa hapong iyon. Hindi ganoon ka init ngunit hindi rin ganoon ka lamig ang buwan ng Setyembre sa Davao.

"I want to, Dad... May kasalanan ako."

He sighed and bowed his head a bit. Ilang sigundo niyang itinago ang ekspresyon niya.

"I understand. But... it wasn't your fault," he said.

Pero pakiramdam ko kasalanan ko. Ang mga panahong iyon, pakiramdam ko, sinisisi ako. Na ako ang dahilan. At hanggang ngayon, ganoon pa rin ang nararamdaman ko. Na kasalanan ko.

Ayoko laging balikan iyon. Nakalimutan ko siya sa tatlong taon na namuhay kasama si Illisha at naging masaya ako. Naiintindihan ko ang sinasabi ng psychiatrist ngunit mali bang hangarin na sana, nakakulong nalang ako sa ilusyong iyon habang buhay?

Mas pipiliin ko atang mamuhay ng mali sa mata ng lahat kung alam ko, sa mga mata ko, iyon ang tama. Dahil masaya ako.

"I have another question," si Dad nang matahimik na ako.

Tumango ako at muling ibinalik ang atensyon sa libro para ilipat ang pahina.

"Are you..." he paused and licked his lip. Humilig siya sa kanyang palad at isinandal niya ang isang kamay sa bilugang mesa sa aming harap.

"Are you inlove with him?" mahina ngunit malinaw ang pagkakatanong ni Daddy.

Natigil ang aking mga mata kakabasa. Tinitigan ko ang mga salitang tila banyaga sa akin dahil hindi ko maintindihan.

I looked at my father and smiled.

"I am not the right girl for him," I said.

Nagkasalubong ang kanyang kilay, medyo gulat sa sagot ko at para bang dismayado.

"What do you mean?"

Nagkibit ako. "I'm a mess, Dad—"

"Mess? You're fucking perfect," giit ni Daddy.

Akala ko ba... nawala na ang tiwala niya sa kanila? Kaya bakit ngayon, parang pinagtatanggol niya?

"So you want me for him?" I chuckled a bit.

Gumalaw siya sa kinauupuan at humilig. Ang mga daliri ay nagta-tap na sa mesa, ang tingin ay malalim at halatang nag-iisip ng mabuti.

"You want him for me?" ulit ko sa ibang kategorya.

He didn't speak. Madilim ang ekspresyon ngunit kalmado.

"Sa France, maraming french doon. Mas guwapo pa siguro sa kanya. Ano lang ba ang tindig ng batang 'yon? Maraming ganoon sa ibang bansa."

"Marami ring katulad ni Mommy sa ibang bansa, Dad..." I smiled.

"I love your Mom. She's irreplaceable..." he answered nonchalantly.

I nodded. "He is, too..." sabay lipat ng pahina.

Natahimik si Daddy. Alam ko na gets niya na.

"So you love him," tila ba kumpirmasyon sa tanong niyang hindi ko nasagot kanina.

Hindi ako nagsalita.

"You love him," ulit niya na akala mo'y nabibingi na ang babae niyang anak dahil walang imik.

"Sasama ako sa inyo sa France. Pwedeng next year..."

Natutop ang bibig ni Daddy. He looked bothered. Hindi man ganoon ka klaro ngunit ramdam ko. Tumango siya at tumayo. Hinalikan niya ulit ang aking ulo.

"Alright..."

Tumalikod si Daddy at namulsa. Dahan dahan kong dinala ang aking ulo para tingnan siya. Inalis ko iyon doon at ibinalik sa pink na tulips na nasa mesa.

I sighed. Iniisip ko tuloy kung maaga akong nahulog kay Hiro. Ano kaya ang naging buhay naming dalawa ngayon?

He's the least I liked. Sa magpipinsan, siya rin ang hindi ko gaanong napapansin dahil nga misteryoso at ang sungit tingnan. Masungit din naman si Latch at Roche kaso sila kasi iyong palaging ngingiti sa akin pag kasama ko. I hate Hiro's intensity. He's always mighty. Parang nasa tuktok lagi at nakapangalumbaba sa kanyang trono habang mariing kinikilatis ang mga mababang uri ng tao sa kanyang paanan.

Ganoon siya lagi. Kahit bata pa ako, ganoon din kaya hindi ko siya napapansin talaga. Mas close pa ako sa kapatid niya. Kahit naman supladang tingnan si Zera, kalmado 'yon sa akin. Hindi ako tinatarayan.

Kaso si Hiro? Ewan ko ba. Ang sungit sungit! Hindi ako takot sa kanya. Ngunit hindi ko rin gusto. Palaging blangko ang utak ko pag tungkol sa kanya noon. Parang estranghero na kilala ko lamang ang pangalan ngunit walang maidedetalye sa sobra niyang ilap.

Kaya bakit ngayon, hulog na hulog ako sa kanya?

"May appointment ulit tayo bukas, hija," paalala ni Mommy kinagabihan nang ihatid ang aking gamot.

Siya na lagi ang naghahatid noon kung hindi ay si Lola. The maids were intimidated by me. Minsan kasi, nakakalimutan ko na hindi pa pala ako uminom at maiirita kung pinilit sa akin. Hindi ko naman sinasadyang magsungit minsan at humihingi rin naman ng tawad agad. Para daw akong si Daddy at Lolo pag tumitig, iyon ang sumbong nila lagi kay Lola.

Tumango ako kay Mommy at tinanggap ang gamot. Hindi ko pwedeng hindi inumin dahil hindi ako makakatulog sa dami ng babara sa isip ko. Ang mga side effects ay matapang minsan kaya nakailang palit din ako ng gamot para lang maka-adjust.

Ang tagal kong nagising kinabukasan. Malamya ang kilos.

Pagkababa, natanaw ko na may nakaupo sa sofa. Ang nakapangalumbabang si Hiro ay napaahon ang ulo nang makita ako.

Tumigil ako at medyo iniisip na baka namamalikmata na ako nito. Baka nakabuo na naman ng imahinasyon sa sobrang pangungulila ko. He's probably not real.

Habang bumababa, mas lalo siyang nagiging malinaw sa akin. Nauna na atang tumalon ang aking puso. Pilit ko nalang dinadala ang aking sarili sa kalmadong paraan para hindi magmukhang sabik o naaapektuhan sa presensya niya. Alam kong totoo siya. Hindi ako namamalikmata.

He came back? Sa sobrang sama ng pakiramdam ko sa kanya, nilagpasan ko siya at dumeritso na ako sa kotse.

Humalukipkip agad ako sa back seat nang makapasok. Pinanood ko kung paano kinausap ni Mommy si Hiro na nakapamulsa, naka-itim na t-shirt ulit, kulay beige na jacket at denim pants. He looked so serious while listening to my Mommy who's shaking her head problematically, parang nagsusumbong na ewan.

Bumukas ang pinto at dumungaw si Mommy sa akin.

"Goodbye, hija. See you later hmm?" Inabot ni Mommy ang aking ulo kaya lumapit ako ng kaonti, nagtataka habang dumadampi ang halik niya sa aking pisngi.

"You're not coming with us, Mom?" I asked curiously.

Umiling si Mommy at sumulyap kay Hiro na pumasok na sa driver's seat.

"Oh no. Sasama ako sa Dad mo. Nagpaalam ako sa'yo kagabi while we're having dinner. Sabi ko kayo lang muna ni Hiro. Tumango ka..."

What? Masama ang loob ko sa nagdaang araw at walang pumapasok sa isip ko. I was busy with my own thoughts.

"Hiro..." tawag ni Mommy para magpaalam don sa kanya.

Tumango si Hiro. Ngumiti si Mommy sa akin at isinara rin ang pinto. Tumingin si Hiro sa itaas ng salamin, tiningnan ako bago pinaandar ang kotse.

Tahimik ako buong byahe kahit nasasakal ako sa sama ng loob. Kung sa nagdaang araw ay dahil sa pagkawala niya, ngayon naman ay sama ng loob dahil nagpakita siya.

"Bakit ka bumalik?" naisatinig ko na ang aking iniisip.

I saw how his eyes looked at me on the mirror. He looked puzzled.

"What do you mean?"

Kinurot ko ang mga daliri kong pinaglalaruan ko sa aking kandungan. Dinala ko ang tingin sa labas ng bintana. Makulimlim at madilim ng kaonti, hudyat na bubuhos ang ulan ano mang oras.

"Umuwi kana sa Manila, hindi ba? Bakit ka bumalik kung ganoon?" gusto kong magtunog kalmado ngunit humahalo ang pagkakadismaya, ang naipong sama ng loob sa nakaraang araw na pilit kumakawala.

"Nandito lang ako sa Davao, Torrefranca. Hindi ako umalis," he explained calmly.

Liar.

Hindi ako umimik. Naiirita ako.

"Anong kasalanan ko. What's making you mad. Tell me please..." malambing at nagsusumamo ang tinig na iyon.

Kinurot kong muli ang aking daliri ngunit matinding kurot ang nangingibabaw sa aking puso. Namalayan ko nalang ang luhang pumatak. Mabilis kong pinalis iyon, nagdadasal na sana ay hindi niya nakita.

Rinig ko ang marahas niyang paghinga, ang murang humalo, at ang unti-unting paghinto ng kotse sa gilid.

"Hindi ako umalis..." his voice was so gentle.

"Hindi kita nakita noong..."

"Hang-over ako kinabukasan. Your father doesn't want me to drive. Kaya ko naman pero ayaw niya kaya hindi ko napilit. You didn't get my flowers?"

Pinagtagpi tagpi ko ang lahat sa aking isip. Lasing nga siya sa gabing iyon. At... ang mga bulaklak na bigay ni Daddy sa akin ay galing sa kanya? Sa kanya ang mga iyon?

Hindi ko alam kung bakit imbes na matuwa, mas lalong lumulubog sa sakit ang nararamdaman ko. Pinalis kong muli ang luhang kumawala, naiirita at nadidismaya sa sariling nararamdaman.

"I'm sorry..." buntonghininga ni Hiro, ang boses ay paos at tila nasusugatan.

I swallowed the lump on my throat. I couldn't talk. Malakas ang pintig ng puso ko. Nakakabingi. May nagwawala sa aking tiyan at may sumusuntok sa aking dibdib.

Hindi ko siya nilingon kahit nakadungaw siya sa akin dito sa back seat. Nakikita ko ang namumungay niyang mga mata, ang pagmamakaawa roon na sana ay patawarin ko siya.

"You didn't read my letters? May mga notes sa bulaklak..." he explained more.

Hindi ko nakita! Pinalis kong muli ang luhang malalaki dahil panay tulo. Nanlalabo ang aking paningin sa labas na natatakpan ng dilim ng langit.

Naglahad siya ng panyo sa akin. Hindi ko iyon tinanggap. Gusto kong manindigan.

"Stop crying please..." namamaos niyang bulong.

Imbes makinig, nanlabo pa lalo ang mga mata ko. Mas lalo pa ata akong maiiyak sa tinig niya. Ang pangungulila ko ay naipon kaya kaonting bulong bulong niya lang, bubuhos na ata ang iyak ko!

Ang tapang tapang mo noong nakaraang araw para sabihing sana ay umalis siya at kaya mo naman, hindi ba? Na dapat ay wala siya sa tabi mo! Na huwag na siyang magpakita at umalis na! Ngunit ngayong ilang araw lang na hindi sumulpot, nangulila ka agad!

Hindi naman ako ganito ma-inlove eh. Nakakatiis naman ako lalo na't malinaw naman sa akin ang relasyon namin ni Hiro. We're not even couples! Kaya bakit ganito ako? Feeling girlfriend na umiiyak dahil pinagdadamutan ng atensyon!

I'm ashamed for acting like a fucking baby who wants to be held in his arms so bad. A fucking girlfriend who's yearning for a hug.

"Mali-late na ako sa appointment ko," namamaos kong sabi at nagmamatigas pa rin.

He sighed problematically. Bigo siyang tumango at humarap sa kalsada para makapagmaneho ulit.

His words comforted me but it wasn't enough. Ngunit dahil matigas ako, kunwari ay walang pakialam kahit ramdam kong pumupula na ang aking ilong dahil umiiyak.

Tahimik na lamang akong nakatingin sa bintana. Panay ang tingin niya, ayoko naman siyang tingnan. Nagtatampo ako kahit ako itong may kasalanan.

Pagdating sa clinic, nauna pa akong bumaba. Naunang maglakad papasok. I was so snob. Tapos mamayang gabi, pagsisisihan mo na naman, huh? Magiging emosyonal na naman.

Paglabas ko, tumayo agad si Hiro. Sabay kaming naglakad sa parking lot. Pinagbuksan niya ako sa backseat ngunit nauna kong buksan ang front seat at doon pumasok, doon nagpasyang umupo para magtulugtulugan ulit.

I reclined my chair so I can sleep. Ayoko siyang pansinin. Hindi ko naramdamang gumalaw ang kotse. Dumilat ako at nakita siyang inaadjust din ang kanyang upuan hanggang sa humiga siya roon at ginawang unan ang dalawa niyang palad.

Lumingon siya kaya mabilis akong pumikit. Bakit naman hindi pa kami aalis? Kaso uuwi rin naman agad kami. Hindi ko na pinuna dahil baka bigla siyang umahon at magdrive na pauwi agad.

"Ang haba na ng buhok mo," he commented.

Napadilat tuloy ako ng wala sa oras. Sa gilid ng aking mga mata, nakikita ko ang ulo niyang nakaharap sa akin, sumisilip sa aking mukha.

Pumikit ulit ako kaso... kuryoso sa tinutukoy niya.

Baka mukha na akong aswang? Dumilat akong muli. Umahon ako sa pagkakahiga. Binuksan ko ang aking dalang bag at dumukot ng salamin. Tiningnan ko ang aking buhok.

The soft curls looked tamed. Ang curtain bangs na nakasanayan ay lumagpas na rin sa aking maliit na mukha at hanggang leeg na.

"Pangit?" I asked.

"No. Napansin ko lang," si Hiro. "Why? Do you want to cut it? May malapit naman siguro na salon dito..."

Tumingin ako sa bintana. Ayokong lumabas sa totoo lang. Kaso, ngayong pinuna niya ang aking buhok, naisip ko rin na maganda ngang magpagupit.

"Sasamahan kita kung gusto mo," Hiro offered.

Nag-isip isip pa ako at wala sa sarili siyang nilingon. Nakahiga pa rin siya. Sumisilip sa bawat braso ang biceps niya lalo na't inuunan pa rin ang magkabilang palad.

Nagtagal ang paninitig ko sa kanya. His eyes softened when he noticed I'm staring at him.

"Pwede ba akong bumisita araw-araw sa bahay niyo?"

Huh?

"Bakit?" kahit alam ko ang sagot ay nagtanong talaga ako.

"To see you, of course..."

Kumunot lalo ang aking noo.

"Bakit hindi ka bumisita noong nakaraan?"

"Your Lolo looked so strict and... I thought you don't want to see me..."

Namilog ang aking mga mata. Lumunok ako at nag-iwas ng tingin. Bumalik ako sa pagkakahiga at inilagay ang aking kamay sa aking tiyan. Tumitig ako sa itaas.

Bigla akong nanghihina. Pinagsisihan ko ngayong naririnig ko ito sa kanya. Ayokong naiisip niya ang ganoon kahit iyon naman ang gusto kong iparamdam. Hindi lang nagpakita, heto ako at parang napaparusahan din.

Gumalaw si Hiro at paharap nang humiga sa akin, ang kamao ay nasa gilid na ng kanyang ulo.

"Sinabi ko ba 'yon?" I asked softly.

"Umiiwas ka. Thought you're slowly... hating me."

Kumirot ang aking dibdib. Oo at iyon ang gusto ko na maisip niya, na wala na siyang aasahan sa akin. Na dapat ay hindi na siya maghintay pa. Ngunit traydor ang puso kong naghahangad na sana ay nandiyan siya lagi. Nangungulila.

Pumikit ako, pinilit na magpakatatag. Nasa dila ko na ang pag-amin. Ngunit parang nabibingi sa lakas ng kalabog ng aking dibdib at nasasakal sa pintig ng puso ko.

"I'll visit you tommorow," pinal ang tinig niya.

"My grandfather is strict," namamaos kong bulong.

"Kung papayag kang bibisitahin kita. Haharap ako sa Lolo mo. Makapal naman lagi ang mukha ko."

Napadilat ako ng wala sa oras at irita siyang tiningnan ngunit nangingiti rin. Hiro chuckled.

"Ngayon pa ba ako mahihiya? Kahit hindi ako imbitahan, pupunta ako."

Umirap ako at umiling. "Bahala ka..."

"Bahala ako huh? Pupunta ako kung ganoon. You didn't say no so... I'll assume it's a yes."

Kinagat ko ang nakangiti kong labi. "Bahala ka. At... ayos lang naman."

Pumikit siya ng mariin at tinakpan ang mukha. Nasilip ko ang pagngisi niya. He sighed heavily.

His smirk is really one of his sexiest asset. Imagine if he's always like this back in our younger days, siguro siya ang pinaka popular na Delafuente? Kaso sikat na rin naman talaga siya sa mga babae eh. No wonder everyone's saying he's the hottest Delafuente...

Well it's obviously true.

Tapos walang girlfriend? Kung naging kami ni Hiro, anong klaseng couple kaya kami? Noon iniisip ko na mag-aaway kami lagi. Hindi magkakasundo. Kaso ngayon na malaki na kami, nagbabago na ang pananaw ko sa bagay na iyon. Kung naging girlfriend niya ako, baka...

Muli kong inangat ang hawak kong salamin at tiningnan ang aking buhok at doon nalang ma-distract.

"Gusto kong magpagupit," desisyon ko.

Bumangon siya sa pagkakahiga at ibinalik sa dating ayos ang kanyang upuan.

"May malapit na Mall dito," aniya.

Tumango ako. "Pumunta tayo."

Continue Reading

You'll Also Like

4.7M 137K 60
Cana Aleyna Delafuente, "the ignorant girl" of the Delafuente clan who has a childlike and sweet personality hooked herself from someone she doesn't...
3.4M 93.1K 61
Chey Venice Fortalejo is the "friendliest" and most approachable amongst the Fortalejo cousins. Since they were young, she had been very vocal about...
3.4K 267 15
It was love. Race Eleyn Miriazo knew that it wasn't a typical moment of time. It was a season of butterflies and sunrise. Their feelings were at the...
1.8K 99 69
(Completed) Solidad Atienza recklessly gave her all: her love, time, and effort to a man who never made her feel loved and who made her feel worthles...