Of False Accusations

By unbreakabledanger

102K 3.5K 1K

12 people, 12 characters and a game. 2 killers, 2 shields, 1 doctor, 2 policemen, 1 barman, a detective and 3... More

Prologue
Chapter One - Not a prank
Chapter Two - Unknown
Chapter Three - White Room
Chapter Four - Close your eyes
Chapter Five - Pointing Fingers
Chapter Six - That's a foul, missy
Chapter Seven - An evil for an evil
Chapter Eight - Loathe could kill
Chapter Nine - Bound to lose
Chapter Ten - No way out
Chapter Eleven - Cover up
Chapter Twelve - Excuses and Connections
Chapter Thirteen - Going home
Chapter Fourteen - Not all angels have wings
Chapter Fifteen - A father
Chapter Sixteen - Save one soul
Chapter Seventeen - Gone in a blink
Chapter Eighteen - His rules (Part I)
Chapter Eighteen - His rules (Part II)
Chapter Nineteen - Hours wasted
Chapter Twenty - Connecting the dots
Chapter Twenty one - Nothing left to lose (Part I)
Chapter Twenty one - Nothing left to lose (Part II)
Chapter Twenty two - Destined to die
Chapter Twenty four - Uncertainties
Chapter Twenty five - Fixed roles
Chapter Twenty six - His act of bravery
Chapter Twenty seven - Keeping the deal
Chapter Twenty eight - Protecting her
Chapter Twenty nine - Loaded gun
Chapter Thirty - Turning tables
Chapter Thirty one - Grudge
Chapter Thirty two - Held captive
Chapter Thirty three - Battle they never won
Chapter Thirty four - Nightmares of waking up
Chapter Thirty five - A powerful army
Chapter Thirty six - Behind the trigger
Chapter Thirty seven - Sudden sacrifices
Chapter Thirty eight - All fall down
Chapter Thirty nine - Someone to save you
Chapter Forty - The game master I am
Finale
Epilogue
The pinaka-malupit na A/N
Special Chapter
Playlist ♫

Chapter Twenty three - Vital points

2K 74 9
By unbreakabledanger


A/N: Hello po~ Sorry po ngayon lang hehe hinintay pa po kasi naming mag 10k tayo, pasensiya na po minsan lang naman yun hahaha. Nakakatuwa po kasi :) Eto naaaaa ^^'


Chapter Twenty-three

Dana's POV


Nandito ako ngayon sa bench na laging inuupuan ni Alex sa school namin. Minsan din niyayaya niya ako at dito kami kumakain pero ngayon... wala na. Lahat ng nakasanayan kong gawin kasama yung epal na iyon, wala na lahat.



"Hi," hinarap ko naman si Gabe na tumabi pala sakin. I'm thankful to this guy, kahit kasi nung buhay pa si Alex lagi siyang nandyan sa tabi ko hanggang ngayon.



"Hoy wag ka ngang sumimangot diyan," he poked my cheek and I glared at him.



"Ano bang problema mo ha?" pabiro kong singhal sa kanya pero bigla niya kong niyakap.



"Huy ano ba.." kumakawala ako pero ayaw niyang bumitaw, mahigpit ang yakap niya na para bang pinapadama na andiyan lang siya para sa akin.



"I won't leave you okay? Dana, you need to stay strong dahil alam nating lahat na hindi pa tapos ang laro at hindi natin alam kung sino nanaman ang isusunod niya." Sambit niya na hinihimas pa ang ulunan ko.



"Gabe..I'm tired." Pag-amin ko. Totoo, pagod na talaga ko sa lahat ng ito, sa lahat ng mga pangyayari sa buhay ko.



Kumalas siya at hinarap ako. "Listen to me Dana, kung susuko ka na para saan pa at lumaban tayo ng hanggang dito?" hindi ako makatingin sa kanya ng diretso. Alam ko naman yun, para saan pa nga ba kung hindi namin itutuloy 'to at hihintayin nalang na may mawala nanaman sa aming isa.



"Tara na tumayo ka na diyan, alam kong 'di ka pa kumakain tsk." Sungit talaga ng lalaking 'to oh. Hinatak niya ako at sabay na kaming naglakad papuntang canteen.



Nakita ko naman dun si Jason sa isang table kaya dun kami umupo, aba't ang sama pa ng tingin sa akin tusukin ko kaya mata nito?



Tumayo na si Gabe para umorder ng pagkain kaya naiwan ako dito sa panget na'to. Napatingin naman ako sa leeg niya, kitang kita kasi yung tattoo niya ngayon dahil sa suot niyang damit... Kakaiba talaga ito, his tat was a wolf w/ letter R in it. Ang angas. Letter R? Teka ba't nga ba letter R?


[Nasa multimedia po yung tattoo ni Jason hehe ^^; Gwapo noooo TxT]



"Anong tinitingin tingin mo diyan?" pagsusungit niya, napa-nganga naman ako dahil sa inaasal nitong epal na 'to.



Hindi ko na siya sinagot bagkus ay inabangan ko nalang ulit si Gabe na dumating, pagbalik niya naman ay may kasama na siya.. teka sino nga ulit siya? Ahh oo, si kuya Vincent.



"Dana, si kuya Vincent kilala mo na siya diba?" Kumunot naman ang noo ko pero tumango padin. Umupo na silang dalawa kaya ang dating eh katapat ko na si Gabe at sa gilid ko naman si Kuya Vincent.



"Paano nga pala kayo nagka-kilala?" tanong ko sa kanya.



"Sa staff room. Diba student assistant ako, eh andun siya lagi kasi nag sub ata siya sa isang teacher dun na mawawala for 7 months. Wala naman akong makausap kasi lahat sila alam mo na matatanda na." natawa naman ako dun, ah kaya pala madalas ko na siyang makita dun sa bintana ng staff room.



"Swerte nga eh, natanggap." Napatingin naman ako sa kanya, kung hindi lang talaga ko matalino papa-tutor ako. Joke lang.



Isa-isa ko naman silang tinignan habang kumakain, yung dalawa nag-aaway nanaman at si Kuya Vincent tawa lang ng tawa sa kanila. Siguro kung hindi dahil sa mga taong 'to nababaliw na ko ngayon dahil sa pagkawala ni Alex.



Napayuko ako at pinipigilan yung mga luhang gusto nanamang kuwala sa mga mata ko, bakit kasi ang hirap hirap? Maya-maya lang ay may naramdaman akong lumapag sa lap ko, panyo pala tumingin naman ako kay Kuya at ngumiti lang siya. Nakakahiya naman ano ba 'to.



"I heard what happened, I know it's really painful but I know you'll get through," Napatingin ako sa kanya at napangiti. Kahit na hindi kami masyadong magkakilala eh, andun yung concern.



"Hoy Gabriel mauna na ko tinatawag na ko ni tandang sungit sa staff room." Pagpapaalam niya at pinaalis naman siya ni Gabe sa pabirong paraan. Napangisi ako sa kanila, they seemed so close siguro nakaka bored talaga sa staff room.



Maya maya lang din ay napansin ko na bumababa sa hagdan si Simon at Krystalle at lumpait sila sa amin ng nakangiti.



"Hey guys, may event daw na magaganap and our blocks were assigned sa decorations!" Masayang pahayag ni Krsytalle at tumango tango kami, ayos na din siguro 'to para malibang ako.



"Sunod nalang kayo ha?" huling saad ni Simon at tska naglakad na palayo sa table namin.



Tinapos lang namin yung pagkain naming tatlo at tumayo na din kami. Tinawag ko muna si Lucas at pinauna ko na yung dalawang aso't pusa.



Pinuntahan ko naman siya dun sa room na lagi naming pinagtatamabayan at nag silbing parang 'hide out' namin nila Alex noon nung siya pa ang nagl-lead sa third game. Bahagya akong napangiti sa ala-ala niya, yung pagtatampo niya kasi hindi namin siya sinabihan at yung nestea joke niya na siya lang ang tumawa. Miss na kita bestfriend..



Dahan dahan ako sa pagpasok sa loob at dun ko nakita na natutulog pala si Lucas, at take note sa sahig! Lakas talaga ng tama ng lalaking 'to oh? I didn't know he has this habit of sleeping everywhere.



Lumapit naman ako sa bintana at dinama ang simoy ng hangin habang nasa paanan ko padin siya at mahimbing na natutulog. Pagod ka na din ba?



Umupo ako sa isang upuan at isinandal ang likod ko dito at pumikit ng marahan, nararamdaman ko na malapit nanaman.... Nararamdaman ko nanaman ang pagkabog ng dibdib ko.



Masyado ng mabailis ang mga pangyayari and that only indicates the near end... I can feel it, malapit na malapit na kami sa kalagitnaan ng larong ito and that only means mas titindi ang pa ang mga mangyayari. Mas maraming sakripisyo, mas maraming mawawala at mga sikreto na mabubunyag.



Hindi pwedeng ginagawa sa amin ito ng walang dahilan, dahil kung ganun nga eh ako mismo ang papatay sa kanya. Nang nandito pa si Alex wala sa isip ko ang mga bagay na ito, ni hindi ko maatim ang ideya ng pagpatay.



Pero ngayon? Kayang kaya kong pumatay para sa mga kaibigan ko. Game master never played fair to us simula palang, tama nga naman the rules are simple, just win.



Naputol naman ako sa pagiisip ko ng habang nakapikit ay may naramdaman akong mainit na paghinga sa aking mukha, iminulat ko ng dahan dahan ang mga mata ko at nakita na ang lapit lapit ng mukha sa akin ni Lucas, seryosong seryoso ang mukha niya. Gising na pala siya, hindi naman ako naiilang, siya naman yan eh.



"What are you thinking?" He asked me still in that distance. Umiiling-iling ako at umayos ng upo at umayos na din siya ng tayo. Napabuntong hininga naman ako.



"Tara na baba na tayo." Pag-aya ko naman at wala na siyang tanong-tanong pa na sumunod.



Pagkababa namin ay naabutan na namin silang busy sa kani-kanilang ginagawa. Lumapit naman kami kung nasaan sila Gabe, Jason, Krystalle at Simon. Hindi parin sumasama sa amin si Janine.



Tumulong na agad ako sa mga paggugupit at kug anu-ano pang idinidikit nila.



"Bro, I heard your swimming competition will be in a week or two?" sambit ni Gabe na ang tinutukoy ay si Simon, oh my god swimmer pala siya?



"Yep, excited na ko." He proudly stated, I can see it in his eyes, the eagerness to win that contest.



"That's important to you right? That annual competition?" biglang saad naman ni Jason, importante? Bakit naman? Pride, or what?



"Yeah... Kapag hindi ko naipanalo ang contest na'yan that will be the end of my swimming career. At hindi pwedeng mangyari iyon no, dahil ako pa? Simon ata 'to?" Nagtawanan naman kami dahil sa pagyayabang niya, nag acting pa siya ng pa-swimming swimming.



Oo ganito na kami kapomportable sa isa't isa to the point na nakakapagbiruan na kami, masaya din naman silang kasama.



"We'll be there to watch," I assured him and he just grinned at me. Nagpatuloy lang kami sa ginagawa namin ng biglang mag ring ang phone ni Simon, istorbo naman yan? Nagdidikit yung tao eh.



Pinunasan niya muna yung glue sa kamay niya and he picked up the call.



"Hello?" he answered cheerfully, excited na talaga talaga ang layo layo pa eh!



"Simon." Napahinto kami lahat sa ginagawa namin ng marinig namin ang boses na yun. I cursed mentally, WHAT NOW? Nawala ang kasiglahan ni Simon at sumeryoso ang mukha nito.



"Lead the Fourth Game." The voice continued, shit shit shit. Si Simon ang susunod na mag le-lead?!



"Why are you fucking doing this." Calm but deadly, that's how Simon is acting right now. Parang si Alex ng makausap niya din ang Game master ng third game.



Nagkatinginan kami ni Lucas, kumpleto kami ngayon at tumawag si Game Master. Ibig sabihin...mali kami?



"The rules are simple Simon, very, very simple." Mapang-asar at mabagal niyang tugon sa kabilang linya. Napa-pikit kami at napailing iling. Yan din ang sinabi niya sa amin. The rules are simple. Ha ha.



"Lose your competition and one soul shall be saved." Nanlaki ang mga mata namin sa narinig, hindi yan pupwede!



Kasasabi lang ni Simon na hindi niya pwedeng ipatalo ang competition na iyon! I also heard that he needs the money that's why he's so determined to win. Damn damn... I looked at him who's now taken back dahil sa mga narinig.



He tried opening his mouth for a comeback but he closes it again. Simon is lost for words.



"B-bakit? Bakit iyon?! That competition is so fucking important to me! Bakit?!" pagsigaw niya at mas humihigpit pa ang hawak sa telepono. Naluluha na ko, nakita kong napaiyak na siya sa galit and he's trembling! Even Krsytalle was trying to calm him down but it's no used.


Inagaw ko ang cellphone sa kanya, at ako ang kumausap sa hayop na nasa kabilang linya.



"And if he wins?" I questioned, napatawa naman siya ng bahagya. I gritted my teeth in anger.



"If he wins? Then one of you shall give his life to me again." At dun na natapos ang usapan namin, he hung up the phone at tanging tunog na lamang ng cellphone ang naririnig.



Tinigan kong muli si Simon, ano ng gagawin namin?



He ran his hand through his hair at naihilamos niya ang mga palad sa kanyang mukha. Naawa ako sa kanya. Lalo namang tumindi ang galit ko kay Game Master, he is striking us in our vital points, our achilles heels, sa mga alam niyang hinding hindin namin kayang isakripisyo.



Simon is an athlete, at isa sa mga pinaka mahirap na gagawin mong desisyon sa buhay mo kung isa kang atleta ay ang i-give up ang sports mo. Because that is your life, that's why he's still striving at alam niya na pag ni-risk niya 'to sa huling pagkakataon sa competition na iyon at natalo, that will be the end of him.



But damn Game fucking Master is really testing us. Tumingin ako sa mga kasama ko, nawala na ang masaya naming atmosphere kanina at balik kaming lahat sa ganitong kalagayan.



I don't know what to think, nor what to say para palakasin ang loob niya. Being the lead is sure scary, isn't it?



**

THANKS FOR READING :)) VOTE AND COMMENT ♪

Euaaaaaa 10k na tayooo *confetti *confetti. Thank youuu po !!! -a, c, m

Continue Reading

You'll Also Like

2K 215 6
In the small town of Casus-- where I live, we have a belief. That everyone was given a second chance. . . no matter what they've done or who they ar...
3.7M 174K 69
Her name is Cindy Gonzales and this is her journey to Music Academy.
1.2K 306 50
Dahil sa pagiging introvert ni Hydra Santiago, wala pa siyang nagiging boyfriend kahit na 26 anyos na siya. Handa namang tumulong ang magkasintahang...
57K 5.2K 103
chat story #4 • Twitter chat ft. Taehyung and Yoona.