Stay Wild, Moon Child

By alyloony

1.6M 106K 55K

Her only goal is to finish the last year of her High School life in peace. But then she met a guy who is so g... More

Prologue
Chapter One
Chapter Two
Chapter Three
Chapter Four
Chapter Five
Chapter Six
Chapter Seven
Chapter Eight
Chapter Nine
Chapter Ten
Chapter Eleven
Chapter Twelve
Chapter Thirteen
Chapter Fourteen
Chapter Fifteen
Chapter Sixteen
Chapter Seventeen
Chapter Eighteen
Chapter Nineteen
Chapter Twenty
Chapter Twenty One
Chapter Twenty Two
Chapter Twenty Three
Chapter Twenty Four
Chapter Twenty Five
Chapter Twenty Six
Chapter Twenty Seven
Chapter Twenty Eight
Chapter Twenty Nine
Chapter Thirty
Chapter Thirty One
Chapter Thirty Two
Chapter Thirty Three
Chapter Thirty Four
Chapter Thirty Five
Chapter Thirty Seven
Chapter Thirty Eight
Chapter Thirty Nine
Chapter Forty
Chapter Forty One
Chapter Forty Two
Chapter Forty Three
Chapter Forty Four
Chapter Forty Five
Chapter Forty Six
Chapter Forty Seven
Chapter Forty Eight
Chapter Forty Nine
Chapter Fifty
Chapter Fifty One
Chapter Fifty Two
Chapter Fifty Three
Chapter Fifty Four
Chapter Fifty Five
Chapter Fifty Six
Chapter Fifty Seven
Chapter Fifty Eight
Chapter Fifty Nine
Chapter Sixty
Chapter Sixty One
Chapter Sixty Two
Chapter Sixty Three
Chapter Sixty Four
Chapter Sixty Five
Chapter Sixty Six
Epilogue

Chapter Thirty Six

21.4K 1.5K 1K
By alyloony

Chapter Thirty Six

Bakit kasama si Seb?!

Ayan ang paulit ulit na isinisigaw ng utak ko habang nasa byahe kami papunta sa Antipolo. Well, ipinaliwanag sa akin kanina ni Harold na last minute, nag open pa ng isang slot at si Seb ang sinuggest ni Harold to come with us. Kung paano niya napapapayag ang mga teachers, I have no idea. Basta ang tanging laman lang isip ko ngayon ay I feel so uneasy na kasama ko si Seb at Harold sa isang lugar.

Kanina ko pa pinapakalma ang sarili ko. Gusto kong itanim sa utak ko na wala akong dapat ika-bahala kasi wala naman gusto sa akin si Seb. Ayun ang pinaka imposibleng mangyari. At kung sakaling meron man---which is alam kong imposible nga---pero just in case lang na may gusto sa akin si Seb, siya ang nag decide na pumunta dito knowing the fact na magkasama kami ni Harold. So kung ano man ang interaction namin ni Harold na ma-wi-witness niya, wala na siya doon.

And as if may ka selos selos na mangyayari eh hindi nga interesado sa akin si Harold. Obvious naman masyado.

Kaya wala akong dapat ika-uneasy. Wala talaga.

Napabuntong hininga ako.

Hindi pa rin ako mapakali?!

"Ms. Pres, gamitin mo oh," dinig kong sabi ni Harold at napalingon ako bigla sa kanya.

May inaabot siya sa akin na jacket habang nakangiti.

"Baka nilalamig ka na," paliwanag pa nito.

At doon ko lang na realize kung bakit niya ako inaabutan ng jacket. When I'm anxious, I tend to rub my arm. Siguro kaya niya naisip na nilalamig ako.

"Okay lang!" sabi ko, rejecting the offer. "Hindi naman ako nilalamig."

Pero ipinatong pa rin ni Harold ang jacket niya sa balikat ko.

"Wag kang mahihiya sa'kin," he said with a smile.

Napatitig ako nang bahagya sa kanya dahil ang ganda ng ngiti niya at ibinibigay niya ang ngiti na 'yun sa akin. Parang lumundag ang puso ko and I felt this warm, fuzzy feeling inside me. His jacket around my shoulder felt like a warm hug and for a moment, I badly want to break into a huge smile. Pero pinigilan ko. I tried to keep a straight face at iniwas ko ang tingin ko kay Harold. Napatingin na lang ako sa labas while trying to take my mind off of Harold. But the truth is, nagsusumigaw na ako sa utak ko. Alam kong mali ang kiligin sa simple gesture na 'to. This is a recipe for heartbreak. Pero hindi ko mapigilan.

Ganito katindi ang epekto sa akin ni Harold at gusto ko na lang sabunutan ang sarili ko. Grabe, one simple gesture, na distract niya agad ako sa train of thoughts ko.

Napahinto ako bigla, because suddeny, naalala ko yung struggle ko kanina.

Seb.

Agad akong napalingon kay Seb na naka pwesto sa likod ng van. Dahil mag-isa lang siya doon sa likod, nakahiga na siya. Ginawa niya pang unan ang backpack niya. May naka pasak na headset sa tenga at nakatakip ang braso sa kanyang mga mata. Mukhang malalim ang tulog.

Napahinga ako nang malalim. Thank god hindi niya narinig.

Teka nga... wala naman akong ginagawang masama, bakit natatakot ako na marinig niya?!

Napa buntong hininga ulit ako.

Na f-frustrate na ako sa sarili ko ha.

~*~

Hindi gaanong malayo sa amin ang Antipolo that's why less than an hour, nakarating na kami sa venue kung saan gagawin ang seminar. Medyo malaki yung lugar. Garden style ito with a huge pond in the middle. Sa palibot ng pond ay may mga nakatayong mga villa. Around six or seven if I'm not mistaken. Yung mga villa na yun serves as the event hall na nirerentahan ng mga customers nila.

The villa where the leadership seminar will be held is located at the far left corner of the venue. Bago kami makarating doon, kailangan muna naming tumawid sa isang mahabang hanging bridge.

Nakita ko na may mga estudyante at teachers na rin from different school ang tumatawid doon sa hanging bridge na 'yon. Medyo magalaw ito. May isang estudyante pa na nag tatatalon doon para mas umuga yung bridge. Nakita kong na out of balance yung kasamahan niya at muntik muntikanan pa 'tong matumba.

Napalunok ako ng bahagya. As someone na lampa, kahit pag tawid sa hanging bridge ay kinatatakutan ko. Paano kung matumba ako? Mahulog sa pond? Sa harap ni Harold? Baka hindi na ako makakilos doon at magpalamon na lang ako sa lupa.

Napahinga ako nang malalim. Pansin ko lately mas dumarami na ang kinatatakutan ko ha? Ano bang nangyayari sa akin? Gusto ko na talagang sabunutan ang sarili ko.

Okay Iris, kalma. Hanging bridge lang yan. Makakatawid ka ng hindi mo ipinapapahiya ang sarili mo. Ang dami mo nang naging achievements sa buhay, ano pa ba yung pag tawid sa hanging bridge 'di ba?

Humakbang ako sa bridge. Medyo magalaw pero kaya naman basta walang mag lilikot.

Napatingin ako sa harap ko, nauunang mag lakad si Seb at Harold sa akin habang nag uusap sila.

"Malalim kaya yung pond?" dinig kong tanong ni Harold kay Seb habang nakatingin ito sa pond sa ibaba namin.

"Try mo mahulog para malaman mo," sagot naman ni Seb dito.

"Ba't hindi ikaw mauna tutal ikaw naman nag suggest," Harold answered back playfully.

At nagtulakan sila doon kaya umuga yung bridge. Napahawak agad ako sa gilid kasi pakiramdam ko matutumba ako. Nanginginig ang tuhod ko at hindi ko makuhang humakbang. Malala pa, may bata sa dulo ng bridge na nagtatatalon din kaya mas umuga pa yung bridge.

Bakit kasi may pa hanging bridge pa ang lugar na 'to? At ba't ang gugulo ng mga tao? Gusto ko lang naman makatawid ng maayos!

"Miss bilis," sabi nung estudyante na nasa likod ko. Napalingon ako sa likod ko at nakita kong mahaba haba na nga ang pila dahil sa akin.

Napayuko ako at tinignan ang mga paa ko as I will myself to move. Kaya lang pag hakbang ko, umuga na naman ang bridge at muntikan na akong ma out of balance. Napahawak ulit ako sa gilid habang nakakarinig na ako ng pigil na pag rereklamo ng mga taong nasa likuran ko. Natetempt akong barahin sila. 'Di ba pag leader, dapat mahaba ang pasensya?! Bakit naiinis na agad sila?!

"Let me help you."

Agad napa angat ang tingin ko nang marinig ko ang boses na 'yun and I saw Harold in front of me. He's offering his hand while giving me an encouraging look.

Gusto kong lumubog sa kahihiyan dahil pag tawid lang sa bridge na 'to, hindi ko pa magawa. At the same time, I can't deny that my heart's melting right now dahil nag offer siyang tulungan ako.

I gladly took his hand. It's warm and soft. His grip on me is tight habang inaalalayan niya akong makatawid sa bridge.

Truth be told, I don't know how I managed to survive that. Pakiramdam ko kanina parang sasabog na ang buong pagkatao ko habang hawak ni Harold ang kamay ko. It made me imagine things. It made me think, paano na lang sa taong gusto niya? Gaano kaya magiging ka-sweet at ka-alaga 'tong si Harold?

Ang swerte naman nun. Pwede bang ako na lang 'yun?

I felt my heart beat faster.

Well, that's a first.

Unang beses kong tinanggap sa sarili ko na gusto kong magustuhan ako ni Harold. Lagi kong tinatanim sa isip ko na imposible, na hindi pwede, na hindi ako umaasa, na hindi rin naman ako ready sa relationship. Pero hanggang kailan ba ako mag sisinungaling sa sarili ko.

I like Harold so much. And the thought of him liking someone else hurts like hell. At yung possibility na gusto niya si Mona ay mataas.

Pero pwede kaya? Kahit ngayong araw lang, i-enjoy ko na magkasama kami? Walang Mona.

Si Seb.

Napatingin ako sa paligid nung makalagpas kami sa hanging bridge. Hinanap agad ng mata ko si Seb but he's nowhere to be found. Malamang nauna na sa venue ang isang yun.

Nakita kaya niya...?

No. Please. I want to be selfish today. Ayokong intindihin ang ibang tao. Focus lang ako na magkasama kami ni Harold. For today lang.

Tama. For today lang?

"Iniwan na ata tayo ni Seb," sabi ni Harold as he let go of my hand.

I felt empty all of a sudden. Kanina ang tingin ko sa bridge parang ang haba, ngayon naman parang ang ikli na lang dahil ang bilis akong binitiwan ni Harold. Pwede bang take two? Pwede bang tumawid ulit kami doon?

"Baka nasa venue na?" I said.

He chuckled, "for sure. Atat na yun makaupo eh. Anong oras na ba?"

Inilabas ni Harold ang phone niya to check the time. Pag open niya nito, I got a glimpse of his phone screen....

And my heart suddenly dropped.

Yung wallpaper niya.... it's a selfie of him and...

Napaangat ako ng tingin kay Harold. I'm pretty much sure hindi ko matago ang expression ko ngayon dahil sa sobrang gulat. And by the looks of him, alam kong aware siya sa nakita ko.

"Iris..." he said.

I let out a nervous laughter.

"Tara na?" sabi sa kanya at patalikod na sana ako nang hawakan niya ang braso ko at hinarap niya ako sa kanya.

"Can you keep a secret?" he said. At ngayon ko lang siya nakita na ganyang ka seryoso. Pakriamdam ko hindi ako makahinga. Nasaan na ba si Seb? Can he ruin this moment for me? Please?

Tinapik ko si Harold sa balikat, "you don't have to tell me. Hindi rin naman ako mag sasalita."

At ayokong marinig, please. Mas okay na hindi ko na lang alam. Please, Harold---

"I like Chichi."

At parang nahulog ng tuluyan ang puso ko sa sahig. Damang dama ko ang pagkakabagsak nito.

"And I'm planning to ask her out . Can you help me?"


To be continued...

Continue Reading

You'll Also Like

1.5M 66.2K 17
Mahal kita, ikaw na best friend ko.
105K 5K 29
Saan galing ang mga kuwento? Paano pumili ng pamagat? Anu-ano ang mga story elements? Gaano kalaki ang plot? Ilan ang dapat na tauhan sa kuwento? Bak...
1.9M 15.3K 87
It's so good to love someone so much it hurts, right?
1K 57 10
Louiscito Pedrico Borromeo III... Loui for cute. A one of a heck babaero. Abusado sa kagwapuhang taglay. But ironic as he is, hopeless romantic iyan...